text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ginamit na ang pangalan simula noon , bagaman may ilang tao ang ginagamit pa rin ang lumang kataga.
|
Mayroong isang unyon ng mga barangay sa Pilipinas : ang Liga ng mga Barangay.
|
Kinakatawan ang 41,939 barangay , ito ang pinakamalaking pundamental na organisasyon sa Pilipinas.
|
Si James Marty Lim na kasapi ng ABC Partylist sa Pilipinas ang kasalukuyang pangulo nito.
|
Ang mga baranggay ay may pananagot sa paghatol sa tao.
|
Ngunit walang naging pormal na hukuman sa pamahalaang barangay.
|
Gayunpaman , ang lahat ng usapan ay dumaraan sa publikong paglilitis.
|
Kapwa pinagsasalita ng kanya - kanyang panig sa usapin ang nasasakdal.
|
Kapwa sila pinanunumpa na sila ay magsasabi ng katotohanan lamang.
|
Himagsikang pang - agham
|
Ang Panghihimagsik na Makaagham o Rebolusyong Siyentipiko ( Ingles : Scientific Revolution ) ay isang uri ng pag - aalsang nangyari noong panahon mailathala ni Nicolaus Copernicus ang De revolutionibus orbium coelestium o " Mga Pag - inog ng Makalangit na mga Espero " ( Revolutions of the Heavenly Spheres sa Ingles ) at ng malimbag din ni Andreas Vesalius ang kanyang De Humani corporis fabrica o " Ang Kayarian ng Katawan ng Tao " ( kilala sa Ingles bilang The Fabric of the Human Body ).
|
Dahil sa napakaraming paghahati sa kasaysayan , maraming mga siyentipiko ang tumutol sa mga hangganan nito.
|
Iniuugnay sa ika - 16 hanggang ika - 17 mga daantaon ang kaganapang ito , bagaman nahanap nito ang huling hakbang sa larangan ng kimika at biolohiya noong ika - 18 hanggang ika - 19 mga daantaon.
|
Krus ( paglilinaw )
|
Ang krus ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod :.
|
Adiksiyon
|
Ang adiksiyon o pagkakagumon , na tinatawag ding pagkasugapa o pagkakalulong , ay ginagamit sa maraming mga diwa o mga konteskto upang ilarawan ang obsesyon , kompulsiyon , o labis na pagsandig o pagpapasailalim na sikolohikal , katulad ng : pagkakalulong sa bawal na gamot halimbawa na ang alkoholismo , pagkakalulong sa nikotina , suliraning pagsusugal , krimen , salapi , labis na pagtatrabaho , kompulsibong pagkain , adiksiyon sa kompyuter , pagkagumon sa larong bidyo , pagkahumaling sa pornograpiya , adiksiyon sa panonood ng telebisyon , at iba pang uri ng matinding pagkahaling , sobrang pagkahumaling , o labis na pagkahilig sa katulad na mga bagay.
|
Sa terminolohiyang medikal , isang neurobiyolohikong kagusutang kroniko ang kalulungan , kagumunan , kasugapaan , o labis na kahumalingan , na may mga dimensiyong henetiko , sikososyal , pampaligid , at nilalarawan ng isa sa mga sumusunod : ang patuloy na paggamit ng isang sustansiya sa kabila ng nakakapinsalang mga epekto nito , huminang kontrol o taban dahil sa paggamit ng gamot ( ugaling mapilit o kaasalang kompulsibo ) , at preokupasyon o pagiging abala ng isipan sa paggamit ng gamot para sa mga layuning hindi para sa panggagamot o pagtanggap ng lunas , na sa madaling sabi ay ang paghahangad , paghahanap , at pangangailangan ng gamot.
|
Rosario + Vampire
|
Ang Rosario + Vampire ay isang seryeng manga at anime.
|
Analitikong heometriya
|
Ang Analitikong heometriya , o analitikal na heometriya ay mayroong dalawang magkaibang kahulugan sa sipnayan.
