text
stringlengths
0
7.5k
Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga di - Kristiyanong Pilipino at itinuturing na pinakamatapang na pangkat ng mga Pilipino dahil hindi sila natalo o nasakop ng mga dayuhan.
Malaki ang pagpapahalaga nila sa kanilang pagkakaibigan at kanilang pagiging matapat.
Mayroon silang sari - sarili at katutubong kultura ngunit pareho ang kanilang paniniwala sa relihiyong Islam at ang pagsamba nila sa kanilang diyos na si Allah.
Kabilang din sa pangkat na ito ang mga Maguindanao , Maranao , Samal , Tausug , Yakan , at Badjao.
Kapitaniya Heneral ng Pilipinas
Ang Kapitaniya Heneral ng Pilipinas ay isang teritoryal na entitdad na bahagi ng Imperyong Espanyol.
Itinatag ito noong 1565 , sa pagkatatag ng mga kauna - unahang permanenteng pamayanang Espanyol , at sakop nito ang lahat ng mga posesyon ng Espanya sa Karagatang Pasipiko , kasama ang ngayo 'y Republika ng Pilipinas , na ang tawag noon ay ang Silangang Indiya ng Espanya.
Dukado ng Normandia
Ang Dukado ng Normandia ( Pranses : Duche de Normandie ; Ingles : Duchy of Normandy ) ay minana mula sa iba 't ibang mga paglulusob ng mga Danes , Norwego , Hibernonoruego , Bikinggong Orcado at ng mga Anglodanes sa Pransiya noong ikawalong siglo.
Ang isang piyuda , malamang ay bilang isang kondado , ay nilikha ng Tratado ng Saint - Clair - sur - Epte noong taong 911 galing sa mga kahandugan ni Haring Carlos , at ibinigay kay Rolyon , ang pinuno ng mga Bikinggo na kilala bilang mga Northmen ( o sa Latin , Normanni ).
Ang pang - uring may - kinalaman sa Dukado ng Normandia ( ngunit hindi ginagamit para sa pangkasalukuyang bagay - bagay ) ay tinaguriang Normando / a ( Ingles : Norman ).
Samantala , ang tinatawag na wikang Normando ( Pranses : langue normand ) ay isang nagtatanging wika na kapamilya ng Pranses.
Claude Bernard
Si Claude Bernard ( 12 Hulyo 1813 - 10 Pebrero 1878 ) ay isang pisyolohistang manggagamot mula sa Pransiya.
Tinawag siya ni I. Bernard Cohen ng Pamantasan ng Harvard , bilang " isa sa pinakadakila sa lahat ng mga tao ng agham ".
sa kanyang Paunang Salita ng kanyang An Introduction to the Study of Experimental Medicine , o Isang Pagpapakilala sa Pag - aaral ng Mapagsubok na Panggagamot , na muling inilibas sa isang bagong edisyon ng palimbagan o palathalaang Dover noong 1957 ( una itong nalathala noong 1865 ).
Si Bernard ang itinuturing na " Ama ng Pisyolohiya ".
Scotland
- sa lupalop ng Europa ( lunti & madilim na abo ) - sa Nagkakaisang Kaharian ( lunti ).
Ang Eskosya o mas kilala sa Ingles na Scotland ( Gaelico Escoces : Alba ) ay isang bansa ng Reyno Unido na sumasakop sa hilagang katlo ng pulo ng Kalakhang Britanya.
Matatagpuan ang Inglatera sa hangganang timog nito at napapalibutan na ito ng Karagatang Atlantiko kung saan ang Dagat Hilaga ay nasa silangan at ang Bangbang Hilaga at Dagat Irlandes ay nasa timog kanlurang bahagi.
May 790 mga pulo ang Eskosya na kinabibilangan ng Kapuluang Kahilagaan at ng Hebrides.
Ang pununglunsod nito ay ang Edimburgo.
Ito ang pangalawang pinakamalaking lungsod at pusod ng Scottish Enlightenment noong ika - 18 dantaon , na nagbigay - raan upang maging isa sa mga sentrong komersiyal , intelektuwal , at industriyal ang Eskosya sa Europa.
Glasgow ang pinakamalaking lungsod ng Eskosya at isa sa dating nangungunang industriyal na lungsod sa buong mundo at ngayon nasa sentro ng Kalakhang Glasgow.
Malaking bahagi ng Hilagang Atlantiko at North Sea ang nasasakupan ng karagatan ng Eskosya , kung saan matatagpuan ang pinakamalaking reserba sa langis sa Samahang Europeo.
