text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang Repormang Protestante ay isang repormang kilusang Kristiyano sa Europa.
|
Iniisip ito na nagsimula sa Siyamnapu 't - Limang Sanaysay ni Martin Luther at maaaring maituturing na kasamang natapos ng Kapayapaan sa Westphalia noong 1648.
|
Nagsimula ang kilusan bilang isang pagsubok na baguhin ang Simbahang Katoliko.
|
Maraming mga kanluraning mga Katoliko ang nabahala sa mga nakita nilang mga bulaang mga katuruan at maling mga kasanayan sa loob ng Simbahan , partikular ang pagtuturo at pagbebenta ng mga indulhensiya.
|
Ang isa pang pangunahing pagtatalo ang kasanayan ng pagbili at pagbenta ng mga puwesto sa simbahan ( simonya ) at kung ano ang nakikita noong mga panahon na iyon bilang isang maituturing na korupsiyon sa loob ng pamunuan ng Simbahan.
|
Nakikita ito ng marami noong mga panahon na iyon bilang sistematiko , na umaabot hanggang sa puwesto ng Papa.
|
Amyntas II
|
Si Amyntas II o Amintas II ( Griyego : Amuntas B' ; ang pangalang " Amyntas " ay ang pangalan ng ilang tanyag na mga lalaking Griyego at Helenistiko , na hinango magmula sa Griyegong " amyntor " na may kahulugang " tagapagtanggol " ) o si Amyntas na Maliit ay ang hari ng Macedon na lalaking anak ni Philip o Menelaus , na kapatid na lalaki ni Perdiccas II.
|
( Thuc.
|
ii.
|
95.
|
) Humalili siya sa kaniyang ama sa kaniyang puwesto at lupain na nasa Pang - itaas na Masedonya , na tila ipinagkait ni Perdicass II sa kaniya , dahil sa dating nagsikap siya na bunuin ang pagkuha nito magmula kay Philip , subalit nahadlangan ng mga Atenyano.
|
Noong 429 BC , sa tulong ni Sitalces na hari ng mga Tracianong Odrysiano , tinangka ni Amyntas II na kuhanin ang trono ng Masedonya magmula kay Perdiccas II ; subalit nakipagkasundo si Perdiccas II , sa pamamagitan ng pamamagitan ni Seuthes na pamangking ng haring Traciano ( Thuc.
|
ii.
|
101 ) , upang makamit ang kapayapaan ; kung kaya 't si Amyntas II ay napilitang makuntento sa kaniyang namanang prinsipalidad.
|
Labanan ng Hastings
|
Ang Labanan ng Hastings o Labanan sa Hastings ( Ingles : Battle of Hastings ) ay nangyari noong Oktubre 14 , 1066.
|
Ito ang tagumpay ng mga Normando na nagbigay - daan sa Kongkistang Normando ng Inglatera , na pinaglabanan sa pagitan ng hukbong Normando ni Duke Guillermo II ng Normandia at ng hukbong Ingles ni Haring Harold II.
|
Ang labanan ay ginanap sa Burol ng Senlac , humigit - kumulang na 6 milya sa hilagang - kanluran ng Hastings , malapit sa kasalukuyang lungsod ng Battle , Silangang Sussex.
|
Si Harold II ay napatay sa labanan - ang alamat ay natusok ang kaniyang mata ng isang sibat.
|
Kahit na mayroong pagtutol ang mga Ingles sa mga sumunod na panahon , ang labanang ito ay nagtaguyod sa pagkakaroon ni Guillermo ng kapangyarihan sa Inglatera , at sa gayon siya ay naging unang pinunong Normando nito bilang Haring Guillermo I.
|
Ang bantog na Burda ng Bayeux ay naglalarawan sa mga pangyayari bago at habang umiiral ang labanan.
|
Ang Abadiya ng Battle sa Silangang Sussex ay itinayo sa lupa na kung saan ginanap ang labanan.
