text
stringlengths
0
7.5k
Shinkon Nari !
Ang Shinkon Nari ! ay isang palabas sa telebisyon sa bansang Hapon.
Daang McKinley
Mga daanan sa PilipinasMga lansangan | Mga mabilisang daanan ( talaan ).
Ang Daang McKinley ( Ingles : McKinley Road ) ay isang lansangang nililinyahan ng mga puno na nag - uugnay ng mga distritong sentral ng negosyo ( central business districts ) ng Makati at Bonifacio Global City , Taguig , sa katimugang Kalakhang Maynila , Pilipinas.
Tagapagpatuloy ito ng Abenida Ayala sa timog ng Abenida Epifanio de los Santos ( EDSA ).
Ang haba nito ay 1.9 kilometro ( 1.2 milya ) , at dumadaan ito sa mga pang - mayamang magkakapit - bahay ng Forbes Park and Dasmarinas Village.
Nagsisimula ito sa EDSA sa kanluran at nagtatapos ito sa Ika - 5 Abenida ( Fifth Avenue ) sa may Bonifacio Global City sa silangan.
Ang Daang McKinley ay may anyong panresidenyal na pinangingibabaw ng mga mansyon na may mga matataas na pader at madetalyeng tarangkahan.
Sa gitna nito ay ang Kastilang Simbahan ng Santuario de San Antonio na nakaharap sa Plasa ng San Antonio , ang pangunahing pampublikong bukas na lugar ng Forbes Park.
Sa katapat na gilid ng plasa nakatayo ang isang maliit na arcade na inookupado ng isang groceri ng Rustan 's , isang delicatessen ( o tindahan ng mga lunchmeat , keso , salad , at nakahaing pagkaing banyaga ) , iilang cafe , at tindahan ng mga aklat.
Ang nalalabing bahagi ng Forbes Park ay sarado sa mga hindi residente ng nabanggit na distrito.
May mga iba pang kalye sa paligid ng abenida na may pangalang " McKinley " : McKinley Parkway , isang tagapagpatuloy ng Daang McKinley sa loob ng Bonifacio Global City na patungong SM Aura Premier at Serendra , at Upper McKinley Road , isang hindi magkaugnay na daan sa Burol ng McKinley sa timog sa may Abenida Lawton sa Fort Bonifacio.
Dati nagsilbi bilang rutang hilaga - kanluran pa - timog - silangan sa pagitan ng Kuta ng McKinley ( Manila American Cemetery and Memorial ngayon ) at Pasay ang Daang McKinley.
Dati , isa pa itong tagapagpatuloy ng Calzada de Pasay ( Abenida Arnaiz ngayon ) na nag - ugnay noon ng Palapagang Nielson sa San Pedro de Macati sa Kuta ng McKinley.
Ang dulo ng daan noon ay sa Carabao Gate sa pasukan ng kuta , sa kasalukuyang sangandaan ng Abenida McKinley sa Ika - 5 Abenida.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig , isinara ang paliparan at ni - redevelop ng mga may - ari nito , ang Pamilyang Zobel de Ayala.
Ang mas - maikling palapagan ay ginawang Abenida Ayala at pinahaba ito sa timog patungon sa bagong nayong arrabal ng Forbes Park.
Binago naman ang pagkakalinya ng daan para maitumbok ang Ayala at di - kinalaunan ay pinangalanan sa Amerikanong kuta militar na tinutunguhan nito.
Ang nasabing kuta naman ay pinangalanan sa ikadalawampung - limang pangulo ng Estados Unidos , William McKinley , na responsable sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas noong 1898.
Coordinates : 14 deg 32 ' 50 ' ' N 121 deg 2 ' 17 ' ' E / 14.54722 deg N 121.03806 deg E / 14.54722 ; 121.03806.
Talampakan
The talampakan ( Ingles : sole ) ay ang ilalim ng paa.
Sa mga tao , ang talampakan ay pang - anatomiyang tinutukoy bilang aspektong plantar.
Ang katumbas na kalatagan o tabas sa mga unggulado ay ang kuko ng hayop ( hoof sa Ingles , katulad ng kuko ng kabayo o ng baka.
Sal Mineo
Si Sal Mineo ay isang kilalang artista sa sining ng Pelikula at Telebisyon.
Mga comune ng Lalawigan ng Bergamo
Ito talaan ng mga comune ng Lalawigan ng Bergamo sa Italya.
Masang atomiko
Ang masang atomiko o masang pang - atomo ( na hindi dapat ikalito o ipagkamali sa timbang na atomiko ; ang timbang na atomiko ay nakikilala rin bilang relatibong masang atomiko ) , may sagisag na ma , ay isang kataga para sa masa ( tumpok o kimpal ) ng isang nag - iisang atomo ng isang elementong pangkimika.
Kabilang dito ang mga timbang o bigat ng 3 mga partikulong subatomiko na bumubuo sa isang atomo : ang mga proton , mga elektron , at mga neutron.
