text
stringlengths
0
7.5k
Ang gayong mga tao ay tinatawag na mga arahant at minsang tinatawag na mga buddha.
Pagkatapos ng maraming pang - buhay na pagsisikap na espiritwal , kanilang naabot ang wakas ng siklo ng muling kapanganakan at hindi na nagrereinkarnasyon bilang tao , hayop , multo o ibang nilalang.
Ang mga komentaryo ng Kanon na Pali ay nag - uuri ng mga nagising na nilalang na ito sa mga tatlong uri :.
Ang Bodhi at nirvana ay may parehong kahulugan na ng pagiging malaya mula sa pagnanasa , poot at delusyon.
Sa pagkakamit ng bodhi , ang arahant ay nanaig sa mga balakid na ito.
Bilang karagdagang pagtatangi , ang pagpawi lamang ng poot at kasakiman sa kontekstong pandama na may ilang nalalabi ng delusyon ay tinatawag na anagami.
Sa Budismong Mahayana , ang Buddha ay hindi nakikita bilang isa lamang tao kundi isang proheksiyong pangmundo ng walang pasimula at walang wakas na omnipresenteng nilalang ( tignan angDharmakaya ) na lagpas sa saklaw at pagkaabot ng pag - iisip.
Sa karagdagan. sa mga sutra na Mahayana , ang Budha , Dharma at Sangha ay likas na nakikitang Isa : ang lahat ng tatlogn ito ay nakikita bilang ang mismong walang hanggang Buddha.
Ang kamatayan ni Buddha ay nakikita bilang isang ilusyon.
Siya ay nabubuhay sa ibang mga plano ng pag - iral at kaya ang mga monghe ay pinapayagang mag - alok ng " mga bagong katotohanan " batay sa kanyang input.
Ang Mahaya ay iba rin mula sa Theravada sa mga konsepto nito ng sunyata ( na sa huli walang bagay ang may pag - iral ) at sa paniniwala nito ng mga bodhisattva ( na mga naliwanagang tao na nangao na muling ipapanganak hanggang sa ang lahat ng mga nilalang ay maliwanagan ).
Ang mga pangkalawakang Buddha ang mga indbidwal na hindi na umiiral sa materyal na plano ng pag - iral ngunit tumutulong pa rin sa kaliwanagan ng mga nilalang.
Ang Nirvana ay tumutukoy lamang sa pagpawi ng kasakiman at poot na nagpapahiwatig na ang delusyon ay umiiral pa rin sa nagkamit ng Nirvana.
Ang Bodhi ay naging mas mataas na pagkakamit na lumilipol ng buong delusyon.
Kaya ang Arahant ay nagkakamit ng Nirvana ngunit hindi ng Bodhi at kaya ay napapailalim pa rin sa delusyon samantalang ang Buddha ay nagkakamit ng Bodhi.
Ang pamamaraan ng paglalapat ng sarili o kapangyarihang - sarili ng hindi umaasa sa panlabas na pwersa o nilalang ay salungat sa isa pang pangunahing anyo ng Budismo na Budismong Dalisay na Lupain na nilalarawan ng pinasukdulang pagtitiwala sa nakapagliligtas na " ibang kapangyarihan " ng Amitabha Buddha.
Ang Budismong Dalisay na Lupain ay nakasentro sa kombiksiyon na ang pananampalataya sa Amitabha Buddha at pag - awit ng paggalang sa kanyang pangalan ay nagpapalaya sa isa sa kamatayan tungo sa Lubos na Kagalakan ( ? ? ) , Dalisay na Lupain ( ? ? ) ni Amitabha Buddha.
Ang sakop na ito ay iba ibang pinapakahulugan bilang isang paunang paglasap ng Nirvana o mismong ang Nirvana.
Ang dakilang panata ni Amitabha Buddha na iligtas ang lahat ng nilalang mula sa pagdurusang samsariko ay nakikita sa loob ng Budismong Dalisay na Lupain bilang pangkalahatang epektibo kung ang isa ay may pananampalataya lamang sa kapangyarihan ng panatang ito o umaawit sa kanyang pangalan.
