text
stringlengths
0
7.5k
Sa mababang parte ng gubat matatagpuan ang Dao ( Dracontomelon dao ) , Ipil ( Instia bijuga ) , Dita ( Alstonia scholaris ) , Amugis ( Koordersiodendrum pinnatum ) , at Apitong ( Dipterocarpus gracilis ).
Ang pambaybayin na gubatay may mga uri tulad ng Bitaog ( Calophyllum inophyllum ) , Pongamia pinnata , at Erynthia orientalis.
Makikita din ang mga uri ng Almaciga ( Agathis philippinensis ) , Kamagong ( Diospyros pulganensis ) Pandan ( Pandanus sp.
) Anibong , at Rattan ( ' Calamus sp.
).
Ang mga ibon ang pinakamalaking grupo ng vertebratesa liwasan.
Sa 252 na uri ng ibon sa Palawan , 165 dito ay makikita s liwasan.
Nadirito ang 67 % ng mga ibon at ang 15 endemikonh ibon ng Palawan.
Makikita ang mga ibon na ( Tanygnathus lucionensis ) , ( Megapodius cumunigii ) , ( Gracula religiosa ) , ( Anthracoceros marchei ) , ( Halitutus leucogates ).
May 30 uri ng mgamammal na nasa liwasan ( Madulid , 1998 ).
Makikita sa tuktok ng gubat at sa dalampasigan ang unggoy na ( Macaca fascicularis ).
Ito lang ang primate na makikita sa lugar na ito.
Nandirito rin ang ( Sus barbatus ) , ( Arctictis binturong ) , ( Mydaus marchei ) at ( Hystrix pumilus ).
19 uri ng reptile ay makikita sa liwasan , 8 dito ay endemiko ( Madulid , 1998 ).
Ang mga malalaking predator na pangkaraniwang makikita sa liwasan ay ang sawa ( Phython reticulatus ) , bayawak ( Varanus salvator ) at ang butiking ( Bronchocoela cristatella ).
Makikita rin dito ang 10 uri ng amphibian.
Ang palakang ( Rana acanthi ) ay pangkaraniwang makikita.
Ang uring Barbourula busuangensis na endemiko sa Palawan ay makikita din sa lugar na ito.
Makikita rin sa kuweba ang 9 na uri ng paniki , 2 uri ng swiftlet at latigong gagamba ( Stygophrynus sp.
).
Ang Dugong ( Dugong dugon ) at Pawikan ( Chelonia mydas ) ay makikitang kumakain sa baybayin ng liwasan.
Martha Hyer
Si Martha Hyer ay isang kilalang artista sa sining ng Pelikula at Telebisyon.
Jewish Publication Society
Ang Jewish Publication Society ( JPS ) ay isang tagapaglathala ng mga akdang Hudyo sa Inggles.
Ang JPS Tanakh o ang New Jewish Publication Society of America Version ( NJPS ; Tagalog : Bagong Bersyon ng Jewish Publication Society of America ) ang ikalawang salin ng Tanakh sa Inggles na inilathala ng JPS.
Kris Bernal
Si Kris Bernal ay isang artista sa Pilipinas.
Emperador Komyo
Si Emperador Komyo ( Guang Ming Tian Huang , Komyo Tenno ) ( Enero 11 , 1322 - Hulyo 26 , 1380 ) ay ang Ikalawang Tagapanggap ng Ashikaga.
Jimmu * Suizei * Annei * Itoku * Kosho * Koan * Korei * Kogen * Kaika * Sujin * Suinin * Keiko * Seimu * Chuai * Jingu.
Ojin * Nintoku * Richu * Hanzei * Ingyo * Anko * Yuryaku * Seinei * Kenzo * Ninken * Buretsu * Keitai * Ankan * Senka.
Kimmei * Bidatsu * Yomei * Sushun * Suiko * Jomei * Kogyoku * Kotoku * Saimei * Tenji * Kobun * Tenmu * Jito * Monmu * Genmei.
Gensho * Shomu * Koken * Junnin * Shotoku * Konin.
