text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Wikang Paulohi
|
Ang wikang Paulohi ay isang wikang sinasalita sa Indonesia.
|
Matt LeBlanc
|
Si Matt LeBlanc ay isang kilalang artista sa sining ng Pelikula at Telebisyon.
|
Rovigo
|
Ang Rovigo ay isang lalawigan ng rehyon ng Veneto sa Italya.
|
Ang lungsod ng Rovigo ang kabisera nito.
|
Wikiversity
|
Ang Wikiversity ay isang proyektong Pundasyon ng Wikimedia na sinimulan noong Agosto 15 , 2006.
|
Zeddiani
|
Ang Zeddiani ay isang comune sa lalawigan ng Oristano sa bansang Italya.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
Triei
|
Ang Triei ay isang comune sa lalawigan ng Ogliastra sa bansang Italya.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
Balneolohiya
|
Ang balneolohiya o balneoterapiya ( Ingles : balneology , balneotherapy ) ay ang panggagamot sa pamamagitan ng pagpapaligo ng pasyente sa tubig na may mineral.
|
Ito ang teknikal na katawagan para sa pag - aaral ng lahat ng uri mga paliguan , ang epekto ng mga ito sa katawan sa ilalim ng iba 't ibang mga kalagayan o katayuan , at pati ng paggamit sa kanila sa kalusugan at sa karamdaman.
|
Hinango ang salitang ito mula sa Lating balneum na may ibig sabihing " paliguan " o " babaran ".
|
Crawford Long
|
Si Crawford Williamson Long ( 1 Nobyembre 1815 - 16 Hunyo 1878 ) ay isang Amerikanong siruhano at parmasyotiko na pinaka nakikilala dahil sa kaniyang unang paggamit ng nalalanghap na diethyl ether bilang isang anestetiko.
|
Bagaman ang kaniyang gawain ay hindi nalalaman sa labas ng isang maliit na pangkat ng mga kasamahan sa loob ng ilang mga tao , siya ay kinikilala na sa ngayon bilang ang unang manggagamot na nakapagbigay ng anestisyang ether para sa siruhiya.
|
Cogne
|
Ang Cogne ay isang comune sa lalawigan ng Lambak Aosta sa bansang Italya.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
Punsiyong hiperbokiko
|
Ang hyperboliko na punsiyon ( hyperbolic function ) ay analogo ng ordinaryong trigonometrikong punsiyon o sirkular na punsiyon.
|
Ang mga basikong ( basic ) mga hyperbolikong mga punsiyon ay hyperbolikong sine " sinh " , at ang hyperbolikong cosine " cosh " na mapagtatamuhan ( derivation ) ng hyperbolikong tangent " tanh " at iba pa na tumutugon sa mga natamong trigonometrikong punsiyon.
|
Ang inbersong hyperbolikong punsiyon ay ang area hyperbolikong sine " arsinh " ( o tinatawag ding " asinh " o " arcsinh " ) at iba pa.
|
Wicca
|
Ang Wicca na kilala sa tawag na paganong panggagaway ( Ingles : pagan witchcraft ) ay isang paganong relihiyon.
|
Ang mga disipulo ng relihiyong ito ay tinatawag na Wiccan ( Wiccano ) at minsan ay mga witch ( mangagaway ).
|
Ang kilusang Wicca ay pinasikat noong dekada ng 1950 at dekada ng 1960 ng Mataas na Paring Wiccano na si Gerald Gardne.
|
Ang Wicca ay duoteistiko ( paniniwala sa dalawang diyos ) na sumasamba sa isang diyosa ( babaeng diyos ) at isang diyos.
|
Ang dalawang diyos na ito ay pinaniniwalaang aspeto ng dakilang panteistikong pagkadiyos at ipinapamalas ang kanilang sarili sa ibat ibang mga diyos na politeistiko.
|
Walang sinusunod na mga dogmatikong aral ( hindi pinagdududahang aral gaya ng sa ibang relihiyon ) ang sinusunod sa Wicca ngunit may aral na sinusunod ang nakakaraming mga Wiccan na tinatawag na Wiccan Rede.
|
Ang Wiccan Rede ay nagsasaad na " kung ang isang bagay ay hindi makakasama sa iba , gawin mo ito " ( an it harm none , do what ye will ).
|
Ang aral na ito ay pinapakahulugan na ito ay pahayag ng kalayaang gumawa kaakibat ng pagkakaroon ng responsibilidad sa mga bagay na ginagawa at pagbabawas ng panganib sa paggawa nito sa sarili at sa kapwa tao.
