text
stringlengths
0
7.5k
Halimbawa , sa taong 2013 , ang unang kabilugan ng buwan matapos ang ekinoks ng Marso ay magaganap sa Marso 27.
Kaya ang Paskuwa ay nakatakda sa susundan nitong linggo na Marso 30.
Sa taong 2014 naman , ang unang kabilugan ng buwan matapos ang ekinoks ng Marso ay sa Abril 15.
Kaya ang Paskuwa ay nakatakda sa susundan nitong linggo na Abril 20.
Matuwid at makatuwiran
Ang matuwid at makatuwiran ( Ingles : righteous , righteousness ) ay ang paggawa ng kung ano ang tama , gayon din ang kung ano ang gawaing banal o pagpapakabanal , o kaya ang pagiging matapat sa mga pangako sa isang tipan o tipanan.
Isa rin itong pandiwang tumutukoy para sa isang taong makatuwiran at matuwid.
Sa Katolisismo , Kristiyanismo at Hudaismo , ang Diyos lamang ang may dalisay na pagiging matuwid at makatuwiran.
Gayundin , inaasahan ng Diyos na maging makatuwiran at matuwid ang kanyang mga tao , subalit hindi sila palaging namumuhay ayon sa batas ng Diyos.
Kaya 't ipinadala ng Diyos si Hesus upang maibigay at maiparating ng Diyos sa mga naniniwala kay ang Hesus ang kanyang pagiging matuwid at makatuwiran.
Sa ngayon , ang Espiritu Santo ang gumagawa sa loob ng mga tagasunod ni Hesus upang mamuhay sila ng makatuwiran at matuwid.
Changshu
Ang Lungsod ng Changshu ay isang lungsod sa probinsiya ng Jiangsu sa bansang Tsina.
Partido Bharatiya Janata
Ang Bharatiya Janata Party ay isang partidong pampolitika nasyonalista sa India.
Itinatag ang partido noong 1980.
Si Rajnath Singh ang tagapangulo ng partido.
Ang Bharatiya Janata Yuva Morcha ang kapisanang pangkabataan ng partido.
Sa halalang pamparlamento ng 2004 , nagtamo ng 85 866 593 boto ang partido ( 22 % , 138 upuan ).
Mga probinsya ng Tsina
Ang talaang ito ay ang mga probinsiya sa bansang Tsina.
Kongkiat Khomsiri
Kongkiat Khomsiri ( Hunyo 17 ) ay isang aktor sa bansang Thailand.
Yumiko Kobayashi
Yumiko Kobayashi ( Xiao Lin You Mei Zi Kobayashi Yumiko , ipinanganak Hunyo 18 , 1979 ) ay isang seiyu na ipinanganak sa Chiba , Hapon.
Lipad 2937 ng Bashkirian Airlines
Ang Lipad 2937 ng Bashkirian Airlines ay isang Rusong eroplanong nakabangga ng isang eroplanong pangkargo ng DHL noong Hulyo 1 , 2002 , 2135 ( UTC ) , malapit sa bayan ng Uberlingen , malapit sa Lawa ng Katiyagaan ( Lake Constance ) sa Alemanya.
Bumagsak ang dalawang eroplano na nakapatay sa lahat na nakasakay.
Mga problema sa sistemang pampigil ng trapikong himpapawid ( air traffic control ) ang naging dahilan ng sakuna.
Si Vitalij Kaloev ( Siriliko : Vitalii Kaloev ) ay isang arkitektong Ruso.
Siya ang inaakusahang pumatay sa Danes na tagapigil ng trapikong himpapawid ( air traffic controller ) na si Peter Nielsen sa Zurich , Switzerland.
Sinasabing dulot ito ng mga taon ng matinding paghahapis sa pagkamatay ng kaniyang buong pamilya sa pagbagsak ng Lipad 2937 sa Uberlingen.
Nananatili siyang nakakulong sa Switzerland habang itinitiyak kung maaari siyang hukumin.
Ang kuwintas ng bakal sa Uberlingen - - mga malalaking bola ng bakal na ipinagdugtong ng mga yerong ipinilipit - - na inaalay sa alaala ng mga batang naglaho sa Lipad 2937 , ay hango sa putol na kuwintas ng anak na babae ni Kaloev , ang kuwintas na nahanap ni Kaloev sa mga wasak.
Malicieuse kiki
Ang Malicieuse kiki ay isang pantasyang seryeng manga at anime.
