text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang mga apat na katotohanan ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha ( pagdurusa , kabalisaan , kawalang satipaksiyon ) , mga sanhi nito at kung paano ito mapaglalabanan.
|
Ang mga apat na katotohanan ang :.
|
Ang unang katotohanan ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha na karaniwang isinasalin na pagdurusa , kabalisaan , kawalang satipaksiyon etc.
|
, at sinasabing may mga susumunod na tatlong aspeto :.
|
Ang ikalawang katotohanan ay ang pinagmulan ng dukkha ay malalaman.
|
Sa loob ng konteksto ng apat na maharlikang katotohan , ang pinagmulan ng dukkha ay karaniwang pinapaliwanag bilang pagnanasa ( Pali : tanha ) na kinondisyon sa kamangmangan ( Pali : avijja ) .Sa isang mas malalim na antas , ang ugat na sanhi ng dukkha ay tinukoy na kamangmangan ( Pali : avijja ) ng tunay na kalikasan ng mga bagay.
|
Ang ikatlong maharlikang katotohanan ay ang kumpletong pagtigil ng dukkha ay posible at ang ikaapat na katotohanan ay tumutukoy sa isang landas sa pagtigil na ito.
|
Ang Maharlikang Makawalong Landas na ikaapat sa Apat na Maharlikang Katotohanan ay binubuo ng isang hanay ng walaong magkakaugnay na mga paktor o kondisyon na kapag sama samang pinaunlad ay tutungo sa pagtigil ng dukkha.
|
Ang walong mga paktor na ito ang : tamang pananaw o pagkaunawa , tamang layuini o tamang pag - iisip , tamang pananalita , tamang aksiyon , tamang pamumuhay , tamang pagsisikap , tamang kamatyagan , at tamang konsentrasyon.
|
Inilarawan ni Ajahn Sucitto ang landa bilang " isang mandal ng magkakaugnay na mga paktor na sumuruporta at nagpapahinahon sa bawat isa.
|
" Ang walong ma paktor ng landas ay hindi dapat maunawaan bilang mga yugto kung saan ang bawat yugto ay nakukumpleto bago ang pagusad sa susunod.
|
Sa halip , ang mga ito ay nauunawaan bilang walong mahahalagang mga dimensiyon ng pag - aasal ng isang tao - pang - isipan , pangpananalita , at pangkatawan na gumagana sa pagsalaysay sa bawat isa.
|
Kung pagsasamahin , ang mga ito ay naglalarawan ng isang kumpletong landas o paraan ng pamumuhay.
|
Ang walong mga pakto ng landa ay karaniwang itinatanghal sa loob ng tatlong mga dibisyon o mas mataas na mga pagsasanay gaya ng ipinapakita sa ibaba :.
|
Habang kanyan hinahanap ang kaliwanagan , pinagsama ni Gautama ang kasanayang yoga ng kanyang gurong si Kalama sa kalaunang nakilala bilang " ang mga hindi masusukat ".
|
Gautama thus invented a new kind of human , one without egotism.
|
Ang tinatawag ni Thich Nhat Hanh na " mga apat na hindi masusukat na kaisipan " ng pag - ibig , kahabagayan , kalagakan at kahinahunan ay kilala rin bilang mga brahmavihara , mga tirahan ng diyos o simpleng ang apat na mga hindi masusukat.
|
Tinawag ni Pema Chodron ang mga ito na " Mga apat na walang hangganang isa ".
|
Of the four , metta or loving - kindness meditation is perhaps the best known.
|
Ang mga apat na hindi masusukat ay tinuturo bilang isang anyo ng pagninilay - nilay na nagpapalago ng malusog na mga saloobin tungo sa lahat ng mga may kamalayang nilalang.
|
Ang nagsasanay ay nananalangin na :.
|
Ang isang mahalagang gumagabay na prinsipyo ng kasanayang Budista ang Gitnang Daan o Gitnang Landas na sinasabing natuklasan ni Gautama Buddha bago ang kanyang kaliwanagan.