|
Isa pang elemento ng moralidad ng Wicca ang " Batas ng makatatlong beses na pagbalik " ( Law of Threefold Return ) na nagsasaad na anumang mabuti at masamang gawing aksiyon ng isang tao ay babalik sa kanya ng makatatlong ulit o katumbas ng puwersa sa bawat antas ng katawan , isipan at espiritu.
|
Ang ideyang ito ay katulad ng karma sa Budismo.
|
Ang Wiccan Rede at Threefold Law ay ipinakilala sa Wicca ni Gerald Gardner at tinanggap sa Wicca.
|
Ang mga Wican ay nagnanais na palaguin ang walong birtud na binanggit ni Doreen Valiente sa Charge of the Goddess.
|
Ang mga ito ay ang kasiyahan ( mirth ) , paggalang ( reverence ) , karangalan ( honor ) , kapakumbabaan ( humility ) , kalakasan ( strength ) , kagandahan ( beauty ) , kapangyarihan ( power ) at kahabagan ( compassion ).
|
Lasador na pangkalawan
|
Ang lasador na pangkalawakan o bombinang pangkalawakan ( Ingles : space shuttle ) ang isang sasakyang pangkalawakan na ginagamit ng organisasyong NASA ng Estados Unidos.
|
Nagdadala ang mga ito ng mga astronota papunta sa mas panlabas na puwang sa kalawakan.
|
Mayroon din itong silid ng kargada na nagpapahintulot sa mga satelayt , mga instrumentong pang - agham , at iba pang mga bagay na madadala papunta paitaas sa kalawakan.
|
Bugtong o bukod - tangi ito sa mga sasakyang pangkalawakan dahil maaari itong gamiting muli.
|
Canaan ( ng Bibliya )
|
Ang Canaan o Canan ( kasalukuyang Palestina ) ay isang pook na nabanggit sa Bibliya.
|
Ito ang lupaing ipinangako ng Diyos na ibibigay niya sa Israel.
|
Matatagpuan ito sa silanganing dulo ng Dagat Mediteraneo kung saan nagtatagpo ang Asya , Europa , at Aprika.
|
Tinatawag na mga Cananeo o mga Canaanita ang mga mamamayan ng Canaan , o mga taga - Canaan.
|
Batay sa Aklat ng Henesis na nasa Lumang Tipan ng Bibliya , isang " lahing sinumpa ng Diyos " ang mga Cananeo.
|
Herkules
|
Si Hercules , na nakikilala rin bilang Herkules , Herakles , o Heracles ( sulat na Griyego : Erakles na binibigkas bilang Hraklis ; Latin : Hercules ) ang pinakamalakas na tao sa mitolohiyang Griyego.
|
Anak siya nina Zeus at Alcmena.
|
Panunukso
|
Ang tukso o panunukso ay ang pagsubok sa isang tao upang gumawa ng isang kamalian , katulad ng maling gawain o kasalanan.
|
Katumbas ito ng mga salitang tuksuhin , tentasyon , pagbuyo , ibuyo o buyuhin , pag - ulok , lamuyot , paglulong , pag - akit o akitin , rahuyo o rahuyuin , hibuin , pilitin o mapilitan at magtulak o itulak sa isang masamang gawain.
|
Kalamnang aduktor ng balakang
|
Sa anatomiya ng tao , ang mga kalamnang aduktor ng balakang o mga aduktor ng balakang ( Ingles : adductor muscles of the hip , hip adductors , groin ) ay isang pangkat ng mga kalamnan ng hita na nagsasagawa ng aduksiyon ng hita.
|
Ang mga ito ay nasa loob ng hita at karaniwang tinatawag na singit o groin sa Ingles.
|
Sa pagkilos , kapag nakatuwid ang binti , ang mga masel na ito ang nagpapahintulot na muling mahilang pabalik papunta sa katawan ang binti ; ang galaw na ito ang tinatawag na aduksiyon ng balakang o hip adduction sa Ingles.
|
Ang pangkat ng mga aduktor ay binubuo ng mga sumusunod :.
|
Ang mga aduktor ay nagsisimula sa ibabaw ng mga butong pubis at ischium at sumusingit o sumusuot sa panggitnang panlikurang ibabaw ng ibabaw o kapatagan ng femur.