Dahil sa napakagaan ng elektron , ang masang atomiko ay kadalasang ipinapahayag bilang ang kabuuang bilang ng mga proton at ng mga neutron na nasa loob ng isang atomo.
Kung kaya 't bilang halimbawa : ang Karbono - 14 ay mayroong 14 na mga partikulo na maaaring maging mga proton o kaya ay mga neutron at ang masa ay makukuha magmula sa kanilang karga.
Ang masang atomiko ay tinatawag din bilang kimpal na pang - atomo o tumpok na pang - atomo.
Sa ibang pagpapakahulugan , ang masang atomiko ay ang masa ng isang tiyak o partikular na isotopo , na pinakamadalas na ipinapahayag na nasa mga yunit ng pinag - isang masang atomiko ( na nakikilala sa Ingles bilang mga unified atomic mass unit.
Kaya 't ang masang atomiko ay kabuuang masa ng mga proton , mga neutron at mga elektron na nasa loob ng iisang atomo.
Bronse
Ang bronse o tansong dilaw ( sa Ingles : bronze ) ay isang haluang metal na pangunahing binubuo ng tanso , na karaniwang may lata bilang pangunahing kasama.
Matigas ang tansong pula at malutong o madaling mabasag , at partikular itong mahalaga noong unang panahon , kung kaya 't gayon ang Panahon ng Tansong Pula ay pinangalanan mula sa metal na ito.
Subalit dahil sa ang bronse ay tila isang hindi tiyak na kataga , at ang pangkasaysayang mga piraso ay may samu 't saring mga kahaluan o pagkakahalo , partikular na ang isang hindi malinaw na kahangganan ng tanso , kung kaya 't , bilang panghalip o panghalili , ang makabagong mga paglalarawang pangmuseo at pangdalubhasa ng mas lumang mga bagay ay mas dumadaming gumagamit ng mas maingat at nagbibilang ( nagsasama ) na katagang " haluang tanso ".
Ang salitang bronse ay hiniram mula sa Pranses : bronze , na hiniram din naman mula sa Italyano : bronzo ( ihambing ang midyibal na Latin : bronzium ) , ang pinagmulan ay malabo.
Maaari itong may kaugnayan sa Benesyano : bronza " kumikinang na mga uling " , o Aleman : Brunst " apoy " , subalit maaari itong matumbas na bumalik sa , o maaaring naimpluwensiyahan , ng pangalang Latin na Brundisium ng lungsod ng Brindisi ( aes Brundusinum , na may ibig sabihing " tanso ng Brindisi " , na may pagpapatotoo ni Pliny ).
Ngunit , marahil ito ay napakahangu - hango mula sa Persanong salita para sa tanso na birinj.
Amazonas ( Colombia )
Ang departamento ng Amazonas ( Kastila : Departamento del Amazonas , pagbigkas sa wikang Kastila : ) ay isang departamento sa timog Colombia.
Ito ang pinakamalaking kagawaran sa lugar habang nagkakaroon din ng ikatlong pinakamaliit na populasyon.
Ang kabisera nito ay ang Leticia.
Amazonas Antioquia Arauca Atlantico Bolivar Boyaca.
Caldas Caqueta Casanare Cauca Cesar Choco.
Cordoba Cundinamarca Guainia Guaviare Huila La Guajira.
Magdalena Meta Narino N. Santander Putumayo Quindio.
Risaralda San Andres Santander Sucre Tolima Valle del Cauca.
Vaupes Vichada Kabiserang distrito : Bogota.
Seksuwalidad ng hayop
Ang seksuwalidad ng hayop o ugaling pampagtatalik ng hayop ay tumutukoy sa kaasalang seksuwal ng mga hayop na bukod pa sa tao.
Ang seksuwalidad ng hayop ay mayroong marami at iba 't ibang mga anyo , kahit na sa loob ng katulad na mga uri o mga espesye.
Sa mga hayop , ang mga mananaliksik ay nakapagmasid ng mga gawaing may kaugnayan sa monogamiya , kaalibughaan , pagtatalik sa pagitan ng mga uri , pagkaantig na seksuwal na sanhi ng mga bagay o mga lugar , panggagahasa , nekropilya ( pakikipagtalik sa patay nang hayop ) , homoseksuwalidad , heteroseksuwalidad , at biseksuwalidad , ugaling seksuwal na pangsitwasyon , at isang kasaklawan ng iba pang mga gawain.
Mayroon ding mga pag - aaral na nakapagtala ng pagkakaiba - iba o dibersidad sa mga katawang pampagtatalik at mga ugaling pangkasarian , katulad ng may kaugnayan sa interseks at transhender.
Ang pag - aaral ng seksuwalidad sa hayop , partikular na ang seksuwalidad ng mga primado , ay isang mabilis na umuunlad na larangan.
Noong dati , pinaniniwalaan na ang mga tao lamang at isang mabibilang na iba pang mga uri ang nakapagsasagawa ng mga gawaing seksuwal na may bukod na layuning may kaugnayan sa prokreasyon , at na ang seksuwalidad ng mga hayop ay instintibo at isang payak na tugon lamang sa tama o tumpak na estimulasyon ( iyong sa estimulasyon ng pananaw o kaya ng pang - amoy ).