|
Ang Gitnang Daan ay may ilang mga kahulugan :.
|
Ang mga skolar na Budista ay lumikha ng isang kahanga - hangang bilang ng mga teoriyang pang - intelektuwal , gayundin ang mga pilosopiya at mga konsepto ng pananaw ng daigdig ( halimbawa , tingnan ang Abhidharma , Pilosopiyang Budista at Realidad sa Budismo ).
|
Ang ilang mga eskwela ng Budismo ay hindi humihikayat ng pag - aaral ng doktrina at ang ilan ay tumuturing ditong isang mahalagang kasanayan.
|
Ang konsepto ng kalayaan ( nirvana ) na layunin ng landas na Budista ay malapit na nauugnay sa pananaig sa kamangmangan ( avidya ) na isang pundamental na maling pagkaunawa o maling pagkatanto ng kalikasan ng realidad.
|
Sa paggising ng tunay na sarili at lahat ng phenomena , ang isa ay nagpapaunlad ng walang pagkiling para sa mga bagay ng pagkapit at napapalaya mula sa siklo ng pagdurusa ( dukkha ) at sa siklo ng walang tigil na mga muling kapanganakan ( samsara ).
|
Upang makamit ito , ang Buddha ay nagrekomiyenda ng pagtingin sa mga bagay gaya ng inilalarawan ng mga tatlong marka ng pag - iral.
|
.
|
Ang mga tatlong marka ng pag - iral ang pagiging hindi permanente , pagdurusa at hindi - sarili.
|
Ang pagiging hindi permanente ( Pali : anicca ) ay naghahayag ng ideyang Budista na ang lahat ng mga pinagsama o kinondisyong phenomena ( sankhara ) na lahat ng mga bagay at karanasan ay nagbabago , hindi matatag at hindi permanente.
|
Ang lahat ng ating nararasan sa pamamagitan ng ating mga pandama ay binubuo ng mga bahagi at ang pag - iral nito ay nakasalalay sa mga panlabas na kondisyon.
|
Ang bawat bagay ay nasa patuloy na pagbabago at kaya ang mga kondisyon at mmismong bagay ay patuloy na nagbabago.
|
Ang mga bagay ay patuloy na nagiging at humihintong maging.
|
Dahil walang bagay ang tumatagal , walang likas o nakatakdang kalikasan ng bagay o karanasan.
|
Ayon sa doktrina ng pagiging hindi permanente , ang buhay ay kumakatawan sa pagbabagong ito sa proseso ng pagtanda , ang siklo ng muling kapanganakan ( samsara ) at sa anumang karanasan ng kawalan.
|
Ang doktrinang ito ay nagsasaad na dahil ang mga bagay ay hindi permanente , ang pagkatali sa mga ito ay walang kabuluhan at humahantong sa pagdurusa ( dukkha ).
|
Ang pagdurusa ( Pali : duk kh dukkha ; Sanskrit duHkh duhkha ) ay isa ring sentral na konsepto sa Budismo.
|
Ang salitang ito ay tinatayang tumutugon sa ilang mga termino sa Ingles kabilang " pagdurusa " , " kirot " , kawalang satipaksiyon , kapighatian , paghihirap , kabalisaan , stress at pagkasiphayo.
|
Bagaman ang terminong ito ay kadalasang isinasalin bilang " pagdurusa " , ang pilosopikal na kahulugan nito ay mas katulad ng kawalang katihimkan gaya ng pagiging nagulo.
|
Sa gayon , ang " pagdurusa " ay napakakitid na sali na may mga negatibong emosyonal na konotasyon na nagbibigay impresyon na ang pananaw na Budista ay pesimistiko.
|
Gayunpaman , ang Budisma ay naghahangad na maging hindi pesimistiko o optimistiko kundi maging realistiko.
