text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang isang kilalang kaso ng ritwalistikong kanibalismo ang sinanay ng tribong Fore sa Papua New Ginea ng pagkain ng utak ng kanilang mga namatay na kamag - anak bilang tanda ng paggalang at pamimihagti.
|
Ang kanibalismong ito ay nagresulta sa pagkalat ng sakit na Kuru na pumatay ng mga 2500 katao ng Papua New Guinea bago itigil ang pagsasanay na ito noong mga 1950 ngunit hindi bago ang pag - ebolb ng resistansiya laban sa kuru sa mga taong nakaligtas sa pagkain ng mga utak ng kanilang namatay.
|
Sa ilang mga lipunan , ang kanibalismo ay hindi norm ng kultura nito ngunit minsang isinasagawa sa mga sitwasyong sukdulang pangangailangan gaya ng taggutom gaya ng nangyari sa ekspedisyon ng partidong Donner at sa pagbagsak ng Uruguayan Air Force Flight 571.
|
Ang gayong mga kaso ay kinasasangkutan ng nekro - kanibalismo na pagkain ng bangkay ng taong namatay na bilang salungat sa homisidal na kanibal na pagpatay ng isang tao para kainin.
|
Sa batas ng Inglatera , ang huli ay palaging itinuturing na krimen kahit sa mga napakahirap na sirkunstansiya.
|
Maraming mga halimbawa ng mga mamamtay - tao na kumain ng kanilang mga biktima na kadalasan ay nakakakuha ng isang satispaksiyong seksuwal mula sa akto ng kanibalismo gaya nina Albert Fish , Issei Sagawa at Jeffrey Dahmer.
|
Ang mga indibidwal na ito ay karaniwang itinuturing na mga may sakit sa pag - iisip bagaman ang kompulsiyon na kumain ng laman ng tao ay hindi pormal na nakatala sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders ( DSM ).
|
Ang mga kaso ng autopahiya o kanibalismo sa sarili ay iniulat rin.
|
Castiglione Torinese
|
Ang Castiglione Torinese ay isang comune sa lalawigan ng Turin sa bansang Italya.
|
Aglie * Airasca * Ala di Stura * Albiano d 'Ivrea * Alice Superiore * Almese * Alpette * Alpignano * Andezeno * Andrate * Angrogna * Arignano * Avigliana * Azeglio * Bairo * Balangero * Baldissero Canavese * Baldissero Torinese * Balme * Banchette * Barbania * Bardonecchia * Barone Canavese * Beinasco * Bibiana * Bobbio Pellice * Bollengo * Borgaro Torinese * Borgiallo * Borgofranco d 'Ivrea * Borgomasino * Borgone Susa * Bosconero * Brandizzo * Bricherasio * Brosso * Brozolo * Bruino * Brusasco * Bruzolo * Buriasco * Burolo * Busano * Bussoleno * Buttigliera Alta * Cafasse * Caluso * Cambiano * Campiglione - Fenile * Candia Canavese * Candiolo * Canischio * Cantalupa * Cantoira * Caprie * Caravino * Carema * Carignano * Carmagnola * Casalborgone * Cascinette d 'Ivrea * Caselette * Caselle Torinese * Castagneto Po * Castagnole Piemonte * Castellamonte * Castelnuovo Nigra * Castiglione Torinese * Cavagnolo * Cavour * Cercenasco * Ceres * Ceresole Reale * Cesana Torinese * Chialamberto * Chianocco * Chiaverano * Chieri * Chiesanuova * Chiomonte * Chiusa di San Michele * Chivasso * Ciconio * Cintano * Cinzano * Cirie * Claviere * Coassolo Torinese * Coazze * Collegno * Colleretto Castelnuovo * Colleretto Giacosa * Condove * Corio * Cossano Canavese * Cuceglio * Cumiana * Cuorgne * Druento * Exilles * Favria * Feletto * Fenestrelle * Fiano * Fiorano Canavese * Foglizzo * Forno Canavese * Frassinetto * Front * Frossasco * Garzigliana * Gassino Torinese * Germagnano * Giaglione * Giaveno * Givoletto * Gravere * Groscavallo * Grosso * Grugliasco * Ingria * Inverso Pinasca * Isolabella * Issiglio * Ivrea * La Cassa * La Loggia * Lanzo Torinese * Lauriano * Leini * Lemie * Lessolo * Levone * Locana * Lombardore * Lombriasco * Loranze * Lugnacco * Luserna San Giovanni * Lusernetta * Lusiglie * Macello * Maglione * Marentino * Massello * Mathi * Mattie * Mazze * Meana di Susa * Mercenasco * Meugliano * Mezzenile * Mombello di Torino * Mompantero * Monastero di Lanzo * Moncalieri * Moncenisio * Montaldo Torinese * Montalenghe * Montalto Dora * Montanaro * Monteu da Po * Moriondo Torinese * Nichelino * Noasca * Nole * Nomaglio * None * Novalesa * Oglianico * Orbassano * Orio Canavese * Osasco * Osasio * Oulx * Ozegna * Palazzo Canavese * Pancalieri * Parella * Pavarolo * Pavone Canavese * Pecco * Pecetto Torinese * Perosa Argentina * Perosa Canavese * Perrero * Pertusio * Pessinetto * Pianezza * Pinasca * Pinerolo * Pino Torinese * Piobesi Torinese * Piossasco * Piscina * Piverone * Poirino * Pomaretto * Pont - Canavese * Porte * Pragelato * Prali * Pralormo * Pramollo * Prarostino * Prascorsano * Pratiglione * Quagliuzzo * Quassolo * Quincinetto * Reano * Ribordone * Riva presso Chieri * Rivalba * Rivalta di Torino * Rivara * Rivarolo Canavese * Rivarossa * Rivoli * Robassomero * Rocca Canavese * Roletto * Romano Canavese * Ronco Canavese * Rondissone * Rora * Rosta * Roure * Rubiana * Rueglio * Salassa * Salbertrand * Salerano Canavese * Salza di Pinerolo * Samone * San Benigno Canavese * San Carlo Canavese * San Colombano Belmonte * San Didero * San Francesco al Campo * San Germano Chisone * San Gillio * San Giorgio Canavese * San Giorio di Susa * San Giusto Canavese * San Martino Canavese * San Maurizio Canavese * San Mauro Torinese * San Pietro Val Lemina * San Ponso * San Raffaele Cimena * San Sebastiano da Po * San Secondo di Pinerolo * Sangano * Sant 'Ambrogio di Torino * Sant 'Antonino di Susa * Santena * Sauze d 'Oulx * Sauze di Cesana * Scalenghe * Scarmagno * Sciolze * Sestriere * Settimo Rottaro * Settimo Torinese * Settimo Vittone * Sparone * Strambinello * Strambino * Susa * Tavagnasco * Turin * Torrazza Piemonte * Torre Canavese * Torre Pellice * Trana * Trausella * Traversella * Traves * Trofarello * Usseaux * Usseglio * Vaie * Val della Torre * Valgioie * Vallo Torinese * Valperga * Valprato Soana * Varisella * Vauda Canavese * Venaria Reale * Venaus * Verolengo * Verrua Savoia * Vestigne * Vialfre * Vico Canavese * Vidracco * Vigone * Villafranca Piemonte * Villanova Canavese * Villar Dora * Villar Focchiardo * Villar Pellice * Villar Perosa * Villarbasse * Villareggia * Villastellone * Vinovo * Virle Piemonte * Vische * Vistrorio * Viu * Volpiano * Volvera.
|
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
|
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
|
LazioLiguriaLombardyMarche.
|
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
|
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
|
Property Company of Friends
|
Ang Property Company of Friends ay isang kompanyang totoong estado sa Pilipinas.
|
Mata
|
Ang mga mata , busilig , o buliga ang organo ng paningin na nakadarama ng liwanag.
|
Iba 't ibang uri ng mga madaling - makaramdam na mga organo ang matatagpuan sa mga magkakaiba 't ibang mga organismo.
|
Walang ginagawa ang mga pinakapayak ng mga mata kundi ang dumama ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran , habang nakakapansin naman ng mga hugis at kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata.
