text
stringlengths
0
7.5k
walompu 't limang mga uri.
Tulad ng mga ekinodermata at kordata , nauuna sa mga hemikordata ang pagkakaroon ng puwit kaysa bibig.
May mga katangian din silang mayroong iilang mga kordata , tulad ng hasang.
Papa Teodoro I
Si Papa Teodoro I ( namatay nooong 14 Mayo 649 ) ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 24 Nobyembre 642 CE hanggang sa kanyang kamatayan.
Siya ay itinuturing na isang Griyego ngunit ipinanganak sa Herusalem.
Siya ay ginawang kardinal deakono na posibleng noong mga 640 at isang buong kardinal ni Papa Juan IV.
Anatomiya ng tao
Ang dalubkatawan ng tao o anatomiya ng tao ay ang maka - agham na pag - aaral ng morpolohiya ng may - gulang na katawan ng tao.
Hinati - hati ito sa mga bahaging magaspang na anatomiya ( gross anatomy ) at mikroskopikong anatomiya ( microscopic anatomy ).
Ang magaspang na anatomiya ( na tinatawag ding topograpikong anatomiya , anatomiyang rehiyonal , o antropotomiya ) ay ang pag - aaral ng mga istrukturang pang - anatomiya na makikita ng mga mata na hindi tinutulungang ng mga kagamitang katulad ng salamin o mikroskopo.
Ang mikroskopikong anatomiya ay ang pag - aaral ng mga maliliit na istrukturang anatomikal sa tulong ng mga mikroskopo , na kinabibilangan ng histolohiya ( ang pag - aaral ng organisasyon ng mga tisyu ) , at ng sitolohiya ( ang pag - aaral ng mga selula ).
Sa ilan sa mga aspeto ng anatomiya ng tao , may kaugnayan ito sa embriyolohiya , pinaghahambing na anatomiya at pilohenetika ( o pinaghahambing na embriyolohiya ) , dahil sa magkakaparehong ugat sa ebolusyon ; halimbawa , namamalagi pa sa katawan ng tao ang mga isinaunang segmento ng mga parisan na nakatanghal sa lahat ng mga bertebrado na may inuulit na mga payak na pangkat , na natatanging magigisnan sa gulugod at sa kulungang - tadyang , at maaaring bakasin mula sa mga isinaunang mga embriyo.
Binubuo ng mga sistema ang katawan ng tao , na binubuo ng mga organo na binubuo naman ng tisyu , na siya namang binubuo ng selula at tisyung pandugtong.
Sinasabing ang kasaysayan ng anatomiya , sa loob ng matagal na panahon , sa patuloy na pag - unawa sa mga tungkulin ng mga organo at istruktura sa loob ng katawan.
Malaki ang ipinagbuti ng mga pamamaraan , na tumalon mula sa mga eksaminasyon ng mga hayop na lumalagos sa paghiwa ( diseksiyon ) ng mga inimbak o preserbadong patay na mga katawan ng tao hanggang sa masalimuot na mga pamamaraang pangteknolohiya na sumulong at napabuti sa loob ng ika - 20 siglo.
Sa pangkalahatan , ang mga mag - aaral sa larangan ng pagiging manggagamot , pisyoterapista , nars , radyograper , mangguguhit , at ng ilang mga agham pang - biyolohiya , ay natututuhan ang magaspang o panlabas na anatomiya at mikroskopikong anatomiya mula sa kanilang mga modelo , mga iskeleton , mga aklat , mga ginuhit na larawan , mga litrato , mga panayam at mga sariling - pagaaral.
Maaaring tulungan ang pag - aaral ng mikroskopikong anatomiya o histolohiya sa pamamagitan ng mga maparaang karanasan sa pagtingin sa mga preparasyong histolohikal ( slides o mga halimbawang tisyu na nakapaloob sa maliit na salamin at tinitingnan sa ilalim ng mga tubong pansilip ng isang mikroskopo ) ; at bilang karagdagan , ang mga estudyante ng panggagamot ay karaniwan natututunan ang magaspang na anatomiya sa pamamagitan ng mga mapamaraang karanasan sa paghihiwa ( diseksiyon ) at pagsusuri ng mga walang - buhay na katawan ng tao.
Kailangan ang tahasang pagkadalubhasa ng anatomiya ng mga duktor na mediko , lalo na ang mga siruhano , at ang mga duktor na nagtatrabaho sa mga espesyalidad na pang - diagnostiko o pag - alam ng mga sanhi ng mga karamdaman , katulad ng histopatolohiya at radyolohiya.
Mga nakatutulong na panimulang karagdagang agham ang anatomiya ng tao , pisyolohiya at biokemistriya , na karaniwang itinuturo sa mga estudyante ng medisina sa kanilang unang taon sa paaralan ng medisina.
Maituturo ang anatomiya ng tao sa pamamaraang rehiyonal o sistematiko ;.