Bunsod nito , tinagurian ang Aberdeen - - ang ikatlong pinakamalaking lungsod ng Eskosya - - na kabisera ng langis ng Europa.
Ang Kaharian ng Eskosya ay naging isang malayang estado noong Simula ng Gitnang Panahon at nagpatuloy hanggang 1707.
Ito 'y pumasok sa isang unyong personal kasama ang mga kaharian ng Inglaterra at Irlanda , kasunod ng pagmana ni James VI ng trono ng Inglaterra at Irlanda noong 1603 , kalaunan pumasok sa unyong politikal ang Eskosya sa Ingletarra noong 1 Mayo 1707 upang lumikha ng isang Kaharian ng Kalakhang Britanya.
Ang unyong ito ay bunsod ng Treaty of Union na pinagkasunduan noong 1706 at pinagtibay ng kambal na Acts of Union na ipinasa ng mga Parlamento ng dalawang bansa , sa kabila ng malawakang oposisyon dito at kaguluhan na kontra - unyon sa Edimburgo , Glasgow at kung saan - saan pa.
Ang Kalakhang Britanya naman ay pumasok sa unyong politikal kasama ang Irlanda noong 1 Enero 1801 upang likhain ang United Kingdom of Great Britain and Irlanda.
Nananatiling hiwalay sa Inglaterra at Gales at Kahilagaang Irlanda ang sistemang legal ng Eskosya , at ang Eskosya din ay may natatanging hurisdiksiyon sa pampubliko at pampribadong batas.
Ang patuloy na pagpapanatili ng mga institusyong legal , edukasyonal , at relihiyoso , na hiwalay sa ibang bahagi ng NK , ay nakatulong sa pagpapatuloy ng kultura at pambansang pagkakakilanlan ng mga Scottish , mula noong pagsasanib ng 1707.
Noong 1999 , matapos ang referendum noong 1997 , ibinalik at nagpulong - muli ang Parlamento ng Eskosya , na may malawak na kapangyarihan sa pagpapasiya ng mga domestikong paksa at usapin.
Noong Mayo 2011 , nanalo ng pangkalahatang mayorya ang Scottish National Party sa Parlamento ng Eskosya.
Dulot nito , isang referendum tungkol sa kasarinlan ng Eskosya ang gaganapin sa 18 Setyembre 2014.
Ang Eskosya ay kasaping bansa ng British - Irish Council , at ng British - Irish Parliamentary Assembly.
Kinakatawan ang Eskosya ng anim na MEP sa Samahang Europeo at sa European Parliament.
Silangang Imperyong Romano
Ang Silangang Imperyong Romano , Imperyo ng Roma sa Silangan , o Imperyong Bisantino ( Bisantium ) ay mga pangalang inilalapat sa Imperyo Romano noong Gitnang Panahon na may kabisera sa Constantinopla ( na ngayo ' y Istanbul ).
Tinutukoy ito ng mga naninirahan dito pati ng mga kalapit na bansa bilang Imperyo Romano ( sa Griyego Basileia Romaion , Basileia Rhomaion ) o Imperyo ng mga Romano o Romania ( Romania , Rhomania ).
Ang mga emperador nito ang nagpatuloy ng pamamahala ng mga emperador Romano upang panatiliin ang tradisyon at kulturang Griyego - Romano.
Sa daigdig Islamika , higit na kilala ito bilang rwm ( Rum " Roma " ).
Dahil naman sa pananaig ng Griyego sa wika , sa kultura at sa buhay , kilala ito sa Kanluran o Europa noong mga panahong iyon bilang Imperium Graecorum , Imperyo ng mga Griyego.
Ang pag - inog ng Imperyo Romano sa Silangan mula sa matandang Imperyo Romano ay isang proseso na nagmula noong ilipat ni Constantino ang kabisera sa Bizancio mula sa Nicomedia , Anatolia ( ng kasalukuyang Turquia ).
Binansagan ang Bizancio ng bagong pangalan - ang Bagong Roma ( Nova Roma ) o Constantinopla - na nasa pasig ng Bosforus.
Pagdatal ng siglo 7 sa ilalim ng paghahari ni Emperador Heraclio , ang mga reporma nito ang nagpabago sa lakas militar ng imperyo.
Noong mga panahong ito kinilala ang Griyego bilang opisyal na wika na nagdulot din ng bagong karakter sa imperyo.
