text
stringlengths
0
7.5k
Si Hilario Gelbolingo Davide Jr.
( sinilang 20 Disyembre 1935 ) ay naging Permanenteng Kinatawan ng Pilipinas sa Nagkakaisang mga Bansa mula 2007 hanggang 2010.
Siya rin ang ika - 20th Punong Mahistrado ng Kataas - taasang Hukuman ng Pilipinas ng Pilipinas.
Siya ang punong mahistrado nang hinatulan si dating pangulong Joseph Estrada noong 2000.
Kapuluan ng Galapagos
Ang Mga Pulo ng Galapagos ( Kastila : Archipielago de Colon o Islas Galapagos ) ay isang kapuluan na binubuo ng 13 pangunahing mga pulo na mala - bulkan , 6 na mas maliliit na mga pulo , at 107 mga bato at maliit na mga pulo.
Inakalang nabuo ang kauna - unahang pulo sa pagitan ng 5 at 10 milyong taon na nakaraan , bilang resulta ng aktibidad na tektonik.
Kasalukuyang nabubuo pa ang mga pinakabatang mga pulo , ang Isabela at Fernandina , pati ang pinakahuling pagputok ng bulkan noong 2005.
Kabilang sa bansang Ecuador ang Mga Pulo ng Galapagos sa Pasipiko , mga 965 km ( mga 600 mi ) kanluran sa pangunahing lupain.
Ang Mga Pulo ng Galapagos ay pinuntahan ni Charles Darwin habang nakasakay sa Beagle.
Dito niya nakita ang mga pagbabago sa iba 't ibang uri ng mga hayop.
Ilang sa mga hayop sa Galapagos ay mga kakaibang uri ng mga iguana , at blue - footed boobie ( boobie na mayroong bughaw na mga paa ).
Wikang Lenkan
Ang Lencan ay isang wikang sinasalita sa El Salvador.
Wikipediang Korso
Ang Wikipediang Korso ( Padron : Lang - co ) ay isang edisyon ng Wikipedia sa wikang Korso.
Ngayong Abril 27 , 2019 , ito ay may 5,000 mga artikulo at may 12,000 mga rehistradong tagagamit , at may 1 mga tagagamit na tagapangasiwa.
Tinagong dagat
Ang tinagong dagat ay maaaring tumukoy sa :.
Suriang Cervantes
Ang Suriang Cervantes ( Kastila : Instituto Cervantes ) ay isang pandaigdigang organisasyong hindi pangkalakal na itinatag ng pamahalaan ng Espanya noong 1991.
Isa ito sa mga pinakamalaking samahan sa mundo na nakatuon sa pagtuturo ng wikang Kastila at sa pagpapalawig ng kaalaman hinggil sa mga kalinangan sa bansang nasa Latinong Amerika.
Sa kasalukuyan , mayroon itong mga 65 sentro sa dalawampung mga bansa.
Sa Maynila , kilala ang tanggapan nito bilang Instituto Cervantes de Manila o Suriang Cervantes sa Maynila.
Ilan sa mga layunin ng panimulaang ito ang pagtataguyod ng pagtuturo , pag - aaral at paggamit ng wikang Kastila bilang pangalawang wika ng mga mamamayan.
Ibig rin magambag ng samahang ito sa pagpapalawig ng kalinanang Kastila at Latinong Amerika sa lahat ng panig ng daigdig , kaya nilalayon ng mga sentro , aklatan , at mga palatuntunang pangkalinangan ng organisasyon ang painamin at mas nasasapanahong kaanyuan ng kulturang Kastila.
Talahuluganan
Ang diksiyunaryo ( talahuluganan , talatinigan ) ay isang aklat ng mga nakatalang mga salita ng isang partikular na wika na ang ayos ay ayon sa pagkakasunud - sunod ng titik ng abakada o alpabeto.
Nakatala rin dito ang mga kahulugan ng salita , maging ang mga etimolohiya o pinagmulan ng salita , mga pagbigkas ( diksiyon ) , at iba pang mga impormasyon ; o isa rin itong aklat - na kung tawagin ay leksikon ( lexicon ) na may mga nakatalang salita ng isang wika at nakaayos din ayon sa mga titik ng abakada o alpabeto ngunit naglalaman naman ng mga katumbas na salita sa ibang wika.
Ang tawag sa taong tagapaghulog o tapagtala ng mga salita sa isang diksiyunaryo ay diksiyunarista ( leksikograpo ).
