text
stringlengths
0
7.5k
Nasa pagitan Look ng Tayabas sa hilaga at Dagat Sibuyan sa timog ang Marinduque.
Matatagpuan ito sa timog at kanluran ng Quezon , silangan ng Mindoro , at hilaga ng Romblon.
Halos bilog na pulo ang Marinduque na may mga labing - isang milya ang layo mula sa Luzon.
May 370 milya kuadrado ito na ginagawang ika - 13 pinakamalaking pulo sa kapuluan ng Pilipinas.
Bantog ang Marinduque para sa Pistahang Moryon na ipinagdiriwang taung - taon.
Binubuo ang Marinduque ng anim na bayan :.
Ang Marinduque ay isang hugis - puso na pulo na nasa gitna ng Kipot ng Tayabas sa hilaga at Dagat ng Sibuyan ay sa timog.
Hiwalay ito sa Tangway ng Bondoc sa Quna pulo ay ang Pulo ng Maniwaya , ang Pulo ng Polo at ang Pulo ng Mongpong.
Ang pinakataas na taluktok sa Marinduque ay ang Bundok Malindig ( noon , Bundok Marlanga ) , isang potensiyal na aktibong bulkan na may kataasan ng 1,157 na metro.
Mayrong dalawang mayor na panahon ang pulo - - ang panahong tuyo ( Nobyembre hanggang Pebrero ) at ang panahong maulan ( Hunyo hanggang Oktubre ) , na may isang panahon ng pagpapalit sa pagitan ng dalawang panahon.
Tuwing Desyembre ipinagdiriwang ang Bila - bila Festival sa Marinduque ito 'y ginaganap tuwing pista ng Boac.
At tuwing Abril ( Mahal na Araw ) ginaganap naman ang Morionies Festival , at ito 'y ipinadiriwang taon taon upang ipakilala ang kulturang Marinduqueno.
Likas na magaganda ang mga taong naninirahan dito.
Lunes
Ang Lunes ay unang araw ng linggo sa pagitan ng Linggo at Martes.
Ito ay pangalawa sa tradisyonal na linggo at una sa linggong pangnegosyo.
Galing sa wikang Kastila ang salitang ito na galing naman sa salitang Lunae dies o " araw ng buwan ".
Ang salin ng Lunes sa wikang Inggles ay " Monday " na galing naman sa Mona , ang diyos ng buwan ng mga Saxones.
Ang salitang " Lunes " ay hango sa salitang Latin na " Luna " na ang ibig sabihin ay buwan.
Ang latinong salitang Luna rin ang pinagmulan ng ilang mga salitang nag - ugat sa Latin tulad ng Italyano ( Lunedi ) , Pranses ( Lundi ) , Espanyol ( Lunes ) at Romanong ( Luni ) mga pangalan.
Sa ibat ibang kultura at bahagi ng mundo , ang Lunes ay itinuturing na unang araw ng Linggo.
Ito ang kaso sa maraming Europeong bansa , sa ilang bahagi ng Africa , Timog America at sa Australia.
Sa ilang bahagi ng Asya , ang Lunes rin ang tinuturing na " araw ng panimula.
" Sa Tsina , ang Lunes ay binabaybay bilang xingqi yi ( Xing Qi Yi ) na nangangahulugang , " unang araw ng linggo.
" Ito rin ang unang araw ng linggo kung ang pagbabatayan ay ang paggamit ng International Standard , ISO 8601.
Gayumpaman , sa mga Hudyo - Kristiyanong kultura at paniniwala , ang Lunes ang pangalawang araw , kasunod ng Linggo.
Ito ang sinusunod na format sa Canada , Estados Unidos at Pilipinas.
Ang salin sa wikang Arabo , Portuges , Hebreo , Persa ( Persian ) , at Syriac ay nangangahulugan ng " pangalawang araw ".
Ang Lunes rin ang tinutukoy na unang araw ng pagtatrabaho , pagpasok sa paaralan , at sa negosyo.
Ang araw ng Lunes ay tinuturing na mabuting panimula ng pagtitika.
Taliwas ito sa inabiso sa sulating Didache kung saan ang mga Kristiyano ay pinayuhan na magsimula ng pagtitika sa araw ng Miyerkules , imbes na Lunes upang maiwasan ang pagiging makahudyo.
Tuwing Lunes rin isinasagawa ang pampublikong pagbabasa ng tora at ang mga espesyal na panalangin ng pagsisisi.
