text
stringlengths
0
7.5k
Ang Jukunen Rikon ay isang palabas sa telebisyon sa bansang Hapon.
Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan
Ang putoy ni tania ay maliit ang binggols at malyeheng ( sa Ingles : Baby , Pranses : Organisation Mondiale du Commerce o OMC , Kastila : Organizacion Mundial del Comercio o OMC ) , ay isang organisasyong pansabansaan na nilikha upang mapamahalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang - internasyunal.
Ang WTO ay nabuo noong 1 Enero 1995 , at kahalili sa Pangkalahatang Kasunduan sa Taripa at Kalakalan ( GATT ) na nilikha noong 1947 at napagpatuloy sa pagpapalakad sa loob ng halos na limang dekada bilang organisasyong pansabansaang de facto.
Ang WTO ay nakikisama sa mga tuntunin ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa antas ng malapitang - pambuong - daigdig ; siya ay may tungkulin sa pakikipag - usapan at pagpapatupad ng mga bagong kasunduang pangkalakalan , humahawak sa pagpapalakad ng mga bansang - kasapi na sumusunod sa lahat ng mga kasunduan ng WTO , nilagdaan ng kalakhan ng mga bansang mangangalakal ng daigdig at naratipikahan sa kanilang mga batasan.
Karamihan sa mga kasalukuyang gawain ng WTO ya nagmumula sa mga negosasyong 1986 - 94 na tinatawag na Hakbang Urugway , at ang mga unang negosasyon sa ilalim ng GATT.
Ang organisasyon ay kasalukuyang nagpupunung - abala sa mga bagong negosasyon , sa ilalim ng Taluntunang Pangkaunlaran ng Doha ( DDA ) na ipinakilala noong 2001.
Ang WTO ay napapangasiwaan ng Kumperensiyang Pangministeryo , na nagpupulong nang bawat dalawang taon ; ang Pangkalahatang Sangunnian , na nagpapatupad ng pasiyang pampatakaran ng pagpupulong , ay may tungkulin sa pamamahalang pang - araw - araw ; at ang pangkalahatang - tagapangasiwa , na hinirang ng Kumperensiyang Pangministeryo.
Ang himpilan ng WTO ay nasa Geneva , Switzerland.
Ang paraan ng pagiging kasapi ng WTO ay pambihira sa bawat bansang aplikante , at ang takdang panahon ng pagtanggap ay nababatay sa kalagayan ng kaunlarang pang - ekonomiya at pamamahala sa kasalukuyang kalakalan ng isang bansa.
Ang proseso ay tumatagal sa loob ng limang taon , nguni 't lumalampas pa ito kung ang bansa ay hindi nakamit ang kanilang kahilingan o lumalala ang kaguluhan sa isyung pampolitika.
Bilang tipiko ang mga alintuntunin ng WTO , ang alok ng pagtanggap ay ibinibigay lamang kung ang pagkakasundu - sundo ay nakarating sa mga panig may ninanais.
Ang isang bansa na nangangarap na maging kasapi ng WTO ay nagpapasa ng aplikasyon sa Pangkalahatang Sanggunian , at kailangang isalarawan ang lahat ng mga aspekto ng kanyang patakaran sa kalakalan at ekonomiya na sumasang - ayon sa mga kasunduan ng WTO.
Ang aplikasyon na nakasulat sa pamamagitan ng memorandum na sinusuri ng pangkat na gumagawa ( working party ) kung saan bukas sa lahat ng mga bansang - kasapi ay ipinapasa sa WTO.
Pagkatapos nakapagkamit ang kabatiran na nilalaman ng mga pinagmulan , ang pangkat na gumagawa ay nakatutok sa mga isyu ng pagkakaiba sa pagitan ng mga tuntunin ng WTO at ang mga patakaran ng kalakalang pantahanan at batas ng aplikante.
Tinitiyak ng pangkat na gumagawa ang mga takay at pasubali sa pagpasok ng WTO para sa mga bansang - aplikante , at maaaring ipalagay sa panahon ng pagpapalit upang mapayagan ang mga bansa sa pagkakaroon ng luwag habang tumatalima sa mga tuntunin ng WTO.