|
Ekonomiks na pangmatematika
|
Ang ekonomiks na pangsipnayan o ekonomiks na pangmatematika ( Ingles : mathematical economics ) ay ang paglalapat ng mga paraang pangmatematika upang kumatawan ng mga teoriyang pang - ekonomiya at suriin ang mga suliraning hinaharap sa ekonomiks.
|
Nagpapahintulot ito ng pormulasyon at paghango ( deribasyon ) ng susing mga ugnayan sa isang teoriya na mayroong linaw , pagkapanglahatan , kahigpitan , kapayakan.
|
Ayon sa nakaugalian , ang nilalapat na mga paraan ay tumutukoy sa mga lampas sa payak na heometriya , katulad ng kalkulong diperensiyal at integral , mga diperensiya at mga ekwasyong diperensiyal , alhebra ng matris , at pagpoprogramang pangmatematika at iba pang mga paraang pangkomputasyon.
|
Nagpapahintulot ang matematika sa mga ekonomista na makabuo ng makahulugan at masusubok na mga proposisyon o mungkahi hinggil sa maraming mga paksa na malawak ang nasasakupan at kumplikado na hindi pormal na maipapahayag nang sapat.
|
Bilang karagdagan , ang wika ng matematika ay nagpapahintulot sa mga ekonomista upang makagawa ng malinaw , espesipiko , at positibong mga pag - aangkin hinggil sa mga paksang kontrobersiyal o matututulan na maaaring imposible kapag wala ang paggamit ng matematika.
|
Ang karamihan ng teoriyang ekonomika ay kasalukuyang ihinaharap sa pamamagitan ng mga modelong pang - ekonomiya na pangmatematika. isang pangkat ng inistiluhan at pinapayak na mga ugnayang pangmatematika na naglilinaw ng mga pagpapalagay at mga kahihinatnan.
|
Kabilang sa paggamit o paglalapat na malawakan ang :.
|
Ang pormal na pagmomodelong ekonomiko ay nagsimula sa loob ng ika - 19 daantaon sa pamamagitan ng paggamit ng kalkulong diperensiyal upang katawanin at ipaliwanag ang gawi na pang - ekonomiya , katulad ng maksimisasyon o lalong pagpapataas ng utilidad ( paggamit ) , isang maagang pang - ekonomiyang paggamit ng optimisasyong pangmatematika.
|
Ang ekonomiks ay naging mas makamatematika bilang isang disiplina sa kahabaan ng unang hati ng ika - 20 daantaon , subalit ang pagpapakilala ng bao at panglahatang mga teknik sa loob ng kapanahunan na nakapaligid sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig , katulad ng teoriya ng laro , ay magpapalawak ng paggamit ng mga pormulasyong pangmatematika sa ekonomiks.
|
Ang matulin na pagsisistema ng ekonomiks ang nagbigay ng alarma sa mga manunuri ng disiplina pati na sa ilang kilalang mga ekonomista.
|
Tinuligsa nina John Maynard Keynes , Robert Heilbroner , Friedrich Hayek at iba pa ang malawakang panggamit ng mga modelong pangmatematika para sa ugali ng tao , na nangangatwiran na ang ilan sa mga pagpili ng tao ay hindi maipabababa bilang matematika.
|
Mula huli nang mga 1930 , ang isang kalipunan ng mga bagong kasangkapang matematikal mula sa kalkulong diperensiyal at mga ekwasyong diperensiyal , mga hanay na konbeks at teoriya ng grapo ay ginamit upang isulong ang teoriyang ekonomiko sa paraang tulad ng mga bagong pamamaraang matematikal na mas unang nilapat sa pisika.
|
Ang proseso ay kalaunang inilarawan bilang paglipat mula sa mekanika tungo sa aksiyomatika.
