text
stringlengths
0
7.5k
Matapos bumagsak si Odoacer noong 493 , mag - isang naghari si Teodorico , na nanirahan sa Constantinopla noong kabataan niya , sa buong Italia.
Kaya , pahiwatig na sinakop ni Teodorico ang Italia bilang Ostrogotikong kaharian , napanatili ni Zeno bilang paghaharing nominal sa kanlurang lupa habang inalisan nito ang Silangang Imperyo ng mga di masupil na tagasunod.
Noong 491 , naging emperador si Anastasio I , isang matandang opisyal sibil na tubong Romano , ngunit sa pagdatal lamang ng 498 nang tunay na natugunan ng mga pwersa ng bagong emperador ang taga - Isaurio.
Ipinakita ni Anastacio na siya isang matikas ng tagapagbago at mahusay na administrador.
Napabuti niya ang sistema ng pananalapi ni Constantino I sa pagtatakda ng timbang sa tansong follis , ang perang ginagamit sa pangaraw - araw na transaksiyon.
Kanya ring binago ang sistema ng buwis at tuluyang inalis ang kinamumuhiang buwis na chrysargyron.
Ang Panalapiang Estado ay naglalaman ng malaking halaga ng ginto - 145,150 kg ( 320,000 lbs ) nang siya ay mamatay.
Si Justiniano I , na nakuha ang trono noong 527 , ay nag - ambisyon na mabawi ang mga dating territoryo ng Imperyong Romano.
Siya ay isang anak ng Illyrian na mahirap lamang , pero siya ay nagkaroon na ng impluyensa sa pamamahala ng tito niya , si Justin I ( 518 - 527 ).
Lumitaw ang isang kaguluhan sa kanyang pamamahala , ang Nika Revolt , pero hindi naging matagumpay ang mga nag - alsa na mapatalsik siya.
Dahil dito , lalo pang lumakas ang kapangyarihan ni Justiniano.
Ang pagsalakay sa Kanluran ay nagsimula noong 533 , kung saan pinadala ni Justinian ang kanyang heneral na si Belisarius para makuha ang Hilagang Aprika mula sa mga Bandalo ( Vandals ) dala ang mga sundalo na aabot sa 15,000 katao.
Naging matagumpay ang ekspidisyon , pero tumigil lamang ang resistensiya ng mga tribo noong 548.
Noong 535 , isang maliit na Bisantinong ekspidisyon na pinadala sa Sicily ay madaling nagtagumpay , pero pinalakas ng ma Goth ang kanilang resistensiya , kaya noong 540 lamang nagtagumpay ang imperyo , kung saan kinuha ni Belisarius ang Ravenna , pagkatapos mabawi ang Naples at Roma.
Si Justinian ay naging tanyag dahil sa kanayang pag - aayos ng Batas Romano sa tulong ni John the Cappadocian.
Sinimulan ng huli noong 529 ang komisyon ( 10 tao ) na ayusin ang sinaunang Batas Romano , kung saan ginawa ang bagong Corpus Juris Civilis , isang koleksiyon ng mga batas na tinawag na " Justinian 's Code ".
Sa pagkamatay ni Justiniano I noong 565 , ang kanyang tagapagmana , si Justin II ay hindi nagbayad ng tribute sa mga Persa ( Persian ).
Binawi din ng mga Lombard ang Italya , sa katapusan ng siglo , isang bahagi na lamang ng Italya ang nasa kamay ng Imperyo.
Pagkatapos ng ilang siglo ng paghina ng Ekonomiya ng imperyo , isang muling - paglakas ang naganap na itinuring na restorasyong Komneniano dahil sa mga ginawa ng emperador noong panahon ng Dinastiyang Komnenian.
Si Alexios I Komnenos ay nagkaroon ng problema sa mga pag - atake ng mga Normano kung saan kinuha ng huli ang Dyrrhachium at Corfu , at binantaan ang Larissa sa Thessaly.
Ang kamatayan ng normanong lider na si Robert Guiscard 's noong 1085 ay pansamantlang pumigil sa problema.
Sumunod din ang pagkamatay ng Sultan ng Seljuq sultan died , at bumagsak ang Sultanato.
Tinalo ni Emperador Alexios ang mga Pechenegs sa Labanan sa Levounion noong 28 Abril 1091.