Gayumpaman , ang gawaing ito ay nakakansela kung mayroong espesyal na okasyong pangkasihayan.
Sa Silanganing Orthodoksong mga simbahan , ang Lunes ay ang araw kung saan ang mga anghel ay kinikilala o ginugunita.
Ang Octoechos ay nagtataglay ng mga himno na may ganitong layunin , at nasasaayos sa walong - linggong siklo.
Ang mga himnong ito ay inuusal tuwing mga Lunes ng buong taon.
Sa katapusan ng Banal na Serbisyo tuwing Lunes , ang pagwawakas ay inihuhudyat ng pangwakas na pagbating : " Nawang si Kristong Iisang Diyos , sa pamamagitan ng pananalangin ng Kaniyang Inang walang Bahid Kasalanan , ng mga kagalang galang , at ng mga Anghel sa Langit ... ".
Sa ilang silanganing monasteryo , ang Lunes ay siyang araw ng pagtitika , dahil ito ay inaalay sa mga anghel.
Sa araw na ito ang mga monghe ay namumuhay wangis ng mga anghel.
Sa mga monasteryo ring ito , maliban na lamang kung mayroong espesyal na kapistahan , ang pagkain o pagkonsumo ng karne , isda , alak at langis ay ipinagbabawal.
Ilang mga kaganapan sa Kanluraning bansa , ang isinunod sa Ingles na salin ng Lunes.
Ang ilan sa mga ito ay hindi bahagi ng kulturang Pilipino.
Ang mga sumusunod ay mga kaganapan na inoobserbahan sa Pilipinas.
Linggo | Lunes | Martes | Miyerkules | Huwebes | Biyernes | Sabado.
Gawaing seksuwal ng tao
Ang mga seksuwal na gawain ng tao o aktibidad na pangseks ng tao o ugaling seksuwal ng tao ay ang ugali o asal kung saan ang mga tao ay nakakaranas at nagpapahayag ng kanilang seksuwalidad.
May pana - panahong nagsasagawa ang mga tao ng samu 't saring mga gawaing seksuwal , at dahil sa malawak na sari - saring mga kadahilanan.
Ang akdibidad na seksuwal ay normal na nagreresulta sa kaantigang seksuwal at mga pagbabagong pampisyolohiya sa nalibugang tao , ang ilan ay hayag at lantad habang ang iba naman ay mas banayad.
Kasama rin sa gawaing seksuwal ang kilos at mga aktibidad na sinasadya upang makahimok ng pagpansin seksuwal ng iba , katulad ng mga estratehiya upang makahanap at makaakit ng mga kapareha ( panliligaw ) o paghahanap ng kapareha , at ugali ng pagpapakita ng motibo , at interaksiyong personal sa pagitan ng mga indibidwal , katulad ng pagkerengkeng ( flirting ) at paglalaro bago magtalik.
Ang aktibidad na seksuwal ng tao ay mga aspetong sikolohikal , biyolohikal , pisikal , at emosyonal.
Sa pambiyolohiya , tumutukoy ito sa mekanismong reproduktibo pati na sa payak na ganang biyolohikal na umiiral sa lahat ng mga espesye at maaaring sumaklaw ng interkursong seksuwal at pagduduop na seksuwal sa lahat ng mga kaanyuhan nito.
Ang mga aspetong emosyonal ay tumutuon sa matinding kabuklurang personal at mga damdamin o emosyong nalilikha sa pagitan ng mga magkatambalang seksuwal sa pamamagitan ng isang gawaing seksuwal.
Ang mga paksa o isyung pisikal sa paligid ng seksuwalidad ay sumasaklaw mula sa purong medikal na kunsiderasyon hanggang sa mga alintana o pakundangan hinggil sa pisyolohikal o kahit na sikolohikal at sosyolohikal na mga aspeto ng pag - aasal na seksuwal.
Sa ilang mga kultura , ang mga gawaing seksuwal ay itinuturing na katanggap - tanggap sa loob lamang nga kasal , bagaman pangkaraniwan din ang premarital at ekstramarital na pakikipagtalik.
Ang ilang mga aktibidad na seksuwal ay ilegal sa buong mundo o sa ilang mga bansa , at ang ilan ay itinuturing na laban sa mga norma o gawi ng isang lipunan.
Bilang halimbawa , ang seksuwal na gawain na kaugnay ang isang taong mababa ang edad kaysa edad ng pagpayag at pananakit na seksuwal ay pangkalahatang mga kasalanang kriminal sa maraming mga hurisdiksiyon.