Sa libong taon pag - inog ng Imperyo kasama ang maraming balakid at pagkawala ng mga teritoryo , napanatili niya ang sarili bilang isa sa pinakamalakas na pwersa militar , kultural at ekonomika sa buong Europa.
Kumalat ang impluwensiya nito sa Hilagang Africa at sa Malapit Silangan halos buong Edad Media.
Matapos ang huling pagbawi sa ilalim ng dinastiyang Comnena noong siglo 12 , unti - unting lumubog ang Imperyo hanggang sa paglupig rito ng mga Turkong Otomano sa Constantinopla at sa mga natitira nitong teritoryo noong siglo 19.
Kuta ng Kristiyanismo ang imperyo at isa sa mga pangunahing lunduyan ng kalakalan ito sa mundo.
Ito ang tumulong sa pagtatanggol sa paglusob ng mga Muslim sa kanlurang Europa.
Pinatatag nito ang pananalapi sa buong rehiyong Mediterreneo.
Malaki ang naging impluwensiya nito sa mga batas , sistema politika at kaugalian ng halos buong Europa at Gitnang Silangan.
Pinanatili rin nito ang mga gawa sa panitikan at agham ng matandang Grecia , Roma at iba pang mga kultura.
Ang katagang " Imperyo Bizantino " ay isang katha ng mga mananalaysay at hindi ginamit noong panahon ng imperyo.
Ang pangalan ng imperyo sa Griyego ay Basileia Rhomaion ( Griyego : Basileia Romaion ) - - " Ang Imperyo ng mga Romano " - salin mula sa pangalan nito sa Latin na Imperyo Romano ( Latin : Imperium Romanorum ) ; o Rhomania ( Griyego : Romania ).
Sa ilalim ng pamumuno ni Constantine , muling napag - isa ang Imperyong Roman na hinati sa panahon ni Emperador Diocletian.
Subalit sa pagkakataong ito , pinagtuonan ni Constantine ang pagpapaunlad sa Silangang Imperyong Roman.
Inilipat ni Costantine ang kabisera ng Imperyong Roman mula Rome sa Byzantuim ( kasalukuyang Istanbul sa Turkey ).
Tinawag ang lungsod na Constantinople noong 330 C.E .. Ang Costantinople rin ang naging kabisera ng isang makapangyarihang imperyo - ang Imperyong Byzantine.
Nangyari ang pagtatakda sa Imperyo bilang " Bizantino " sa kanlurang Europa noong 1557 noong maglathala ng kanyang katha - sulat ang isang mananalaysay na Aleman na si Hieronymus Wolf na pinamagatang Corpus Historiae By ! zantinae , isang kalipuan ng mga kathang Bizantino.
Ang paglalathala noong 1648 ng Byzantine du Louvre ( Corpus Scriptorum Historiae Byzantinae ) , at noong 1680 ng Historia Byzantina ni Du Cange ay lalong nagpatanyag sa paggamit ng katagang Bizantino sa mga awtor na Frances tulad ni Montesquieu.
Ang palansak na paggamit ng katagang " Bizantino " sa kanlurang mundo ay naganap sa pagdatal ng siglo 19 sa pagsilang ng makabagong Gresya.
Ang paggamit ng " Imperyo Bizantino " gayundin ng Imperium Graecorum ( Imperyo ng mga Griyego ) ay pagpapakita rin sa di - pagtanggap sa pag - angkin ng imperyo bilang tagapagmana ng Imperyo Romano.
Ang pag - angking Bizantino sa tronong Romano ay matibay na nilabanan ni Papa Leon mula pa man sa pagpuputong kay Carlomagno bilang Imperator Augustus noong taong 800.
Kapag binabanggit ng mga Papa o mga namumuno sa Kanluran ang pangalang Romano na tumutukoy sa mga Bizantinong Emperador , kanilang ginagamit ang katagang Imperator Romaniae sa halip na Imperator Romanorum , na isang titulo na ginagamit ng mga taga - Kanluran para lamang kay Carlomagno at sa mga sumunod sa kanya.
Noong siglo 3 , tatlong krisis ang dumagok sa Imperyo Romano : nilusob ito mula sa labas , mga giyera sibil sa loob nito , at ekonomiyang lulugo - lugo at puno ng problema.
Humupa ang kahalagahan ng lungsod ng Roma bilang sentro administratibo.
Nagtatag ng bagong sistemang administratibo si Diocleciano - ang tetrarkiya.
Inagapay niya ang sarili sa isang katulong emperador o Augusto.