Ang mga Budista ay naniniwalang si Gautama Buddha ang unang nagkamit ng kaliwanagan sa kapanahunang Buddhang ito at kaya ay kinikilang tagapagtatag ng Budismo.
Ang isang kapanahunang Buddha ang saklaw ng kasaysayan kung saan naaalala at sinasanay ng mga tao ang mga katuruan ng pinakamaagang alam na Buddha.
Ang kapanuhanang Buddhang ito ay magwawakas kapag ang lahat ng kaalaman , ebidensiya at mga katuruan ni Gautama Buddha ay naglaho.
Kaya ang paniniwalang ito ay nagsaaad na maraming mga kapanahunang Buddha ang nagsimula at nagwakas sa buong kurso ng pag - iral ng tao.
Kung gayon , si Gautama Buddha ang Buddha ng kapanahunang ito na direkta o hindi direktang nagturo sa lahat ng ibang mga Buddha dito.
Sa karagdagan , ang mga Budistang Mahayana ay naniniwalang mayroong hindi mabibilang na ibang mga Buddha sa ibang mga uniberso.
Ang isang komentaryong Theravada ay nagsasabi na ang mga Buddha ay lumilitaw ng isa isa sa elementong mundong ito at hindi sa mga iba.
Ang mga pagkaunawa ng bagay na ito ay sumasalamin sa malawak na iba ibang mga interpretasyon ng mga basikong temrino gaya ng " sakop na daigdig " sa pagitan ng iba 't ibang mga eskwela ng Budismo.
Ang ideya ng pagbagsak at unti unting paglaho ng katuruan ay naging maimpluwensiya ( influential ) sa Budismong Silangang Asya.
Ang Budismong Dalisay na Lupain ay naniniwala na ito ay bumagsak sa puntong ang ilan ang may kakayahang sumunod sa landa kaya mahusay na umasa sa kapangyarihan ng Amitabha Buddha.
Ang Bodhisattva ay nangangahulugang " nilalang ng kaliwanagan " at pangkalahatang tumutukoy sa isa na nasa landas ng pagka - Buddha.
Sa tradisyon , ang isang bodhisattva ay sinuman na inuudyokan ng malaking kahabagan ay lumikha ng bodhicitta na isang kusang loob na kahilingan na makamit ang pagka - buddha para sa kapakinabangan ng lahat ng mga may kamalayang nilalang.
Pangunahing ginagamit ng Budismong Theravada ang terminong ito nang maykaugnayan sa mga nakaraang pag - iral ni Gautama Buddha ngunit tradisyonal na kumikilala at gumagalang rin sa landas na bodhisattv.
Ayon kay Jan Nattier , ang terminong erm Mahayana ( " Dakilang sasakyan " ) ay orihinal na honoraryong kasingkahulugan para sa Bodhisattvayana , " Sasakyang Bodhisattva.
" Ang Astasahasrika Prajnaparamita Sutra , na isang maaga at mahalagang tekstong Mahayana ay naglalaman ng isang simple at maikling kahulugan ng terminong bodhisattva :.
Hinihikayat ng Budismong Mahayana ang bawat isa na maging mga bodhisattva at kunin ang mga pantang bodhisattva.
Sa mga panatang ito , ang isa ay gumagawa ng pangako na gagawa para sa kumpletong kaliwanagan ng lahat ng mga nilalang sa pamamagitan ng pagsasanay ng mga anim na kasakdalan ( Skt. paramita ).
Ayon sa mga katuruang Mahayana , ang mga kasakdalan o perpeksiyong ito ang : pagbibigay , disiplina , pagtitiis , pagsisikap , pagninilay - nilay at transendenteng karunungan.
Ang debosyon ay isang mahalagang bahagi ng pagsasanay para sa karamihan ng mga Budista.