|
Ang kasalukuyan at makabagong kahulugan ay tumutukoy sa heometriya ng analitikong maramihan.
|
Ang artikulong ito ay tumutukoy sa makaluma at elementaryang kahulugan.
|
Sa makalumang kahulugan , ang analitikong heometriya , kilala rin bilang oordinatong heometriya , o Heometriyang Kartesyan , ay ang pag - aaral ng heometriya na gumagamit ng sistema ng tugmaang pampook at ang mga kaalaman sa alhebra at pag - susuri.
|
Ito ay sumasalungat sa sintetikong pag - aaral sa Heometriyang Euclidean , na kung saan tinuturing primitibo ang ilang notasyong heometriko , at gumagamit ng deductive reasoning na nakabatay sa mga axiom at mga teorya para mahanap ang katotohanan.
|
Malawakang ginagamit ang analitikong heometriya sa liknayan at inhenyeriya , at ito ang pundasyon ng makabagong pag - aaral sa heometriya , kasama na rito ang alhebraiko , diperensiyal , diskreto , at kompyutasyonal na heometriya.
|
Kadalasang ginagamit ang sistema ng tugmaang pampook para manipulahin ang mga ekwasyon para sa mga lapya , mga tuwid na linya , at mga kwadrado , sa dalawa o tatlong dimensiyon.
|
Kung susuriin , nag - aaral ang isa sa Lapyang Euclidean ( 2 dimensiyon ) at Kalawakang Euclidean ( 3 dimensiyon ).
|
Kapag itinuturo ito sa mga libro sa paaralan , maaaring ipaliwanag ang analitikong heometriya sa ganitong paraan : binibigyang kahulugan at inirerepresentasyon ang isang hoemetrikal na hugis sa numerikal na kaparaanan at pagkuha ng nemerikal na kaalaman mula sa numerikal na kahulugan at representasyon ng mga hugis.
|
Maaaring maging numerikal na labas ang isang bektor o ang hugis.
|
Elektronika
|
Ang larangan ng elektronika ( Ingles : electronics ) ay ang pag - aaral at paggamit ng mga sistema na gumagana sa pamamagitan ng pagdaloy ng mga elektron ( o ibang mga charge carrier ) sa mga kagamitan katulad ng termiyonikong balbula at semikonduktor.
|
Bahagi ng inhinyeriyang elektronika ang disenyo at konstruksiyon ng mga elektronikong sirkit at bahagi ng disenyo ng hardwer sa inhinyeriyang pangkompyuter.
|
Tinuturing din minsan ang pag - aaral ng mga bagong semikondoktor na kagamitan at kanilang teknolohiya bilang isang sangay ng pisika.
|
Determinismo
|
Ang determinismo ay isang paniniwala na nasa guhit ng kapalarang itinakda noong una pa lamang ang lahat ng mga nangyayari sa mundo.
|
Isa itong teoriyang nagsasabing nagaganap ang mga galaw o kilos ng tao hindi dahil sa kalayaang pumili o magpasya , sa halip ay dahil sa mga puwersang malalaya.
|
Bansang maunlad
|
Ang bansang maunlad ( Ingles : developed country ) ay isang bansang may mataas na antas ng kaunlaran , ayon sa ilang mga kategorya o pamantayan.
|
Kung anong kategorya , at kung anong mga bansa ang maiuuri bilang maunlad na , ay isang paksang maaaring pagtalunan.
|
Ayon sa Pandaigdigang Pondong Pananalapi , ang masusulong na mga ekonomiiya ay binubuo ng 65.8 % ng pandaigdigang nominal na GDP at 52.1 % ng pandaigdigang GDP ( PPP ) noong 2010.
|
Ang mga bansang hindi tumutugma sa ganyang mga kahulugan ay itinuturing bilang mga bansang umuunlad , paunlad o bansang hindi maunlad.
|
Silangang Kristiyanismo
|
Ang Silangang Kristiyanismo ay binubuo ng mga tradisyon at simbahan na umunlad sa mga Balkan , Silangan Europa , Asya menor , Gitnang Silangan , Aprika , India at mga bahagi ng Malayong Silangan sa loob ng mga siglo ng sinaunang panahon ng Kristiyanismo.
