text
stringlengths
0
7.5k
Bago matapos ang siglo 8 , isang administrasyong sibil ang binuo upang tumutok sa malakihang konsolidasyon ng kapangyarihan sa kapitolyo ( ang pag - angat ng puwesto ng sakellarios ay kasangkot sa pagbabagong ito ).
Ang pagbuo ng mga tema ang pinakamahalagang reporma nang panahong ito kung saan ang administrasyong sibil at militar ay hawak ng isang tao , ang strategos.
Kahit na minsang mapanira ang paggamit ng salitang " Bizantino " , malinaw ang abilidad ng sistemang Bizantino na ayusin ang sarili ayon sa kasalukuyang situwasyon ng imperyo.
Sa mga makabagong paningin , maayos ang sistema nito sa paggamit ng sistema ng titulatura at puwesto.
Mahigpit ang pagkaka - ayos ng mga opisyal sa paligid ng emperador at nakasalalay ang ranggo nila sa imperyo.
May mga itinalagang puwestong administratibo ngunit ang kapangyarihan nito ay nakalagay sa tao at hindi sa puwesto.
Noong siglo 8 at 9 , paglilingkod bayan ang pinakamalinaw na daan upang umaangat sa aristokratikong puwesto.
Nang nagsimula ang siglo 9 , naging magkaribal ang aristokrasyang bayan nang aristokrasya sa dugo.
Ayon sa ilang pag - aaral ng pamahalaang Bizantino , nangingibabaw ang kompetisyon sa pagitan ng aristokrasyang pambayan at pangmilitar noong politika ng siglo 11.
Noong panahong ito , nagpalabas nang mahalagang repormang pang - administratibo si Alexios I na kasama ang paglalang ng mga puwestong pang dignitaryo at pang - kortes.
Matapos bumagsak ang Roma , ang malaking hamon sa Imperyo ay ang magpanatili ng relasyon nito sa mga kalapit bansa.
Ang mga kalapit bansang ito ay umaasa sa Constantinopla sa pagbuo ng pormal na institusyong pampolitika.
Dahil dito nahimok ng diplomasyang Bizantino ang mga kalapit bansa sa pagbuo ng isang network sa pagdaigdigan o pambansang relasyon.
Uminog ang network na ito sa pagbuo ng kasunduan kasama ang pagtanggap ng bagong pinuno sa pamilya ng mga hari at sa pagtanggap ng panlipunang kalakaran at pagpapahalaga sa institusyong Bizantino.
Ipinapalagay ng mga Bizantino ang diplomasya bilang isang uri ng pakikidigma sa ibang kaparaanan - hindi madugo.
Ang kawanihang Barbaro ang unang ahensiyang pantiktik sa ibang bansa na nangangalap ng mga impormasyon sa mga kaaway nito sa anumang kaparaanan.
Sinamantala ng mga Bizantino ang ilang patakbong diplomatiko.
Halimbawa , ang mga embahada sa kabisera ay hinayaang bukas sa maraming taon.
Ang isang kasapi ng ibang casa real ( angkang dugong bughaw ) ay sinasabihang tumatahan nang matagal sa Constantinopla hindi lamang bilang potensiyal na bihag gayundin bilang isang pain sakaling magbago ang simoy politika saan man sila galing.
Ang isa pang malaking kalakaran rito ay ang busugin sa tanawin ang mga panauhin.
Ayon kay Dimitru Obolensky , ang pagpapanatili ng sibilisasyon sa Silangang Europa ay dahil sa magaling at masikap na diplomasyang Bizantino na nagdulot ng malaking abuloy sa pagpapanatili sa kasaysayan ng Europa.
Middle : Gitna : Ang Codex Armenicus Rescriptus , isang pahina noong siglo 6 / 10 na naglalaman ng liturhiyang Armenio at Siriaco ( Koleksiyong Schoyen ).
Right : Kanan : Ang Balumbong Josua , isang iluminadong Griyegong manuskrito noong siglo 10 na maaring ginawa sa Constantinopla ( Aklatang Vaticano , Roma ).
Latin ang orihinal na wika ng pamahalaan ng Imperyo sa dahilang nagmula ito sa Roma.
Hindi ito nalinang ng mga edukado sa Silangan bilang wikang pampanitikan.
Unti - unting humupa ang kahalagahan nito at noong siglo 17 na malinaw na tinalikuran bilang ' opisyal ' na wika ng Imperyo nang paboran ang Griyego.
Matapos magtagumpay ang Imperyo laban sa mga Persico noong 629 , kinalag ni Heraclius ang maraming daang - taong tradisyon sa paggagawad nito sa sarili ng titulong Griyegong Basileus sa halip na titulong Latin na Augustus.