Ang mga kasanyang debosyonal ay kinabibilangan ng pagyuko , mga paghahandog , pilgrimahe at pag - awit.
Sa Budismong Dalisay na Lupain , ang debosyon kay sa Buddha Amitabha ang pangunahing kasanayan.
Sa Budismong Nichiren , ang debosyon sa Lotus Sutra ang pangunahing kasanayan.
Ang Budismo ay tradisyonal na nagsasama ng mga estado ng pagsipsip na pagninilay - nilay ; Skt : dhyana ).
Ang karamihan ng sinaunang pinagpatuloy na ekspresyon ng mga ideyang yogiko ay matatagpuan sa mga maagang sermon ni Buddha.
Ang isang mahalagang makabagong katuruan ni Buddha ay ang pagsipsip na pagninilay - nilay ay dapat isama sa nagpapalayang kognisyon.
Ang mga estadong pagninilay - nilay ay hindi lamang ang wakas sapagkat ayon kay Buddha , kahit ang mga pinakamataas na estadong pagninilay - nilay ay hindi nakakapagpalaya.
Sa halip na pagkakamit ng isang kumpletong pagtigil ng isipan , ang isang uri ng gawaing pang - isipan ay dapat mangyari : isang nakakapagpalayang kognisyon sa kasanayan ng mapagmatyag na kamalayan.
Ang pagnilay - nilay ay isang aspeto ng kasanayan ng mga yogi sa loob ng mga siglo na nauna kay Buddha.
Si Buddha ay sumalig sa pagkabahala ng mga yogi sa introspeksiyon at nagpaunlad ng kanilang mga pamamaraang pagnilay - nilay ngunit nagtakwil ng kanilang mga teoriya ng kalayaan.
Sa Budismo , ang kamatyagan at malinaw na kamalayan at dapat paunlarin sa lahat ng mga pagkakataon.
Sa mga kasanayang yogiko bagao ang Budismo , walang gayong kautusan .Halimbawa , ang yogi sa tradisyong Brahmanikal ay hindi magsanay habang dumudumi samantalang ang monastikong Budista ay dapat gawin ito.
Ang kaalamang panrelihiyon o " pangitain " ay ipinakitang resulta ng kasanayan sa parehong loob at labas ng kawan.
Ayon sa Samannaphala Sutta , ito ay lumilitaw para sa may kasanayang Budista bilang resulta ng kasakdalang ng pagnilay - nilay na sinamahan ng kasakdalan ng displina ( Pali sila ; Skt. sila ).
Ang ilan sa mga pamamaraang pagninilay - nilay ni Buddha ay pinagsasaluhan sa ibang mga tradisyon ng kanyang panahon ngunit ang ideya na ang etika ay kaswal na nauugnay sa pagkakamit ng transendenteng karunungan ( Pali panna ; Skt. prajna ) ay orihinal.
Ang mga tekstong Budista ang malamang na pinakamaagang naglalarawan ng mga pamamaraang pagnilay - nilay.
Ang mga ito ay naglalarawan ng mga kasanayang pagnilay - nilay at mga estado na umiral bago kay Buddha gayundin ang mga unang nabuo sa loob ng Budismo.
Ang dalawang mga Upanishad na isinulat pagkatapos ng paglitaw ng Budismo ay naglalaman ng buong mga paglalarawan ng yoga bilang isang paraan ng kalayaan.
Sa tradisyon , ang unang hakbang sa karamihan ng mga eskwelang Budista ay nag - aatas ng pagkakanlong sa Tatlong Hiyas ( Sanskrit : tri - ratna , Pali : ti - ratana ) bilang saligan ng kasanyang panrelihiyon ng isang tao Ang kasanayan ng pagkakanlong sa ngalan ng isang bata o kahit sa hindi pa naipapanganak na bata ay binanggit sa Majjhima Nikaya na kinikilala ng karamihan ng mga skolar na isang maagang teksto ( ihambing sa bautismo ng sanggol ).
