text
stringlengths
0
7.5k
By My Side
Ang By My Side ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.
Tau neutrino
Ang tau neutrino o tauon neutrino ay isang subatomikong elementaryong partikulo na may simbolong nt at walang net na elektrikong karga.
Kasama ng tau , ito ay bumubuo ng ikatlong henerasyon ng mga lepton kaya ang pangalan nito ay tau neutrino.
Ang eksistensiya nito ay aga na naipahiwatig pagkatapos na ang partikulong tau ay natukoy sa sunod sunod na mga eksperimento sa pagitan ng 1974 at 1977 nina Martin Lewis Perl at mga kasama nito sa pangkat SLAC - LBL.
Ang pagkakatuklas ng tau neutrino ay inihayag noong Hulyo 2000 ng kolaborasyong DONUT.
Mga comune ng Ain
Narito ang isang talaan ng mga 419 comune ng Ain , France.
Limpa ( likido )
Ang limpa ay isang uri ng pluwido ng katawan na panlaban sa bakterya.
Nagdadala ito ng taba mula sa bituka at nagdurulot ng mga limposito o limposayt sa dugo.
Ito ang likidong nakapaligid at sumasapin sa bawat isang selulang nasa loob ng katawan.
Katulad ito ng serum o ang payak na pluwido ng dugo subalit walang kulay.
Natitipon ang limpa sa loob ng mga sisidlan ng limpa at naglalakbay din sa mga lalagyang ito ng limpa , na katulad ng sa nangyayari sa loob ng mga ugat na bena.
Kumukunekta ang sistema ng limpa o sistemang limpatiko sa sistema ng dugong malapit sa puso.
May mga kulani ( mga lymph node ) sa kahabaan ng mga sisidlan ng limpa , na gumaganap bilang mga pansalang sumasala sa mga mikrobyo at iba pang mga nakapipinsalang mga sustansiyang napupunta sa loob ng katawan.
Heroina
Ang heroina o heroin ( pangalang pangkimika : diacetylmorphine , diamorphine , diacetylmorphine hydrochloride , acetomorphine , ( dual ) acetylated morphine , morphine diacetate , C21H23NO5 ) ay isang uri ng ipinagbabawal na gamot Isa itong uri ng narkotikong nakapagdurulot ng pagkasugapa o pagkaadik na may opyo.
Dahil naglalaman ng opyo , isa itong gamot na nagsisilbing malakas na pampawi ng hapdi at isang matapang na uri ng pampahina o depresante.
Karaniwang iligel na ibinibenta ito sa kalye sa anyong hindi puro.
Columba
Si San Columba , Columba , o Colomba ( 7 Disyembre 521 - 9 Hunyo 597 AD ) , kilala rin bilang Columba ng Iona , Colum Cille , Colm Cille , Columbkill o Columcille ( lahat may ibig sabihing " Kalapati ng simbahan " ) ay isang namumukod tanging tao mula sa mga misyonerong mongheng Gaelikong Irlandes , na - ayon sa mga tagapagtangkilik niya - siyang nagpakilala ng Kristiyanismo sa mga Pikto noong Kaagahan ng Kapanahunang Midyibal.
Isa siya sa tinatawag na Labindalawang mga Alagad ng Irlanda.
James Watson
Si James Dewey Watson ( ipinanganak noong Abril 6 , 1928 ) ay isang Amerikanong biologong molekular , henetisista at zoologo na kialala bilang kapwa tagatuklas ng istraktura ng DNA noong 1953 kasama ni Francis Crick.
Sina Watson , Crick at Maurice Wilkins ay magkasanib na ginawaran ng Gantimpalang Nobel sa Pisiolohiya o Medisina para " sa mga pagkakatuklas ng mga ito na umuukol sa istrakturang molekular ng mga asidong nukleyiko at ang kahalagahan nito sa paglilipat ng impormasyon sa nabubuhay na materyal ".
Pagkalumpo
Ang pagkalumpo o paralisis ( Ingles : paralysis , palsy ) ay ang kawalan ng kakayahang gumalaw ng laman o pangkat ng mga masel ng katawan o bahagi nito.
Sa ganitong kalagayan , nagkakaroon ng panghihina , pamamanhid , o pangingimay ang katawan o apektadong bahagi ng katawan , kaya 't nawawalan ang kapangyarihang kumilos o nauudlot ang pagkilos.
Tinatawag na paralitiko ( lalaki ) o paralitika , salanta , baldado , lumpo ang isang taong lumpo.
Tinaguriang paralisado at pagkaparalisa ang katayuan ng pagkakaroon ng paralisis.
Mamarang
Ang mamarang ( Termitomyces cartilagineus ) ay isang uri ng halamang singaw na kilala sa katawagang kabute sa wikang Tagalog.
Ito ay nakakain at nabibilang sa isa sa mga sangkap sa mga lutuin ng Hapon , Tsina at sa Pilipinas.