Ang huling hakbang ng patanggap ay may kasamang negosasyong bilateral sa pagitan ng bansang - aplikante at ang ibang kasapi ng pangkat na gumagawa hinggil sa mga pagpapakilala at pangako sa mga antas ng taripa at pagdaan sa pamilihan para sa mga produkto at mga serbisyo.
Ang mga naninindigang bagong kasapi ay dapat maghain ng kahilingan nang pantay - pantay sa lahat ng mga kasapi ng WTO sa ilalim ng karaniwang tuntunin na walang diskriminasyon , kahit sila 'y nag - uusap nang bilateral.
Kung nakapaghinuha ang usapang bilateral , magpapadala ng pangkat na gumagawa sa Pangkalahatang Sanggunian o Kumperensiyang Pangministeryo ang mga dokumento ng pagpasok , na kasama ang lagom ng lahat ng mga pagpupulong ng pangkat na gumagawa , ang Protokol ng Pagpasok ( isang balangkas ng kasunduan ng pagkakasapi ) , at mga tala ( " mga talatakdaan " ) ng mga paninindigan ng bansang malapit na maging kasapi.
Kung napasiyahan ng Pangkalahatang Sanggunian o Kumperensiyang Pangministeryo ang mga kayarian ng pagpasok , ang batasan ng aplikante ay dapat magpatibay ng Protokol ng Pagpasok bago maging isang ganap na kasapi.
Ang WTO ay binubuo ng mga 152 kasapi ( halos lahat ng mga 123 bansa na lumahok sa Hakbang Urugway ay nag - uupahan sa kanilang mga sarili , at ang mga iba ay kailangang kumuha ng pagkakasapi ).
Ang mga 27 bansa ng Unyong Europeo ay kumakatawan bilang Mga Pamayanang Europeo.
Hindi na kailangang maging bansang - kasaping may soberenya ang mga kasapi ng WTO.
Bagkus , dapat sila 'y tinuturing teritoryong pang - adwana na may awtonomiya sa pamamaraan ng kanilang ugnayang pangkomersiya.
Gaya ng Hong Kong ( naging " Hong Kong , Tsina " noong 1997 ) na naging bahagi ng pangkat na pangkasunduan ng GATT , at ang Republika ng Tsina ( Taiwan ) na pinayagang sumanib noong 2002 sa ilalim ng pangalanag " Hiwalay na Teritoryong Pang - adwana ng Taiwan , Penghu , Kinmen at Matsu ( Tsinong Taipei ) ".
Ang bilang ng di - kasapi na ginagampanan bilang tagamasid ( 30 ) sa WTO ay kasalukuyang nakikipagpulong ukol sa kanilang pagkakasapi.
Maliban sa Lungsod ng Vatikan , ang mga tagamasid ay dapat magsimula sa negosasyon ng pagpasok sa loob ng limang taon ng pagkatagamasid.
Ang mga ibang intergubernamental na organisasyong pang - internasyunal ay nabigyan ng katayuan ng tagamasid sa katawan ng WTO.
Sa ngayon , labing - apat na estado at dalawang teritoryo ay wala pang opisyal na interaksiyon sa WTO.
Frederic Francois Chopin
Si Frederic Francois Chopin ( Polish : Fryderyk Franciszek Chopin , sometimes Szopen ; Pranses : Frederic Francois Chopin ; apelyido bigkas : / 'SoUpaen / sa wikang Ingles ; Pagbigkas sa Pranses : ; 1 March 1810 - 17 October 1849 ) ay isang kompositor at birtuosong piyanista mula sa bansang Polonya.
Isa siya sa mga dakilang manlilikha ng musikong Romantiko.
Isinilang siya sa bayan ng Zelazowa Wola sa Dukado ng Varsovia , sa isang dayong Pranses at sa isang inang Polako , at itinuring na isang batang henyo .. Noong ikalawang araw ng Nobyembre 1830 , sa gulang na dalawampung taon , nilisan niya ang Varsovia at nagtungo ng Austria , sa pagnanais na makarating ng Italya.