|
Siniyasat ni Vilfredo Pareto ang mikroekonomika sa pamamagitan ng pagtatrato ng mga desisyon ng mga aktor na ekonomiko bilang mga pagtatangka sa pagbabago sa isang ibinigay na pamamahagi ng mga kalakal sa isa pang mas ninanais na pamamahagi.
|
Ang mga hanay ng mga pamamahagi ay maari namang tratuhin bilang maiging Pareto ( ang optimal na Pareto ay isang katumbas na termino ) kapag walang mga palitan ay maaaring mangyari sa mga aktor na maaaring gumawa sa hindi bababa sa isang indibidwal na mas mabuti nang hindi gumagawa sa anumang isa pa mas masahol.
|
Ang patunay ni Pareto ay karaniwang ay hinahalo sa ekwilibrium na Walrassian o inpormal na itinuro sa hipotesis na hindi makikitang kamay ni Adam Smith.
|
Rather , Pareto 's statement was the first formal assertion of what would be known as the first fundamental theorem of welfare economics.
|
Ang modelong ito ay nagkukulang sa mga inekwalidad ng sumunod na henerasyo ng ekonomikang matematika.
|
Sa isang mahalagang treatise na Foundations of Economic Analysis ( 1947 ) , tinukoy ni Paul Samuelson ang isang karaniwang paradigm at istrakturang matematikal sa buong mga maraming larangan ng paksa na nagtatayo sa nakaraang akda ni Alfred Marshall.
|
Ang Foundations ay kumuha ng mga konseptong matemtikal mula sa pisika at inilipat ang mga ito sa mga problemang ekonomiko.
|
Ang malawak na pananw na ito ( halimbawa ang paghahambing ng prinsipyo ni Chatelier sa subastang Walrasian ) ay nagpapatakbo ng pundamental na premisa ng ekonomikang matematika : ang mga sistema ng mga aktor na ekonomika ay maaaring imodelo at ang mga pag - aasal nito ay mailalarawan tulad ng ibang mga sistema.
|
Ang pagpalawig na ito ay sumunod sa akda ng mga marhinalista sa nakaraang siglo at malaki itong pinalawaig.
|
Pinakitunguhan ni Samuelson ang mga problema sa pamamagitan ng paglalapat ng maksimisasyon ng utilidad ng indibidwal sa ibabaw ng mga agregatong pangkat sa kompartaibong statika na naghahambing ng dalawang magkaibang mga estadong ekwilibirium pagkatapos ng pagbabagong eksohenoso sa isang bariabulo.
|
Ito ang iba pang mga paraan sa aklat ay nagbigay ng pundasyon para sa ekonomikang matematikal noong ika - 20 siglo.
|
Ang mga nilimitahang model ng pangkalahatang ekwilibrium ay pinormula ni John von Neumann noong 1937.
|
Hindi tulad ng mga mas naunang bersiyon , ang mga modelo ni von Neurmann ay may mga pagtatakdang inekwalidad.
|
Para sa kanyang modelo ng lumalawaig na ekonomikya , pinatunayan ni von Neumann ang pag - iral at pagiging walang katulad ng isang ekwilibrium gamit ang kanyang paglalahat ng teoriyang nakapirmeng punto ni Brouwer.
|
Ang modelo ni von Neumann ng lumalawig na eknonomiya ay nagsaalang alang ng lapis na matriks A - l B na may mga hindi negatibong matriks na A and B. Hinanap ni von Neuman ang probabilidad na mga bektor na p at q at isang positibong bilang na l na lulutas sa ekwasyong komplementaridad na.
|
kasama ng dalawang mga sistemang inekwalidad na naghahayag ng kaigihang ekonomiko.
|
Sa modelong ito , ang tinransposong probabilidad na bektor na p ay kumakatawan sa mga presyo ng mga kalakal samantalang ang probabilidad na bektor na q ay kumakatawan sa " intensidad " kung saan ang prosesong produksiyon ay tatakbo.
|
Ang walang katulad na solusyong l ay kumakatawan sa rate ng paglago ng ekonomiya na katumbas ng rate ng interes.
