text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang paghila at paglabas ng hangin ay nangyayari sa pamamagitan ng kilos ng mga masel ; sa mga isinaunang tetrapod , itinutulak ang hangin patungo sa baga sa pamamagitan ng mga masel ng pharynx , na kung sa mga reptilya naman o maging sa mga ibon at mamalya ay sa pamamagitan ng mas masalimuot na sistemang muskuloiskeletal.
|
Sa mga mamalya , ang diaphragm , na isang malaking masel ( bilang karagdagan sa panloob na masel interkostal ) , ang siyang nagpapanimula ng bentilasyon sa pamamagitan ng madalas na pagbabago sa bulumeng intra - torako at presyon ; sa pagtaas ng bulumen at samakatuwid sa pagbaba ng presyon , dumadaloy ng hangin papasok ng mga daanan ng hangin pababa sa grado ng presyon , at sa pagbaba ng bulumen at sa pagtaas ng presyon , nangyayari ang kabaligtaran.
|
Sa panahon ng normal na paghinga , walang gumagalaw na mga masel , namamahinga ang diaphragm , at walang tutol sa paglabas ang hangin.
|
Ang isa pang pangalan sa paglanghap at pagbuga ng hangin ay bentilasyon.
|
Ang mahalagang kapasidad o mahalagang kakayahan ay sukdulang bulumen ng hangin na maaaring ibuga ng isang tao matapos ang sukdulang paghigop ng hangin.
|
Maaaring sukatin ang mahalagang kakayahan ng isang tao sa pamamagitan ng espirometro ( sa espirometriya ).
|
Katambal ng iba pang mga panukat pisyolohikal , makatutulong ang mahalagang kakayahan sa diagnosis ng isang sakit sa baga.
|
Bilang karagdagan sa mga tungkuling pang - respiratoryong katulad ng pagpapalit ng mga hangin at regulasyon ng bilang ng mga iyonong hidrohen , gumaganap rin ang mga baga sa :.
|
Ang mga baga ng mga mamalya ay may mala - espongha katangian at nalalatagan ng mga epitelyum ( katulad ng pagkakaayos ng mga pulot sa isang lalagyang pampulot - pukyutan ) na sadyang may mas malaking pang - ibabaw na kalatagan ng mismong baga.
|
Karaniwan sa tao ang magkaroon ng ganitong uri ng baga.
|
Malaki ang tungkulin ng diaphragm na nasa ibaba ng thorax sa paghinga.
|
Hinihila ng paggalaw at paglaki ng diaphragm ang ilalim ng puwang kung kailang ang baga ay natatakpan pababa.
|
Pumapasok ng hangin sa pamamagitan ng mga butas ng bibig at ilong ; dadaloy at dadaan ito larynx patungo sa trachea , na magsasanga palabas patungo sa bronchi.
|
May kabaligtarang epekto ang paghinto at pamamahinga ng diaphragm , walang - pakundangan itong babalik sa dating hugis sa panahon ng karaniwang paghinga.
|
Sa panahon ng gawaing pagsasanay o pagpapalakas , gagalaw ang diaphragm na pupuwersahin ang hangin papalabas ( mas mabilis at sapilitan ).
|
Ang mismong kulungang tadyang ay may kakayahang bumanat at lumaki ng bahagya sa pamamagitan ng mga galaw ng ibang masel na pang - respiratoryo at katulong na pang - respiratoryo.
|
Bilang resulta , hinihigop papasok sa o ibinubuga palabas ang hangin mula sa baga , na palagiang pinababa ang antas ng presyon sa loob.
|
Ang ganitong uri ng baga ay tinatawag na bellows lung sa wikang Ingles sapagkat nakakahalintulad ng kasangkapang bellows o panlutong kasangkapan ng mga panday.
|
Sa mga tao , ito ang ang dalawang pangunahing bronchi ( na nabuo sa pamamagitan ng pagsasanga ng trachea ) na pumapasok sa pinakaugat ng mga baga.
|
Patuloy na mahahati ang mga bronchi sa loob ng baga , at matapos ang maraming mga pagkakahati ay magbubunga ng mga bronchiole.
