text
stringlengths
0
7.5k
Whybray sa mga tema ng Aklat ng Genesis sa Oxford Bible Commentary , kanyang isinulat na ang primebal ( panimulang ) salaysay ( Genesis 1 hanggang Genesis 11 ) ay nagpapakilala ng supremo at isang diyos na lumikha ng mundo na " mabuti " ; kalaunan , ang sangkatauhan ay nagrebelde sa diyos na ito at nagpadala ng malaking baha na sinundan ng tamang panahon ng isang mas may pag - asang kapalaran ng sangkatauhan na pinagpala sa pamamagitan ni Abraham.
Nicolas Maduro
Si Nicolas Maduro Moros ( pagbigkas sa wikang Kastila : ; ipinanganak noong 23 Nobyembre 1962 ) ay isang politiko ng Venezuela na naging Pangulo ng Venezuela magmula 2013.
Dating siya ang Pangalawang Pangulo ng Venezuela at Ministro ng Ugnayang Panlabas.
Si Maduro ang naging pansamantalang Pangulo kasunod ng kamatayan ng Hugo Chavez.
Siya ang nahalal na Pangulo noong 14 Abril 2013.
Bilang isang dating tsuper ng bus , si Maduro ay naging isang pinuno ng unyong pangkalakal ( trade union ) , bago mahalal sa Pambansang Kapulungan noong 2000.
Naitalaga siya sa ilang mga posisyon sa loob ng Pamahalaan ng Venezuela sa ilalim ni Chavez , na humantong sa kaniyang pagiging Ministro ng Ugnayang Panlabas noong 2006.
Inilarawan siya noong panahong iyon bilang ang pinaka may kakayahang tagapangasiwa at politiko sa " mas panloob na bilog " ni Chavez.
Pagkaraan ng kamatayan ni Chavez noong 5 Marso 2013 , inako ni Maduro ang mga kapangyarihan at mga pananagutan bilang Pangulo.
Isang natatanging halalan ang ginanap noong 14 Abril noong taon ding iyon upang maghalal ng bagong Pangulo , na pinagwagian ni Maduro ng mayroong halos pagpapantayan ng bilang ng mga bato ng magkakalaban , bilang kandidato mula sa Nagkakaisang Partidong Sosyalista.
Ang kaniyang pangunahing katunggali sa halalang iyon ay si Henrique Capriles , na Gobernador ng Miranda.
Ang pagka makasaligang - batas ng kaniyang pag - ako ng kapangyarihan at ang kaniyang pagkakahalal sa katungkulan ay pinag - aalinlanganan ng oposisyon ( katunggali ).
Otto von Guericke
Si Otto von Guericke ( ang apelido ay dating binabaybay bilang Gericke , Pagbigkas sa Aleman : ) ( 20 Nobyembre 1602 - 11 Mayo 1686 ( kalendaryong Juliano ) ; 30 Nobyembre 1602 - 21 Mayo 1686 ( kalendaryong Gregoriano ) ) ay isang Alemang siyentipiko , imbentor , at politiko.
Ang mga pangunahin niyang nagawa sa larangan ng agham ay ang pagtatatag ng pisika ng mga paghigop o mga vacuum ( mga bakyum ) , ang pagkakatuklas niya ng isang pamamaraang sinusubukan ( eksperimental ) para sa malinaw na pagpapamalas ( demonstrasyon ) ng repulsiyong elektrostatiko , at ang kaniyang pagtangkilik o pagsuporta sa katotohanan ng " galaw habang nasa isang layo " at ang " lubos na puwang ".
Everton Santos
Si Everton Santos ( ipinaganak Oktubre 14 , 1986 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
Gabon
Ang Republikang Gabonese o Gabon , ay isang bansa sa kanlurang gitnang Aprika.
Nasa hangganan ito ng Equatorial Guinea , Cameroon , Republika ng Congo at ang Golpo ng Guinea.