Kung susuriin , ang salitang talatinigan ay nangangahulugang listahan ng mga pagbigkas , subalit minsan din itong ginagamit na panturing sa aklat na diksiyunaryo.
Sa maraming mga lengguwahe , ang mga salita ay maaaring lumitaw sa maraming anyo , ngunit tanging ang mga walang pagbabago ang makikitang gumaganap bilang salitang - ugat o punong - salita sa maraming mga talahuluganan.
Pinakakaraniwan na ang matagpuan sa anyo ng isang aklat ang mga diksiyunaryo , ngunit may ilang mga bago at makabagong diksiyunaryo , katulad ng StarDict at ng New Oxford American Dictionary sa Mac OS X , ay mga software na talahuluganan na umaandar sa mga PDA o kompyuter.
Marami ring mga sityo ng mga diksiyunaryong mapupuntahan sa pamamagitan ng Internet.
Ang pinakaunang diksiyunaryo ng wikang Tsino , ang Shuowen Jiezi , ay isinulat noong mga 100 CE.
Ayon sa Mga Kronika ng Hapon o Nihon Shoki ( Ri Ben Shu Ji ) , ang mga diksiyunaryong Hapones ay nagsimula pa noong 682 CE , bagaman ang pinakaunang talahuluganan na tumatalakay sa mga masagisag na panitik ( logogramong karakter ) ng wikang Tsino.
Ang pinakaunang diksiyunaryong naisulat ay ginawa ng mga Babilonyano noong ika - 6 dantaon BCE.
Ang mga pinakaisinaunang mga talahuluganang Europyano ay mga pandalawahang - wikang diksiyunaryo.
Ang mga ito ay mga talaturingan ( glosaryo , o tala ng mga kahulugan ) para sa mga salita ng wikang Pranses , Italyano o Latin , na kasama ang mga katumbas na kahulugan sa Ingles ng mga dayuhang salita.
Ang isang isinaunang talaan ng mga 8,000 salitang Ingles , na hindi alpabetiko ang pagkakasunud - sunod ng ayos ng titik , ay ang Elementarie na nilikha ni Richard Mulcaster noong 1582.
Ang pinakaunang diksiyunaryong naglalaman lamang ng mga salita sa wikang Ingles , at nakaayos din na batay sa alpabeto nito , ay ang A Table Alphabeticall , na isinulat ni Robert Cawdrey , isang guro sa isang paaralan sa Inglatera , noong 1604.
Datapwa , ang pagkakasunud - sunod na alpabetiko ay nagpatuloy na madalang hanggang sa ika - 18 dantaon.
Bago pa man ang mga talaang alpabetiko , ang mga talahulugan ay nakaayos ayon sa paksa , halimbawa na ang isang tala ng mga hayop na magkakasamang lahat sa nagiisang paksa.
Sa pampanitikan at mapaglarong gamit ng mga pananalita sa wikang Ingles , ang mga diksiyunaryong maramihan ay tinaguriang kawan ng mga talahuluganan.
Estasyong Taft Avenue
.mw - parser - output .RMbox { box - shadow : 0 2px 2px 0 rgba ( 0,0,0 , .14 ) , 0 1px 5px 0 rgba ( 0,0,0 , .12 ) , 0 3px 1px - 2px rgba ( 0,0,0 , .2 ) } .mw - parser - output .RMinline { float : none ; width : 100 % ; margin : 0 ; border : none } .mw - parser - output table.routemap { padding : 0 ; border : 0 ; border - spacing : 0 ; background : transparent ; white - space : nowrap ; line - height : 1.2 ; margin : auto } .mw - parser - output .RMir { border : 0 ; border - spacing : 0 ; display : table ; line - height : 0 ; padding : 0 ! important ; margin : 0 auto ! important } .mw - parser - output table.routemap .RMsi { display : inline ; font - size : 90 % } .mw - parser - output table.routemap .RMl1 { padding : 0 3px ; text - align : left } .mw - parser - output table.routemap .RMr1 { padding : 0 3px ; text - align : right } .mw - parser - output table.routemap .RMl { text - align : right } .mw - parser - output table.routemap .RMr { text - align : left } .mw - parser - output table.routemap .RMl4 { padding : 0 3px 0 0 ; text - align : left } .mw - parser - output table.routemap .RMr4 { padding : 0 0 0 3px ; text - align : right } .mw - parser - output table.routemap > tbody > tr { line - height : 1 } .mw - parser - output table.routemap > tbody > tr > td { padding : 0 ; width : auto ; vertical - align : middle ; text - align : center } .mw - parser - output .RMir > tbody > tr { display : inline - table } .mw - parser - output .RMir > tbody > tr > td { padding : 0 ; height : 20px ; min - height : 20px } .mw - parser - output .RMir .RMov { position : relative } .mw - parser - output .RMir .RMic { position : absolute ; left : 0px ; top : 0px ; padding : 0 } .mw - parser - output .RMir .RMtx { line - height : 20px ; vertical - align : middle ; text - align : center } .mw - parser - output .RMir .RMsp { height : 20px ; min - height : 20px } .mw - parser - output .RMir div > .RMtx { position : absolute } .mw - parser - output .RMir .RMtx > abbr , .mw - parser - output .RMir .RMtx > div { line - height : .975 ; display : inline - block ; vertical - align : middle } .mw - parser - output .RMir .RMf _ { height : 5px ; min - height : 5px ; width : 20px ; min - width : 20px } .mw - parser - output .RMir .RMfm { height : 100 % ; min - height : 100 % ; width : 4px ; min - width : 4px ; margin : 0 auto } .mw - parser - output .RMir .RMo { width : 2.5px ; min - width : 2.5px } .mw - parser - output .RMir .RMc { width : 5px ; min - width : 5px } .mw - parser - output .RMir .RMoc { width : 7.5px ; min - width : 7.5px } .mw - parser - output .RMir .RMd { width : 10px ; min - width : 10px } .mw - parser - output .RMir .RMod { width : 12.5px ; min - width : 12.5px } .mw - parser - output .RMir .RMcd { width : 15px ; min - width : 15px } .mw - parser - output .RMir .RMocd { width : 17.5px ; min - width : 17.5px } .mw - parser - output .RMir .RM _ { width : 20px ; min - width : 20px } .mw - parser - output .RMir .RM _ o { width : 22.5px ; min - width : 22.5px } .mw - parser - output .RMir .RM _ c { width : 25px ; min - width : 25px } .mw - parser - output .RMir .RM _ oc { width : 27.5px ; min - width : 27.5px } .mw - parser - output .RMir .RM _ d { width : 30px ; min - width : 30px } .mw - parser - output .RMir .RM _ od { width : 32.5px ; min - width : 32.5px } .mw - parser - output .RMir .RM _ cd { width : 35px ; min - width : 35px } .mw - parser - output .RMir .RM _ ocd { width : 37.5px ; min - width : 37.5px } .mw - parser - output .RMir .RMb { width : 40px ; min - width : 40px } .mw - parser - output .RMir .RMcb { width : 45px ; min - width : 45px } .mw - parser - output .RMir .RMdb { width : 50px ; min - width : 50px } .mw - parser - output .RMir .RMcdb { width : 55px ; min - width : 55px } .mw - parser - output .RMir .RM _ b { width : 60px ; min - width : 60px } .mw - parser - output .RMir .RM _ cb { width : 65px ; min - width : 65px } .mw - parser - output .RMir .RM _ db { width : 70px ; min - width : 70px } .mw - parser - output .RMir .RM _ cdb { width : 75px ; min - width : 75px } .mw - parser - output .RMir .RMs { width : 80px ; min - width : 80px } .mw - parser - output .RMir .RMds { width : 90px ; min - width : 90px } .mw - parser - output .RMir .RM _ s { width : 100px ; min - width : 100px } .mw - parser - output .RMir .RM _ ds { width : 110px ; min - width : 110px } .mw - parser - output .RMir .RMbs { width : 120px ; min - width : 120px } .mw - parser - output .RMir .RMdbs { width : 130px ; min - width : 130px } .mw - parser - output .RMir .RM _ bs { width : 140px ; min - width : 140px } .mw - parser - output .RMir .RM _ dbs { width : 150px ; min - width : 150px } .mw - parser - output .RMir .RMw { width : 160px ; min - width : 160px } .mw - parser - output .RMir .RM _ w { width : 180px ; min - width : 180px } .mw - parser - output .RMir .RMbw { width : 200px ; min - width : 200px } .mw - parser - output .RMir .RM _ bw { width : 220px ; min - width : 220px } .mw - parser - output .RMir .RMsw { width : 240px ; min - width : 240px } .mw - parser - output .RMir .RM _ sw { width : 260px ; min - width : 260px } .mw - parser - output .RMir .RMbsw { width : 280px ; min - width : 280px } .mw - parser - output .RMir .RM _ bsw { width : 300px ; min - width : 300px }.