|
Magpapatuloy ang pagsasanga ng puno ng bronchi hanggang sa marating ang kinalalagyan ng mga pandulong bronchiole , na naghahatid patungo sa mga sakong alveolar.
|
Binubuo ng mga buwig ng mga alveoli ang mga sakong alveolar , na kahalintulad ng nagiisang ubas sa isang langkay.
|
Mahigpit na nababalutan ng mga sisidlang pandugo ang isang alveoli , at dito nagaganap ang pagpapalitan ng mga hangin o gas.
|
Binobomba ang mga dugong naalisan ng oksiheno ( deoksihenadong dugo ) mula sa puso sa pamamagitan ng arteryo ng pulmon patungo sa mga baga , kung saan kumakalat ang oksiheno papasok sa dugo at napapalitan ng carbon dioxid sa hemoglobin ng mga erythrocyte ( o mga selula ng pulang dugo ).
|
Magbabalik ang mga dugong mayaman sa oksiheno sa pamamagitan ng ugat ng pulmon upang mapigang muli pabalik sa sirkulasyong sistemiko.
|
Nakalagay ang mga baga ng tao sa dalawang puwang sa magkabilang gilid ng puso.
|
Bagaman magkasingwangis sa itsura , hindi magkakambal ang dalawa.
|
Kapwa hinati ang mga ito sa mga lobo , na may tatlong lobo sa kanan at dalawa naman sa kaliwa.
|
Patuloy na hinati - hati ang mga loob sa mga tinatawag na lobule o mga hating may hugis hexagon na siyang pinakamaliit na hating nakikita ng mga mata na hindi kailangang ang tulong mga panilip tulad ng mikroskopyo.
|
Karaniwang nangingitim ang mga tisyung pandikit na naghahati - hati sa mga lobule sa mga naninigarilyo o mga naninirahan sa mga lungsod.
|
Ang nasa gawing gitnang gilid ng kanang baga ay halos patindig ( bertikal ) , habang naglalaman naman ng isang gutling kardiyako ang kaliwang baga.
|
Ang gutling kardiyako ay isang hukay na sumunod sa hugis ng puso.
|
Sa isang banda , masasabing masyadong malalaki ang mga baga at may nakapalaking nakatagong bulumen kung ikukumpara sa mga pangangailangang oksiheno kung namamahinga.
|
Ito ang dahilan kung bakit nakapapanigarilyo ang bawat isa sa mga tao sa loob ng maraming tao na walang napupunang pagbaba sa kakayahan ng baga habang hindi gumagalaw o kumikilos ng mabagal ; sa mga sitwasyong ito , maliit na bahagi lamang ng mga baga ang katunayang nalalagyan ng dugo para sa pagpapalitan ng hangin.
|
Habang tumataas ang pangangailangang oksihenong dahil sa ehersisyo , mas malaking bulumen ng baga ang nagagamit , na nagpapahintulot sa katawan na tumbasan ang pangangailang CO2 / O2 nito.
|
Mamasa - masa ang kapaligiran ng baga , na nagiging dahilan ng pagiging tirahan ng mga bakterya.
|
Resulta ng mga paglusob ng mga bakterya at virus sa baga ang karamihan sa mga karamdamang may kaugnayan sa paghinga.
|
Kaiba sa mga baga ng mga mamalya , ang mga baga ng mga ibon ay walang mga alveoli , sa halip mayroon silang mga milyun - milyung maliliit na daanan tinatawag na para - bronchi , na nakakabit sa magkabilang dulo sa pamamagitan ng dorsobronchi at ventrobronchi.
|
Dumadaloy sa ang hangin sa pamamagitan ng mga mala - pulot - pukyutang dinding ng para - bronchi at patungo sa mga kapilaryo , kung saan ipinagpapalit ang oksiheno at carbon dioxide sa mga pa - ekis na ikot ng mga kapilaryong pandugo sa pamamagitan ng pagkakalat , isang proseso ng pagpapalitang tawid - daloy.
|
May dalawang kumpol ng mga sakong pang - hangin ang mga bagang pang - ibon , isang pagawi sa harapan , at pangalawa na patungo sa likuran.