Sa pangkasalukuyang pagkakaunawa , maraming mga uri na dating pinaniniwalaang monogamo ay napatunayan nang alibugha o nagsasagawa ng promiskuwidad o kaya ay likas na oportunistiko ( kumukuha o naghihintay lamang ng pagkakataon o marapat na panahon ).
Mayroon ding natuklasan na mga uri tila may kakayahang magsalsal at gumagamit ng mga bagay na pantulong upang maisagawa ito.
Sa maraming mga espesye , mayroong mga hayop na nagtatangkang magbigay at makakuha ng estimulasyong seksuwal sa piling ng ibang mga hayop kung saan ang layunin ay hindi ang prokreasyon.
Napansin din ang ugaling homoseksuwal sa 1,500 na mga espesye , at sa 500 mula sa bilang na ito ay nakapagsagawa ng matibay na dokumentasyon.
Ricaurte
Ang Ricaurte ay isang munisipalidad sa Departamento ng Narino , Kolombiya.
Betaproteobacteria
Ang Betaproteobacteria ay isang klase sa Proteobacteria na kung saan kinabibilangan ng Enterobacteria.
M : BAC.
bact ( clas ).
gr + f / gr + a ( t ) / gr - p / gr - o.
drug ( J1p , w , n , m , vacc ).
Barangay
Pilipinas.
Ang barangay o baranggay , na kilala din sa dating pangalan nito bilang baryo ( Kastila : barrio ) , ay ang pinakamaliit na pamahalaang lokal na yunit sa Pilipinas.
Binubuo ng mga barangay ang mga bayan at lungsod.
Dinagdaglat minsan ito bilang " Brgy ".
At bumubuo din ito ng " Sangguniang Kabataan " upang magabayan ang kaayusan at kalusugan ng mga kabataan sa bawat barangay.
Naisip ang katagang barangay at kanyang kayarian sa makabagong konteksto noong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos , na pinapalitan ang mga lumang baryo.
Naisakodigo ang mga barangay sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal noong 1991.
Sa kasaysayan , isang maliit na pamayanan ang isang barangay na binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya.
Mayroon lamang ang mga nayon ng tatlumpu hanggang isang daang mga bahay at nasa isang - daan hanggang limang - daan katao lamang ang populasyon.
Sang - ayon kay Legazpi , tinatag niya ang isang komunidad na may dalawampu hanggang tatlumpung mga tao lamang.
Maraming mga nayong malapit sa pampang sa rehiyong ng Kabisayaan ang binubuo ng mga walo hanggang sampung mga bahay.
Hinango mismo ang salitang barangay mula sa lumang bangkang Malay na tinatawag na balangay.
Karaniwang pinaniniwalaan noong panahon na ang Pilipinas ay hindi pa kolonya , nabuo ang bawat orihinal na mga " barangay " sa pampang bilang resulta ng mga taong dumating sa pamamagitan ng mga bangka mula sa ibang mga lugar sa Timog - silangang Asya.
Karamihang nasa pampang o ilog ang mga pamayanan sa kadahilanang nasa dagat at ilog ang pangunahing pinagkukunan ng protina.
Umaasa ang karamihan ng mga tao sa pangingisda para sa pagkain at saka naglalakbay ang mga tao sa pamamagitan tubig.
Ang paggalaw ng populasyon ay malapit sa mga ilog at sa tabi ng mga pampang , laging sinusundan ng mga sistema ng ilog ang mga bakas.
Naging isang pangunahing pinagkukunan tubig para sa pampaligo , panghugas , at pang - inom ang ilog.
Bukod diyan , naging malapit sa mga mangangalakal ang mga nayong malapit sa mga baybayin kung saan nasulong ang aktibidad pang - ekonomiya.
Naging daan ang pangangalakal sa mga nangangalakal upang makitungo sa mga ibang kultura at sibilisasyon katulad ng mga Intsik , Indiyan , at Arabo.
Kung gayon , nakamit ang mataas na antas ng kultura ang mga komunidad sa mga baybayin sa Maynila , Cebu , Jolo at Butuan.
Sa pagdating ng mananakop na mga Kastila , ilang sa mga lumang barangay ang pinagsama upang ibuo ang mga baryo.
Pinamumunuan ng cabeza de barangay ang bawat barangay sa isang baryo.
Unang namana ang puwesto mula sa mga unang datu na naging cabeza de barangay , ngunit ginawang hinahalal sa kalaunan.
Paglikom ng mga buwis sa mga residente ang pangunahing tungkulin ng mga cabeza de barangay.
Nang dumating ang mga Amerikano , namayani ang katagang baryo , habang naging ganoon ang tawag sa mga barangay.
Naging ganito ang katawagan sa ika - dalawampung siglo hanggang inutos ni Marcos na baguhin ang pangalan mula sa baryo pabalik sa barangay.