Nagawa niyang ibalik ang kapayapaan sa Kanluran ng imperyo.
Ang kanyang apela sa Kanlurang Europa ( lalo na sa Santo Papa ) para sa tulong laban sa mga Turko ang siyang hudyat para masimula ang mga Krusada.
Ang ika - apat na Krusada ay pinasimulan ni Papa Innocent kung saan dapat labanan ng mga Krusaders ang Ehipto.
Pero , noong Abril 1204 , ang mga Taga - Krusada ay Ninakawan ang Constantinopla , ang kabisera ng imperyo.
Dahil dito , tuluyan nang naghiwalay ang Simbahang Katoliko at ang Simbahang Orthodox.
Pagkatapos ng pagsalakay at pagnakaw sa Constantinopla noong 1204 , ang mga natirang estado ng imperyo : Imperyo ng Niseya at Despotado ng Epirus ang naitatag.
Ang Imperyo ng Trebizond ay itinatag ilang linggo bago ang pagsalakay sa Constantinopla.
Ang Imperyo ng Niseya , ang pinakamalapit sa Constantinopla ay nahirapan at unti - unting naubos ang territoryo sa timog Anatolia.
Ang paghina ng Sultanado ng Rum dahil sa pagsalakay ng mga Mongol ay siyang nagpahina rin sa mga Bizantino sa Asya Minor.
Pero , dahil sa Pagsalakay ng mga Mongol , medyo napahinga ang Nicaea sa pagsalakay ng mga Seljuk.
Muling nabawi ng Imperyo ng Niseya ang Constantinopla mula sa mga Latin noong 1261 at tinalo ang Epirus.
Ito ay nagdulot ng muling pagkabuhay ng katanyagan ng Ekonomiyang Bizantino sa pamamahala ni Michael VIII Palaiologos.
Maraming proyekto din ang sinimula para ayusin ang mga nasira sa kabisera dulot ng ika - apat na Krusada.
Pero , unti - unting naubos ng mga ghazi ang teritoryo sa Asya Minor.
Muling nalugmok sa kahirapan ang imperyo dahil sa 6 - taon digmaang sibil pagkatapos ng kamatayan ni Andronikos III.
Unti - unting kinuha ng lumalakas na mga Ottoman ang mga territoryo sa Serbia ; isang lindol sa Gallipoli noong 1354 ay naging daan para makuha ito ng mga Ottoman.
Ang mga emperador ay humingi ng tulong sa kanluran , ngunit ayon sa Papa , magpapadala lamang sila ng tulong kung muling mag - kaisa ang dalawang simbahan.
Ang kaunting tulong at pagpadala ng sundalo ng kanluranng Europa ay hindi naging sapat upang matalo ang malakas na Imperyong Ottoman.
Ang kabisera na Constantinople ay hindi na mataao.
Isa na lang itong hindi - mataong lungsod na pinaliligiran ng mga taniman at mga abandonadong gusali.
Noong 2 Abril 1453 , ang Ottoman Sultan Mehmed II ay lumusob sa kabisera na may 80,000 sundalo .. Tuluyan nang bumagsak ang kabisera noong 29 Mayo 1453.
Ang huling emperador , Constantine XI Palaiologos , ay huling nakita na tinanggal ang imperyong kasuotan ay nakipaglaban sa mga turko.
Pagkatapos ng pagbagsak ng imperyo , sinakop ni Mehmed II ang mga natirang Griyegong lupain ng Mistra noong 1460 at Trebizond noong 1461.
Pinakamaunlad ang ekonomiyang Bizantino sa Europa at Mediteraneo sa maraming siglo.
Hindi napantayan ng Europa ang lakas pang - ekonomika nito hanggang sa dakong huli ng Edad Media.
Pangunahing sangangdaan sa kalakalan ang Constantinopla nang maraming panahon na umaabot sa buong Eurasya at Hilagang Africa.
Ito rin ang pangunahing katapusan sa kanluran ng tanyag na Daang Seda.
Binabanggit ng ilang eskolar na bago pa man dumating ang mga Arabe noong siglo 7 , pinakamalakas na ekonomiya na sa buong mundo ang Imperyo.
Subalit , ang pananakop ng mga Arabe ay nagdulot ng malaking pagbabago ng kapalaran na nagpahupa at nagpalubog rito.