|
Sa paghigop ng hangin , naglalakbay ang hangin pablik sa panlikurang sakong caudal , at ang isang maliit na bahagi ang naglalakbay at lumalagpas sa para - bronchi na nagdadala ng ohsihen sa dugo patungo sa sakong - panghanging cranial.
|
Sa paglalabas ng hangin , ibinubuga ang de - oksihenadong hangin ( natanggalan na ng oksiheno ) na nasa sakong - panghanging cranial , at ang mga hangingn mayroon pang oksihen na nakaimbak sa sakong caudal ay lumilipat sa ibabaw ng parabronchi at ibinubuga , bagaman ang ilan ay nananatili sa sakong cranial.
|
Sinisigurado ng kumplikado o masalimuot na sistema ng mga sakong panghangin na ang daloy ng hangin na lumalagos sa mga baga ng ibon ay laging naglalakbay sa iisa at parehong direksiyon - mula sa likod patungo sa harap.
|
Kaiba ito ng sistemang pang - mamalya , kung saan ang direksiyon ng daloy ng hangin sa baga ay mala - agos , na bumbaligtad sa pagitan ng paghigop at pagbuga ng hangin.
|
Sa pamamagitan ng nagi - iisiang direksiyon ng daloy ng hangin , naka - hihitit ng mga mas malaking bilang ng oksiheno mula sa nahigop na hangin ng mga bagang pang - ibon.
|
Samakatuwid , may mainam na kasangkapan ang mga ibon upang makalipad sa mga mataas na altitud na hindi magagawa at ikamamatay ng mga mamalya dahil sa hypoxia ; ang pagkakaroon ng kasangkapang ito ang dahilan kung bakit may kakayahang magkaroon ng mas mabibilis na metabolismo ang mga ibon kaysa sa mga mamalyang may katumbas na timbang.
|
Dahil sa kumplikadong sistema , karaniwang ang hindi pagkakaunawa at may maling paniniwala na kailangang ang dalawang ikot upang makaraan ang hangin sa kabuuan ng sistemang panghininga ng isang ibon.
|
Hindi nag - iimbak ng hangin ang mga baga ng ibon sa kahit na anong sako sa habang nangyayari ang dalawang ikot na pang - respiratoryo , sapagkat tuluy - tuloy na dumadaloy ang hangin mula sa panlikod at pangharap na mga sakong panghangin sa loob ng proseso ng respirasyon.
|
Tinatawag na " bagang pang - kalat " ( Ingles : circulatory lungs ) na kakaiba mula sa mga " bagang paningaw " ( Ingles : bellows lung , katawagang hango sa kasangkapang bellows ng mga panday ) ng karamihan sa ibang mga hayop.
|
Ang mga baga ng mga reptilya ay karaniwang nahahanginan sa pamamagitan ng magkaakbay na paglaki at pag - impis ng mga tadyang sa tulong mga muskulong axial at pag - bombang buccal.
|
Nakasalalay din sa pamamaraang pistong hepatiko ang mga mala - buwayang mga hayop , kung saan hinihilang pabalik ang atay ng mga masel na nakadaong sa butong pubiko ( na bahagi ng balakang ) , na siya namang humihilang pabalik sa pang - ibabang bahagi ng mga baga , na sanhi ng paglaki o pagkapal ng mga baga.
|
Ang mga baga ng karamihan sa mga palaka at iba pang mga amphibian ay mga payak na hugis lobong mga kayarian , na limitado lamang ang pagpapalitan ng hangin sa panlabas na balot ng baga.
|
Hindi ito mainam na pagkakaayos , subalit ang mga ampibyano ay may mga mabababang pangangailang pang - metaboliko at karaniwang kadalasang dinaragdagan ang kanilang panustos na oksiheno sa pamamagitan ng pagkalat ng oksiheno sa panlabas na balat ng kanilang mga katawan.
|
Hindi katulad ng mga mamalya na gumagamit ng sistemang panghininga sa pamamagitan ng negatibong presyon , gumagamit ang mga ampibyano ng positibong presyon.
|
Alalahaning ang karamihan sa espesye ng mga salamander ay walang mga baga at isinasagawa ang respirasyon sa pamamagitan ng pagpapadaan ng hangin sa kanilang mga balat at mga tisyung nakahanay sa kanilang mga bibig.
