text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Sa Rusya , ang matematikong si Leonid Kantorovich ay bumuo ng mga modelong ekonomiko sa parsiyal na inayo na mga espasyong bektor na nagbigay diin sa dualidad sa pagitan ng mga kantidad at mga presyo.
|
Sa pagkaapi sa komunismo , muling pinangalanan ni Katorovich ang mga presyo bilang obhektibong matutukoy na mga pagtatasa " na pinaikli sa Rusyano bilang " o.
|
o.
|
o.
|
" na nagpapahiwatig sa kahirapan ng pagtalakay ng mga presyo sa Unyong Sobyet.
|
Kahit sa may mga hangganang dimensiyon , ang mga konsepto ng analisis na punsiyonal ay nagliwanag ng teoriyang ekonomiko partikular na ang pagbibigay liwanag sa papel ng mga presyo bilang mga normal na bektor sa isang sumusuportang hiperplano sa isang hanay na konbeks na kumakatawan sa mga posibilidad ng produksiyon o konsumpsiyon.
|
Gayunpaman , ang mga problema ng paglalarawan ng optimisasyon sa paglipas ng panahon o ilalim ng kawalang katiyakan ay nangangailangan ng paggamit ng walang hangganang dimenisyonal na mga espasyong punsiyon dahil ang mga ahente ay pumipili sa mga punsiyon o mga prosesong stokastiko.
|
Ang akda ni von Neumann sa analisis na punsiyonal at topolohiya ay nagpasulong sa matematika at teoriyang ekonomiko.
|
Ito ay nag - iwan rin ng matas na eknomikang matematikal na may ilang mga aplikasyong ng kalkulong diperensiyal.
|
Sa partikular , ang mga teorista ng pangkalahatang ekwilibrium ay gumamit ng pangkalahatang topolohiya , heometriyang konbeks at matematikal na optimisasyon ng higit sa kalkulong diperensiyal dahil ang pakikitungo ng kalkulong diperensiyal ay nabigo sa pagpapatunay ng pag - iral ng isang ekwilibrium.
|
Gayunpaman , ang pagbagsak ng kalkulong diperensiyal ay hindi dapat pasidhiin dahil ang ang kalkulong diperensiyal ay palaging ginagamit sa pagsasanay ng edukasyong lagpas kolehiyo at mga aplikasyon.
|
Sa karagdagan , ang kalkulong diperensiyal ay bumalik sa pinakamataas na mga lebel ng ekonomikang matematika , teoriyang pangkalahatang ekwilibrium gaya ng sinasanay ng " GET - set ".
|
Gayunpaman , noong mga 1960 at 1970 , sina Gerard Debreu at Stephen Smale ay nanguna sa muling pagbuhay ng paggamit ng kalkulong diperensiyal sa ekonomikang matematika.
|
Sa partikular , nagawa nilang mapatunayan ang pag - iral ng pangkalahatang ekwilibrium na kung saan ang mga mas naunang manunulat ay nabigo dahil sa kanilang nobelang matematika : ang kategoryang Baire mula sa pangkalahatang topolohiya at ang lemma ni Sard mula sa topolohiyang diperensiyal.
|
Ang ibang mga ekonomistang nauugnay sa paggamit ng analisis na diperensiyal ay kinabibilangan nina Egbert Dierker , Andreu Mas - Colell , at Yves Balasko.
|
Ang mga pagsulong na ito ay nagbago ng tradisyonal na salaysay ng ekonomikang matematikal kasunod ni von Neumann na nagdiwang ng pag - iwan sa kalkulong diperensiyal.
|
Si John von Neumann na gumagawang kasama ni Oskar Morgenstern sa teoriya ng mga laro at pag - aasal ekonomiko ay sumulong sa matematika nong 1944 sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga pamamaraan ng analisis na punsiyonal na nauugnay sa mga hanay na konbeks at topolohikal na teoriyang nakapirmeng punto sa analisis na ekonomiko.