Ang Budismong Tibetano ay minsang nagdaragdag ng isang ikaapot na kanlungan , sa lama.
Sa Mahayana , ang taong pumipili sa landas na bodhisattva ay gumagawa ng isang panata na itinuturing na huling paghahayag ng kahabagan.
Sa Mahayana , ang Tatlong Hiyas ay natatanto bilang sinasapian ng walang hanggan at hindi nagbabagong esensiya at bilang mayroong hindi mababaliktad na epekto.
Ang mga Tatlong Hiyas ang :.
Ayon sa mga kasulatang Budista , itinanghal ni Gautama Buddha ang kanyang mismong sarili bilang isang modelo.
Ang Dharma ay nag - aalok ng isang kanlungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gabay para sa pagpapaginhawa ng pagdurusa at pagkakamit ng Nirvana.
Ang Sangha ay itinuturing na nagbibigay ng isang kanlungan sa pamamagitan ng pag - iingat ng mga tunay na katuran ni Buddha at pagbibigay ng mga karagdagang halimbawa na ang katotohanan sa mga katuruan ni Buddha ay makakamit.
Ang Sila ( Sanskrit ) o sila ( Pali ) ay karaniwang isinasalin sa Ingles bilang " birtuosong pag - aasal " , " moralidad " , " etika " , o " patakaran ".
Ito ay isang kilos na ginagawa sa pamamagitan ng katawan , pananalita , o isipan at kinasasangkutan ng isang intensiyonal na pagsisikap.
Ito ang isa sa mga tatlong kasanayan ( sila , samadhi , at panya ) at ang ikalawang paramita.
Ito ay tumutukoy sa isang kadalisayang moral ng pag - iisip , pananalita at gawa.
Ang mga apat na kondisyon ng sila ang kalinisan , kahinahunan , tahimik at pagpapawi.
Ang Sila ang saligan ng Samadhi / Bhavana ( kultibasyong pagninilay - nilay ) o kultibasyon ng isipan.
Ang pagsunod sa mga patakaran ay nagtataguyod ng hindi lamang kapayapaan ng kaisipan ng nagpapalago na panloob kundi pati kapayapaan sa pamayanan na panlabas.
Ayon sa Batas ng Karma , ang pagsunod sa mga patakaran ay kapuri puri at umaasal bilang mga sanhi na magdudulot ng kapayapaan at mga epektong maligaya.
Ang pagsunod sa mga kautusang ito ay pumipigil sa nagpapalago mula sa muling kapanganakan sa mga apat na kaaba - abang mga sakop ng pag - iral.
Ang Sila ay tumutukoy sa kabuuang mga prinsipyo ng pag - aasal na etikal.
May ilang mga antas ng sila na tumutugon sa basikong moralidad ( limang mga patakaran ) , " basikong moralidad na may asetisismo ( walong mga patakaran ) , baguhang pagkamonghe ( sampung mga patakaran ] ] ) at pagkamonghe ( Vinaya o Patimokkha ).
Ang mga taong lay ay pangkalahatang nagtatala sa mga sarili nito na mamuhay ayon sa limang mga patakaran na karaniwan sa lahat ng mga eskwelang Budista.
Kung kanilang naisin , maaari nilang piliing isagawa ang walong mga patakaran na nagdadagdag ng basikong asetisismo.
Ang limang mga patakaran ang mga patakarang pagsasanay upang mamuhay ng isang mas mabuting buhay kung saan ang isang tao ay masaya nang walang mga pag - aalala at makapagninilay nilay ng mahusay :.
Ang mga patakaran ay hindi pinormula bilang nag - uutos ngunit bilang mga patakarang pagsasanay na isinagawa ng boluntaryo ng mga taong lay upang padaliin ang pagsasanay.