Gayunman , patuloy pa rin ang paggamit ng Latin sa bilang pangseremonyang wika ng kultura ng Imperyo.
Sa lugar ng mga Balcanes , ang Lating Vulgar ay patuloy na isang wika ng menoridad na nagluwal sa mga wikang Vlaco , at sa Italia , katulad rin sa kanlurang Mediteraneo , nanatili ang Latin bilang wikang gamit ng bayan , kultura at lokal na pamahalaan.
Ang pagpapakita sa huling paggamit ng Latin sa imperyo ay huling siglo 7 mosaiko sa Basilika ni San Apolinario sa Classe sa Ravenna ni Constantino IV.
Maliban sa korteng imperyal , Griyego na ang pangunahing wikang ginagamit sa mga Romanong lalawigan sa silangan ( i.e. , Silanganing Imperyo Romano ) kahit bago pa man lumubog ang Kanlurang Imperyo.
Sa katunayan noon pa mang bungad ng Imperyong Romano , Griyego na ang karaniwang wika ng Simbahang Kristiyano , ng karunungan , at ng sining.
Ito na rin ang lingua franca sa kalakalan sa pagitan ng mga probinsiya at mga bansa.
Ang wikang ito ay nagtamo ng dalawang mukha kung saan ang Koine , bilang pangunahing wikang pambayan , at kasaakibat nito ang matandang wikang pampanitikan na nang lumaon ay uminog bilang isang istandard na dialekto.
Maraming wika ang umiinog sa multi - etnikong Imperyo kung saan ang ilan ay binigyan ang limitadong opisyal na status sa kani - kanilang lalawigan sa iba ' t - ibang panahon.
Kilala rito sa bungad ng Edad Media kung saan ang Ciriaco at Aramaico ay malawak na ginamit ng mga edukado sa malalayong lalawigan sa silangan.
Gayundin , ang Coptico , Armenio , at Gregorio ay naging mahalaga sa mga edukado ng kanilang lalawigan.
Nang lumaon , ang mga wikang Eslavonico , Vlaco at Arabe ay naging mahalaga sa Imperyo at sa daigdig na naiimpluwensiya nito.
Higit dito dahil isang pangunahing lungsod kalakalan ang Constantinopla sa rehiyong Mediteraneo at karatig nito , halos lahat ng kilalang wika noong Edad Media ay sinasalita sa Imperyo sa panahon nito pati na rin ang Tsino.
Sa huling paghupa ng Imperyo , ang mga mamamayan ng Imperyo ay halo - halo na at kung saan ang Griyego ay naging sinonimo sa kanilang katauhan at relihiyon.
Katularan , ang mga Wikang Coptic , Armenian , and Georgian ay naging mahalaga sa mga nakapag - aral sa probinsiya , and later foreign contacts made the Slavonic , Vlach , and Arabic ay naging mahalagang wika ng imperyo sa mga naiimpuwensiyahan nito.
Maximinus I Thrax * Gordian I at Gordian II * Pupienus at Balbinus * Gordian III * Felipe ang Arabo * Decius * Herennius Etruscus * Trebonianus Gallus * Hostilian * Volusianus * Aemilianus * Valerian * Gallienus * Claudius II * Quintillus * Aurelian * Tacitus * Florianus * Probus * Carus * Carinus * Numerian.
Diocletian * Maximian * Constantius Chlorus * Galerius * Severus * Maxentius * Maximinus Daia * Licinius kasama ni Valerius Valens at Martinianus * Constantine I * Constantine II * Constans I * Constantius II * Julian the Apostate * Jovian * Valentinian I * Valens * Gratian * Valentinian II * Theodosius I.
Honorius * Constantius III * Joannes * Valentinian III * Petronius Maximus * Avitus * Majorian * Libius Severus * Anthemius * Olybrius * Glycerius * Julius Nepos * Romulus Augustus.