|
Malawakang nagkakasanib - sanib ang mga nasasakop ng pananaw ng ilan sa mga ganitong uri ng mga masalimuot na mga mata : katulad ng pagpapahintulot ng mas mainam na pagpuna sa antas ng kalaliman ( paninging binokular o paninging tila - largabista ) sa mga tao ; at nakaposisyon naman ang ibang mata upang mabawasan ang pagkakapatung - patong ng mga nasasakop ng pananaw , katulad ng sa mga kuneho at sa mga kamelyon.
|
Karaniwang tumutukoy ang buliga sa kabuoan ng bilog ng mata ; samantalang sa harap ng mata o sa buong bilog din ng mata ang busilig.
|
Asya ( paglilinaw )
|
Asia o Asya ay maaari ring tumukoy sa mga sumusunod :.
|
Sili ( bunga )
|
Sili ( Ingles : chili pepper , chilli pepper , chile pepper ) ang tawag sa bunga ng halaman mula sa saring ( genus ) Capsicum , kabilang sa pamilya ng mga halamang nightshade ( Solanaceae ).
|
Sa mga bansang Gran Britanya , Australia , New Zealand , India , Malaysia at sa iba pang mga bansa sa Asya ang tawag dito ay chilli ( sili ) lang at walang " pepper ".
|
Ang siling maanghang ay nagmula sa kontinente ng Amerika.
|
Pagkatapos ng Columbian Exchange o malawakang pagpapalitan noong 1492 , kumalat na ang maraming uri ng sili sa buong mundo , nililinang at ginagamit kapwa sa pagkain at medisina.
|
Sa ngayon , ang India ang may pinakamaraming naaani , nagagamit at niluluwas ( export ) na chili pepper sa buong mundo.
|
Ang estado ng Andhra Pradesh ang nag - aambag ng 75 % ng lahat ng siling niluluwas mula sa India , at sa lungsod naman ng Guntur sa nabanggit na estado nagmumula ang 30 % ng naaaning mga sili.
|
Magkamay
|
Ang magkamay o magkamayan ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod :.
|
Legend of Hyang Dan
|
Ang Legend of Hyang Dan ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea.
|
Arnold Schwarzenegger
|
Si Arnold Alois Schwarzenegger ( IPA : / ,Swortsnegr / , Aleman : ; ipinanganak Hulyo 30 , 1947 ) ay isang Amerikano at Awstriyanong naghuhubog ng katawan ( bodybuilder ) , artista , negosyante , at politiko.
|
Siya ang kasalukuyan at ika - 38 Gobernador ng estado ng California.
|
Adolesente
|
Ang kabataan , na tinatawag ding tinedyer , tin - edyer , adolesente , o lalabintaunin ay ang panahon , edad , o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang bata o kilaw at hustong adulto , o kaya ang yugto ng panahon kung kailan ang isang tao ay biyolohikal o pisikal na adulto subalit emosyonal o makapandamdaming hindi pa husto ang maturidad.
|
Ang mga edad na itinuturing na bahagi ng adolesensiya ay iba - iba ayon sa kultura.
|
Halimbawa , sa Estados Unidos ang adolesensiya ay nagsisimula sa bandang edad na 13.
|
Ang kataguriang tinedyer o tin - edyer ay nagmula sa Ingles na teenager , pinaiiksing teen , ay nagmula sa mga Ingles na salitang thirteen ( labintatlo ) hanggang nineteen ( labinsiyam ).
|
Ang tinedyer o tin - edyer ay katumbas ng katagang lalabintaunin.
|
Ang adolesensiya ay kultural at hindi tumutukoy sa isang pirming yugto ng panahon.
|
Ang salitang adolesensiya ay nagbuhat sa wikang Kastilang adolescencia , na nagbuhat naman sa Lating adolescere , isang pandiwang may kahulugang " paglaki ".
|
Sa panahong ito , ang katawan , damdamin , at katayuang akademiko ng isang tao ay nagbabago ng malaki at marami.