|
Ang Hindi - sarili ( Pali : anatta ; Sanskrit : anatman ) ang ikatlong marka ng pag - iral.
|
Sa maingat na pagsisiyasat , matatagpuan ng isa na walang phenomenon ang tunay na " Ako " o " Akin ".
|
Ang mga konseptong ito ay katunayang nilikha ng isipan.
|
Sa Nikayas , ang anatta ay hindi nangangahulugan bilang isang paghahayag na metapisikal ngunit bilang isang pakikitungo sa pagkakamit ng kalayaan mula sa pagdurusa.
|
Sa katunayan , itinakwil ni Buddha ang parehong mga paghahayag na metapisikal na " Ako ay may Kapag tinanong kung ang sarili ay katulad ng katawan , si Buddha ay tumangging sumagot.
|
Sa pagsisiyasat ng patuloy na nagbabagong mga bahaging pisikal at pang - isipan ( mga skandha ) ng isang tao o isang bagay , ang nagsasanay ay dumarating sa konklusyong hindi ang mga respektibong bahagi o hindi ang tao bilang isang buo ay bumubuo sa sarili.
|
Ang doktrina ng pratityasamutpada ( Sanskrit ; Pali : paticcasamuppada ; Tibetan : rten.cing.
|
' brel.bar.
|
' byung.ba ; Tsino : Yuan Qi ) ay isang mahalagang bahagi ng metapisikang Budista.
|
Ito ay nagsasaad na ang phenomena ay sama - samang lumilitaw sa isang parehong magkakaugnay na sapot ng sanhi at epekto.
|
Ito ay iba ibang isinalin sa Ingles bilang " nakasalalay na pagmumula " , " konondisyong henesis " , " nakasalalay na kapwa - paglitaw " , " magkakaugnay na paglitaw " o " kontinhensiya ".
|
Ang pinakamahusay na kilalang aplikasyon ng konsepto ng pratityasamutpada ang skema ng Labindalawang Nidanas ( mula sa Pali na " nidana " na nangangahulugang " sanhi , pundasyon , pinagmulan " ) na nagpapaliwanag ng pagpapatuloy ng siklo ng pagdurusa at muling kapanganakan ( samsara ) sa detalye.
|
Ang mga Labindalawang Nidanas ay naglalarawan ng isang nagsasanhing ugnayan sa pagitan ng mga kalaunang katangian o kondisyon ng siklikong pag - iral na ang bawat isa ay nagpapalitaw sa susunod :.
|
Ang mga may kamalayang nilalang ay palaging nagdurusa sa buong samsara hanggang sa mapalaya nila ang kanilang mga sarili mula sa pagdurusang ito sa pamamagitan ng pagkakamit ng Nirvana.
|
Kung gayon ang kawalan ng unang Nidana o kamangmangan ay humantong sa kawalang ng iba pa.
|
Ang Budismong Mahayana ay tumanggap ng isang malaking saligang teoretikal mula kay Nagarjuna ( marahil c.
|
150 - 250 CE ) na mapangatwiranang ang pinakamaimpluwensiya ( most influential ) na skolar sa loob ng tradisyong Mahayana.
|
Ang pangunahing ambag ni Nagarjuna sa pilosopiyang Budista ang sistemang pagpapaliwanag ng konsepto ng sunyata o " kawalang laman " na malawakang pinatutunayan sa mga sutra na Prajnaparamita na lumitaw sa kanyang kapanahunan.
|
Ang konsepto ng kawalang laman ay nagsasama ng ibang mga mahahalagang doktrinang Budista partikular na ang anatta at pratityasamutpada ( nakasalalay na pagmumula ) upang pabulaan ang metapisika ng Sarvastivada and Sautrantika ( mga hindi na umiiral na eskwalang hindi Mahayana ).
|
Para kay Nagarjuna , hindi lamang ang mga may kamalayang nilalang ang walang laman sa atman.