Pinamahalaan ng mga awtokratikong mga pangulo simula pa noong pagkalaya mula sa Pransiya noong 17 Agosto 1960 , ipinakilala ng Gabon ang sistemang maramihang - partido at isang bagong konstitusyon noong unang bahagi ng dekada ng 1990 na ipanahintulot na isang bukas na prosesong halalan at mga reporma sa institusyon ng pamahalaan.
Mga soberanong bansa Algeria * Angola * Benin * Botswana * Burkina Faso * Burundi * Cameroon * Cape Verde * Central African Republic * Chad * Demokratikong Republika ng Congo * Congo * Comoros * Cote d ' Ivoire * Djibouti * Ehipto1 * Equatorial Guinea * Eritrea * Ethiopia * Gabon * Gambia * Ghana * Guinea - Bissau * Guinea * Kenya * Lesotho * Liberia * Libya * Madagascar * Malawi * Mali * Mauritania * Mauritius * Morocco * Mozambique * Namibia * Niger * Nigeria * Rwanda * Senegal * Seychelles * Sierra Leone * Somalia * Sudan * Swaziland * Sao Tome at Principe * Tanzania * Timog Africa * Timog Sudan * Togo * Tunisia * Uganda * Zambia * Zimbabwe.
Dependensiyas | ' Di - kinikilala British Indian Ocean Territory ( Reino Unido ) * Demokratikong Republikang Arabo ng mga Sahrawi * Mayotte ( Pransiya ) * Puntlandiya * Reunion ( Pransiya ) * Sta.
Elena2 ( Reino Unido ) * Somalilandiya.
1 May bahagi sa Asya.
2 Kasapi ang mga dependensiya ng Pulo ng Asensiyon at Tristan da Cunha.
Sant 'Anna d 'Alfaedo
Ang Sant 'Anna d 'Alfaedo ay isang comune sa lalawigan ng Verona sa bansang Italya.
Sangki
Ang sangki o anis ( Ingles : Anise , anis , o aniseed kung tinutukoy ang buto ng anis ) , may pangalang pang - agham na Pimpinella anisum , ay isang halamang namumulaklak na nasa pamilyang Apiaceae.
Katutubo ang yerbang ito na may mabangong mga buto sa rehiyong Mediteraneo at silangan - kanlurang Asya.
Kilala rin ito dahil sa lasa nitong katulad ng sa likorisa , anis - haras , at taragonya.
Ayon kay Jose C. Abriol , ginagamit ang anis ( kasama ng iba pang maliliit na mga halamang menta at komino ) sa pagpapabango ng mga pagkain.
Uretra
Ang uretra ay isang tubong umuugnay o kumukunekta sa pantog patungo sa labas ng katawan.
Ito ang nagpapahintulot sa tao at hayop ( lalaki man o babae ) na makapagtanggal ng ihi mula sa kanilang katawan.
Natatabanan o nakukontrol ng tao at hayop ang pag - ihi o urinasyon sa pamamagitan ng paggamit ng ispinkter na uretral.
Bahagi ng sistemang pang - ihi o uretral ang uretra.
Dahil sa mamalya ang tao , mayroon itong uretra.
Sa lalaking mamalya , bahagi rin ang uretra ng sistemang reproduktibo , dahil ginagamit ito ng lalaki bilang tubong lagusan o daanan ng semilya at semen sa panahon o oras ng pakikipagtalik.
Bilang daanan ng isperma at ihi , umaabot ang uretra mula sa prostata pababa hanggang sa kahabaan ng titi.
Bundok Everest
Ang Bundok Everest ay ang pinakamataas na bundok sa Daigdig , kapag sinusukat ang taas ng tutok higit sa kapatagan ng dagat.
Nasa hangganan sa pagitan ng Nepal at Tsina ang mga palupo ng tutok ng Everest.
Inaakalang tumataas ang tuktok ng Everest sa tulin na mga 4 milimetro bawat taon.