Budismo
Ang Budismo o Budhismo ( Sanskrit : Buddha Dharma , nangangahulugang : " Ang Daan ng Naliwanagan " ) ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Sakyamuni ( Siddhartha Gautama ) , na marahil namuhay noong ika - 5 siglo BCE.
Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang " Buda " , na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya.
Ang Buddha ay nangangahulugang " ang isang naliwanagan " sa Sanskrit at Pali.
Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika - 6 hanggang ika - 4 siglo BCE.
Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa ( dukkha ) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan ( avidya ) sa pamamamagitan ng pag - unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan ( pratityasamutpada ) at pag - aalis ng pagnanasa ( tanha ) , at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na nirvana.
Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala : ang Theravada ( " Ang Paaralan ng mga Nakatatanda " ) at Mahayana ( " Ang Dakilang Sasakyan " ).
Ang Theravada ay may malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka , Timog Silangang Asya.
Ang Mayahana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya ( Tsina , Korea , Hapon , Vietnam , Singapore , Taiwan etc.
) at kinabibilangan ng mga tradisyon ng Dalisay na Lupain , Zen , Budismong Nichiren , Budismong Tibetan , Shingon , at Tiantai ( Tendai ).
Sa ilang mga klasipikasyon , angVajrayana na pangunahing sinasanay sa Tibet at Mongolia at mga kalapit na bahagi ng Tsina at Rusya ay kinikilala na ikatlong sangay samantalang ang iba ay umuuri dito bilang bahagi ng Mahayanan.
Bagaman ang Budismo ay nananatiling pinakasikat sa loob ng Asya , ang parehong mga sangay nito ay matatagpuan na ngayon sa buong mundo.
Ang mga Budismo sa buong mundo ay tinatayang sa pagitan ng 350 - 500 milyon o sa pagitan ng 1.2 - 1.7 bilyon.
Ito ay kinikilala rin bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong relihiyon sa buong mundo.
Ang mga eskwela ng Budismo ay iba iba sa eksaktong kalikasan ng landas tungo sa kalayaan , ang kahalagahan at kanonisidad ng iba 't ibang mga katuruan at kasulatan at lalo na ang kanilang mga respektibong kasanayan.
Ang mga pundasyon ng tradisyong Budista at kasanayan ang Tatlong Hiyas ( Triple Gem / Tirattana ).
Ang Tatlong Hiyas ay ang Buda ( Ang naliwanagan ) , ang Dharma ( Mga katuruan ng Buda ) , at ang Sangha ( Komunidad ng mga Budista ).
Ang pagkanlong sa Tatlong Hiyas ay tradisyonal na isang paghahayag at pagtatalaga ng sarili sa pagiging nasa landas na Budista at sa pangakalahatang ay nagtatangi ng isang Budista mula sa isang hindi - Budista.
Ang ibang mga kasanayan ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod na mga patakarang etikal ; pagsuporta sa pamayahanang monastiko ; pagtakwil sa nakagawiang pamumuhay at pagigign isang monastiko ; pag - unlad ng pagiging mapagmasid at pagsasanay ng pagninilay - nilay ; pagpapalago ng mas mataas na karungungan at pagkawari ; pag - aaral ng mga kasulatang Budista ; mga pagtutuong kasanayan , mga seremonya at sa tradisyong Mahayana ay paghimok ng mga buddha at bodhisattva.
Nabibilang ito sa mga pangunahing relihiyon sa mundo.
Ang Samsara ang " gulong ng kapanganakan at kamatayan ".
Ang mga may kamalayaang nilalang ay nananabik sa pagnanasa at ayaw sa sakit mula kapanganakan hanggang kamatayan.
Sa pagiging nakontrol ng mga saloobing ito , kanilang ipinagpapatuloy ang siklo ng may kondisyong pag - iral at pagdurusa ( samsara ) at lumilikha ng mga sanhi at kondisyon ng susunod na muling kapanganakan pagkatapos ng kamatayan.
Ang bawat muling kapanganakan ay nag - uulit ng prosesong ito sa isang hindi boluntaryong siklo na sinisikap ng mga Budistang wakasan sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga sanhi at kondisyong ito at naglalapat ng mga pamamaraang inilatag ni Buddha at ng mga kalaunang Budista.