Halalang pampanguluhan sa Pilipinas , 2016
Benigno Aquino III Liberal.
Rodrigo Duterte PDP - Laban.
Pilipinas.
Ginanap noong 9 Mayo 2016 , ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo ang isang halalang pampanguluhan ng Pilipinas.
Ihahalal sa araw na ito ang ika - 16 Pangulo ng Pilipinas na hahalili kay Benigno Aquino III , na hindi na maaaring tumakbo muli sa naturang katungkulan alinsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987.
Ito ang ikalimang halalang sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa ilalim ng 1987 Saligang Batas.
Inihayag ng Komisyon sa Halalan ang mga opisyal na kandidato sa pagka - Pangulo at Pangalawang Pangulo noong 15 Pebrero 2016.
Ito 'y makaraang suyurin ang 130 kandidatura sa pagka - Pangulo at 19 naman sa pagka - Pangalawang Pangulo.
Ang mga pinayagan ng Komisyon na tumakbo sa pagka - Pangulo ay sina Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance , Miriam Defensor Santiago ng People 's Reform Party , Rodrigo Duterte ng PDP - Laban , Grace Poe na isang independiyente , Mar Roxas ng Partido Liberal , at Roy Seneres ng Partido ng Manggagawa at Magsasaka.
Bago pa naisapinal ang listahan , na nabinbin ng dalawang buwan , nauna nang iniatras ni Roy Seneres ang kaniyang kandidatura noong 5 Pebrero dahil sa kaniyang lumalalang kalusugan , na humantong naman kaniyang pagpanaw noong 8 Pebrero.
Sa kabila nito , hindi tinanggal ng Komisyon ang pangalan ni Seneres sa opisyal na balota , nang simulan itong ilimbag noong 15 Pebrero , dahil pinapayagan umano ng Omnibus Election Code na magpalit pa ng kandidato ang partido hanggang sa kalagitnaan ng araw ng halalan.
Ibinasura naman ng Komisyon ang lahat ng petisyon na idiskuwalipika si Rodrigo Duterte noong 3 Pebrero.
Sa kabilang banda , ibinasura ng Komisyon ang kandidatura ni Grace Poe noong 23 Disyembre 2015 , ngunit dahil nakadulog ang kampo ni Poe sa Kataas - taasang Hukuman na naglabas ng TRO , nanatili si Poe sa balota.
Noong 8 Marso 2016 , kinatigan ng Kataas - taasang Hukuman ang petisyon ni Poe laban sa Komisyon , at pinayagang tumakbo sa pagkapangulo.
Ang debateng ito , Harapan ng Bise , ay gaganapin sa ABS - CBN.
Narito ang mga resulta ng Halalan para sa Pagkapangulo at Pagka - Pangalawang Pangulo sa Pilipinas.
Ito ay ayon sa opisyal na bilang ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas.
Source : Exit polls conducted by Social Weather Stations.
Aklat ni Isaias
Ang Aklat ni Isaias o Aklat ni Isaiah ay isa sa mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya.
Isinulat ito ng propetang ebanghelikong si Isaias.
Si Isaias ang itinuturing na pinakadakilang propeta sa Lumang Tipan ng Bibliya.
Nangangahulugang " Panginoon ay nagliligtas " sa wikang Ebreo.
Tinatawag siya ng Diyos sa pagkapropeta noong taon ng kamatayan ni Haring Ozias , noong 738 BK.
Natanggap niya ang katungkulang humula mula sa Diyos sa loob ng templo ng Herusalem sa pamamagitan ng isang pangitain.
Naging tungkulin ni Isaias ang akitin ang sambayanang Juda para manumbalik sa Diyos sapagkat kung hindi nila gagawin ito parurusahan sila ng Diyos.
Namuhay siya noong mga mahalagang panahon kung kailan sinakop ng Asiria ang Israel at kung kailan naging isang tributaryo o " nagbibigay ng buwis " sa Asiria ang Juda at nanganganib ring lubos na masakop ng Asiria.
Ipinagpatuloy niya ang tungkuling ito hanggang sa sumapit ang mga paghahari nina Joatan , Acaz , at Ezequias.
Marami siyang naging mga hula hinggil sa Mesias na si Hesukristo.
Tinatawag na propesiya ang mga ganitong uri ng hula.
Ayon sa alamat ng mga Hudyo , ipinapatay si Isaias ng haring si Manases.