Sa pananaw na Budista , ang pagpapalago ng Dana at ang mismong pag - aasal na etikal ay nagdadalisay ng kamalayan sa gayong isang lebel na ang muling kapanganakan sa isa sa mga mas mababang kalangitan ay malamang kahit walang karagdagang pagsasanay na Budista.
Walang hindi angkop o hindi - Budista sa paglimita ng mga layunin ng isa sa antas na ito ng pagkakamit.
Sa mga walong patakaran , ang ikatlong patakaran tungkol sa maling gawaing seksuwal ay ginawang mas mahigpit at nagiging isang patakaran ng selibasya.
Ang tatlong mga karagdagang patakaran ang :.
Ang kumpletong talaan ng mga sampung patakaran ay maaaring sundin ng mga taong lay sa maikling mga panahon.
Para sa kumpletong talaan , ang ikaapat ng patakaran ay hinati sa dalawa at ang isang ikasampu ay idinagdag :.
Ang Vinaya ay isang spesipikong kodigong moral para sa mga monghe at madreng Budista.
Ito ay kinabibilangan ng Patimokkha na isang hanay ng mga 227 patakaran para sa mga monghe sa resensiyong Theravadin.
Ang tiyak na nilalaman ng vinayapitaka na mga kasulatan sa Vinaya ay katamtamang iba iba ayon sa iba 't ibang mga eskwela at ang iba 't ibang mga eskwela o subeskwela ay nagtatakda ng iba 't ibang mga pamantayan para sa digri ng pagsunod sa Vinaya.
Ang mga baguhang monghe ay gumagamit ng mga sampung kautusan na mga basikong patakaran para sa mga monastiko.
Tungkol sa mga patakarang monastiko , patuloy na pinaalala ni Buddha sa kanyang mga tagapakinig na ang espirito ang mahalaga.
Sa kabilang dako , ang mga mismong patakaran ay nilikha upang seguraduhin ang isang nakasasapat na pamumuhay at nagbibigay ng isang sakdal na panlunsad para sa mas mataas na mga pagtatamo.
Ang mga monastiko ay tinuruan ni Buddha na mamuhay bilang " mga isla sa kanilang mga sarili ".
Sa Budismong Silanganin , may isa ring natatanging Vinaya at etika na nilalaman sa loob ng Mahayana Brahmajala Sutra ( hindi dapat ikalito sa tekstong Pali ng parehong pangalan ) para sa mga Bodhisattva kung saan , halimbawa , ang pagkain ng karne ay hindi inaaprobahan at ang behetaryanismo ay aktibong hinihikayat.
Sa Hapon , ito ay halos buong pumalit sa monastikong vinaya at pumapayag sa klero na magpakasal.
Ang pagninilay - nilay na Budista ay pundamental na nauukol sa dalawang mga tema : pagbabago ng isipan at gamitin ito upang galugarin ang sarili at iba pang mga phenomena.
Ayon sa Budismong Theravada , ang Buddha ay nagturo ng dalawang mga uri ng pagninilay - nilay , ang pagninilay - nilay na samatha ( Sanskrit : samatha ) at pagninilay - nilay na vipassana ( Sanskrit : vipasyana ).
Sa Budismong Tsino , may umiiral ( isinalin nachih kuan ) , ngunit ang pagninilay - nilay na Chan ( Zen ) ay mas sikat.
Ayon kay Peter Harvey , kung saan malusog ang Budismo , hindi lamang ang mga monghe , madre at mga ikinasal na lama ang nagsasanay nito kundi pati ang mga nagtalaga sa sariling mga taong lay.
Ayon Routledge 's Encyclopedia of Buddhism , sa bong karamihan ng kasaysayan ng Budismo bago ang mga modernong panahon , ang seryosong pagninilay - nilay sa mga taong lay ay hindi karaniwan.
Ang ebidensiya ng mga maagang teksto ng Budismo ay nagmumungkahing sa panahon ni Buddha , maraming mga lalake at babaeng tagapagsanay na lay ang nagsanay ng pagninilay - nilay.