Ang Estasyon ng Taft Avenue o Himpilang Taft Avenue , ay isang estasyon sa Linyang Dilaw ( MRT - 3 ).
Ang himpilan ay isa sa dalawang himpilang nasa lupa.
Nagsisilbi ang himpilan para sa Lungsod ng Pasay at ipinangalan sa Abenida Taft kung saan nakaupo ang himpilan.
Ipinangalan naman ang abenida kay William H. Taft , isang sikat na Amerikano noong panahon ng pamamalagi ng mga Amerikano sa bansa.
Ang himpilan ay ang timog na hangganan ng MRT - 3 kung saan nagwawakas ang ruta ng mga treng MRT - 3 mula sa Abenida Hilaga.
Ito rin ang unang himpilan para sa mga tren na patungong Abenida Hilaga.
Malapit ang himpilan sa Simbahan ng Baclaran o Baclaran Church at sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino kung saan dumatading at umaalis ang mga pangunahing biyahe papasok at palabas ng bansa.
May mga sasakyang de - padyak , dyip , taksi , at mga bus na nagaabang ng mga pasahero sa isang himpilang pantransportasyon sa labas ng estasyon.
Ang himpilang iyon ay matatagpuan sa Abenida Taft.
May isang tulay rin na nagdudugtong sa Himpilang Abenida Taft ng Linyang Bughaw sa Himpilang Abenidang E. Delos Santos ng Linyang Lunti.
Pwedeng sumakay ang mga pasahero ng mga tren ng Linyang Lunti patungong Baclaran o Monumento sa pagdaan sa tulay na ito.
Kankroid
Ang kankroid o kankroyd ( kilala rin bilang " malambot na kanker " : 274 at " Ulcus molle " ) ay isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na kinatatangian ng masasakit na mga ulser o sugat sa ibabaw ng kasangkapang pangkasarian.
Nalalamang napapakalat ang kankroid mula sa isa patungo sa ibang indibidwal sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
lalaki : Epididimitis * Prostatitis.
Paligsahan
Ang paligsahan ( Ingles : contest , competition , battle ) , na tinatawag ding tagisan , punyagian , pagtatalo , paglalaban , labanan , tunggalian , pahusayan , kumpetisyon , o kompetisyon ay isang kaganapan kung saan dalawang pangkat o koponan , o dalawang indibidwal , ang nagpapagalingan o nagpapahusayan.
Maaaring magkaroon ng isang gantimpala o mga gantimpala para sa maraming nangungunang mga tagaganap o manlalaro , bagaman ang isang tagisan ay maaaring iatang o ipataw para sa layunin ng pagsasanay.
Maaaring likas na maganap ang paligsahan , o maaaring binalak ng mga nakikilahok , sa halip na isang inilunsad ng ibang partido.
Ang mga pariralang " pataasan ng ihi " at " pataasan ng ere " ay may kahulugang paligsahan.
Sa ibang diwa , ang paligsahan ay maaaring hindi lamang sa pagitan ng dalawang indibidwal , sapagkat maaari ring makilahok o ilahok ang maraming mga grupo , mga hayop , at iba pa , para sa layunin na maangkin ang isang teritoryo , isang lungga , o isang lugar o lokasyon na maaring mapagkunan o makapagbigay ng pangangailangan o mga bagay na kailangan upang mabuhay.
Ang tagisan ay lumilitaw kapag ang kahit na dalawang partido ay nagsisikap na makamit ang isang layunin na hindi maaaring pagsaluhan.
Likas na nangyayari ang kompetisyon sa pagitan ng mga organismong may buhay na namamarating kasama ng iba pang mga organismo sa loob ng iisang likas na kapaligiran.
Bilang halimbawa , ang mga hayop ay nagtutunggalian para sa mga mapagkukunan ng tubig , pagkain , katalik , at iba pang mga mapagkukunang biyolohikal.
Ang mga tao ay nakikipagkompetensiya para sa tubig , pagkain , at katalik , bagaman kapag ang mga pangangailangan ito ay nakamit o natanggap na , ang matitinding paglalabanan at pag - aagawan ang lumilitaw dahil sa paghabol sa pagkakaroon ng yaman , ginhawa , katanyagan , at kagitingan.