|
Ang terminong ito ay pangkalahatang ginagamit sa Kanlurang Kristiyanismo upang ilarawan ang lahat ng mga tradisyong Kristiyano na hindi umunlad sa Kanlurang Europa.
|
Sa gayon , ang terminong ito ay hindi naglalarawan sa anumang isang komunyon o karaniwang tradisyong pang - relihiyon at sa katunayan , ang ilang mga " silangang " simbahan ay may higit na pagkakatulad sa " kanlurang " Kristiyanismo sa kasaysayan at teolohiya.
|
Ang mga terminong " Silangan " at " Kanluran " sa bagay na ito ay nagmula sa mga pagkakabahagi sa Simbahan na sumasalamin sa paghahating pangkultura sa pagitan ng silangang Helenestiko at kanlurang Latinado at paghahating pangpolitika sa pagitan ng Silangang Imperyo Romano at Kanlurang Imperyo Romano.
|
Dahil ang pinamakapangyarihang simbahan sa Silangan ay nakilala bilang Simbahang Silangang Ortodokso , ang terminong " Ortodokso " ay kadalasang ginagamit sa isang katulad na maluwag na paraan bilang " Silangan " bagaman sa pagsasalitang strikto , ang karamihan ng mga simbahan ay tumuturing sa kanilang bahagi ng Ortdokso at komunyong Katoliko.
|
Kasaysayan ng Silangang Ortodokso Imperyong Bisantino Konsehong Ekumenikal Kristiyanisasyon ng Bulgaria Kristiyanisasyon ng Kievan Rus ' Paghahati ng Silangan - Kanluran.
|
Ang mga Silangang Kristiyano ay walang pinagsasaluhang mga tradisyong relihiyoso ngunit marami sa mga pangkat na ito ay nagsasalo ng mga tradisyong kultural.
|
Ang Kristiyanismo ay nahati sa sarili nito sa Silangan noong mga simulang siglo ng Kristiyanismo sa parehong loob at labas ng Imperyo Romano dahil sa mga alitan sa kristolohiya at pundamental na teolohiya gayundin sa mga pambansang dibisyon ( Roman , Persa ( Persian ) , etc.
|
).
|
Pagkatapos ng maraming mga siglo na ang Kanlurang Kristiyanismo ay buong humiwalay mula sa mga tradisyong ito bilang sarili nitong komunyon.
|
Sa kasalukuyan , may apat na mga pangunahing sangay o pamilya ng Silangang Kristiyanismo na ang bawat isa ay mary natatanging teolohiya at dogma.
|
Ang Simbahan ng Silangan ay nagdeklara ng kalayaan mula sa mga simbahan ng Imperyo Romano sa pangkalahatang konseho nito noong 424 CE bago ang Konseho ng Efeso noong 431 CE at kaya ay walang kinalaman sa teolohiyang idineklara sa konsehong ito.
|
Ang Ortodoksong Oriental ay humiwalay pagkatapos ng Konseho ng Chalcedon noong 451 CE.
|
Ang paghihiwalay ng Simbahang Romano Katoliko at Silangang Ortodokso ay pinepetsahan ng 1054 CE na karaniwang tinatawag ngayong Sismang Silangan - Kanluran.
|
Ang huling paghahating ito ay nagpapakita ng isang mas malaking pagkakabahaging kultural at pampolitika na umunlad sa Europa at timog kanlurang Asya noong mga Gitnang Panahon at kasabay ng muling pag - ahon ng Kanlurang Europa mula sa pagguho ng Kanlurang Imperyo Romano.
|
Ang Simbahang Silangang Ortodokso ay isang katawan ng Kristiaynismo na ang mga tagasunod ay malaking nakabase sa Rusya , Gresya , Silangang Europa at Gitnang Silangan na may papalagong presensiya sa Kanluraning daigdig.