Kanmu * Heizei * Saga * Junna * Ninmyo * Montoku * Seiwa * Yozei * Koko * Uda * Daigo * Suzaku * Murakami * Reizei * En 'yu * Kazan * Ichijo * Sanjo * Go - Ichijo * Go - Suzaku * Go - Reizei * Go - Sanjo * Shirakawa * Horikawa * Toba * Sutoku * Konoe * Go - Shirakawa * Nijo * Rokujo * Takakura * Antoku * Go - Toba.
Go - Murakami * Chokei * Go - Kameyama * Go - Komatsu * Shoko * Go - Hanazono * Go - Tsuchimikado * Go - Kashiwabara * Go - Nara * Ogimachi * Go - Yozei.
Go - Mizunoo * Meisho * Go - Komyo * Go - Sai * Reigen * Higashiyama * Nakamikado * Sakuramachi * Momozono * Go - Sakuramachi * Go - Momozono * Kokaku * Ninko * Komei.
Themistocles
Si Themistoklis ( sulat Griyego : Themistokles ; Latin : Themistocles ) ( ca.
525 BCE - 460 BCE ) ay isang pinuno ng demokratikong Athina noong Digmaang Persian.
Tinangkilik niya ang pagpapalawak ng hukbong - dagat upang maharap ang panganib na Persian at hinikayat ang mga taga - Athina na gastusin ang mga sobrang nailikha ng kanilang mga mina ng pilak sa paggawa ng mga bagong barko ; dahil dito , lumaki nang 200 barko mula sa 70 ang hukbong - dagat ng Athina.
Aldieres Joaquim dos Santos Neto
Si Aldieres Joaquim dos Santos Neto ( ipinaganak Mayo 5 , 1980 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
Ruwisenyor
Ang ruwisenyor , karaniwang ruwisenyor , o Luscinia megarhynchos ( Ingles : Nightingale , Rufous , at Common Nightingale ; Kastila : ruisenor ) ay isang may pagkakayumangging ibon na may maputing pang - ilalim na bahagi ng katawan.
Kilala ang ruwisenyor dahil sa kagandahan ng pag - awit nito.
Bagaman isang masiglang mang - aawit sa gabi , kumakanta o humuhuni rin ito sa araw.
Matatagpuan ito sa mga kagubatan mula sa hilagang Eurasya magpahanggang sa timog - silangang Asya at Timog Aprika.
Pruno
Ang pruno ( Ingles : prune ) ay ang pinatuyong bunga ng mga uri ng sirwelas o sinigwelas na parang isang napakalaking pasas , subalit nasa saring Prunus.
Anuman ito sa sari - saring uri ng plam , karamihang Prunus domesticus o Europeong plum ( mas karaniwang tinatawag na sugar plum o maasukal na plam ).
Kalimitan silang ipinagbibili bilang mga pinatuyong bunga , ngunt mayroon ding mga sariwang pruno na may bilohabang hugis at mas maginhawang maalis na pit o buto.
Magaspang ang tekstura ng tinuyong sirwelas , at may mas nangunguyang loob.
Manolo Fortich , Bukidnon
Ang Bayan ng Manolo Fortich ay isang unang klaseng bayan sa lalawigan ng Bukidnon , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 74,252 katao sa 13,950 na kabahayan.
Ang bayan ng Manolo Fortich ay nahahati sa 22 mga barangay.
Coordinates : 8 deg 22 ' N 124 deg 52 ' E / 8.367 deg N 124.867 deg E / 8.367 ; 124.867.
Atenismo
Ang Atenismo o ang Heresiyang Amarna ay tumutukoy sa mga pagbabagong relihiyoso na nauugnay sa Ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto sa ilalim ni Paraon Amenhotep IV na mas kilala sa kanyang ginamit na pangalang Akhenaten.
Ang Atenismo ang relihyon ng estado ng Sinaunang Ehipto noong 1400 BCE at sinanay sa loob ng 20 taon bago ibalik ng mga kalauanang Paraon ang mga tradisyonal na diyos ng mga Ehipsiyo.
Ang mga Paraon na nauugnay sa Atenismo ay binura sa mga rekord ng Ehipto.
Simulang ipinakilala ni Amenhotep IV ang Atenio sa ikalimang taon ng kanyang paghahari ( 1348 / 1346 BCE ) at itinaas si Aten sa katayuan ng supremang diyos pagkatapos na payagan sa simula ang patuloy na pagsamba ng mga tradisyonal na diyos ng Sinaunang Ehipto.