Sa Nepal , tinatawag ang bundok bilang Sagarmatha para sa " Noo ng Langit.
Chomolungma o Qomolangma ( " Ina ng Sansinukob " ) ang tawag naman sa wikang Tibet , o sa Intsik : Zhu Mu Lang Ma Feng ( pinyin : Zhumulangma Feng ) o Sheng Mu Feng ( Shengmu Feng ).
Nabigyan ng pangalang Ingles ang bundok ni Andrew Waugh , ang Briton na surveyor - general ng India.
Sa kadahilanang sarado ang Nepal at Tibet sa banyagang paglalakbay , sinulat niya :.
( Sa wikang Ingles ).
... I was taught by my respected chief and predecessor , Colonel Sir Geo.
Everest to assign to every geographical object its true local or native appellation.
... But here is a mountain , most probably the highest in the world , without any local name that we can discover , whose native appellation , if it has any , will not very likely be ascertained before we are allowed to penetrate into Nepal ... In the meantime the privilege as well as the duty devolves on me to assign ... a name whereby it may be known among citizens and geographers and become a household word among civilized nations.
( Salin sa wikang Tagalog ).
... Tinuruan ako ng aking ginagalang na pinuno at sinundan , si Koronel Sir Geo.
Everest na italaga ang bawat heograpikal na bagay sa kanyang tunay na lokal o katutubong pangalan.
... Ngunit nandito ang isang bundok , marahil ang pinakamataas sa buong mundo , na walang lokal na pangalan na maaari nating matuklasan , kung mayroon man , hindi marahil ito matiyak bago tayo mapahintulot na pumasok sa Nepal ... Samantala ang pribelehiyo gayon din ang tungkulin nakaatang sa akin na magtalaga ... isang pangalan kung saan makikilala ng mga mamamayan at heograpiko at magiging salita ng sambahayanan ng mga bansang sibilisado.
Dahil dito pinili ni Waugh ang pangalan ni George Everest bilang pangalan ng bundok , na unang ginagamit ang baybay na Mont Everest , at pagkatapos Mount Everest.
Bagaman , iba ang makabagong pagbigkas ng Everest - IPA : or ( EV - er - est ) - sa pagbigkas ni Sir George sa kanyang sariling apelido , na binibigkas bilang ( EAVE - rest ).
Noong 2002 , inilimbag ng Instik na pahayagan na People 's Daily ang isang artikulo na kinakalaban ang patuloy na paggamit ng Ingles na pangalan ng bundok sa Kanluraning mundo , na pinagpipilitang dapat gamitin ang pangalang Tibet nito.
Inimbento ang pangalang Sagarmatha ng Nepal noong unang bahagi ng dekada 1960 nang napagtanto ng pamahalaan ng Nepal na walang pangalang lokal ang Bundok Everest.
Dahil hindi kilala ang bundok at hindi pinangalan ng mga etnikong Nepal ( ang lambak ng Kathmandu at mga napapaligirang lugar ).
Hindi katanggap - tanggap ang pangalang Sherpa / Tibet na Chomolangma dahil laban ito sa pagkakaisa ng bansa.
Hughson , California
Ang Hughson ay isang lungsod sa California , Estados Unidos.
Hamon ( paglilinaw )
Ang salitang hamon ay tumutukoy sa mga sumusunod :.
Daniel Silva dos Santos
Si Daniel Silva dos Santos ( ipinaganak Mayo 30 , 1982 - Pebrero 10 , 2019 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
Talaan ng mga lungsod sa Tsile
Ito ay isang talaan ng mga lungsod sa Tsile.
Ang isang lungsod ay tinukoy ng Pambansang Surian ng Estadistika ng Tsile ( INE ) bilang isang " entidad urbano " ( urban entity ).
na may higit sa 5,000 katao.