|
Ang pagpapatunay ng pag - iral ng isang positibong rate ng paglago at pagpapatunay na ang rate ng paglago ay katumbas ng rate ng interes ay isang kahanga hangang mga pagkakamit kahit para kay von Neumann.
|
Ang mga result ni Von Neumann ay nakita bilang isang espesyal na kaso ng pagpoprogramang linyar kung saan ang modelo ni von Neumanan ay gumagamit lamang ng mga hindi negatibong matriks.
|
Ang pag - aral ng modelo ng ni von Neumann ng isang lumalawig na ekonomiya ay patuloy na nagbibigay interes sa mga ekonomista na may mga interes sa ekonomikang komputasyona.
|
Noong 1936 , itinayo ng ipinanganak sa Rusyang ekonomistang si Wassily Leontief ang kanyang modelo ng modelong input - output mula sa mga tablang ' material balance ' na nilikha ng mga ekonomistang Soviet na kahit mismong sila ay sumunod sa mas naunang akda ng mga pisiokrata.
|
Sa kanyang modelo na naglarawan ng isang sistema ng produksiyon at mga proseso ng pangangailangan ( demand ) , inilaraan ni Leontief kung paanong ang mga pagbabago sa pangangailangansa isang sektor ekonomiko ay maiimpluwensiya sa produksiyon ng isa pa.
|
Sa kasanayan , tinantiya ni Leontief ang mga koepisyente ng kanyang mga simpleng modelo upang sagutin ang mga interesanteng tanong na eknonomiko.
|
Sa ekonomikang produksiyon , ang " Leontief technologies " ay lumikha ng mga output gamit ang mga konstanteng proporsiyon ng mga input kahit pa hindi isaalang alang ang presyo ng mga input na nagpapaliit sa halaga ng mga modelo ni Leontief upang maunawaan ang mga ekonomiya ngunit pumapayag sa mga parametro nito na matantiyang relatibong madali.
|
Salungat dito , ang modelong von Neumann ng isang lumalawig na eknomomiya ay pumapayag para sa pagpipilian ng mga pamamaraan ngunit ang mga koepisyente ay dapat tantiyahin para sa bawat teknolohiya.
|
Sa matematika , ang matematikal na optimisasyon ay tumutukoy sa pagpili ng isang pinakamahusay na elemento mula sa isang hanay ng mga makukuhang alternatibo.
|
Sa pinakasimpleng kaso , ang isang problemang optimisasyon ay kinasasangkutan ng pagmamaksima o pagmiminimisa ng isang real na punsiyon sa pamamagitan ng pagpili ng mga halagang input ng punsiyon at pagkukwenta ng tumutugong mga halaga ng punsiyon.
|
Ang prosesong solusyon ay kinabibilangan ng pagsasapat sa mga kinakaialangan at sapat ng mga kondisyon para sa optimalidad.
|
Sa mas pangkalahatan , ang optimisasyon ay kinabibilangan ng paghahanp ng pinakamahusay ng makukuhang elemento ng isang punsiyon sa ibinigay na isang inilarawang sakop at maaaring gumamit ng iba 't ibang mga pamamaraang komputasyonal.
|
Ang eknonomika ay sapat na malapit na iniuugnay sa optimisasyon ng mga ahente sa isang ekonomiya na ang isang maimpluwensiya ( influential ) na depinisyon ay kaugnay na naglalarawan ng ekonomikang qua agham bilang " pag - aaral ng pag - aasal ng tao bilang relasyon sa pagitan ng mga wakas at salat na mga paran " na may mga alternatibong paggamit.
|
Ang mga problemang optimisasyon ay tumatakbo sa modenong ekonomika na ang marami ay may mga hayagang pagtatakdang ekonomiko o teknikal.