Arcadius * Theodosius II * Marcian * Leo I * Leo II * Zeno * Basiliscus * Anastasius I * Justin I * Justinian I * Justin II * Tiberius II Constantine * Maurice * Phocas * Heraclius * Constantine III * Heraklonas * Constans II * Constantine IV * Justinian II * Leontios * Tiberios III * Philippikos * Anastasios II * Theodosios III * Leo III the Isaurian * Constantine V Copronymus * Artabasdos * Leo IV the Khazar * Constantine VI * Irene * Nikephoros I * Staurakios * Michael I Rangabe * Leo V the Armenian * Michael II the Stammerer * Theophilos * Michael III the Drunkard * Basil I the Macedonian * Leo VI the Wise * Alexander * Constantine VII Porphyrogennetos * Romanos I Lekapenos * Romanos II * Nikephorus II Phokas * John I Tzimiskes * Basil II Boulgaroktonos * Constantine VIII * Zoe * Romanos III Argyros * Michael IV Paphlagon * Michael V Kalaphates * Constantine IX Monomachos * Theodora the Macedonian * Michael VI the Aged * Isaac I Komnenos * Constantine X Doukas * Romanos IV Diogenes * Michael VII Doukas * Nikephoros III Botaneiates * Alexios I Komnenos * John II Komnenos * Manuel I Komnenos * Alexios II Komnenos * Andronikos I Komnenos * Isaac II Angelos * Alexios III Angelos * Alexios IV Angelos * Nikolaos Kanabos * Alexios V Doukas.
Constantine Laskaris * Theodore I Laskaris * John III Doukas Vatatzes * Theodore II Laskaris * John IV Laskaris.
Michael VIII Palaiologos * Andronikos II Palaiologos * Michael IX Palaiologos * Andronikos III Palaiologos * John V Palaiologos * John VI Kantakouzenos * Matthew Kantakouzenos * Andronikos IV Palaiologos * John VII Palaiologos * Andronikos V Palaiologos * Manuel II Palaiologos * John VIII Palaiologos * Constantine XI Palaiologos.
Mga wikang Nunusaku
Ang mga wikang Nunusaku ay mga pangkat ng Mga wika ng Malayo - Polinesyo , na sinasalita at sa paligid ng islang Seram.
Wala sa mga wikang ito ang mayroong hihigit sa dalawampung Libong mananalita , at ang ilan dito ay nanganganib ng mawala o maubos.
Pambansang Pulisya ng Pilipinas
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas ( Ingles : Philippine National Police o PNP ) ay ang pambansang pwersang pulisya ng Pilipinas.
Kapwa ito pambansa at lokal na pwersang kapulisan na nagsisilbing tagapagpasunod ng mga batas sa buong Pilipinas.
Nabuo ito noong Ika - 29 ng Enero , taong 1991.
Ang pangunahing kampo nito ay makikita sa Kampo Crame sa Lungsod Quezon.
Ang kasalukuyang pinuno nito ay si Direktor Heneral Oscar Albayade na itinalaga ni Pangulong Duterte noong Ika - 19 ng Abril , taong 2018 bilang kapalit ni Direktor Heneral Ronald dela Rosa.
Sa taong 2007,.
Ang PNP ay may mga sumusunod na sangay kabilang ang mga :.
Wikang Lasalimu
Ang wikang Lasalimu ay isang wikang Austronesyo na sinasalita sa isla ng Buton sa Sulawesi , Indonesia.
Kabuuan ng Gawang Katutubo
Ang kabuuan ng gawang katutubo ( KGK ) o ang kabuuang domestikong produkto ( Ingles : Gross domestic product o GDP ) ang halagang pamilihan ng lahat ng pantungkuling kinikilalang huling mga kalakal at paglilingkod na nilikha sa loob ng isang bansa sa isang takdang panahon.
Ang KGK bawat tao ay kadalasang itinuturing paghihiwatig ng pamantayan ng pamumuhay ; ang KGK bawat capita ay hindi isang sukat ng pansariling sahod.
Sa ilalim ng teoriyang ekonomiko , ang KGK bawat tao ay ganap na katumbas ng kabuuang katutubong sahod ( Gross domestic income o GDI ) bawat tao.
Ang KGK ay nauugnay sa mga pambansang kuwenta na isang paksa sa makroekonomika.
Ang GDP ay hindi dapat ikalito sa Kabuuang Pambansang Produkto ( Gross National Product o GNP ) na naglalaan ng produksiyon batay sa pag - aari.
Ang GDP ay maaaring matukoy sa tatlong paraan na ang lahat ay dapat sa prinsipyo magbibigay ng parehong resulta.
Ang mga ito ang pakikitungong produkto ( o output ) , pakikitungong sahod at pakikitungong paggasta.
Ang pinaka - direkta sa tatlong ito ang pakikitungong produkto na sumusuma ng mga output ng bawat klase ng negosyo upang dumating sa kabuuan.
Ang pakikitungong paggasta ay gumagawa sa prinsipyong ang lahat ng mga produkto ay dapat bilhin ng isang tao at kaya ang halaga ng kabuuang produkto ay dapat katumbas ng kabuuang paggasta ng mga tao sa pagbili ng mga bagay.