|
Ang karamihan ng mga Kristiyanong Silangang Ortodokso ay tumatanggap ng Unang Pitong Konsehong Ekumenikal.
|
Kinikilala ng Kristiyanismong Ortodokso ang sarili nito bilang ang orihinal na simbahang Kristiyano na itinatag ni Hesus at mga apostol at binabakas ang pinagmulan nito pabalik sa sinaunang Kristiyanismo sa pamamagitan ng prosesong paghaliling apostoliko at hindi nabagong teolohiya at kasanayan.
|
Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod na simbahan :.
|
Ang Ortodoksong Oriental ay tumutukoy sa mga simbahang ng tradisyong Silangan na nagpapanatili ng pananampalataya ng unang tatlong mga Konsehong Ekumenikal nang hindi nahating simbahan : Unang Konseho ng Nicaea , Unang Konseho ng Constantinople at Unang Konseho ng Efeso.
|
Itinatakwil ng mga ito ang mga depinisyong dogmatiko ng Konseho ng Chalcedon kaya ang mga simbahang ito ay tinatawag na mga " Simbahang Lumang Oriental ".
|
Ang Ortodoksong Oriental ay nabuo bilang reaksiyon sa konseho ng Chalcedon sa hangganang silangan ng Imperyong Bizantino at sa Ehipto at Syria.
|
Ang mga sumusunod ang mga Ortodoksong Oriental na autosepaloso at may buong komunyon :.
|
Ang Simbahan ng Silangan ay may pinakamalawak na umaabot na sangay ng Silangang Kristiaynismo sa tugatog nito na kumalat mula sa sentro nito sa pinangangasiwaan ng Persian na Mesopotamia hanggang Mediterraneo , India at Tsina.
|
Ito ay orihinal na simbahan ng Sassanid Persia at nagdeklara ng sarili nito na malaya mula sa ibang mga simbahan noong 424 BCE at sa sumunod na siglo ay naging nauugnay sa Nestoryanismo.
|
Ang Asiryong Simbahan ng Silangan ay lumitaw mula sa historikal na Simbahan ng Silangan na nakasentro sa Mesopotamia / Asirya na sa panahong ito ay bahagi ng Imperyong Persian at malawak na kumalat sa buong Asya.
|
Ang modernong Simbahang Asiryo ng Silangan ay lumitaw noong ika - 16 siglo kasunod ng paghihiwalay sa Simbahang Kaldeo na kalaunang pumasok sa komunyon sa Roma bilang Silangang Simbahang Katoliko.
|
Pamantasang Howard
|
Ang Pamantasang Howard ( Ingles : Howard University ) ay isang pederal na pribadong unibersidad sa pananaliksik at historically black university ( HBCU ) sa Washington , D.C.
|
Ito ay ikinategorya ng Carnegie Foundation bilang isang unibersidad na may mas mataas na aktibidad ng pananaliksik.
|
Sa pagitan ng 1998 at 2009 , ang unibersidad ay nagprodyus ng isang Marshall Scholar , dalawang Truman scholar , 21 Fulbright scholar at sampung Pickering Fellow.
|
Nizhny Novgorod Oblast
|
Ang Nizhny Novgorod Oblast ay isang oblast sa bansang Rusya.
|
Bihud
|
Ang bihud ( Ingles : roe , fish eggs , hard roe ) ay ang ganap nang hinog na masa ng mga itlog ng mga isda at ng ilang mga hayop - dagat tulad ng mga salungo , hipon , at tipay.
|
Ito rin ang tawag sa obaryo ng isda , alimango , sugpo , o ulang na puno ng itlog.
|
Bilang pagkaing - dagat , ginagamit itong luto na sa mararaming ulam bilang sangkap.
|
Ginagamit din itong hilaw.
|
Kabyar ( Ingles : caviar ) ang termino para sa bihud na tinimplahan , inasnan , o pinasarap na mga itlog ng isda , na kinakain bilang delikasiya.
|
Ang malambot na bihud ( soft roe ) , na tinatawag ding puting bihud ( white roe ) , ang pluwidong seminal ng isdang lalaki.