|
Sa mikroekonomika , ang problemang maksimisayon ng utilidad at ang problemang dual nito , ang problemang minimisasyon ng paggasta para isang ibinigay na lebel ng utilidad ay mga problemang optimisasyong ekonomiko.
|
Ang teoriya ay nagpapalagay na ang mga konsumer ay nagmamaksima ng kanilang utilidad sa ilalim ng mga pagtatakdang badyet at ang mga negosyo ay nagmamaksima ng kanilang mga tubo sa ilalim ng mga punsiyong produksiyon , mga gastos ng input at pangangailangan ng pamilihan.
|
Ang ekwilibrium na ekonomiko ay pinag - aaralan sa teoriyang optimisasyon bilang isang mahalagang sangkapt ng mga teoremang ekonomiko na sa prinsipyo ay maaaring masubok laban sa mga datos na empirikal.
|
Ang mas bagong mga pag - unlad ay nangyari sa pagpoprogramang dinamiko at pagmomodelo ng optimisasyon gamit ang panganib at kawalang katiyakan kabilang ang mga aplikasyon sa teoriya ng portfoli , ang eknomika ng impormasyon at teoriya ng paghahanap.
|
Ang mga katangiang optimalidad para sa buong sistemang pamilihan ay maaaring isaad sa mga terminong matematikal gaya ng pormulasyon ng dalawang mga pundamental na teorema ng ekonomikang kapakanan at sa modelong Arrow - Debreu ng pangkalahatang ekwilibrium.
|
Sa mas konkreto , maraming mga problema ay tutugon sa solusyong analitikal.
|
Maraming mga iba ay sapat na komplikado upang mangailangan ng mga pamamaraang numerikal ng solusyon na tinulungan ng sopwer.
|
Gayunpaman , ang iba ay komplikado ngunit sapat na mabilis na malulutas upang pumayag sa mga pamamaraang pagkukuwenta ng solusyon , sa partikular ang mga modelong makukwentang pangkalahatang ekwilibrium ng ekonomiya.
|
Ang pagpoprogramang linyar at hindi linyar ay malalim na umapekto sa mikroekonomika na mas naunang nagsaalang alang lamang ng mga pagtatakdang ekwalidad.
|
Marami sa mga ekonomistang matematikal na nakatanggap ng Gantimpalang Nobel ay nagsagawa ng kilalalang pagsasaliksik gamit ang pagpoprogramang linyar : Leonid Kantorovich , Leonid Hurwicz , Tjalling Koopmans , Kenneth J. Arrow , and Robert Dorfman , Paul Samuelson , at Robert Solow.
|
Parehong kinilala nina Kantorovich at Koopmans na si George B. Dantzig ay nararapat na magsalo sa kanilang Gantimpalang Nobel para sa pagpoprogramang linyar.
|
Ang mga ekonomistang nagsagawa ng pagsasaliksik sa pagpoprogramang hindi linyar ay nananlo rin ng Gantimpalang Nobel na ang pinakakilala dito ay si Ragnar Frisch sa karagdagan pa kina Kantorovich , Hurwicz , Koopmans , Arrow , at Samuelson.
|
Ang pagpoprogramang linyar ay pinaunlad upang makatulong sa pamamahagi ng mga mapagkukunan sa mga negosyo sa mga industriya noong mga 1930 sa Rusya at noong mga 1940 sa Estados Unidos.
|
Noong panahon ng Berlin airlift ( 1948 ) , ang pagpoprogramang linyar ay ginamit upang planuhin ang paghahatid ng mga suplay upang maiwasan ang Berlin sa pagkagutom pagkatapos ng paghaharang ng Soviet.
|
Ang mga pagpapalawig sa optimisasyong hindi linyar na mga pagtatakdang inekwalidad ay nakamit noong 1951 nina Albert W. Tucker at Harold Kuhn na nagsaalang alang mga hindi linyar na problemang optimisasyon na :.