|
Sa panahon ng adolesensiya , karamihan sa mga bata ang dumaraan sa mga yugto ng mga pagbabagong pisikal na kung tawagin ay pubertad : o mas espesipikong ang pagbibinata sa mga lalaki at ang pagdadalaga ng mga babae , na karaniwang nagsisimula bago umabot ang isang tao sa gulang na 13.
|
Karamihan sa mga kalinangan ang nag - iisip na ang tao ay nagiging adulto sa loob ng samu 't saring mga edad ng mga taon ng pagiging adolesente.
|
Halimbawa , sa tradisyon ng Hudaismo , ang mga tao ay iniisip na adulto na sa edad na 13 , at ang pagbabagong ito ay ipinagdiriwang sa Bar Mitzvah para sa mga batang lalaki at sa Bat Mitzvah para sa mga batang babae.
|
Sa pangkaraniwan , mayroon isang pormal na edad ng mayorya o mayor de edad ( mayor na edad ( kabaligtaran ng menor de edad o menor na edad ) kung kailan ang mga adolesente ay pormal ( ayon sa batas ) na nagiging mga adulto.
|
Ilang mga sakit ang maaaring lumitaw sa panahon ng adolesensiya ang katulad ng acne , chlorosis ( bagaman bihira na ) , dementia praecox , epilepsiya , hysteria , at acute rheumatism.
|
Taksonomiya
|
Ang Taxonomy ay ang agham ng pag - uuri ng mga byolohikong organismo sa basehan ng mga pare - parehas na katangian at pagbibigay pangalan sa mga ito.
|
Ang mga organismo ay inuuri sa taxa ( isahan : taxon ) at binibigyan ng antas pang - Taxonomy ; mga grupo ng isang antas ay pwedeng pagsama - samahin upang makabuo ng isang super group ng mas mataas na antas na tinatawag na taxonomic rank.
|
Ang botanikong Swedish na si Carolus Linnaeus ay itinuturing na ama ng Taxonomy ; nakagawa siya ng sistema na Linnaean classification na nakakapag - uri ng mga organismo at binomial nomenclature upang mapangalanan ang mga ito.
|
Sa pamamagitan ng mga iba 't - ibang larangan ng pagaaral katulad ng phylogenetics , cladistics , at sistematics , ang Linnaean system ay naging isang sistema ng modernong byolohikong pag - uuri batay sa mga ebolusyonaryong relasyon sa pagitan ng mga organismo , buhay o extinct.
|
Ang Taxonomy ay tinawag na " pinakalumang hanapbuhay ng mundo " , ang pagpapangalan at pag - uuri ng ating paligid ay malamang nagaganap na noon pa mang kaya ng tao makipagusap.
|
Laging mahalaga ang pagkaka - alam ng pangalan ng mga nakakalason at nakakain na halaman at hayop upang maipasa ang impormasyon na ito sa ibang mga miyembro ng pamilya.
|
http : / / en.wikipedia.org / wiki / Taxonomy.
|
Oreshura
|
Ang Oreshura ( An Xiu Luo ) ay isang seryeng manga.
|
Pagdiin - angat
|
Ang pagdiin - pataas , pagdiin - angat , pagpiga - angat , o pagtukol - taas ( Ingles : push - up o press - up , dating tinatawag na floor - dip ) ay isang uri ng pangkaraniwang ehersisyong pagsasanay at pampagpapalakas na isinasagawa habang nakadapa , pahalang , at nakaharap sa sahig ang mukha , na iniaangat at ibinababa ang katawan sa pamamagitan ng mga bisig.
|
Pinauunlad ng pagdiin - taas o pagtulak - angat ang mga muskulong pektoral at mga traysep , na ansilyaryong benepisyo sa masel na deltoid , masel na serratus anterior , masel na coracobrachialis at panggitnang seksiyon sa kabuuan.
|
Isa itong payak na ehersisyong ginagamit sa sibilyang atletikong pagsasanay o edukasyong pisikal at , espesyal na para sa kalusugang militar.
|
Ginagamit din ito bilang parusa sa militar o sa palakasan o isport ng paaralan kapag nagkamali ang isang tao , at iba pa.
|
Isa rin ito sa mga pangunahing ehersisyong kalisteniko.