|
Ang ilan sa mga imbertebrado ay may mga bagang nagsisilbing may kahalintulad sa respiratoryong tungkulin , subalit walang kaugnayang pang - ebolusyon sa mga baga ng mga bertebrado.
|
May mga kayariang tinatawag na aklat - baga na ginagamit para sa pagpapalitan ng mga hangin mula sa kapaligiran ang ilan sa mga arachnid.
|
Gumagamit ang alimangong buko ng mga kayariang tinaguriang mga bagang branchiostegal upang makalanghap ng hangin at samakatuwid ay malulunod sa tubig , at dahil dito humihinga ang mga hayop na ito sa ibabaw ng lup at pinipigil nila ang kanilang hininga habang nasa ilalim ng tubig.
|
Ang Pulmonata ay mga order ng mga suso na may mga baga.
|
Ang mga baga ng mga pangkasulukuyang mga panlupang bertebrado at mga isda ay nalikha mula sa mga payak na sako o panlabas na mga bulsa o usbong ng sikmura na nakapagpapayag sa mga oranismong lumanghap ng hangin habang nasa mga katayuang may kaunting oksiheno.
|
Kung sa gayon , katmubas ng mga baga ng bertebrado ang mga sakong pang - hangin ng mga isda ( subalit hindi katumbas ng mga hasang ).
|
Nailalarawan ito sa pamamagitan ng katotohanan na ang mga baga ng mga fetus ay nalilikha rin mula sa mga pagusbong ng sikmura , at sa kaso ng mga sakong pang - hangin , nagpapatuloy ang ugnayang ito sa pitak pansikmura at pambituka bilang pneumatic duct sa mga mas isinaunang mga teleost , at nawawala sa mga mas matataas na mga order ng mga organismo ( Ito ang pagkakataong may kaugnayan sa pamamagitan ng ontogeny at phylogeny.
|
) Sa kasalukuyan , walang nalalamang mga hayop na kapwa may sakong panghangin at mga baga.
|
Pasko ng Pagkabuhay
|
Ang Pasko ng Pagkabuhay ( Ingles : Easter Sunday ) , ayon sa Kristiyanismo , ay ang araw ng pagbangon ni Hesus mula sa kaniyang kamatayan.
|
Noong patay na siya , inilibing si Hesus sa libingang malapit sa Kalbaryo , dahil ipinako siya sa araw bago ang " Araw ng Pamamahinga " , o " Sabado " , dahil bawal sa araw na iyon ang pagtatrabaho gaya ng paglibing.
|
Dumaan ang Araw ng Pamamahinga , at nabuhay muli si Hesus noong susunod na araw.
|
Ayon sa Bibliya , nabuhay siyang mag - uli noong madaling - araw ng Linggo ( ayon sa kasalukuyang pagkaunawa sa araw ).
|
Sa Ebanghelyo ni Lucas , Kabanata 24 , Talata 1 nakalagay : " Umagang - umaga ng araw ng Linggo , ang mga babae 'y nagtungo sa libingan , dala ang mga pabangong inihanda nila.
|
" Ang mga babaeng ibinanggit ay sina Maria Magdalena , Salome , Mariang Ina ni Santiago , at iba pa.
|
Nakakita sila ng dalawang anghel sa dapat na kinaroroonan ng bangkay ni Hesus.
|
Sabi ng mga anghel : " Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng patay ? Alalahanin ninyo ang sinabi Niya sa inyo noong nasa Galilea pa Siya : ' Ang Anak ng Tao ay kailangang maipagkanulo sa mga makasalanan at maipako sa krus , at sa ikatlong araw ay muling mabuhay.
|
' " ( Lucas 24 : 5 - 7 ).
|
Isa pang bersiyon nito na mahahanap sa Ebanghelyo ni San Juan ay si Maria Magdalena ang unang nakatuklas na wala ang katawan ni Hesus sa libingan at siya ang nag - ulat ng pangyayaring ito sa mga Apostol.
|
Matapos iulat niya ito sa Apostol at bumisita si San Pedro at ang alagad na mahal ni Hesus , umiyak siya sa harap ng libingan.