Ang mamarang katulad ng kauri nitong kabuteng parang ay mga kabute na sumisibol sa pinagbahayan ng anay.
Dahil dito isa itong uri ng halamang - singaw na hindi napapasibol ng tao.
Ito ay kusang nasibol sa tamang panahon lalu na kapag nagkakaroon ng matinding pagkidlat.
Ang mga nitrate na compound sa himpapawid ay siyang isang dahilan para sumibol ang kabute sa nabubulok na bahay ng anay at iba pang organikong bagay sa kalikasan tulad ng dahon , kahoy at mga dumi ng hayop.
Dapat magingat sa pagkain ng kabuteng ito dahil may mga kamukha itong kabute na nakakalason.
Silbikultura
Ang silbikultura ( Ingles : silviculture ) ay ang gawain ng pagkontrol ng pagkakaroon , paglaki , kabuuan , kalusugan , at kalidad ng mga kagubatan upang masalubong ang samu 't saring mga pangangailangan at mga kahalagahan ng maraming mga may - ari ng lupain , mga lipunan , at mga kultura.
Nagmula ang pangalang ito sa Latin na silvi - ( gubat ) + kultura ( sa diwa ng " paglaki " na kaugnay ng paglinang ) , kaya 't may literal itong kahulugang " paglaki ng gubat ".
Ngipin ng karunungan
Ang isang bagang - bait o ngipin ng karunungan ( Ingles : wisdom tooth ) sa mga tao ang anuman sa karaniwang apat na ikatlong molar.
Ang mga ngipin ng karunungan ay lumilitaw sa pagitan ng edad na 16 at 25.
Ang karamihan ng mga matatandang tao ay may apat na mga ngipin ng karunungan ngunit posibleng may mas kaunti o higit pa na sa kasong ito , ang mga karagdagan ay tinatawag na mga ngiping supernumeraryo.
Ang ngipin ng karunungan ay karaniwang umaapekto sa ngipin habang umuunlad ito at karaniwang binubunot kapag nangyari ito.
Ang mga ngipin ng karunungan ay ang mga bestihiyal na ikatlong molar na tumulong sa mga ninuno ng tao sa paggiling ng tisyu ng halaman.
Pinaniniwalaang ang mga bungo ng mga ninuno ng tao ay may mas malalaking mga panga na may mas maraming mga ngipin.
Sa pagbabago ng diyeta ng tao , ang mas maliliit na mga panga ng tao ay nag - ebolb ngunit ang mga ngipin ng karunungan ay umuunlad pa rin sa mga tao ngunit wala nang silbi.
Prostodontiks
Ang Prostodontiks ( Ingles : Prosthodontics ) o Prostodontolohiya ( Ingles : Prosthodontology ) , kilala rin bilang prostetiks na dental , prostetiks na pangngipin o dentistriyang prostetiko , ay isa sa siyam na espesyalidad na pangngipin na kinikilala ng Amerikanong Dental na Asosasyon , Royal na Kolehiyo ng mga Dentista ng Canada , at Royal na Awstralasyanong Kolehiyo ng mga Siruhanong Dental.
Ang prostodontiks ay ang espesyalidad na pangngipin na tumutukoy sa diyagnosis , plano ng paggagamot , rehabilitasyon at pagpapanatili ng tungkuling oral o pangbibig , ginhawa , kaanyuan at kalusugan ng mga pasyente na may mga kundisyon o kalagayang klinikal na may kaugnayan sa nawawala o kulang na mga ngipin at / o pambibig at maksilopasyal ( pangbuto sa pang - itaas na panga at pangmukha ) na mga tisyu na ginagamit ang biyokompatible ( kasundong pangbiyolohiya ) na mga kapalit.
Palaging inaantas o inihahanay ng Forbes ang mga prostodontista bilang nasa ika - anim at ika - pitong puwesto sa loob ng mga hanapbuhay na pinakakompetitibo at may pinakamataas na sahod.
Ayon sa Amerikanong Kolehiyo ng mga Prostodontista , ang prostodontista ay isang dentistang :.
Mahabang barong maraming kulay
Sa Hebreong Bibliya o Lumang Tipan ng Bibliyang Kristiyano , ang mahabang barong may iba 't ibang kulay ay ang pangalan o katawagan sa mahabang kasuotang may manggas na pag - aari ni Jose , bunsong anak ni Israel ( si Jacob ) , at sinasabi ng iba na nagtataglay ng sari - saring mga kulay.
Isa sa mga dahilan ng pagkainggit ng mga kapatid ni Jose sa kanya ang damit na ito , sapagkat pagpapakita ito ng pagpapamahal ni Israel kay Jose na " higit pa sa lahat niyang mga anak " at dahil isinilang si Jose sa panahon " ng kanyang katandaan.
" Batay sa paliwanag ni Jose Abriol , ang mga mahahabang barong katulad ng kay Jose ay isinusuot ng mga mayayaman at ng mga taong minamahal.
Samantala , nagsusuot lamang ng mga barong hanggang tuhod lang ang haba at walang mga manggas ang pangkaraniwang mga tao.
