text
stringlengths
0
7.5k
Teknikal na itong isang fetus , at hindi na matatawag na bilig pa lamang.
Sa loob ng unang tatlong buwan , tinatawag pa ring obum ang masang naglalaman ng bilig o ng bilig na naging namumuong bata , na nakalagak pa rin sa loob ng panloob na dingding ng sinapupunan.
Hinggil sa sukat nito , sa katapusan ng unang buwang buwan ay kasinlaki na ito ng isang itlog mula sa isang inahing kalapati ; kasinlaki ng itlog mula sa isang inahing manok kapag nasa wakas ng ikalawang buwan ng pag - unlad ; at kasinlaki ng itlog mula sa isang inahing gansa kung nasa huli na ng pangatlong buwan ng pag - unlad.
Birolohiya
Ang birolohiya ( Ingles : virology ) ay ang sangay ng mikrobiyolohiya ukol sa pag - aaral ng mga birus.
Isang layunin nito ang pag - aaral ng mga estruktura ng mga birus , ang kanilang ebolusyon at ang mga paraan para maibukod o maihiwalay sila at malinang.
Sa kasalukuyan , mayroon nang 5,450 nang nakikilalang mga birus.
Batong - hiyas
Ang mga batong - hiyas ay mga " bato ng kagandahan " ( matapos pinuhin at kinisin mula sa likas na anyo ) na ginagamit pandekorasyon sa katawan ng tao na nakapagdadala at nakapagbibigay ng kahalagan at kayamanan.
Para matawag na batong hiyas kailangan mayroon itong kagandahan , sapat na katigasan , katibayan , at pambihira upang bigyang halaga ng tao.
Mga piling uri ng batong - hiyas :.
Mga piling batong pangkaarawan na inuugnay sa buwan ng kapanganakan ng isang tao :.
Cabuyao
Ang Lungsod ng Cabuyao ( Ingles : City of Cabuyao ) ay isang unang klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2010 , may kabuuang populasyon ang lungsod na 248,436.
Sa kasalukuyan , ang Cabuyao ang mayroong pinakamabilis na pag - unlad sa Laguna , katunayan nito ay ang malaking bilang ng mga migranteng naghahanap - buhay sa mga industriya dito.
Ang Nestle Philippines at Asia Brewery , Inc. ay parehong matatagpuan sa Lungsod ng Cabuyao.
Ang Lungsod ng Cabuyao ay matatagpuan mahigit apatnapu 't tatlong ( 43 ) kilometro ang layo mula sa timog - silangan ng Kalakhang Maynila at sa kanlurang bahagi ng Lalawigan ng Laguna.
Ito ay napapalibutan ng Laguna de Bay o ang Lawa ng Laguna sa hilaga , Lungsod ng Calamba sa silangan , mga bahagi ng bayan ng Silang , Cavite at Lungsod ng Tagaytay sa timog at Lungsod ng Santa Rosa sa kanlurang bahagi.
Ang lungsod ay may layong limampu 't apat ( 54 ) na kilometro mula sa bayan ng Santa Cruz , ang kabisera ng Laguna at layong siyam ( 9 ) na kilometro mula sa poblasyon ng Calamba na siyang kabisera ng Rehiyong CALABARZON.
Ang nag - iisang lawa na matatagpuan sa Lungsod ng Cabuyao ay ang Lawa ng Laguna o kilala bilang Laguna de Bay.
Ang mga barangay na nakatayo sa gilid nito ay ang Bigaa , Butong , Marinig , Gulod , Baclaran at Mamatid.
Ang mga uri ng isda na mahuhuli sa lawa ay kanduli , biya , talapia , ayungin , hito , karpa , mamale , bangus , dalag , papalo , kakasuhet at dulong.
Sa mga ilog , ang Cabuyao ay mayroong :.
Ang mga palayan na matatagpuan sa Cabuyao ay nasa barangay ng Bigaa , Butong , Marinig , Gulod , Baclaran , Mamatid , San Isidro , Pulo , Banay - Banay , Niugan at Sala.
Simula taong 2004 , may kabuuang 940.56 ektarya ng lupaing palayan ayon sa datos ng Tanggapan ng Panlungsod na Agrikulturista.
Mga puno ng Narra ay nakatayo sa tabing daan ng Poblacion - Marinig at sa loob ng bakuran ng gusali ng Pamahalaang Panlungsod.
Ang mga agrikultural na halaman ay palay , kalabasa , bawang , pakwan , pinya , kape at iba pang halamang namumunga.
Ayon sa senso noong 2010 , ang Lungsod ng Cabuyao ay mayroong populasyon na mahigit 248,436 ( mula 205,376 noong 2007 at 106,630 noong 2000 ) , na naglagay sa lungsod sa ika - anim na pwesto sa mga bayan at lungsod ng Laguna na mayroong mataas na bilang ng populasyon at ika - lima sa anim na lungsod sa lalawigan kasunod ng Lungsod ng San Pablo.