|
Ang lahat ng mga ( dharmas ) ay walang anumang svabhava ( literal na " sariling kalikasan " o " sarili - kalikasan " ) at kaya ay walang pundamental na esensiya.
|
Ang mga ito ay walang laman ng pagigign hindi nakasalalay.
|
Kaya ang mga teoriyang heterodokso ng svabhava na kumakalat sa panahong ito ay pinabulaanan sa basehan ng mga doktrina ng maagang Budismo.
|
Ang eskwela ng pag - iisip ni Nagarjuna ay kilala bilang Madhyamaka.
|
Ang ilang mga kasulatang itinuro kay Nagarjuna ay hayagang nagreperensiya sa mga tekstong Mahayana ngunit ang kanyang pilosopiya ay ikinatwiran sa loob ng mga parametrong inilatag ng agamas.
|
Maaring dumating siya sa kanyang mga posisyon mula sa pagnanais na makamit ang isang magkakaayon na eksehesis ng doktrina ni Buddha gaya ng itinala sa Kanon ng Budismo.
|
Sa mga mata ni Nagarjuna ,.
|
si Buddha ay hindi lamang ang ninuno ngunit ang pinakanagtatag ng sistemang Madhyamaka.
|
Ang mga katuruang Sarvastivada na binatikos ni Nagarjuna ay muling pinormula ng mga skolar gaya nina Vasubandhu at Asanga at inangkop sa eskwelang Yogacara ( Sanskrit : kasanayang yoga.
|
Bagaman ang eskwelang Madhyamaka ay naniwalang ang paghahayag ng pag - iral o hindi pag - iral ng anumang huling tunay na bagay ay hindi angkop , ang ilang mga tagapagtaguyod ng Yogacara ay naghayag na ang isipan at tanging ang isipan ang huling tunay ( na isang doktrinang kilala bilang cittamatra ).
|
Hindi lahat ng mga Yogacarin ay naghayag na ang isipan ay tunay na umiiral gaya nina Vasubandhu at Asanga.
|
These two schools of thought , in opposition or synthesis , form the basis of subsequent Mahayana metaphysics in the Indo - Tibetan tradition.
|
Bukod sa kawalang laman , ang mga eskwelang Mahayana ay kadalasang nagbibigay diin sa mga ideyang sinakdal na kabatirang espiritwal ( prajnaparamita ) at kalikasang Buddha ( tathagatagarbha ).
|
May mga magkakasalungat na interpretasyon ng tathagatagarbha sa pananaw na Mahayana.
|
Ang ideya ay maaaring bakasin mula kay Abhidharma at sa huli sa mga pahayag ni Buddha sa Nikayas.
|
Sa Budismong Tibetan , ayon sa eskwelang Sakya , ang tathagatagarbha ang pagiging hindi mawawalay ng kalinawan at kawalang laman ng isipan ng isa.
|
Sa Nyingma , ang tathagatagarbha ay pangkalahatang tumutukoy rin sa pagiging hindi mawawalay ng kalinawan at kawalang laman ng isipan ng isa.
|
Ayon sa eskwelang Gelug , ito ang potensiyal para sa mga may kamalayang nilalang na magising dahil sila ay walang laman ( i.e. nakasalalay na nagmula ).
|
Ayon sa eskwelang Jonang , ito ay tumutukoy sa likas na mga kalidad ng isipan na naghahayag ng kanilang mga sarili bilang omnisiyensiya etc. kapag ang panlabas na na mga pagkukubli ay naalis.
|
Ang " Tathagatagarbha Sutras " ay isang kalipunan ng mga sutra na Mahayana na nagtatanghal ng isang walang katulad na modelo ng kalikasang - Buddha.
|
Bagaman ang kalipunang ito ay pangkalahatang hindi pinapansin sa India , Ang Budismong Silangang Asya ay nagbibigay ng ilang kahalagahan sa mga tekstong ito.