Upang bigyang diin ang pagbabago , ang pangalan ni Aten ay isinulat sa anyong cartouche na normal na nakareserba sa mga Paraon na isang inobasyon sa Atenism.
Ang pagbabagong relihiyosong ito ay lumilitaw na kasabay ng pagpoproklama ng pistang Sed na medyo isang jubilee ng hari na nilalayon upang palakasin ang mga kapangyarihang mula sa diyos ng mga Paraon.
Ito ay tradisyonal na idinadaos sa ikalabingtatlong taon ng paghahari ng Paraon at posibleng isang pista bilang parangal kay Amenhotep III na pinaniniwalaan ng ilang mga Ehipsiyon na may kapwa paghahari sa kanyang anak na si Amenhotep IV ng dalawa hanggang labindalawang taon.
Ang Ikalimang taon ang pinaniniwalaang nagmamarka ng pagsisimula ng pagtatayo ni Amenhotep IV ng isang bagong kabisera na Akhetaten ( Horison ng Aten ) sa lugar na kilala ngayon bilang Amarna.
Ang ebidensiya nito ay lumilitaw sa tatlong mga hangganang stelae na ginagamit ang mga hangganan ng bagong kabiserang ito.
Sa panahong ito , opisyal na pinalitan ni Amenhotep IV ang kanyang pangalan sa Akhentaen ( Umaayon kay Aten ) bilang ebidensiya ng kanyang bagong pagsamba.
Ang petsang ng pangyayaring ito ay tinatayang Enero 2 nang taong ito.
Sa ikapitong taon ng kanyang paghahari ( 1346 / 1344 BCE ) , ang kabisera ay inilipat mula sa Thebes tungo sa Akhetaten ( malapit sa modernong Amarna ) bagaman ang pagtatayo ng siyudad ay tila nagpatuloy ng dalawa pang mga taon.
Sa paglilipat ng kanyang korte mula sa mga tradisyonal na sentrong seremonyal , si Akhenaten ay naghuhudyat ng isang dramatikong pagbabago sa pokus kapangyarihang relihiyoso at pampolitika.
Ang pagkilos na ito ay naghiwalay sa Paraon at korte nito mula sa impluwensiya ng mga saserdote ( pari ) at mula sa mga tradisyonal na sentro ng pagsamba.
Gayunpaman , ang kanyang pag - aatas ay may malalim na kahalagahang relihiyoso na kinuha kasabay ng kanyang pagbabago ng pangalan at posibleng ang paglipat sa Amarna ay nangangahulugan ring bilang isang hudyat ng simbolikong kamatayan at muling kapanganakan ni Akhenaten.
Pinangasiwaan rin Akhenaten ang pagtatayo ng ilan sa mga pinakamalalaking templong kompleks sa Sinaunang Ehipto kabilang ang isa sa Karnak , at isa sa Thebes malapit sa lumang templo ni Amun.
Sa ikasiyam na taon ng kanyang paghahari ( 1344 / 1342 BCE ) , pinalakas ni Akhenaten ang rehimeng Atenista na nagsasaad na si Aten ay hindi lamang supremang diyos kundi ang tanging diyos at isang pangkalahatang diyos.
Kanyang pinagbawal ang pagsamba ng ibang lahat na mga diyos kabilang ang pagsamba sa mga idolo kahit sa pribado sa mga tahanan ng tao na isang arena na hindi nakaraang pinakiesa mga terminong relihiyoso.
Si Aten ay binanggit ni Akhenate sa mga panalangin gaya ng Dakilang Himno kay Aten : " O Tanging Diyos na walang ng iba maliban sa kanya ".
Ang mga Ehipsiyo ay dapat sumamba kay Akhenaten at tanging sina Akhenaten at Nefertiti lamang ang maaaring sumamba kay Aten.
Isinagawa ni Akhenaten ang ritwal na pagpatay ng hari ng lumang supremang diyos na si Amun at nag - atas ng pagsira sa mga templo ni Amun sa buong Ehipto at ang lahat ng mga lumang diyos.
Ang salita para sa " mga diyos " ( plural ) ay ipinagbawal at ang mga inkripsiyon ay natagpuan kung saan kahit ang hieroglyph ng salita para sa " ina " ay inalis at muling isinulat sa mga senyas na alpabetiko dahil ito ay may parehong tunod sa Sinaunang Ehipto gay ang tunog ng pangalan ng diyosang Theban na si Mut.