Ang mga reporma ni Constantino V ( c.
765 ) nagpasimula ng pagbabagong sigla sa ekonomiya na nagpatuloy hanggang 1204.
Mula siglo 10 hanggang the katapusan ng siglo 12 , ipinamalas ng Imperyo Bizantino ang karangyaan niya.
Ang lahat ng manlalakbay ay humanga sa mga nalikom na kayamanan nito sa kabisera.
Ang lahat nang ito ay nagbago sa pagdating ng ika - apat na Cruzada na nagpabagsak sa kanyang ekonomiya.
Sinubukang buhayin ang ekonomiya ng Palaiologoi subalit wala na silang kontrol sa mga puwersang ekonomika sa loob at labas ng bansa.
Unti - unti ring nawala ang impluwensiya nito sa mga kaparaanan ng kalakalan at paghahalaga , at kontrol sa pagluluwas ng mga mamahaling metal at ayon sa ilang eskolar pati na rin sa paggawa ng salapi.
Kalakalan ang isa sa mga pundasyong ekonomiko ng imperyo.
Sinasabing ang mga hinabi ( tela ) ay pinakamahalagang bagay sa kalakalan.
Ang seda ay iniluluwas sa Ehipto gayundin sa Bulgaria at Kanluran.
Mahigpit na kontrol ng estado ang kalakalang panloob at panlabas nito.
Sila lamang ang gumagawa ng salapi.
Pormal na hawak at kontrolado ng gobyerno ang patubuan ng salapi at sa pagtataktada ng mga reglamento sa mga sindikatong pangkalakal at mga korporasyon kung saan may interes ito.
Sa mga panahon ng krisis , nakikialam ang emperador at mga opisyal nito upang siguraduhin na sapat sa mga materyales ang kabisera at mababa ang halaga ng mga ani.
Sa huli , ang mga sobrang kalakal ay kinakalap ng gobyerno sa pamamagitan ng buwis at ibinabalik ito sa sirkulasyon bilang suweldo ng mga opisyal ng estado o porma ng investment sa gawang pambayan.
Walang humpay ang Bizancio sa paglilinang ng mga katha ng sinaunang Klasiko.
Dahil dito , ang agham Bizantino sa bawat panahon nito ay nakaakibat sa mga sinaunang pilosopiya at metapisika.
Kahit na sa iba ' t - ibang panahon malaki ang naging abuloy ng mga Bizantino sa aplikasyon ng mga agham ( bantog rito ang pagtatayo ng Hagia Sophia ) , matapos ang siglo 6 humupa ang mga bagong abuloy ng mga eskolar na Bizantino sa agham sa larangan ng pagbubuo ng bagong hinua o pagpapalawig ng mga ideya ng mga klasikong awtor.
Naudlot ang eskolastika nila noong mga kadilimang taon ng salot ( plague ) at pananakop ng mga Arabe.
Subalit noong katapusan ng unang milenyo na tinatawag na Renasimientong Bizantino , isunulong ng mga eskolar na Bizantino kung saan sila ay naging dalubhasa sa pagpapaunlad ng mga agham Arabe at Persico lalo na sa astronomiya at matematika.
Sa huling siglo ng Imperyo , ang mga dalubhasa sa balarilang Bizantino ang nangalaga at naghatid , sa papel at personal , sa pag - aaral ng balarila at panitikang Griyego sa bungad ng Renasimientong Italiano.
Noong panahong ito , ang astronomiya at ibang mga agham pangmatematika ay itinuturo sa Trebizond.
Halos lahat ng mga eskolar ay intresado rin sa medisina.
Sa larangan ng batas , malinaw ang epekto ng mga repormang ipinaganap ni Justiniano I sa pag - inog ng jurisprudencia habang ang Ecloga ni Leon III ay may impluwensiya sa pagbuo ng mga batasan sa mundong Eslavaco.
Bilang tanda at pagpapakita sa katanyagan ng Patriarka ng Constantinopla , ipinatayo ni Justianiano ang Simbahan ng Banal ng Karunungan ng Diyos , Hagia Sophia , na natapos sa maikling panahon nang apat at kalahating taon ( 532 - 537 ).
Ayon kay Joseph Raya , iisa at pareho ang kulturang Bizantino at Ortodoxiya.