Ang bawat Augusto naman ay may batang ka - asisteng ampon o Cesar na kasamang namumuno at sa lumaon ay taga - pagmana ng puwesto ng matandang pinuno.
Subalit ang tetrarkya ay gumuho nang magbitiw sina Diocleciano at Maximiano.
Pinalitan ito ni Constantino I ng dinastikong pagpapamana ng trono.
Inilipat ni Constantino ang Dakila ang luklukan ng Imperyo.
Nagpalabas din ito ng mga mahahalagang pagbabago sa mga batas sibil at panrelihiyon .. Noong 330 , itinatag ang Constantinopla bilang pangalawang Roma ( Nova Roma ) sa lugar ng Bizancio na nakasadlak sa rutang kalakalan sa pagitan ng Kanluran at Silangan.
Nagpuno si Constantino ng mga repormang administratibo na sinimulan ni Diocleciano.
Pinatatag niya ang salapi ( ang gintong solidus na kanyang sinimulan ay matatag at tunay na hinanap ) , at binago ang balangkas ng sandatahan.
Sa pamamahal ni Constantino , muli nitong natamo ang lakas militar at panahon ng katatagan at kaunlaran.
Sa ilalim ni Constantino , hindi man naging isang eksklusibong relihiyon ang Kristiyanismo kung saan nagtamo ito ng pitak sa imperyo sa pagbibigay malaking suporta ng Emperador dito.
Itinatag ni Constantino ang palakad para sa mga emperador na hindi ito dapat lumutas sa mga katanungan tungkol sa doktrina , sa halip tatawag ito ng konsilio eklesiyastikong panglahat.
Ipinatawag ni Constantino ang Kapulungan ng Arles at ipinakita niya ang sarili bilang ulo ng Simbahan sa Unang Konseho sa Niseya.
.
Maipakikita ang kalagayan ng Imperyo noong 395 sa mga nagawa ni Constantino.
Sa katatagan ng dinastikong palakad na kanyang itinatag at nang mamatay ang emperador na si Teodosio I nang taong iyon kanyang maipamamana ang puwestong imperyal na ito sa kanyang dalawang anak na lalaki : kay Arcadio ang Silangan at kay Honorio ang Kanluran.
Si Teodosio ang huling emperador na naghari sa buong lawak ng imperyo na ngayo ' y nahati.
Nakaiwas sa malaking kahirapan ang Silingan Imperyo kumpara sa Kanluran noong bahagi ng siglo 3 at 4 dahil sa katatagan ng kulturang panglunsod at mainam na mapagkukunan ng pera na ginamit sa pagpapatahimik ng mga barbarong panlabas sa pagbibigay ng suhol at pagbabayad sa mga mersenaryong panlabas.
Lalo ring pinatibay ni Teodosio II ang muralya ng Constantinopla na proteksiyon nito sa maraming pang paglusob.
Hindi napigtas ang muralya hanggang taong 1204.
Upang patihimikin ang mga Hunos ng Atila , tinustusan sila ni Teodosio ( ng halos 300 kg ( 700 lb ) ng ginto ).
Moreover , he favored merchants living in Constantinople who traded with the Huns and other foreign groups.
Dagdag pa rito , kanyang pinaboran ang mga mangangalakal na naninirahan sa Constantinopla na nakikipagkalakal sa mga Hunos at iba pang panglabas na mga grupo.
Pinutol ang napakalaking halagang suhol ng kanyang kahaliling si Marciano.
Gayundin , nakatuon na ang atensiyon ng Attila sa Kanlurang Imperyo Romano.
Nang mamatay siya noong 453 , bumagsak ang kanyang imperyo.
Sinimulan ng Constantinopla ang masamang relasyon nito sa mga Hunos na nang lumaon ay lalaban bilang mga mersenaryo sa sandatahang - lakas Bizantino.
Matapos bumagsak ang Atila , lumaganap ang panahon ng kapayapaan sa Silangang Imperyo habang ang Kanlurang Imperyo ay bumagsak ( na karaniwang inilalagay sa taong 476 nang inalis sa puwesto ang Kanlurang Emperador na si Romulus Augustulus ni Odoacer , isang Romanong heneral na may dugong Aleman na hindi na pinalitan ng isang pang tutang pinuno ).
Upang makuhang uli ang Italia , nakipagnegosasyon ito sa mga Ostrogodo ni Teodorico na namuhay sa Moesia.
Ipinadala niya ang godong hari sa Italia bilang magister militum per Italiam ( " punong komandante para sa Italia " ).