Ang Lungsod ng Cabuyao ay pampolitika na nahahati sa labingwalong ( 18 ) barangay.
Ang pangalang ginagamit noon ng Cabuyao ay Tabuko , ngunit ito ay nasalin ng mga Kastila bilang Kabuyaw ( pinangalan mula sa punong matatagpuan dito ).
Pagkatapos ng pag - kolonisa ng Maynila ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1570 , inutusan niya si Kapitan Juan de Salcedo na sakupin ang lahat ng barangay na nakapalibot sa lawa ng Ba - i , na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Bay.
Tulad ng Ba - i , na mayaman sa kagubatan at may klimang nababagay sa mga pananim , ang Tabuko ay may malawak na kapatagan at inihayag ni Legazpi na ang Tabuko ay gawing encomienda o bayan sa ilalim ni Gaspar Ramirez.
Ang bayan ng Tabuko ay malapit sa gilid ng isang ilog at lawa ng Ba - i at ang mga bangka ang naging pangunahing transportasyon sa bayan.
Maraming puno noon ng kabuyaw na tumutubo sa lugar. ang bunga ng kabuyaw ay ginagamit bilang syampu.
Kaya nang itanong ng Kastilang mga pari kung ano ang pangalan ng lugar , ang mga katutubong kababaihan ay sinagot ito ng " kabuyaw " , na akala ay ang tinatanong nito ay ang mga punong tumutubo as lugar.
Simula noon , ang mga pari at mga opisyal na Kastila ay tinawag ang Tabuko bilang Kabuyao o Cabuyao.
Cabuyao na aming sinisinta ... Sa amin ay dakila ka Dahil sayo 'y laging may pag - asa Ang buhay ng bawat isa.
Cabuyao na sa amin ay gabay Pag - asa 'y lagi mong taglay Papuri ang sayo 'y inaalay Pagkat ikaw ang siyang buhay.
Cabuyao na aming minamahal Patuloy at laging isisigaw Ikaw ang buhay , isip at dangal Ikaw sa amin ang ilaw.
Cabuyao na sadyang sakdal ganda Ika 'y huwaran ng bawat isa Sa amin ay walang katulad ka Bukod tangi 't naiiba.
O bayan ng Cabuyao Sa amin ay ikaw O bayan ng Cabuyao Liwanag kang tanglaw.
Cabuyao na aming minamahal Patuloy at laging isisigaw Ikaw ang buhay isip at dangal Ikaw sa amin ang ilaw.
Cabuyao na sadyang sakdal ganda Ika 'y huwaran ng bawat isa Sa amin ay walang katulad ka Bukod tangi 't naiiba.
Tamburina
Ang tamburina o tamburin ay isang uri ng tambol na may mga piraso ng metal na kumakalansing sa paligid ng tagiliran nito.
Tinatawag din itong panderitas.
Pinatutugtog ito sa pamamagitan ng pag - alog dito habang hinahawakan ng kamay.
Sa panahong nasa Bibliya , pangkalahatang mga kababaihan ang gumagamit nito.
Mga Gobernador - Heneral ng Pilipinas
Ang mga Gobernardor - Heneral ng Pilipinas ( Kastila : Gobernador - General de las Filipinas ) ay ang titulo ng pamahalaang tagapagpaganap noong panahon ng pananakop ng mga Kastila , Ingles , Amerikano at ng mga Hapon.
Ang royal na gobernador - heneral ng Pilipinas ang namuno sa kolonyang kilala ngayon bilang Republika ng Pilipinas.
Ang titulong ito ay tinawag ring Kapitan - Heneral ng Pilipinas at hinawakan rin ang posisyon ng kapitan - heneral , isang ranggong militar na binigay ng Kongreso ng Espanya ( Spanish Cortes ).
Ang mga nahirang sa posisyong ito ang namuno sa Pilipinas at sa buong Spanish East Indies mula noong 1565 hanggang 1822 , sa ngalan ng Bireynato ng Bagong Espanya , at mula noong 1822 hanggang 1898 , na direktang pinamahalaan ng monarkiya ng Espanya.
Wikang Nkongho
Ang Nkongho ay isang wikang sinasalita sa Cameroon.
Bokay - pato
Ang bokay - pato o plais ( Kastila , Portuges : alicates , Aleman : Zangen , Ingles : pliers ) ay isang kasangkapan o kagamitan ginagamit sa paghawak , pang - ipit o pagbaluktot ng mga bagay na katulad ng alambre.
Hango ang katawagang bokay - bato sa salitang Kastilang boca ( o bibig ) na naging bokay na dinikitan ng salitang pato , isang bibe.
Epidemiyolohiya
Ang epidemiyolohiya ay ang pag - aaral na may kinalaman sa epidemya o mabilis na pagkalat ng mga nakakahawang sakit.
Tinatawag na epidemiyolohista o epidemiyologo ang mga dalubhasa sa larangang ito.