Ang negosyo ay kadalasang may kaugnayan sa kumpetisyon , dahil ang karamihan sa mga kompanya ay nakikipagkompetensiya laban sa kahit na isang ibang kompanya para sa layunin makuha o mapanatili ang iisang pangkat ng mga kliyente.
Rogerio Correa
Si Rogerio Correa ( ipinaganak Enero 3 , 1979 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
Baobab
Tingnan ang teksto.
Ang Baobab ay karaniwang pangalan para sa bawat isa sa siyam na species ng puno sa genus Adansonia.
Ang generic name honors Michel Adanson , ang French naturalist at explorer na naglalarawan ng Adansonia digitata.
Sa siyam na species , anim ang mga katutubong sa Madagascar , dalawa ay katutubong sa mainland Africa at ang Arabian Peninsula , at ang isa ay katutubong sa Australya.
Isa sa mainland African species ay nangyayari rin sa Madagascar , ngunit hindi ito katutubong ng isla na iyon.
Ipinakilala ito noong sinaunang panahon sa timog Asya at noong panahon ng kolonyal sa Caribbean.
Pagtutuli kay Hesus
Ang pagtutuli kay Hesus ay isang pangyayaring inaalala ng Simbahang Katoliko tuwing unang araw ng Enero.
Phallus
Ang phallus ay isang katagang Ingles , at kilala sa Kastila bilang falo , na tumutukoy sa galit na titi , sa isang bagay na hugis - titi o wangis - titi na katulad ng dildo , o isang mimetiko o ginayang imahe o larawan ng isang titing galit.
Anumang bagay na sumasagisag na kahawig ng isang titi ay maaari ring tukuyin bilang isang phallus ; subalit ang ganyang mga bagay ay mas kadalasang tinutukoy bilang phallic o " parang galit na titi " , katulad ng paggamit sa Ingles na phallic symbol.
Ang ganyang mga simbolo ay kadalasang kumakatawan sa mga kadamay o kasingkahulugan ng pagkapalabuntisin o pertilidad at pangkultura na may kaugnayan sa organong seksuwal ng lalaki.
Sa pamamagitan ng Latin , at Griyegong phallos , mula sa ugat na Indo - Europeong * bhel - " papintugin , mamaga ".
Ihambing sa Matandang Nordiko ( at makabagong Islandiko ) na boli " toro " o bulugang baka , Matandang Ingles na bulluc " bullock " o " kawan ng baka " , Griyegong phalle " balyena ".
Tatarstan
Ang Republika ng Tatarstan ay isang republika sa Rusya.
Wikipedia : Kasalukuyang pangyayari / 2013 Agosto 13
Pambansang Arkibo ng Brazil
Ang Pambansang Arkibo ng Brazil ( sa Portuges : Arquivo Nacional ) ay ang pangunahing katawan para sa Sistema ng Pamamahala ng mga Dokumentong Arkibal ( sa Portuges : Sistema de Gestao de Documentos de Arquivo - SIGA ) sa Brazil.
Nilikha ito noong Enero 2 , 1838 at nakabase sa Rio de Janeiro.
Ayon sa Batas ng Mga Arkibos ( Batas 8.159 ) ng Enero 8 , 1991 , may tungkulin na mag - organisa , mag - imbak , mag - ingat , magbigay ng pahintulot na makuha at ibunyag ang dokumentaryong pamana ng pederal na pamahalaan , na naglilingkod sa estado at mga mamamayan.
Ang koleksyon ng Pambansang Arkibo ay naglalaman ng 55 km ng tekstong mga dokumento ; 2,240,000 litrato at negatibo ; 27,000 mga guhit , mga kartun ; 75,000 mga mapa at mga plano ; mga 7000 disc at mga 2000 magnetikong tape ; mga 90,000 rolyo ng pelikula at 12,000 mga bidyong tape.
Mayroon din itong aklatan na nagdadalubhasa sa kasaysayan , arkibo , agham ng impormasyon , batas sa administrasyon at pampublikong pangangasiwa , na may humigit - kumulang 43,000 mga aklat at 900 na pahayagan at 6,300 bihirang mga gawa.
Kilometro
Ang kilometro ( simbolo : km ) ay isang yunit ng haba sa sistemang metriko , katumbas ng isang libong metro , ang kasalukuyang yunit ng SI ng haba.