Ang buhay ng Imperyo sa Silangan ay nakasalalay sa aktibong papel ng Emperador sa mga asunto ng Simbahan.
Minana ng estadong Bizantino mula pa man nang panahong pagano ang pagpapatakbo ng mga asuntong administratibo at pananalapi ng pamunuang panrelihiyon na nakasalalay sa Simbahang Kristiyano.
Bilang pagsunod sa padrong itinalaga ni Eusebio ng Cesarea , itinalaga ng mga Bizantino ang Emperador bilang kinatawan o pasugo ni Kristo lalo na sa pagpapalawak ng Kristiyanismo sa mga pagano gayundin sa mga " panlabas " asunto ng relihiyon tulad ng administrasyon at pananalapi.
Subalit ang papel ng imperyo sa mga asunto ng Simbahan ay hindi umunlad na itinatakda ng batas.
Sa paglubog ng Roma at mga alitan sa loob ng mga partriyarkado sa Silangan , ang simbahan ng Constantinopla ang pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang sentro ng Sankristiyano noong pagitan ng ika - 6 at 11 siglo.
Kahit na multo na lamang ang Imperyo , hindi nabawasan ang Simbahan nang lubos na impluwensiya sa loob at labas ng imperyo.
Sabi nga ni George Ostrogorsky : Nanatiling sentro ng mundo ng Ortodoxiya ang Patriyarkado ng Constantinopla na may sedeng metropolitano at arzobispado sa teritoryo ng Asia Menor at ng mga Balcano na nahulog sa Bazancio gayundin sa Caucaso , Rusia , at Lituania.
Pinakamatatag na elemento ang Simbahan sa Imperyong Bizantino.
Ipinakikita ang malinggit na Evangeliong Rabula noong siglo 6 na may masalimuot at masagisag na anyo ng sining Bizantino.
Mahalaga ang naging impluwensiya ng Imperyong Bizantino sa arkitektura , pintura at iba pang tanawing - sining ( visual arts ).
Nakatuon ang sining Bizantino sa mga ekspresyong panrelihiyon lalo na sa impersonal na pagpapakita ng sining na maingat na sinupil ng simbahan.
Kumalat ang mga hugis Bizantino sa kalakalan at pananakop nito ng Italia at Cicilia kung saan sila tumagal datapuwat may panibagong hugis hanggang siglo 12 at naging impluwensiya sa pagbuo sa sining ng Renasimientong Italiano.
Sa pagkalat ng simbahang Silanganing Ortodoxo , ang mga hugis Bizantino ay kumalat rin sa mga lungsod ng silangang Europa lalo na sa Rusia.
Ang impluwensiya ng arkitekturang Bizantino , lalo na sa mga gusaling panrelihiyon , ay makikita magpahanggang ngayon sa ibat - ibang rehiyon mula Ehipto at Arabia hanggang Rusia at Romania.
Sa panitikang Bizantino , may apat ang magkakaibang pangkulturang elemento ang maitatalaga : Griyego , Kristiyano , Romano at Silanganin.
Madalas na pinagpapangkat ang panitikang Bizantino : taga - salaysay , taga - ensiklopedya at taga - paglahad , at mga manunulat ng tulang pambayan.
Kasama sa dalawang huling pangkat ang panitikang pangsimbahan at teolohika at tulang pambayan.
Sa halos dalawa hanggang tatlong libong buok ( volumes ) ng panitikang Bizantino ang nakaligtas hanggang ngayon , halos tatlong daan at tatlumpo ang kumakatawan sa tulang pambayan , kasaysayan , agham at pseudo - agham.
Habang ang pinakamayabong na panahon ng panitikang pambayan ng Bizancio ay naganap noong siglo 9 hanggang 12 , ang panitikang panrelihiyon ay mas naunang nalinang kung saan ang Romanos at ang Melodista ang pangunahing kumakatawan dito.
Sa estado , ang Emperador Bisantino ang nag - iisa at absolutong namumuno.
Hindi katulad ng Imperyong Romano , hindi sinasamba ang mga emperador bagkus itinuturi silang Tagapaglingkod sa Diyos.
Mayroon paring Consul ng Imperyo Romano na sumusubaybay sa mga gawain ng emperador.