Ang pakikitungong sahod ay gumagawa sa prinsipyong ang mga sahod ng mga paktor na produktibo ( mga prodyuser ) ay dapat katumbas ng halaga ng kanilang produkto at tumutukoy sa GDP sa pamamagitan ng paghahanap ng suma ng mga sahod ng lahat ng mga prodyuser.
Halimbawa : paraang paggasta :.
G D P C + I + G + ( X - M ) { \ displaystyle \ mathrm { GDP } C + I + G + \ left ( \ mathrm { X } - M \ right ) }.
Ang " Gross " ay nangangahulugang ang GDP ay sumusukat sa produksiyon ng hindi isinasaalang alang ang iba 't ibang mga paggamit kung ang produksiyon ay maaaring ilagay.
Ang produksiyon ay maaaring gamitin sa madaliang konsumpsiyon , para sa pamumuhunan sa bagong nakapirmeng mga asset o mga inbentoryo o sa pagpapalit ng depresiyadong nakapirmeng mga asset.
Ang " domestiko " ay nangangahulugang ang GDP ay sumusukat ng produksiyon na nangyayari sa loob ng mga hangganan ng isang bansa.
Sa ekwasyong paraang paggasta na ibinigay sa itaas , ang mga niluluwas na binawasan ng inaangkat ay kailangan upang iwalang saysay ang mga paggasta sa mga bagay na hindi nilikha sa bansa ( mga inaangkat ) at magdagdag ng mga bagay ngunit hindi itinitinda sa bansa ( mga niluluwas ).
Ang mga ekonomista simula kay Keynes ay piniling hatiin ang terminong pangkalahatang konsumpsiyon sa dalawang mga bahagi : pribadong konsumpsiyon at paggasta ng publikong sektor ( o pamahalaan ).
Ang dalawang kapakinabangan sa paghahati ng kabuuang konsumpsiyon sa paraang ito sa teoretikal na makroekonomika ang :.
" Ang halagang pamilihan ng lahat ng mga huling kalakal at serbisyong kinukwenta sa loob ng isang taon.
".
Ang pakikitungong produksiyon ay tinatawag ring net na produkto o paraang idinagdag na halaga.
Ang paraang ito ay binubuo ng tatlong mga yugto :.
Sa simbolikong paglalarawan , Pangkalahatang halagang idinagdag halaga ng output - halaga ng panggitnang konsumption.
Halaga ng output halaga ng kabuuang benta ng mga kalakal at serbisyo + halaga ng mga pagbabago sa mga inbentoryo.
Ang suma ng kabuuang halagang idinagdaga sa iba 't ibang mga gawaing ekonomiko ay tinatawag na GDP at factor cost.
Ang GDP sa gastos na paktor na dinagdagan ng hindi direktang mga buwis na binawasan ng mga subsidiya sa mga proudkto ang GDP at Producer Price.
Sa pagsukat ng kabuuang output ng domestikong produkto , ang mga gawaing ekonomiko ( i.e. mga industriya ) ay inuuri sa iba 't ibang mga sektor.
Pagkatapos uriin ang mga gawaing ekonomiko , ang kabuuang output ng bawat sektor ay kinukwenta ng anumang sumusunod na dalawang paraan :.
Sa pagbabawas ng panggitnang konsumpsiyon ng bawat sektor mula sa kabuuang output , ating makukuha ang sektoral na kabuuang halagang idinagdag ( Gross Value Added o GVA ) sa gastos na paktor.
Atin namang idadagdag ang kabuuang halaga ng lahat ng mga sektor upang makuha ang GDP sa gastos na paktor.
Sa pagdadag ng hindi dirketang buwis na binawasan ng mga subsidiya sa GDP sa gastos na paktor , ating makukua ang GDP sa mga presyo ng prodyuser.
" Ang kabuuang suma ng mga sahod ng mga indbidwal na nabubuhay sa isang bansa sa loob ng 1 taon.
".
Ang isa pang paraan ng pagsukat ng GDP ay sukatin ang kabuuang sahod.
Kung ang GDP ay kinwenta sa paraang ito , ito ay minsang tinatawag na Kabuuang Domestikong Sahod ( Gross Domestic Income.
GDI o GDP ( I ) ).
Ang GDI ay dapat magbigay ng parehong halaga ng paraang paggasta inilalarawan sa ibaba.
Sa depinisyon , GDI GDP.
Gaynpaman , sa pagsasanay , ang mga pagkakamali ng sukat ay gagawa sa dalawang mga piguro ng medyo hindi tama kapag iniuulat ng pambansang mga ahensiyang estadistikal.