|
Tumutukoy din ang salitang aligi o alige sa itlog o obaryo ng mga alimasag , alimango , hipon at alupihang dagat , o panloob na bahagi ng katawan ng mga hayop - tubig na ito , ngunit mas partikular na sa mga taba ng mga ito.
|
Baga ( anatomiya )
|
Ang baga ay isang mahalagang kasangkapang panghininga sa mga humihingang bertebrado , na ang pinaka - isinauna ay ang isdang may baga.
|
Pangunahing tungkulin nito ang pagdadala ng oksiheno mula sa kapaligiran patungo sa agusan ng dugo , at ang paglalabas ng karbong dioksihenado mula sa daluyan ng dugo patungo sa kapaligiran.
|
Nagaganap ang pagpapalitan ng mga hanging ito sa pamamagitan ng mga tumpok ng mga natatanging selula na bumubuo sa mga milyun - milyong maliliit at katangi - tanging may maninipis na dinding na sako ng hangin o alveoli.
|
Mayroon ding hindi - panghiningang tungkulin ang mga baga.
|
Ang mga salitang may kaugnayan sa larangan ng panggagamot na patungkol sa mga baga ay kadalasang nagsisimula sa pulmo - , mula sa pulmonarius ( mula sa baga ) ng wikang Latin , o nagsisimula rin sa pneumo na hinango mula sa Matandang Griyegong pneumo o " baga ".
|
Ang paglikha ng enerhiya mula sa respirasyong aerobiko ay nangangailan ng oksiheno at gumagawa ng carbon dioxide bilang resultang produkto pagkatapos ng proseso , na lumilikha ng pangangailang sa isang epektibong kakayahan sa pagdadala ng oksiheno patungo sa mga selula at paglalabas ng carbon dioxide mula sa mga selula.
|
Sa mga maliliit na organismo , katulad halimbawa ng may isang selulang bakterya , ang proseso ng pagpapalitan ng hangin ay maaaring maganap sa pamamagitan ng payak na pagkalat.
|
Sa mga mas malalaking bakterya , hindi ito posible ; sadyang isa lamang na bahagi ng selula ang lubhang malapit sa ibabaw upang makapasok ang oksiheno patungo sa mga selulang ito mula sa kapaligiran.
|
Dalawang pangunahing kasanayan ang nakapagpaganap ng ganitong malaking antas ng multiselularidad ( ang pagkakaroon ng maraming mga selula ) : ang isang epektibong sistemang sirkulatoryo na naghahatid ng mga hangin patungo at mula sa mga pinakailalim na mga tisyu sa loob ng katawan , at isang malaking panloob na sistemang respiratoryo na isinagitna ang gawaing pagkuha ng oksiheno mula sa kapaligiran at pagdadala nito patungo sa loob ng katawan , kung kailan ito maaaring mabilis na ikalat patungo sa kalahatan ng sistemang sirkulatoryo.
|
Sa mga bertebradong humihinga ng hangin , nangyayari ang paghinga sa pamamagitan ng mga magkakasunod na mga hakbang.
|
Dinadala ang hanging sa pamamagitan ng mga daanan ng hangin , na sa mga reptilya , ibon at mamalya : kabilang ang ilong , pharynx , larynx , trachea ( o tubong panghininga ) , mga bronchus , mga bronchiole , at ang mga pandulong sanga ng punong respiratoryo.
|
Isang mayamang sulsi ng mga alveoli ang mga baga ng mga mamalya , na nagbibigay ng malaking kalatagang pang - ibabaw para sa pagpapalitan ng hangin.
|
Isang saput - sapot ng mga pinong kapilaryo ang pumapayag na madala ang dugo sa ibabaw ng balat ng alveoli.
|
Kumakalat sa daluyan ng dugo ang ohsihenong nagmula sa hangin at nasa loob ng mga alveoli , at lumalaganp ang carbon dioxide mula sa dugo patungo sa alveoli , kapwa sa pikas ng manipis na lamad alveolar.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.