Ang pangalan ni Aten ay isinulat rin ng iba pagkatapos ng kanyang ikasiyam na taon upang bigyang diin ang radikalismo ng bagong rehimeng ito.
Ang pangalan ni Aten ay hindi na isinulat gamit ang simbolo ng may sikat na diskong pang - araw kundi ay binabaybay ng ponetiko.
Ang ideya na si Akhenaten ang nagpasimula ng relihiyong monoteistiko na kalaunang naging Hudaismo ay isinaalang alang ng iba 't ibang mga skolar.
Ang isa sa unang nagbanggit nito si Sigmund Freud na tagapagtatag ng psychoanalysis sa kanyang aklat na Moses and Monotheism.
Ikinatwiran ni Freud na si Moises ay isang saserdoteng ( pari ) Atenista na napilitang lumisan sa Ehipto kasama ng kanyang mga tagasunod pagkatapos ng kamatayan ni Paraon Akhenaten.
Ikinatwiran ni Freud na si Akhenaten ay nagsikap na itaguyod ang monoteismo na isang bagay na nagawa ni Moises.
Ang ibang mga skolar at mga nananaig na Ehiptologo ay nagturo na may mga direktang koneksiyon sa pagitan ng simulang Hudaismo at ibang mga tradisyong relihiyong Semitiko.
Isinaad na ang dalawa sa tatlong pangunahing mga termino para sa diyos sa Hudaismo na Yahweh , Elohim ( morpolohikal na plural na literal na " mga diyos " ) at Adonai ay may koneksiyon kay Aten.
Si Freud ay nagkomento sa koneksiyon sa pagitan ng Adonai , ang Ehipisyong Aten at ang pangalang Syrian ng diyos na Adonis bilang primebal na pagkakaisa ng wika sa pagitan ng mga paksiyon.
Dito , kanyang sinusundan ang argumento ng Ehiptologong si Arthur Weigall.
Ayon sa manunulat na Ehipsiyong si Ahmed Osman , ang Atenismo at Hudaismo ay may mga pagkakatulad gaya ng pagbabawal sa pagsamba ng idolo gayundin ang pagkakatulad ng pangalang Aten sa Hebreong Adon o Panginoon.
Inangkin ni Ahmed Osman na si Paraon Akhenaten at Moises ay iisang tao at ang pang - inang lolo ni Akhenaten na opisyal na Ehipsiyong si Yuya ay parehong si Jose ng Aklat ng Genesis.
Ito ay batay sa mga katangian ng mummy ni Yuya na inaangking may mga katangiang Semitiko at balbas na tulad ng sa Hebreo.
Sa karagdagan , si Jose ayon sa Aklat ng Genesis 45 : 8 ay tinawag na " ama ng paraon " at inaangkin na si Yuya ang tanging opisyal na Ehipsiyo na nagkaroon ng titulong ito ( maliban sa kanyang pinaniniwalaang anak na si Ay na may katulad na titulo na Itnetjer , o " ama ng diyos " ).
Gayunpaman , ang teoriyang ito ay hindi tinatanggap ng nananaig na Ehiptolohiya.
Ang pananaw ng mga Ehiptologo ay si Yuya ay malamang kabilang sa lokal na nobilidad ng Akhmim dahil si Yuya ay may malaking mga koneksiyon sa siyudad ng Akhmim sa Itaas na Ehipto.
Ito ay gumagawang hindi malamang na siya ay isang dayuhan ( gaya ni Jose na Hebreo ) dahil ang karamihan ng mga nanirahang Asyatiko ay nakahiwalay sa palibot ng rehiyong Nilong Delta ng Ibabang Ehipto.
Ang paniniwalang si Jose ay si Yuya ay sinasalungat rin sa bibliya sa lokasyon ng pinaglibingan kay Jose ( Aklat ni Josue 24 : 32 ) samantalang si Yuya ay inilibang sa Lambak ng mga Hari sa Ehipto at natuklasan noong 1905.
Malawak na tinatanggap na ang Dakilang Himno kay Aten na isinulat ni Akhenaten ay malakas na katulad ng Aklat ng mga Awit 104 ng bibliya.