Ito ang pag - aaral hinggil sa mga bagay - bagay na nakakaapekto sa kalusugan at karamdaman ng populasyon , at nagsisilbing pundasyon at lohika ng mga interbensiyong isinasagawa para sa kapakanan ng kalusugang pampubliko at medisinang prebentibo.
Itinuturing ito bilang isa sa mga pinagsimulang metodolohiya ng pananaliksik na nauukol sa kalusugan ng publiko , at may - kataasang itinuturing sa panggagamot na batay sa mga ebidensiya para sa pagkilala ng mga bagay na nakapagbibigay ng panganib na pangkaramdaman at sa pagsusuri at pagkilala ng mga higit na mainam na mga gawi sa pagbibigay ng lunas sa mga gawaing klinikal.
Sa mga gawaing may kaugnayan sa mga nakakahawa at hindi - nakakahawang mga sakit , nasasaklawan ng mga gawain ng mga epidemiyolohista ang panahon ng pagsisimula ng mga karamdaman magpahanggang sa disensyo , pagtitipon ng mga datos , at pagsusuri kabilang ang pagunlad ng mga modelong estadistiko upang masubukan ang hipotesis , at ang dokumentasyon o pagtatala ng mga resulta para sa pagpapasa at dagdag na mga pagsusuri ng iba pang mga kasamahan sa larangan.
Maaaring humango ng mga kaalaman ang mga epidemiyologo mula sa isang bilang ng iba pang mga disiplinang pang - agham katulad ng biyolohiya para sa pag - unawa ng mga proseso ng mga karamdaman , at maging mula sa mga agham na panlipunang katulad ng sosyolohiya at pilosopiya upang higit na maintindihan ang mga kalapit at hindi - kaugnay na mga bagay.
| width " 50 % " align " left " valign " top " |.
Specialty journals :.
| }.
Angry Birds
Ang Angry Birds ( " Mga Galit Na Ibon " ) ay isang larong bidyo.
Websayt : http : / / www.angrybirds.com /.
Jan Marini Alano
Si Jan Marini Alano ay isang artista sa Pilipinas.
Westminster
Ang Westminster ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod :.
One Piece Grand Battle
Ang One Piece Grand Battle ay isang anime na larong bidyo.
Annone Veneto
Ang Annone Veneto ay isang comune sa lalawigan ng Venezia , na sakop ng rehiyong Veneto sa bansang Italya.
Roberto I ng Normandiya
Si Roberto ang Maringal ( Ingles : Robert the Magnificent , Pranses : Robert le Magnifique ) ( 22 Hunyo 1000 - 1 - 3 Hulyo 1035 ) , ay ang Duke ng Normandiya mula 1027 hanggang sa kaniyang kamatayan.
Dahil sa kawalan ng katiyakan hinggil sa pagbibilang ng mga Duke ng Normandiya , karaniwan siyang tinatawag na Roberto I , subalit paminsan - minsan bilang Roberto II na ang kaniyang ninunong si Rollo bilang Roberto I. Siya ang ama ni William ang Mananakop na naging Hari ng Inglatera noong 1066 at nagtatag ng Sambahayan o Kabahayan ng Normandiya.
Bagaman may kamalian , sinasabing tinawag din siyang " Roberto ang Dimonyo " o " Roberto ang Diyablo " , dahil hindi naman siya natawag sa ganitong bansag noong nabubuhay pa , sapagkat naikalito lamang siya sa kathang - isip na tauhang ito na tauhan ng alamat noong huli ng Gitnang mga Kapanahunan.
Atomu Tanaka
Si Atomu Tanaka ( ipinaganak Oktubre 4 , 1987 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Tabang trans
Ang tabang trans ang karaniwang pangalan ng isang uri ng tabang insaturadong nagtataglay ng tabang isomerong trans.
Ang tabang trans ay maaaring monoinsaturado o poliinsaturado.
Nalilikha ang tabang trans sa pag - init ng vegetable oil , o langis ng halaman , kasama ng idroheno , isang prosesong tinatawag na idrohenasyon.
Ang mga langis na bahagiang sumailalim sa idrohenasyon ay mas matatag at mas matagal mapanis.
Ginagawa rin ng idrohenasyon na solido ang langis , kaya mas madali itong ilipat - lipat mula pook hanggang pook.
Nakakayanan din ng mga langis na sumailalim sa idrohenasyon ang paulit - ulit na pag - init , ginagawa itong ideal sa pagprito ng mga fast food.
Mas mura rin ito sa taba ng hayop.
Dahil sa mga ito , malaki ang nagiging pakinabang ng mga kainan at ng industriyang pampagkain sa tabang trans.
Kapag ang langis ng halaman ay buuang sumailalim sa idrohenasyon , naglilikha ito ng tabang parang - saturado , bagaman hindi ito itinuturing na tabang trans.
Enkomiyenda
Marinduque
Ang Marinduque ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong MIMAROPA sa Luzon.
Boac ang kapital nito.