Ang Karma ( mula sa Sanskrit : " aksiyon , gawa " ) sa Budismo ang pwersa na nagtutulak sasamsara na siklo ng pagdurusa at muling kapanganakan ng bawat nilalang.
Ang mga mabuting may kasanayang mga gawa ( Pali : " kusala " ) at masama at walang kasanayang mga gawa ( Pali : " akusala " ) ay lumilikha ng mga binhi sa isipan na natutupad sa buhay na ito o sa kalaunang muling kapanganakan.
Ang pag - iwas sa hindi malusog na mga gawa at pagpapalago ng mga positibong gawa ay tinatawag na sila ( mula sa Sanskrit : " etikal na pag - aasal " ).
Sa Budismo , ang karma ay spesispikong tumutukoy sa mga aksiyon o gawa ng katawan , pananalita at kaisipan na lumilitaw mula sa layuning pang - isipan ( " cetana " ) , at nagdudulot ng isang kalalabasan o bunga ( phala ) o resulta ( vipaka ).
Sa Budismong Theravada , walang makadiyos na kaligtasan o kapatawan para sa karma ng isa dahil isang purong prosesong hindi personal na bahagi ng kabuuan ng uniberso.
Sa Mahayana Budismo , ang mga teksto ng isang mga Mahayana sutra ( gaya ng Lotus Sutra , Angulimaliya Sutra at Nirvana Sutra ) ay nag - aangkin ng pagbibigkas o pakikinig lamang ng kanilang mga teksto ay maaaring bumura ng mga karma.
Ang ilang mga anyo ng Budismo gaya ng Vajrayana ay tumuturing sa pagbibigkas ng mga mantra bilang paraan ng pagputol ng nakaraang negatibong karma.
Ang Hapones na Dalisay na Lupaing Gurong si Genshin ay nagturo na ang Amida Buddha ay may kapangyarihang wumasak ng karma na kundi ay magtatali ng isa sa samsara.
Ang muling kapanganakan ay tumutukoy sa isang proseso kung saan ang mga nilalang ay dumadaan sa isang paghahali ng mga buhay bilang isa sa mga posibleng anyo ng may kamalayang buhay na ang bawat isa ay tumatakbo mula sa paglilihi hanggang sa kamatayan.
Itinatakwil ng Budismo ang mga konsepto ng isang permanenteng sarili o isang hindi nagbabago , walang hanggang kaluluwa gaya ng tinatawag sa Hinduismo at Kristiyanismo.
Ayon sa Budismo , walang gayong bagay gaya ng isang sarili na hindi nakasalalay mula sa iba ng uniberso ( anatta ).
Ang kapangakan sa mga kalaunang pag - iral ay dapat maunawaan bilang isang pagpapatuloy ng isang nagbabagong proseso ng nakasalalay na pag - ahon ( " pratityasamutpada " ) na tinutukoy ng mga batas ng sanhi at epekto ( karma ) sa halip na ng sa isang nilalang na nasa transmigrasyon o nagiging laman mula sa isang pag - iral tungo sa susunod.
Ang bawat muling kapanganakan ay nangyayari sa loob ng isa sa mga limang sakop ayon sa mga Theravadin o anim ayon sa ibang mga eskwelang Budista.
These are further subdivided into 31 planes of existence :.
Ang mga muling kapanganakan sa ilan sa mga mas mataas na kalangaitan na kilala bilang Mga daigdig na Suddhavasa ( Mga dalisay na tirahan ) ay makakamit lamang ng mga may kasanayang tagapagsanay na Budist ana kilala bilang mga anagami ( mga hindi bumabalik ).
Ang mga muling kapanganakan sa arupa - dhatu ( mga walang anyong sakop ) ay makakamit lamang ng mga makagpaninilay nilay sa mga arupajhana na pinakamataas na bagay ng pagninilay nilay.
Ayon sa Budismong Tibetan , may isang pagitang estado ( Bardo ) sa pagitan ng isang buhay at susunod.
Ang posisyong Ortodoksong Theravada ay tumatakwil dito.
Gayunpaman , may ilang mga talata sa Samyutta Nikaya ng Pali Canon na tila sumusuporta sa ideya na ang Buddha ay nagturo ng isang pagitang yugto sa pagita ng isang buhay at sa susunod.
Ang mga katuruan tungkol sa Apat na mga Maharlikang Katotohanan ay itinuturing na sentral sa mga katuruan ng Budismo at sinasabing nagbibigay ng isang pangkonseptong balangkas para sa kaisipang Budista.