|
Ang nerbiyo nito ay nagmumula sa nerbiyong obturador maliban sa isang maliit na bahagi ng adductor magnus , na ang inerbasyon ay mula sa nerbiyong tibial.
|
The Vampire Diaries
|
Ang The Vampire Diaries ( " Mga Talaarawan ng Bampira " ) ay isang palabas sa Amerika hango sa nobela ni L. J. Smith.
|
Una itong ipinalabas sa The CW Television Network noong 10 Setyembre 2009 , at ngaun ay natapos na ang pangalawang season nito noong 12 Mayo 2011.
|
Ang palabas ay tungkol sa mga pangyayari sa bayan ng Mystic Falls , Virginia , isang kathang - isip na bayan na pinamumugaran ng kung ano - anong elemento.
|
Ito ay tungkol din sa love triangle ng bidang si Elena Gilbert ( Nina Dobrev ) , ni Stefan at ni Damon na may madilim na nakaraan.
|
Hindi kalaunan ay matutuklasan ang mysteryosong nakaraan ng bayan kabilang ang masamang doppelganger ni Elena na si Katherine na nais maghiganti sa bayan , kay Stefan , kay Damon , at kay Elena.
|
Noong 26 Abril 2011 , inihayag ng The CW na magkakaroon ng pangatlong season ang palabas na inaasahang magsisimula sa 15 Setyembre 2011.
|
Ito ay kasalukuyang ipinapalabas sa Pilipinas sa ETC.
|
Ang palabas ay tungkol sa buhay ni Elena Gilbert ( Nina Dobrev ) , 17 - taong - gulang na umibig sa isang 162 - taong - gulang na bampirang nagngangalang Stefan Salvatore ( Paul Wesley ).
|
Naging kumplikado ang kanilang relasyon nang bumalik sa Mystic Falls ang nakatatandang kapatid ni Stefan na si Damon ( Ian Somerhalder ) upang maghiganti at sirain ang bayan at ang buhay ni Stefan.
|
Parehong nagkagusto ang magkapatid kay Elena dahil sa kamuka nito ang isang babae sa kanilang nakaraan na pareho din nila inibig.
|
Malalaman sa huli na si Elena pala ay malayong kamag - anak at doppelganger ni Katherine na bumalik din upang maghiganti sa tatlo.
|
Ang istorya ay naganap sa kathang - isip na bayan ng Mystic Falls , Virginia , isang bayan na may di ordinaryong kasaysayan simula ng nanirahan dito ang mga tao mula sa New England noong dulo ng ika - 17 century.
|
Kasama din sa kuwento ang nakababatang kapatid ni Elena na si Jeremy Gilbert ( Steven R. McQueen ) , ang matalik niyang kaibigan na si Bonnie Bennett ( Katerina Graham ) , ang kaibigan ni Elena na si , Caroline Forbes ( Candice Accola ) , ang kababata ni Elena na si , Tyler Lockwood ( Michael Trevino ) at ang kababata at dating nobyo ni Elena na si Matt Donovan ( Zach Roerig ).
|
Ang politika sa bayang ito ay isinaaaus ng mga kamag - anak ng mga unang nagtayo ng bayan na tinatawag bilang " Founders ' Council ".
|
Kabilang sa founding families ng Mystic Falls ang mga Salvatores , ang mga Gilberts , ang mga Fells , ang mga Forbes at ang mga Lockwoods.
|
Binabantayan nila ang bayan mula sa mga bampira.
|
Kahit na base ang palabas sa aklat na may parehong pamagat , marami sa mga tauhan ang binago , ngunit ang pinakabuod ng nobela ay nanatili.
|
Si Nina Dobrev ay gumaganap bilang Elena Gilbert , bida , at bilang Katherine Pierce , mas kilala bilang Katerina Petrova , isa sa mga kontrabida.
|
Si Paul Wesley ay gumaganap bilang Stefan Salvatore , ang mapagmahal at may mabuting puso sa dalawang magkapatid na bampira , kabaliktaran ng kanyang nakatatandang kapatid na si Damon Salvatore ( Ian Somerhalder ) , ang masamang bampira na sa simula ay isa sa mga kontrabida ngunit sa huli ay nagpapakita na ng kabaitan.
|
Ang iba pang mga artista sa palabas ay sina Steven R. McQueen , bilang Jeremy Gilbert , nakababatang kapatid ni Elena ngunit sa huli ay malalaman niyang pinsan niya pala ito , Sara Canning bilang tita at legal guardian nina Elena at Jeremy na si Jenna Sommers.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.