text
stringlengths
0
7.5k
Mga comune ng Lalawigan ng Torino
Ito ay talaan ng mga comune ( bayan ) ng Lalawigan ng Torino sa Italya.
Talang Patnubay
Ang " Talang Patnubay " o " Tahimik na Gabi " ( Ingles : Silent Night ; Aleman : Stille Nacht ; Polako : Cicha Noc ) ay isang awitin para sa pananapatan ( pangangaroling ) , na unang ipinalabas noong 1818 sa orihinal na titik ni Padre Joseph Mohr , ang kura - paroko ng bayan ng Oberndorf bei Salzburg sa Austria , at sa musika ni Franz Xaver Gruber.
Bilang isa sa mga pinakakilalang awiting pam - Pasko , na may salin sa mahigit 150 wika kasama ang Tagalog , idineklara ito ng UNESCO bilang isang pamanang pandaigdig na hindi materyal noong Marso 2011.
Puwit
Ang puwit , puwitan , o buli ay ang mga mabibilog na bahagi ng katawan na nakalagay sa likurang rehiyon ng balakang ng mga unggoy , kabilang ang mga tao at marami pang ibang mga naglalakad sa pamamagitan ng mga dalawang paa o ng apat na mga paa.
Tinatawag din itong pigi , pundilyo , at tulatod.
Jean - Jacques Lequeu ( c.
1785 ).
Felix Vallotton ( c.
1884 ).
Sogod , Cebu
Ang Bayan ng Sogod ay isang ika - 4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Cebu , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 27,432 katao sa 5,846 na kabahayan.
Ang bayan ng Sogod ay nahahati sa 18 mga barangay.
Pompyang
Ang pompyang ay mga instrumentong perkusyon o panugtog na binibira , pinapalo , tinatapik , o pinagbabangga upang makalikha ng tunog.
Kilala rin bilang simbal o simbalo , mga disko itong yari sa tanso , tansong - pula , o natatanging alloy.
Kahawig sila ng mga takip ng kaserola o kawali , ngunit may maliit na umbok sa gitna at may mga taling tumatagos sa isang butas.
Tinatawag na simbalero , simbalista , mampopompyang , o tagapompyang ang taong tagatugtog ng mga pompyang.
Pangkaraniwan sa mga ito ang magkaparis na mga payat na piraso ng metal , na hinahawakan ng tig - isang kamay at pinagbabanggaan , kaya 't nakalilikha ng musikang may ritmo.
Manga Dogs
Ang Manga Dogs ay isang seryeng manga.
Kagandahan
Ang ganda o kagandahan ( Ingles : beauty , charm ) ay isang katangian ng isang tao , hayop , lokasyon o pook , bagay , o ideya na nagbibigay ng karanasan ng pananaw o hiwatig ng kaligayahan , kahulugan , o pagkapuno ( satispaksiyon ).
Pinag - aaralan ang kagandahan bilang bahagi ng estetika , sosyolohiya , sikolohiyang panlipunan , at kalinangan.
Bilang isang nilikhang pangkultura , labis na naging komersyalisado ang kagandahan.
Isang katauhan o katawan ang " huwarang kagandahan " o " kagandahang ideyal " na hinahangaan , o nag - aangkin ng mga katangiang malawakan ibinubunton sa diwa ng kagandahan sa isang partikular na kultura , para sa perpeksiyon.
Kalimitang kinasasangkutan ang pagkaranas ng " kagandahan " ng pagkakaunawa ng ilang mga entidad bilang nasa loob ng balanse at harmoniya ng kalikasan , na maaaring humantong sa mga damdamin ng pagkaakit at mabuting kapakanang pangdamdamin.
Dahil sa isa itong karanasang nasa isip , personal , o pangsarili , malimit na sinsabing " ang kagandahan ay nasa mata ng tumitingin.
" Sa diwa nitong pinakamarubdob , maaaring magbunga ang kagandahan ng isang kapuna - punang karanasan ng positibong maingat na paglilimi hinggil sa kahulugan ng pansariling pag - iral.
Ang paksa ng kagandahan ay anumang bagay na nag - aalingawngaw ng kahulugang pansarili.
Kasingkahulugan ang salitang kagandahan ng maganda , kariktan , dilag , karilagan , bighani , alindog ; maaari ring katumbas ng inam , igi , kaigihan , bentahe , kalamangan , at aya.
Partikular na nangangahulugan ang alindog ng matinding kagandahan o napakaganda , na katumbas din ng mga salitang dikit at dingal.
Katumbas ng maalindog ang pagiging kaakit - akit.
Bukod sa kagandahan , maaari ring tumukoy ang alindog sa karinyo , lambing , kalinga , bait , o kaya sa papuring paimbabaw o tuya.