Ang pagsiklab ng Pag - aalsa ng Nobyembre ( November Uprising ) sa Polonya pitong araw ang makalipas , at ang pagsupil nito ng Imperyo ng Rusya ang nagtulak kay Chopin upang mapabilang sa napakaraming nandarayuhang Polako sa Dakilang Pangingibang - bansa ng mga Polako ( Great Polish Emiration ).
Sa Paris , nagkaroon ng maginhawang buhay si Chopin bilang isang kompositor at guro ng piano , habang malimit na nagbibigay ng mga pagtatanghal.
Bagama 't itinuring niya ang sarili bilang isang makabayang Polako , ginamit niya sa Pransiya ang Pranses na salin ng kanyang pangalan at , upang hindi siya umasa lamang sa mga dokumentong ipinagkakaloob ng pamahalaan ng Imperyo ng Rusya , siya ay naging isang mamayang Pranses.
Pagkatapos ng ilang mga masalimuot na relasyon sa ilang mga kababaihang Polaka , nagkaroon siya ng isang masidhing relasyon sa Pransesang si George Sand.
Isang sakiting tao , binawian siya ng buhay sa Paris noong 1849 sa edad na tatlumpu 't siyam , sa sakit na pulmonary tubercolosis.
Edom
Ang Edom ay isang pangalan o salitang may ibig sabihing " mapula ".
Ito ang naging katawagan o isa pang pangalan para kay Esau na anak ni Isaac.
Kakambal siya ng mas nakababatang kakambal na si Jacob ( kilala rin bilang Israel ).
Batay sa salaysay na nasa Lumang Tipan ng Bibliya ( sa Henesis 25 : 30 ) , tinawag siyang ganito sapagkat ipinagbili muna ni Esau kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay ( naunang iluwal si Esau ) bago bigyan ni Jacob si Esau ng hinihingi nitong " pulang pagkain " na niluto ng kapatid.
Noong panahon nina Esau at Jacob , ibinibigay o ipinamamana sa panganay na anak ang malaking bahagi ng mana o pag - aari ng angkan.
Sa pagbibili ni Esau ng kanyang pagkapanganay kay Jacob - dahil sa pagkaing kulay pula - hindi binigyan ng kahalagahan ni Esau ang kanyang karapatan bilang panganay na tagapagmana.
Ayon pa din sa Lumang Tipan ng Bibliya , kay Esau , na naging Edom , nagmula ang pangalan ng mga Edomita , isang sinaunang mga taong nanirahan sa isang pook na malapit sa Israel.
Sila ang mga inapo ni Esau.
Sa loob ng Imperyong Romano , kilala bilang Idumaea ang lugar na kanilang pinananahanan.
Atenas
Ang Atenas ( Griyego : Athena , Athina ; Ingles : Athens ) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Gresya.
Matatagpuan ito sa rehiyon ng Attica.
Isa ang Atenas sa mga pinakamatandang lungsod sa buong mundo , na may naitalang kasaysayan sa loob ng humigit 3,000 taon.
Ipinangalan ang lungsod sa dati nitong patron na si Athena noong kapanahunan ng Matandang Atenas.
Sa kasalukuyan , may populasyon ng 745,514 noong 2001 ang lungsod ng Atenas , at 3.37 milyong katao sa kalakhan nito.
Bilang isang bantog at kosmopolitano na lungsod , ang Atenas ay nagiging sentral sa buhay pang - ekonomiya , pampananalapi , pang - industriya , pampolitika at kultural sa Gresya.
Mabilis rin itong maging isang sentro ng negosyo sa Unyong Europeo.
Noong unang panahon , isang malakas na lungsod - estado at bantog na sentro ng sining , kultura , edukasyon at lalo na sa pilosopiya ang Atenas.
Bilang luklukan ng Akademiya ni Platon at ng Liseo ni Aristoteles , naging lugar ng kapanganakan ang Atenas nina Socrates , Pericles , Sophocles at ibang mga importante at maka - impluwensiyang mga pilosopo , manunulat at politiko ng matandang daigdig.