|
Hiram Rhodes Revels
|
Si Hiram Rhodes Revels ( 27 Setyembre 1822 - 16 Enero 1901 ) ay ang pinakaunang Aprikano Amerikang naglingkod sa Senado ng Estados Unidos.
|
Dahil siya ang nanguna sa alin mang Aprikanong Amerikanong nasa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos , siya rin ang pinakaunang Aprikanong Amerikanong nalagak sa Kongreso ng Estados Unidos.
|
Kinatawan niya ang Misisipi noong 1870 at 1871 habang nagaganap ang Panahon ng Rekonstruksiyon sa Estados Unidos.
|
Noong 2002 , ibinilang siya ng iskolar na si Molefi Kete Asante sa kanyang talaan ng 100 Pinakamagiting na mga Aprikano Amerikano.
|
Mula 2008 , si Revels ay naging isa sa liliman lamang na Aprikanong Amerikanong nakapaglingkod na sa Senado ng Estados Unidos.
|
Enero 21
|
Ang Enero 21 ay ang ika - 21 na araw ng taon sa Kalendaryong Gregorian , at mayroon pang 344 ( 345 kung leap year ) na araw ang natitira.
|
Kapatid sa kasal
|
Ang kapatid sa kasal ( Ingles : sibling - in - law , siblings - in - law ) ay tumutukoy sa taong naging kapatid ng iba pang tao dahil sa batas ng kasal.
|
Ang Bayaw ay tawag sa kapwa miyembro ng Philippine Society of Agricultural Engineers ( PSAE ).
|
Kung lalaki ang kapatid sa kasal ( brother - in - law sa Ingles , na brothers - in - law kapag maramihan ) ito ang lalaking asawa ng isang kapatid na babae , o ang kapatid na lalaki ng asawa ng isang tao.
|
Itinuturing ding kapatid na lalaki sa kasal ang isang asawang lalaki ng isang kapatid ng asawa ng isang tao.
|
May mga partikular na katawagan din para sa mga lalaking kapatid sa kasal.
|
Bayaw ang tawag sa asawang lalaki ng isang kapatid na babae , o tawag sa kapatid na lalaki ng asawang babae , o asawang lalaking ng kapatid na babae ng isang asawang babae.
|
Siyaho naman ang tawag sa asawang lalaki ng nakatatandang kapatid na babae.
|
Ginagamit din ang salitang bilas o ang pariralang bilas na lalaki , bilang pantawag sa asawang lalaki ng isang babaeng kapatid sa kasal.
|
Kapag babae ang kapatid sa kasal ( sister - in - law sa Ingles , na sisters - in - law kung maramihan ) ay ang asawang babae ng kapatid na lalaki ng isang tao.
|
Maaari ring maging kapatid na babae sa kasal ang isang kapatid na babae ng asawa ng isang tao.
|
Itinuturing ding isang kapatid na babae sa kasal ang isang asawang babae ng kapatid na lalaki ng asawa ng isang tao.
|
Ginagamit din pantawag sa babaeng kapatid sa kasal ang hipag na nangangahulugang kapatid na babae ng isang asawang lalaki o ng asawang babae , o ang asawang babae ng isang kapatid na lalaki ( sa madaling salita , ang asawa ng kapatid na lalaki ).
|
Ginagamit din ang bilas o bilas na babae bilang katawagan para sa asawang babae ng isang lalaking kapatid sa kasal.
|
Tinatawag namang inso ang maybahay o asawang babae ng isang nakakatandang kapatid na lalaki.
|
Tinatawag na kapatid sa ina o kapatid sa ama ang mga nagiging kapatid na lalaki o kapatid na babae dahil sa nauna o sumunod na pag - aasawa ng isang ina o ng isang ama.
|
Bayaw is how fellow Agricultural Engineers call themselves.
|
Miss Earth
|
Ang Miss Earth ( Ingles , lit.
|
" Binibining Lupa " ) ay isang taunang timpalak ng kagandahan ( beauty pageant ) na nagsusulong ng pangangalaga ng kapaligiran.
|
Miss Earth 2015Angelia Ong , Philippines.
|
Miss Earth 2014Jamie Herrell , Philippines.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.