The Secret Cardinal
Ang The Secret Cardinal ( o " Ang Lihim na Kardinal " sa pagsasalin ) ay isang nobelang isinulat noong 2007 ng Amerikanong manunulat mula sa Michigan na si Tom Grace.
Bilang isang nobelang nakasasadya at nakapagdurulot ng pananabik sa susunod na mangyayari para sa mga mambabasa , nagbibigay ang The Secret Cardinal ng malapitang pagtanaw sa panloob na mga gawain ng Batikano ukol sa paghahalal ng isang Santo Papa.
Nagpakita rin si Tom Grace sa nobelang ito ng pinakabagong mga kasangkapang militar na may hardwer at sopwer na may mataas na antas ng teknolohiya.
Pangunahing tauhan sa nobelang ito si Nolan Kilkenny , isang dating SEAL ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos , at naninirahan sa Ann Arbor , Michigan.
Sa kahilingan ng kanyang ama , nagpunta si Kilkenny sa Roma , Italya upang maghanapbuhay bilang isang tagapagpayo sa aklatan ng Batikano na nakikipag - ugnayan sa Kardinal ng Aklatan na si Malachy Donaher , isang matalik na kaibigan ng ama ni Kilkenny.
Ninong din ni Nolan Kilkenny si Kardinal Donaher Subalit nabunyag na kailangan pala talaga si Kilkenny para sa isang misyong kinasasangkutan ng pagpunta sa Tsina na kasama ang ilang mga dalubhasa ng CIA.
Hiniling sa kanya ng Santo Papa na palihim na sagipin ang isang tumatanda nang obispong Intsik at Hesuwita ng Shanghai na nabilanggo dahil sa pagiging isang Katoliko Romano sa loob ng hindi bababa sa tatlumpung mga taon.
Ang obispong ililigtas ay si Daoming Yin ( o Yin Daoming sa gawi ng pagsulat sa Intsik , ang apelyido ay Yin ) , ang pinuno ng mga inuusig na mga Katolikong Intsik na tumangging iwaksi ang kanilang paniniwala sa kabila ng pagpapahirap , pagpapakulong , at pagpaslang na isinasagawa ng pamahalaang Komunista.
Naging mas mabigat ang misyong ito nang biglaang mamatay si Papa Leo , ang Santo Papang nag - atas kay Kilkenny na iligtas ang obispong Asyano , dahil maaaring hindi suportahan ng kapalit na Santo Papa ang planong ito.
Dalawang linggo lamang ang naging panahong natitira para sa pangkat ni Kilkenny na mailigtas si Obispo Yin , na sa katotohanan ay isa nang lihim na Kardinal at " nasa puso " o " nasa ( loob ng ) dibdib " ( in pectore ) ng yumaong Santo Papa.
Kalkulong lambda
Sa lohikang matematikal at agham pangkompyuter , ang kalkulong lambda na isinusulat ding l - kalkulo ang pormal na sistema para sa paglalarawan ng punsiyon , aplikasyon ng punsiyon at rekursiyon.
Ang bahagi ng kalkulong lambda na mahalaga sa komputasyon ay tinatawag na walang - tayp na kalkulong lambda ( untyped lambda calculus ).
Sa parehong may - tayp at walang - tayp na mga bersiyon , ang mga ideya mula sa kalkulong lambda ay nakatagpo ng aplikasyon sa larangan ng lohika , teoriya ng rekursiyon ( komputabilidad ) at linguistiks at may mahalagang papel na ginagampanan sa pagkakalikha ng teoriya ng mga wikang pamprograma kung saan ang walang - tayp ng kalkulong lambda ang orihinal na inspirasyon para sa pagpoprogramang punsiyonal partikular na ang Lisp at ang may - tayp na kalkulong lambda ay nagsisilbing pundasyon ng modernong mga sistemang tayp.
Tignan ang sumusunod na dalawang halimbawa : Ang punsiyong identidad na.
ay kumukuha ng isang input na x at agad na nagbabalik ng x ( i.e. ang identidad ay walang ginagawa sa input nito ) samantalang ang punsiyong.
ay kumukuha ng pares ng mga input na x at y at nagbabalik ng suma ng mga kwadrado na x * x + y * y.
Gamit ang dalawang mga halimbawang ito , maaari tayong makagawa ng magagamit na mga obserbasyon na nag - uudyok sa mga ideya ng kalkulong lambda.
Ang unang obserbasyon ay ang mga punsiyon ay hindi kinakailangang hayagang pinapangalanan.
Ang ibig sabihin nito , ang punsiyong.
ay maaaring muling isulat sa anyong anonimo bilang.
( na binabasa bilang " ang pares na x at y at minamapa sa x * x + y * y " ).
Sa katulad na paraan , ang.
ay maaaring muling isulat sa anyong anonimo bilang x - x kung saan ang input ay simpleng minamapa sa sarili nito.
Ang ikalawang obserbasyon ay ang spesipikong pagpipilian ng pangalan para sa mga argumento ng punsiyon ay hindi mahalaga.