Kilala rin ang lungsod bilang duyan ng sibilisasyong Kanluranin at ng demokrasya dahil sa impakto ng mga inambag nitong ideya at gawaing kultural at pampolitika noong ikalima at ika - apat na siglo BC sa ibang mga bahagi ng noong - kilalang kontinente ng Europa.
From Loren To Marimar
Ang aklat na From Loren To Marimar na inedit ni Sheila S. Coronel ay koleksiyon ng mga artikulong isinulat ng mga mamamahayag noong dekada ' 90.
Ang mga artikulong mababasa sa aklat ay magandang basahin ng mga mag - aaral , media users , mananaliksik , opisyales , pangkaraniwang mamamayan o kahit na sinomang interesado at gustong maunawaan kung paano tumatakbo ang mga maiimpluwensiyang sektor sa Pilipinas.
Samakatuwid , ay para sa lahat ang aklat na ito.
Ang mga artikulong mababasa sa aklat na ito ay magbibigay ng paliwanag kung bakit nagkakaganito ang mga bagay - bagay partikular na sa pahayagan , telebisyon , midya , politika , media ethics , at internet.
Malinaw at mabusising ipinaliwanag ng mga nagsulat ng artikulo kung bakit takot ang mga taong nasa likod ng pahayagan sa pamahalaan ? Kung bakit matindi ang kompetisyon sa telebisyon ? Kung bakit at paano sinusuhulan ng mga politiko ang mga mamamahayag ? Kung bakit may mga politikong gustong maging host ng mga programa sa telebisyon ? At kung bakit pumatok ang internet bilang isang uri ng midya ? Sa tulong ng mga artikulong ito ay magkakaroon ng ideya ang mga mambabasa sa mga baga - bagay na may kinalaman sa media.
Taio
Ang Taio ay isang communi sa lalawigan ng Trento sa rehiyong Trentino - Alto Adige / Sudtirol sa bansang Italya.
Ponte Buggianese
Ang Ponte Buggianese ay isang comune sa lalawigan ng Pistoia sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Ono , Hyogo
Ang Ono ay isang lungsod sa Hyogo Prefecture , bansang Hapon.
Paglikha ayon sa Genesis
Ang paglikha ayon sa Genesis o mito ng paglikha ayon sa Genesis ay naglalaman ng pangunahing mito ng paglikha ng parehong relihiyong Hudaismo at Kristiyanismo.
Ang mitong ito ay nilalaman ng unang dalawang mga kapitulo ng Aklat ng Genesis.
Ang unang kapitulo o kabanata ay naglalarawan ng pagkakaliha ng mundo ni Elohim ( Aelohi ym na salitang Hebreo para sa diyos ) sa loob ng anim na araw ( Ebreo : yvm , yom ) sa pamamagitan ng salita ng diyos na humantong sa pagkakalikha ng sangkatauhan at ang diyos ay nagpahinga , nagpala at nagpabanal ng Shabbat ( ikapitong araw ).
Ang ikalawang kapitulo ay naglalarawan kay YHWH - - na personal na pangalan ng diyos ng Israel na lumikha ng unang tao na si Adan mula sa alikabok ( o alabok ) ng lupa , iniligay ito sa Hardin ng Eden at lumikha ng unang babae na si Eba mula sa tadyang ni Adan.
Inilarawan ng skolar na si Robert Alter ang pinagsamang salaysay bilang " makapipilit sa katangiang arketipal nito , at pag - aangkop nito ng mito sa mga layuning monoteistiko ".
Ayon sa karamihan ng mga modernong skolar ng Bibliya , ang mga Israelita ay humiram ng ilang mga tema mula sa mitolohiyang Mesopotamiyano ( Irak ) ngunit inangkop ang mga ito sa kanilang monoteistikong ( may isang diyos na ) paniniwala sa Hudaismo gaya ng isinasaad ng shema.
Sa Genesis 1 , ang diyos ay lumikha sa pamamagitan ng sinalitang kautusan ( " Let there be ... / Hayaang magkaroon ng ... " ) na nagmumungkahi ng paghahambing sa isang hari na nagsasalita lamang para mangyari ang mga bagay.