|
Ang Nirvana ( Sanskrit ; Pali : " Nibbana " ) ay nangangahulugang " pagtigil " , " ekstinksiyon " ( ng pagnanasa at kamangmangan at kaya ang pagdurusa at ang siklo ng hindi boluntaryong mga muling kapanganakan ( sa ? sara ) ) ay " napawi " , " napatahimik " , " napahinahon ".
|
Ito ay kilala rin bilang " Paggising " o " Kaliwanagan " sa Kanluranin.
|
Ang termino para sa kaninuman na nagkamit ng nirvana kabilang si Buddha ay arahant.
|
Ang Bodhi ( Pali at Sanskrit , sa devanagari : ? ? ? ? ) ay isang terminong nilalapat sa karanasan ng mga Pagliliwanag ng mga arahant.
|
Ang Bodhi ay literal na nangangahulugang " paggising " ngunit karaniwang isinasalin sa Ingles bilang " kaliwanagan ".
|
Sa " Maagang Budismo " , ang bodhi ay may kahulugang kasing kahulugan ng nirvana gamit lamang ang ilang mga iba ibang metapora upang ilarawan ang karanasan na nagpapahiwatig ng pagpawi ng raga ( kasakiman , pagnanasa o pananabik ) , dosa ( poot , pag - ayaw ) at moha ( delusyon ).
|
Sa mga kalaunang eskwela ng Budismong Mahayana , ang katayuan ng nirvana ay ibinaba sa ilang mga kasulatan na naging tumutukoy lamang sa pagpawi ng kasakiman at poot na nagpapahiwatig na ang delusyon ay umiiral pa rin sa isa na nagkamit ng nirvana at ang isang ito ay nangangailangang makamit ang bodhi upang malipol ang delusyon.
|
Kaya ayon sa Budismong Mahayana , ang arahant ay nagkamit lamang ng nirvana at kaya ay nasa ilalim pa rin ng delusyon samantalang ang bodhisattva ay hindi lamang nagkakamit ng nirvana kundi pati ang buong kalayaan mula sa delusyon.
|
Kaya kanyang nakakamit ang bodhi at nagiging buddha.
|
Sa Budismong Theravada. ang boddhi at nirvana ay may parehong kahulugan sa mga sinaunang teksto na pagiging malaya mula sa kasakiman , poot at delusyon.
|
Ang terminong parinirvana ay naeekwentro rin sa Budismo at ito ay pangkalahatang tumutukoy sa kompletong nirvana na nakamit ng arahant sa sandali ng kanyang kamatayan kapag ang pisika na katawan ay namatay.
|
Ayon sa mga tradisyong Budista , ang isang Buddha ay isang buong nagising na nilalang na kumpletong nadalisay sa kanyang isipan ng mga tatlong lason ng pagnanasa , pag - ayaw at kamangmangan.
|
Ang isang Buddha ay hindi na nakatali sa Samsara at nagwakas ng pagdurusa na nararanasan sa buhay ng mga hindi nagising na tao.
|
Hindi itinuturing ng mga Budista si Siddhartha Gautama na ang tanging Buddha.
|
Ang Pali Canon ay tumutukoy sa mga nakaraang isa ( tingnan ang Talaan ng 28 mga Buddha ) samantalang ang tradisyong Mahayana ay karagdagang may maraming mga Buddha sa pangkalawakan sa halip na historikal na pinagmulan ( tingnan ang Amitabha o Vairocana bilang mga halimbawa , para sa mga talaan ng maraming mga libong pangalang Buddha , tingnan ang Taisho Shinshu Daizokyo mga bilang 439 - 448 ).
|
Ang isang karaniwang paniniwalang Budistang Theravada at Mahayana ay ang susunod na Buddha ang isa na pinangalanang Maitreya ( Pali : Metteyya ).
|
Sa doktrinang Theravada , ang isang tao ay maaaring magising mula sa " pagtulog ng kamangmangana " sa pamamagitan ng direktang pagtanton ng tunay na kalikasan ng realidad.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.