Dahil sa estilo ni Isaias bilang manunulat , at maging dahil sa sariwang paglalarawan ng mga kaganapan , itinuturing siyang isang makatang henyo sa larangan ng panitikang pambibliya.
Isa rin siyang tanyag na pambansang pigura , partikular na sa mga usapin at gawaing pambayan.
Sa kapanahun ng Bagong Tipan , karaniwang ipinaliwanag ng mga Kristiyanong manunulat na tumutukoy sa makasaysayang si Kristo ang mga propesiya ni Isaias tungkol sa pagdating ng Mesias.
Hinango ng Nagkakaisang mga Bansa ang paggamit ng isang hindi opisyal na paglalahad ng misyong pang - organisasyon , na nasa wikang Ingles , mula sa Isaias 2 : 4 na naglalaman ng ganitong mga pananalita :.
Siya ang huhukom sa mga bansa at hahatol sa maraming bayan , at gagawing sudsod ang kanilang mga tabak at karit ang kanilang mga sibat.
Hindi na sila gagamit ng patalim , ang isang bansa sa kapwa bansa at hindi sila magsasanay sa digmaan.
Nagsasabi ito sa Ingles ng ganito :.
And he shall judge between the nations , and shall reprove many peoples : and they shall beat their swords into plowshares , and their spears into pruninghooks : nation shall not lift up sword against nation , neither shall they learn war any more.
Ang mga sumusunod ang mismong hinango ng Nagkakaisang mga Bansa , at nakaukit sa tinatawag na Pader ni Isaias sa isang muog malapit sa himpilan nito sa Lungsod ng New York :.
Sa Ingles :.
They shall beat their swords into plowshares.
And their spears into pruning hooks.
Nation shall not lift up sword against nation.
Neither shall they learn war any more.
Na katumbas sa Tagalog na :.
Gagawin ( nilang ) sudsod ang kanilang mga tabak at karit ang kanilang mga sibat.
Hindi na sila gagamit ng patalim , ang isang bansa sa kapwa bansa at hindi sila magsasanay sa digmaan.
Mababasa sa mga kabanata 7 hanggang 12 ang hinggil sa pagsilang ng Mesias mula sa isang birhen , samantalang makikita naman sa ang tungkol sa paghihirap ng " Lingkod ng Panginoon " na larawan ng Manunubos sa mga kabanata 51 hanggang 53.
Binubuo ang Aklat ni Isaias ng mga sumusunod na mga bahagi :.
Nagbibigay ng babala ang unang hati ng aklat sa mga makasalanan ng Israel at Juda na parurusahan ng Diyos ang kanilang kawalan ng pananampalataya sa pamamagitan ng mga taga - Asiria.
Bagaman ganito , tinatanaw rin ng aklat ang paghahari ng isang " Prinsipe ng Kapayapaan.
".
Sa ikalawang hati ng aklat , inilahad ang pinakadakila at pinakamahalagang kaganapan sa kapanahunan ni Isaias : ang paglusob ni Senaquerib ( kilala bilang Sennacherib sa Ingles ) noong 701 BK at kung paano pinanatiling ligtas ng Diyos ang Israel.
Sa huling hati ng libro , binigyang diin ni Isaias ang paghahari at pagiging maawain ng Diyos.
Dito ipinahayag ni Isaias na pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng Israel upang magkaroon ng wakas ang mga paghihirap ng mga mamamayan.
Ayon sa tradisyon ng mga Hudyo at Kristiyano , ang buong Aklat ni Isaias ay isinulat ni propeta Isaias noong ika - 8 siglo BCE.
Gayunpaman , ang mga modernong skolar ng Bibliya ay nagbigay konklusyon na ang aklat na ito ay hindi maaaring isinulat ng isang may - akda.
: p.1 Ang mga obserbasyon na tumungo sa konklusyong ito ang sumusunod :.
Dahil sa mga ebidensiyang ito , hinati ng mga skolar ang aklat na ito sa tatlong mga bahagi :.
Ito ay nagpapahiwatig na ang sekwensiya ng bago ang pagkakatapon ( pre - exilic ) , pagkakatapon ( exilic ) at pagkatapos ng pagkakatapon ( post - exilic ) ay medyo nakaliligaw dahil ang labis na pagbabago o editing ay nangyari sa lahat ng mga seksiyong ito.
: p.183.
Walang katiyakan kung paanong ang mga seksiyong Deutero - Isaias at Trito - Isaias ay naidugtong sa orihinal na Isaias.