Ang bawat utos ay sinusundan ng pagbibigay pangalan ( " And he called ... / At kanyang tinawag " ).
Sa sinaunang Malapit na Silangan , ang pagpapangalan ay nakatali sa akto ng paglikha kaya sa panitikang Ehipsiyo , ang manlilikhang diyos ay naghayag ng pangalan ng lahat ng bagay at ang Enuma Elish ay nagsisimula sa puntong " walang pang napapangalanan ".
Ang pandiwang Hebreo na ginamit upang ilarawan ang aktong paglikha ng diyos ang brA , bara na ginagamit lamang sa diyos bilang subhekto.
Walang nilalang kabilang ang tao na kailanman naging subhekto ( paksa ) ng pandiwang bara ngunit obheto lamang.
Ayon kay John Walton , ang bara ay tumutungkol hindi sa pagkakalikha ng materya ex nihilo ( " mula sa wala " ) , kundi sa pagsasaayos ng mga tungkulin at gampanin.
Ayon kay Walter Brueggemann , ito ay maaaring parehong pakahulugan bilang tumutukoy sa paglikhang ex nihilo at pagsasaayos ng mga tungkulin at gampanin at ang ebidensiyang gramatikal sa anuman sa pananaw na ito ay hindi konklusibo.
Sa anumang kaso , kanyang binigyan ng konklusyon na ang salasay ng paglikha ayon Genesis ay nagbibigay diin sa monoteismo at probidensiya ng diyos at hindi na kailangang mamili sa pagitan ng dalawang pagpipiliang exegetical kung ang mismong teksto ay hindi pumipili.
Ang mga konserbatibong exegete ng Hudaismo o Kristiyanimo ay nagsasaad na ang bara ay talaga ngang tumutukoy sa paglikhang ex nihilo.
Sa Genesis 2 , ang salitang Hebreo na ginamit nang buuin ng diyos ang unang tao ay yTSr , yatsar , na nangangahulugang " fashioned " ( hinugis ) na isang pandiwang ginagamit sa kontekstong gaya ng isang magpapalayok na naghuhugis ng palayok.
Hiningahan ng diyos ng kanyang hininga ng buhay ang tao at ito ay naging isang buhay na kaluluwanepeSH nephesh na isang salitang nangangahulugang buhay , kasiglahan o buhay na personalidad.
Ang tao ay nagsasalo ng nephesh sa lahat ng mga nilalang ngunit tanging ang tao ang inilarawan ng aktong ito ng pagbibigay buhay ng diyos.
Ang isang karaniwang pananaw sa mga kasalukuyang skolar ng Bibliya ay ang komprehensibong drapto ng Pentateuch ( ang unang limang aklat ng Lumang Tipan na Aklat ng Genesis , Aklat ng Exodo , Aklat ng Levitico , Aklat ng Bilang at Deuteronomiyo ) ay nilikha sa huli ng ika - 7 o ika - 6 na siglo BCE ng Yahwist at ito ay kalaunang pinalawig sa pamamagitan ng mga pagdaragdag ng iba 't ibang mga salaysay at batas ng pinagkunang pangsaserdote ( priestly source ) sa isang akdang tulad ng makikita sa Pentateuch ngayon.
Sa salaysay , ang dalawang mga pinagkunan ay lumilitaw sa magkabaligtad na pagkakaayos.
Ayon sa pinakalaganap na delineasyon ( paghahati ) ng mga pinagkunan , ang Genesis 1 ay mula sa pinagkunang pangsaserdote ( priestly source ) at ang Genesis 2 ay sa Yahwistiko.
Sa pananaw ng mga skolar ng Bibliya , ang nananaig na layunin ng akdang ito ay upang itatag ang pagkakalikhang monoteistiko ( paniniwala sa isang diyos na si Yahweh ) bilang pagtutol o paglaban sa politeistikong ( paniniwala sa maraming diyos ) panniniwala ng kaaway ng bansang Israel na Imperyong Babylonian.
Sa pagtalakay ng skolar ng Bibliya at propesor na si R.N.