Ang talaang ito ay nakabatay sa isang ulat ng INE noong Hunyo 2005 batay sa senso noong 2002 na nagtala ng 239 lungsod sa buong bansa.
Kasama sa talaang ito ang mga conurbation , " absorptions " at mga lungsod na may higit 100,000 katao , ayon sa senso 2002.
Argentina * Bolivia * Brazil * Chile * Colombia * Ecuador * Guyana * Panama1 * Paraguay * Peru * Suriname * Trinidad and Tobago1 * Uruguay * Venezuela.
Aruba1 / Netherlands Antilles1 ( Netherlands ) * Falkland Islands / South Georgia and the South Sandwich Islands ( United Kingdom ) 2 * French Guiana ( France ).
Santa Maria , Huila
Ang Santa Maria ay isang munisipalidad sa Departamento ng Huila , Kolombiya.
La Plata
Ang La Plata ay ang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Buenos Aires , Arhentina , at ng partido ng La Plata.
Ayon sa senso noong 2001 , mayroon itong populasyon na 765,378 at ang kalakhang pook nito ay may 899,523 katao.
Ipinlano at iniusbong ang La Plata upang magsibing panlalawigang kabisera pagkaraang naging pederal ang Buenos Aires noong 1880.
Opisyal nang itinatag no Gobernador Dardo Rocha ang lungsod noong November 19 , 1882.
Ang pagtatayo nito ay buong itinala sa mga retrato ni Tomas Bradley Sutton.
Binago sa Ciudad Eva Peron ang pangalan ng lungsod noong 1952 , ngunit ibinalik ang orihinal na pangalan nito noong 1955.
Ang lungsod ay tahanan ng dalawang mahalagang koponan ng unang dibisyon ng putbol : Estudiantes de La Plata at Gimnasia y Esgrima La Plata.
Gabay panlakbay sa La Plata mula sa Wikivoyage Padron : NSRW Poster.
Kahirapan
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag - aaring materyal o salapi.
Ang absolutong kahirapan ang kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng paraan o pamamaraan upang makayanan o makapagdulot magkaroon ng payak o basikong mga pangangailangang pantao , katulad ng malinis na tubig o naiinom na tubig , nutrisyon , pangangalagang pangkalusugan , kasuotan , at tirahan.
Ang relatibong kahirapan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting mga mapagkukunan o mas kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga tao sa loob ng isang lipunan o bansa , o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo.
Ang suplay ng mga pagkain na pangangailangan ay maaaring malimitahan ng mga limitasyon sa mga serbisyo ng pamahalaan gaya ng korupsiyon , ilegal na paglisan ng kapital , mga kondisyonalidad sa utang at sa pagkaubos ng utak ng mga propesyonal na pang - edukasyon at pangkalausugan ..
Tinutukoy din itong karukhaan , lubos na kahirapan , ganap na karukhaan , paghihikahos , pagdarahop , kawalan , paghihirap , kakapusan , at destitusyon.
Kasingkahulugan din ito ng kaliitan , pagsasalat , pagkasaid , pagkakapos , kawalan ng kabuhayan , kakulangan , kagahulan , kakapusan , kahinaan , karalitaan , pagdaralita , dalita , at pamumulubi.
Ayon sa United Nations , ang kahirapan ang pagtanggi sa mga pagpipilian at oportunidad na isang paglabag sa dignidad na pantao.
Ito ay nangangahulugang kawalan ng basikong kapasidad na epektibong makilahok sa lipunan.
Ito ay nangangahulugang kawalang kasapatan na mapakain o madamitan ang isang pamilya , hindi pagkakaroon ng mapupuntahang paaralan o klinika at hindi pagkakaroon ng lupain na pagtataniman ng pagkain o kawalang trabaho upang mabuhay at kawalang paglapit sa kredito.
Ito ay nangangahulugang kawalang kaseguruhan , kawalang kapangyarihan at hindi pagsasama ng mga indibidwal , mga sambahayan at mga pamayanan.