Ang rehiyonal na pagtuturo ay ang pag - aaral ng mga rehiyon ng katawan katulad ng ulo at dibdib , at ang sistematikong pag - aaral naman ay ang tiyakang pag - aaral ng mga sistema ng katawan katulad ng sistemang nerbyos o ng sistemang pangrespirasyon ( o panghinga ).
Muling isinaayoas ang pinakamahalagang aklat pang - anatomiya , ang Gray 's Anatomy ( Anatomiyang isinulat ni Gray ) , mula sa presentasyong maka - sistemang pag - aaral hanggang sa pormat na maka - rehiyong pag - aaral bilang tugon sa makabagong mga pamamaraan ng paglilinang.
Banghay ng anatomiya ng tao 1.
Ulo 2.
Mukha : Noo , Mata , Tainga , Ilong , Bibig , Dila , Ngipin , Panga , Pisngi , Baba 3.
Leeg , Lalamunan , Lalagukan 4.
Balikat 5.
Dibdib , Suso , Tadyang 6.
Pusod 7.
Puson , Balakang 8.
Organong seksuwal 9.
Titi , Bayag , Supot ng bayag o Puki , Tinggil.
10.
Hita 11.
Tuhod 12.
Binti , Lulod 13.
Bukung - bukong 14.
Talampakan , Sakong , Daliri sa paa.
15.
Bisig 16.
Siko 17.
Galanggalangan 18.
Palad , Daliri sa kamay.
Mahalaga ang pang - ibabaw na anatomiya ng tao para sa pag - aaral ng mga palantaandang pangkatawan na madaling makilala mula sa mga hubog o iba pang palatandaan ng pagkakakilanlan sa ibabaw ng katawan.
Dahil sa pagkakaroon ng mga kaalaman hinggil sa pang - ibabaw na mga bahagi ng katawan , masusukat at matatagpuan ng mga manggagamot ang mga kinaroroonan at kinalalagyan ng mga kaugnay na mga kayariang nakapailalim sa mga ito.
Mga pangkaraniwang katawagan ng mga pinakakilalang mga bahagi ng katawan ng tao , mula itaas hanggang ibaba :.
Mga karaniwang pangalan ng mga kasangkapang panloob ng katawan ( magkakasunod ayon sa pamamaraang pang - abakada ) :.
Apdo - - Apendiks - - Glandulang adrenal - - Atay - - Baga - - Bayag - - Bato - - Bena - - Mga bituka - - Esopago - - Mga glandulang paratiroid - - Mga glandulang pituitaryo - - Lapay - - Mga mata - - Obaryo - - Pali - - Pantog - - Prostata - - Puso - - Sikmura - - Timus - - Tiroid - - Utak - - Matris.
Amygdala - - Serebelyum - - Serebral korteks - - Gitnang - utak - - Sistemang limbiko - - Medulla oblongata - - Pons - - Tangkay ng utak.
Agham pangkompyuter
Ang agham pangkompyuter o impormatika ( informatica mula sa wikang Espanyol ) o computer science sa wikang Ingles ay sistematikong pag - aaral ng kompyutasyon at pag - proseso ng impormasyon maging sa hardware o software.
Kinabibilangan nito ang mga iba 't ibang paksa patungkol sa mga kompyuter.
( tingnan din ang electrical engineering ).
( tingnan din ang electrical engineering ).
Sicilia
Ang Sicilia ay isang rehiyon ng Italya at ang pinakamalaking pulo sa Dagat Mediteraneo , na nagtataglay ng lawak na 25,708 km2 at populasyong limang milyon.
Ang Palermo ang kabisera nito.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Kalyos ( paglilinaw )
Ang kalyos ay tumutukoy sa mga sumusunod :.
Kahawig na salita :.
Granada ( prutas )
Ang granada ( Ingles : pomegranate ) , botanikal na pangalan na Punica granatum , ay isang prutas na may namumulaklak na palumpong o maliit na puno sa pamilya Lythraceae na lumalaki sa pagitan ng 5 at 8 m ( 16 at 26 piye ) ang taas.
kategoriya : Prutas.
Panghukbong gamit sa kabataan
Ang panghukbong gamit sa kabataan ay mayroong tatlong anyo : maaaring makisapi ang mga bata mismo sa labanan ( batang sundalo ) ; o maaari silang gamitin sa mga pansuportang papel bilang mga tagapagbuhat , mga ispiya , mga mensahero , mga bantay , o mga aliping sekswal ; o maaari silang kapakinabangan bilang mga taong kalasag o sa propaganda.
Sa kasaysayan at sa mararaming kalinangan , malawakang ginamit ang mga bata sa mga kampanyang militar kahit ba ipinagbawal ang ganitong uri ng gawain sa kani - kanilang pangkulturang kagandahang - asal.
Simula noong dekada 1970 nagkaroon ng ilang mga pandaigdigang kumbensiyon na binibigyang - hanggan ang pagsapi ng kabataan sa mga armadong alitan.