|
Sa pagpayag ng mga pagtatakdang inekwalidad , ang pakikitungong Kuhn - Tucker ay naglahat ng klasikong paraan ng mga pamparaming Lagrange na pumayag lamang ng mga pagtatakdang ekwalidad.
|
Ang pakikitungong Kuhn - Tucker ay nagbigay inspirasyon rin sa karagdagang pagsasaliksik ng dualidad na Lagrangian kabilang ang pagtatrato ng mga pagtatakdang inekwalidad.
|
Ang teoriyang dualidad ng pagpoprogramang hindi linyar ay partikular na nakakasapat kapag inilapat sa mga problemang minimisasyon na konbeks na nakikinabang sa konbeks - analitikong teoriyang dualidad nina Fenchel at Rockafellar.
|
Ang dualidad na konbeks na ito ay partikular na malakas para sa mga punsiyong polihedral konbeks gaya ng lumilitaw sa pagpoprogramang linyar.
|
Ang dualidad na Lagrangian at analisis na konbeks ay araw araw ginagamit sa mga operasyong pagsasaliksik , sa pagiiskedyul ng mga planta ng elektrisidad , sa pagpaplano ng mga skedyul ng produksiyonh para sa mga pabrika at sa pagruruta ng mga eroplano ( mga ruta , paglipag , eroplano at tauhan ).
|
Ang dinamikang ekonomiko ay pumapayag sa mga pagbabago sa mga bariabulong ekonomika sa paglipas ng panahon kabilang ang mga sistemang dinamiko.
|
Ang problema ng paghahanap ng mga punsiyong optimal para sa gayong mga pagbabago ay pinag - aaralan sa kalkulong bariasyonal at sa teoriyang kontrol na optimal.
|
Bagon ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig , ginamit nina Frank Ramsey at Harold Hotelling ang kalkulo ng bariasyon para sa dahilang ito.
|
Kasunod ng akda ni Richard Bellman sa pagpoprogramang dinamiko at sa saling ingles noong 1962 mas naunang akda nina Pontryagin at iba , ang teoriya ng kontrol na optimal ay ginamit ng mas malawak sa ekonomika upang sagutin ang mga problemang dinamiko lalo na ang ekwilibrium na paglagong ekonomiko at pagiging matatag ng mga sistemang ekonomiko kung saan ang isang halimbawa sa aklat pampaaralan ang pagtitipid at optimal na pagkonsumo.
|
Ang isang mahalagang distinksiyon ay sa pagitan nga mga modelong kontrol na deterministiko at stokastiko.
|
Ang ibang mga aplikasyon ng teoriyang kontrol na optimal ay kinabibilangan ng sa pinansiya , mga inbentoryo at produksiyon.
|
Sa kurso ng pagpapatunay ng pag - iral ng optimal na ekwilibrium sa kanayang modelo ng paglagong ekonomiko noong 1937 nang ipinakilala ni John von Neumann ang mga pamamaraang analisis na punsiyonal sa teoriyang ekonomiko sa partikular ang teoremang nakapirmeng punto sa pamamagitan ng kanyang paglalahat ng teoremang nakapirmeng punto ni Brouwer.
|
Kasunod ng programa ni von Neumann , sina Kenneth Arrow at Gerard Debreu ay nagpormula ng mga modelong abstrakto ng mga ekwilibrium na ekonomiko gamit ang mga hanay na konbeks at teoriyang nakapirmeng punto.
|
Sa pagpapakilala ng modelong Arrow - Debreu noong 1954 , kanilang pinatunayan ang pag - iral ( ngunit hindi ang pagiging walang katulad ) ng ekwilibrium at pinatunayan rin na ang bawat ekwilibrium na Walras ay isang magiging Pareto.
|
Sa pangkalahatan , ang mga ekwilibrium ay hindi kinakailangang walang katulad.
|
Sa mga modelo nito , ang primal na espasyong bektor ay kinatawan ng mga kantidad samantalang ang dual na espasyong bektor ay kinatawan ng mga presyo.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.