Senusret I
Si Senusret I o Sesostris I o Senwosret I ang ikalawang paraon ng Ikalabingdalawang Dinastiya ng Ehipto.
Siya ay naghari mula 1971 BCE hanggang 1926 BCE.
Siya ang isa sa pinamakapangyarihang mga hari ng dinastiyang ito.
Siya ang anak ni Amenemhat I at asawa nitong si Nefertitanen.
Ang kanyang asawa at kapatid ay si Neferu.
Siya rin ang ina ng kahalali sa tronong si Amenemhat II.
Si Senusret ay kilala sa kanyang prenomen na Kheperkare na nangangahulugang " ang Ka ni re ay nalikha ".
Kanyang ipinagpatuloy ang agresibong mga patakarang pagpapalawak ng kanyang ama laban sa Nubia sa pamamagitan ng pagsisimula ng mga ekspedisyon sa rehiyong ito sa kanyang ika - 10 at ika - 18 ng paghahri.
Kanyang itinatag ang pormal na katimugang hangganan ng Ehipto malapit sa ikalawang katarata kung saan niya inilagay ang garison at isang stela ng pagwawagi.
Kanya ring pinangasiwaan ang isang ekspedisyon sa isang Kanluraning disyertong oasis sa disyertong Libyan.
Itinatag ni Senusret I ang diplomatikong mga relasyon sa ilang mga pinuno ng mga bayan sa Syria at Canaan.
Kanyang ring tinangka na gawing sentral ang istrukturang pampolitika ng bansa sa pamamagitan ng pagsuporta ng mga normako na tapat sa kanya.
Ang kanyang pyramid ay itinayo sa el - Lisht.
Si Senusret I ay binanggit sa Kuwento ni Sinuhe na nag - ulat sa kanyang muling bumalik sa palasyong maharlika mula sa isang kampanyang militar sa Asya pagkatapos marinig ang asasinasyon ng kanyang amang si Amenemhat I.
Pangulo ng Estados Unidos
Ang Pangulo ng Estados Unidos ng Amerika ay ang puno ng estado at puno ng pamahalaan ng Estados Unidos.
Nalikha ang tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ng konstitusyon ng Estados Unidos noong 1788.
Ako si , ( Pangalan ng Pangulo / Acting President ) , na taimtim kong pinanunumpaan , na naisakatuparan ko ang tanggapan ng Pangulo ng Estados Unidos , sa abot ng aking kakayahan , pangangalagaan pinoprotektahan at ipagtatanggol ang konstitusyon ng Estados Unidos.
Kasihan nawa ako ng Diyos.
Ako si , ( Pangalan ng Pangalawang - Pangulo / Acting Vice - President ) , na taimtim kong pinanunumpaan , na susuportahan ko at ipagtatanggol ang konstitusyon ng Estados Unidos laban sa mga kaaway , lokal at banyaga ; na tiisin ko nang totoo at pagtatapat na kapareho ; na kunin ang obligasyon nito nang malaya , na walang anumang pasubali o hangaring umiwas ; na aking pinaniniwalaan na pagpapatakbo ang mga katungkulan ng tanggapan na ito 'y aking papasukin.
Kasihan nawa ako ng Diyos.
|.
Jimmy Carter ( edad 94 ) magmula noong 1993.
Bill Clinton ( edad 72 ) magmula noong 2001.
George W. Bush ( edad 72 ) magmula noong 2009.
Barack Obama ( edad 57 ) magmula noong 2017.
Huizhou
Ang Huizhou ( Tsino : Hui Zhou ) ay isang lungsod sa timog - silangang bahagi ng lalawigan ng Guangdong , Tsina.
Hinahangganan ng Huizhou ang panlalawigang kabisera ng Guangzhou sa kanluran , Shaoguan sa hilaga , Heyuan sa hilagang - silangan , Shanwei sa silangan , Shenzhen at Dongguan sa timog - kanluran , at Look ng Daya ng Dagat Timog Tsina sa timog.
Ang lungsod ay may mga 4.6 milyong katao at pinamamahalaan bilang isang antas - prepektura na lungsod.
Namamahala ang antas - prepektura na lungsod ng Huizhou ang limang mga antas - kondado na dibisyon , kasama na ang dalawang mga distrito tatlong mga kondado.
Ang pangunahing wika na ginagamit ng mga taga - Huizhou ay ang Hakka ( kasama ang dialekto ng Huizhou ).
Habang dumadagsa ang mga maraming bagong dating mula sa ibang mga lalawigan upang magtrabaho sa Huizhou , naging popular na wika ang Mandarin sa Huizhou.
Kabilang sa mga pasilidad pang - edukasyon sa Huizhou ay :.
Ang Huizhou ay nakakambal sa mga sumusunod na lungsod :.
Voronezh Oblast
Ang Voronezh Oblast ay isang oblast sa bansang Rusya.
Hilario Davide Jr .