Gayumpaman , ayon sa Coalition to Stop the Use of Child Soldiers , malawak pa rin ang paggamit ng kabataan sa mga hukbong sandatahan , at ang aktibong partisipasyon ng mga bata sa mga armadong alitan.
Robert Englund
Si Robert Englund ay isang aktor na gumanap bilang Freddy Krueger sa mga pelikulang katatakutan.
Moldova
Ang Republika ng Moldova o Republika ng Moldova , opisyal na lokal na mahabang anyo o nasa wikang Moldovano : Republica Moldova ) ay isang bansang walang pampang o bansang napapaligiran ng ibang mga lupaing hindi nito sakop sa Silangang Europa , at nakalagay sa pagitan ng Romania sa kanluran at Ukraine sa hilaga , silangan at timog.
Ipinahayag nito ang sarili bilang isang estadong nagsasarili na may kaparehong mga hangganang katulad ng sa Moldovian SSR noong 1991 , bilang bahagi ng paglalansag ng Unyong Sobyet.
Isang piraso ng pandaigdigang kinikilalang teritoryo ng Moldova sa silangang pampang ng Ilog Dniester ay napailalim sa kontrol na de facto ng tumiwalag na pamahalaan ng Transnistria magmula pa noong 1990.
Ang bansa ay isang parlamentaryong republika at demokrasya na may isang pangulo bilang ulo ng estado at punong ministro bilang ulo ng pamahalaan.
Ang Moldova ay kasapi sa Nagkakaisang mga Bansa , Konseho ng Europa , WTO , OSCE , GUAM , CIS , BSEC at iba pang mga samahang pandaigdigan.
Sa kasalukuyan , naghahangad ang Moldova na makasali sa Unyong Europeo , at nagpatupad na ng Planong Gawain na pang - unang tatlong taon sa loob ng balangkas ng ENP.
CIS.
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
Al Jafer
Ang Al Jafer ay isang lungsod sa Saudi Arabia.
Takahiro Ko
Si Takahiro Ko ( ipinaganak Abril 20 , 1998 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Distritong pambatas ng Camarines Sur
Pilipinas.
Ang Distritong Pambatas ng Lalawigan ng Camarines Sur , Una , Pangalawa , Pangatlo , at Ikaapat ang mga kinatawan ng lalawigan ng Camarines Sur at nang independenteng lungsod ng Naga sa mababang kapulungan ng Pilipinas.
Ang lalawigan ng Camarines Norte ay bahagi nang Ambos Camarines bago pa ito mabigyan nang sariling representasyon noong 1919.
Mula 1978 hanggang 1984 bahagi ito ng Ikalimang Rehiyon.
Muli itong nahati sa apat na distritong pambatas noong 1986.
Abra * Agusan del Norte * Agusan del Sur * Aklan * Albay * Antique * Apayao * Aurora * Basilan * Bataan * Batanes * Batangas * Benguet * Biliran * Bohol * Bukidnon * Bulacan * Cagayan * Camarines Norte * Camarines Sur * Camiguin * Capiz * Catanduanes * Cavite * Cebu * Compostela Valley * Cotabato * Davao del Norte * Davao del Sur * Davao Oriental * Dinagat Islands * Hilagang Samar * Guimaras * Ifugao * Ilocos Norte * Ilocos Sur * Iloilo * Isabela * Kalinga * La Union * Laguna * Lanao del Norte * Lanao del Sur * Leyte * Lungsod ng Antipolo * Lungsod ng Bacolod * Lungsod ng Baguio * Lungsod ng Cagayan de Oro * Lungsod ng Caloocan * Lungsod ng Cebu * Lungsod ng Davao * Lungsod ng Makati * Lungsod ng Malabon - Lungsod ng Navotas * Lungsod ng Mandaluyong * Lungsod ng Iloilo * Lungsod ng Las Pinas * Lungsod ng Marikina * Lungsod ng Maynila * Lungsod ng Muntinlupa * Lungsod ng Pasay * Lungsod ng Pasig * Pateros - Lungsod ng Taguig * Lungsod ng Quezon * Lungsod ng San Jose del Monte * Lungsod ng Taguig * Lungsod ng Valenzuela * Lungsod ng Zamboanga * Lungsod ng Paranaque * Lungsod ng San Juan * Maguindanao * Marinduque * Masbate * Misamis Occidental * Misamis Oriental * Mountain Province * Negros Occidental * Negros Oriental * Silangang Samar * Nueva Ecija * Nueva Vizcaya * Occidental Mindoro * Oriental Mindoro * Palawan * Pampanga * Pangasinan * Quezon * Quirino * Rizal * Romblon * Samar * Sarangani * Shariff Kabunsuan * Siquijor * Sorsogon * Timog Cotabato * Surigao del Norte * Surigao del Sur * Katimugang Leyte * Sultan Kudarat * Sulu * Tarlac * Tawi - Tawi * Zambales * Zamboanga del Norte * Zamboanga del Sur * Zamboanga Sibugay.
Jukunen Rikon