|
Tinanong siya ng mga anghel na naroon kung bakit siya umiiyak at sinabi niya na kinuha ang katawan ni Hesus at hindi niya alam kung nasaan na ito.
|
Lumingon siya at nakita si Hesus , ngunit hindi niya alam na Siya iyon.
|
Tinanong siya ni Hesus kung bakit siya umiiyak , at sagot niya sa akala niya 'y tigapangalaga ng mga halaman : " Ginoo , kung kayo po ang kumuha sa Kanya , ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko.
|
" ( Juan 20 : 15 ).
|
Biglang sinabi ni Hesus sa kaniya : " Maria ! " ( Juan 20 : 16 ) , at doon nalaman niya na si Hesus iyon.
|
Tumugon si Maria Magdalena ng : " Raboni ! " , o " guro ! " ( Juan 20 : 16 ).
|
Matapos ito sabi ni Hesus na huwag Siya 'y hawakan , sapagkat hindi pa Siya pumupunta sa Ama sa langit.
|
Ipinagdiwang ng kapistahang Hudyo ng Pesah ( Ebreo : psKH ) ang pagkakaligtas ng mga Ebreo mula sa Ehipto.
|
Nagmula ang pangalan nitong Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura sa pagsasagawa ng hindi paggamit ng pampaalsa o lebadura sa paggawa ng tinapay sa loob ng linggong ito.
|
Isinasagawa ito mula ika - 15 hanggang ika - 22 araw sa buwan ng Nisan , na nasa unang mga linggo ng Abril.
|
Sa Bibliya , matatagpuan ito sa Kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo.
|
Kabilang sa oras ng pagkain o selebrasyong ito ang Kordero ng Paskuwa o Batang Tupa ng Paskuwa ( kilala sa Ingles bilang Passover Lamb ).
|
Batay sa kasaysayan , pumatay ng isang batang tupa , ang kordero , ang mga Hudyo noong unang Paskuwa at inilagay o ipinahid ang dugo nito sa salalayan o balangkas ( palibot na patigas ) ng mga pinto ng mga bahay ng mga tao upang " dumaan sa ibabaw " ( pariralang " pass over " sa Ingles ) ng tahanan ng mga tao ang Diyos at masagip , maligtas , o hindi masali sa kukuhaning mga buhay ng Diyos ang kanilang mga panganay na anak na lalaki.
|
Pinatay ng Anghel ng Kamatayan ang lahat ng mga panganay sa mga tahanan ng mga Ehipsiyo , subalit dumaan lamang ito sa ibabaw at hindi kinuha o pinaslang ang mga nasa tahanang Ebreo.
|
Ayon sa Bagong Tipan ng Bibliya , si Hesus ang naging " Kordero ng Paskuwa " para sa lahat ng mga tao ng Diyos.
|
Inialay si Hesus upang maligtas ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan.
|
Si Hesus ang Kordero ng Diyos.
|
Walang permanenteng petsa ang Pasko ng Pagkabuhay sa kalendaryong Gregoryano o Juliano , kaya maituturing itong pistang nababago.
|
Ang petsa ng araw na ito ay tinatakda ng kalendaryong lunisolar na katulad sa kalendaryong Hebreo.
|
Itinakda ng Konseho ng Nicaea ang petsa ng Paskwa bilang unang araw ng Linggo matapos ang kabilugan ng buwan matapos ang Ekinoks ng Marso.
|
Sa patakarang pansimbahan , ang Ekinoks ay nakatakda sa Marso 21 : sa kabilang dako ayon sa agham ang ekinoks ay kalimitang nangyayari sa Marso 20.
|
Sa pagkalkula sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay , nag - uumpisa ang simbahang Kristyano sa Marso 21 bilang panimula.
|
Mula doon hahanapin nila ang kasunod na kabilugan ng buwan.
|
Sa mga simbahang Ortodoks na gumagamit pa rin ng kalendaryong Juliano , ang kanilang panimulang petsa ay Marso 21 din , na sa kasalukuyan ay papatak sa Abril 3 ng kalendaryong Gregoriano.
|
Dahil sa pagkakaibang ito , maaaring maging iba ang petsa ng Paskuwa sa mga simbahang Ortodoks at sa ibang simbahang Kristyano.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.