Ang ibig sabihin ay.
ay naghahayag ng parehong punsiyon : ang identidad.
Gayundin , ang.
ay naghahayag rin ng parehong punsiyon.
Sa huli , ang anumang punsiyon na nangangailangan ng dalawang input halimbawa , ang nabanggit na punsiyong sqsum ay maaaring muling ayusin sa isang katumbas ng punsiyon na tumatanggap ng isang input at sa output ay nagbabalik ng isa pang punsiyon na tumatanggap naman ng isang input.
Halimbawa ,.
ay maaaring muling isaayos sa.
Ang transpormasyong ito ay tinatawag na currying at maaaring lahatin sa mga punsiyon na tumatanggap ng arbitraryong bilang ng mga argumento.
Ang currying ay intwitibong mauunawan sa pamamagitan ng paggamit ng halimbawa.
Ikumpara ang punsiyon na.
sa anyong curried nito na.
Sa ibinigay na dalawang argumento , meron tayong :.
Ngunit kung gagamitin ang currying , meron tayong :.
makikita nating ang anyong hindi - curried at curried ay kumukwenta ng parehong resulta.
Pansinin na ang x * x ay naging konstante.
Ang sintaks ng mga terminong lambda ay partikular na simple.
May tatlong mga paraan upang makamit ang mga ito :.
Wala ng iba pa ang terminong lambda , bagaman ang pagba - braket ay maaaring gamitin upang linawin ang mga termino.
Sa intwitibong paglalarawan , ang isang abstraksiyong lambda na lx.t ay kumakatawan sa isang punsiyong anonimo na kumukuha ng isang input at ang l ay sinasabing nagbibigkis ( bind ) ng x sa t at ang aplikasyong ts ay kumakatawan sa aplikasyon ng input na s sa isang punsiyongt.
Sa kalkulong lambda , ang mga punsiyon ay inuunawang mga unang - klaseng halaga upang ang mga punsiyon ay magamit na input sa ibang mga punsiyon at ang mga punsiyon ay magbalik ng mga punsiyon bilang mga output nito.
Halimbawa , ang lx.x ay kumakatawan sa punsiyong identidad na x - x at ang ( lx.x ) y ay kumakatawan sa punsiyong identidad na nilalapat sa y.
Sa karagdagan , ang ( lx.y ) ay kumakatawan sa punsiyong konstante na x - y na punsiyong palaging nagbabalik ng y kahit ano pa ang input.
Dapat pansinin na ang punsiyong aplikasyon ay asosiyatibo sa kaliwa upang ang ( lx.x ) y z ( ( lx.x ) y ) z.
Ang mga terminong lambda sa kanilang sarili ay hindi partikular na interasante.
Ang gumagawa sa kanilang interasante ang iba 't ibang mga nosyon ng ' pagkakatumbas ( equivalence at reduksiyon ( pagpapaliit ) na mailalarawa sa mga ito.
Ang basikong anyon ng pagkakatumbas na mailalarawan sa mga terminong lambda ang pagkakatumbas na alpha.
Ito ay nagsasaad na ang partikular na mapagpipilian ng binibigkis na bariabulo sa abstraksiyong lambda ay karaniwang hindi mahalaga.
Halimbawa , ang lx.x at ly.y ay magkatumbas - na - alpha na mga terminong lambda na kumakatawan sa parehong punsiyong identidad.
Pansinin na ang mga terminong x at y ay hindi magkatumbas na alpha dahil ang mga ito ay hindi binibigkis sa isang abstraksiyong lambda.
Sa maramign mga presentasyon , karaniwan na tinutukoy ang mga magkatumbas na alpha na mga terminong lambda.
Ang mga sumusunod na depinisyon ay kinakailangan upang mailarawan ang reduksiyong beta.
Ang mga malayang bariabulo ng isang termino ang mga bariabulo na hindi binibigkis sa isang abstraksiyong lambda.
Ang ibig sabihin nito , ang mga malayang bariabulo ng x ay tanging x ; ang mga malayang bariabulo ng lx.t ang mga malayang bariabulo ng t na ang x ay inalis at ang mga malayang bariabulo ng ts ang unyon ng mga malayang bariabulo ng t at s.
Halimbawa , ang terminong lambda na kumakatawan sa identidad na lx.x ay walang mga malayang bariabulo ngunit ang konstanteng punsiyon na lx.y ay may isang malayang bariabulo na y.
Kung gagamitin ang depinisyon ng mga malayang bariabulo , maaari na nating ilarawan ang umiiwas sa pagkakabihag na substitusyon.
Ipagpalagay na ang t , s at r ang mga terminong lambda at ang x at y ang mga bariabulo.
Isusulat natin ang t para sa substitusyon ng r para sa x sa t sa paraang umiiwas sa pagkakabihag.