|
Dahil dito , ang kanilang akda ay umiwas sa tradisyonal na kalkulong diperensiyal kung ang operador na maksimum ay hindi lumapat sa mga punsiyong hindi diperensiyable.
|
Sa pagpapatuloy ng gawa ni von Neumann sa larong pakikipagtulungan , ang mga teorista ng larong sina Lloyd S. Shapley , Martin Shubik , Herve Moulin , Nimrod Megiddo at Bezalel Peleg ay umimpluwensiya sa pananaliksik ekonomiko sa politika at ekonomika.
|
Halimbawa , ang pagsasaliksik sa mga patas na presyo sa mga larong pakikipagtulungan at ang mga patas na halaga para sa larong pagboto ay tumungo sa pagbabago ng mga patakran sa pagbot sa mga lehislatura at sa pagtatasa ng mga gastos sa mga proyektong trabahong publiko.
|
Halimbawa , ang teoriyang larong pakikipagtulungan ay ginamit sa pagdidisenyo ng sistemang distribusyon ng tubig ng Katimugang Sweden at sa pagtatakda ng mga rate para sa nakatuong mga linya ng telepono sa Estados Unidos.
|
Ang mas naunang teoriyang neoklasiko ay nagtakda lamang ng saklaw ng mga baratilyong kalalabasan at sa mga espesyal na kaso , halimbawa sa monopolyong bilateral o sa kahabaan ng kurbang kontrata ng kahong Edgeworth.
|
Ang mga resulta ng akda nina Von Neumann at Morgenstern ay parehong mahina.
|
Gayunpaman , kasunod ng programan ni von Neumann , si John Nash ay gumamit ng teoriyang nakapirmeng punto upang patunayan ang mga kondisyon sa ilalim ng problemang baratilyo at ang mga larong pakikipagtulungan ay maaaring lumikha ng walang katulad na solusyong ekwilibrium na Nash.
|
Ang teoriyang laro na hindi pakikipagtulungan ay kinuha bilang isang pundamental na aspeto ng ekonomikang eksperimental , ekonomikang pag - aasal , information economics , organisasayong industriyal , at ekonomiyang politkal.
|
Ito ay nagpalitaw rin sa paksa ng disenyong mekanismo na minsang tinatawag na kabaligtarang teoriya ng laro na may mga aplikasyong pribado at publiko sa mga paraan ng pagpapabuti ng kaigihang ekonomiko sa pamamagitan ng mga pabuya para sa pagsasalo ng impormasyon.
|
Noong 1994 , sina Nash , John Harsanyi , at Reinhard Selten ay tumanggap ng Gantimpalang Nobel sa ekonomika para sa kanilang akda sa mga larong hindi pakikipagtulungan.
|
Sina Harsanyi at Selten ay ginantimpalaan para sa kanilang akda sa mga larong paulit ulit.
|
Ang kalaunang akda ay nagpalawig ng mga resulta sa mga pamamaraang ekonomikang komputasyonal ng pagmomodelo.
|
Ang batay sa ahenteng ekonomikang komputasyonal ( ACE ) ay isang pinangalanang larangan na relatibong kamakailan lamang na may petsang mula mga 1990.
|
Ito ay nag - aaral ng mga prosesong ekonomiko kabilang ang buong mga ekonomiya bilang mga sistemang dinamiko ng nag - uugnayang mga ahente sa paglipas ng panahon.
|
Kaya ito ay nahuhulog sa paradigm ng mga sistemng adaptibong kompleks.
|
Sa pagtugon sa mga modelong nakabatay sa ahente , ang mga ahente ay hindi mga tunay na tao kundi " mga obhektong komputasyonal na minodelo bilang nag - uugnayan ayon sa mga patakaran ... na ang mga interaksiyong mikro - lebel ay lumilikha ng mga paternong umaahon.
|
" Ang mga patakaran ay pinormula upang hulaan ang pag - aasal at mga intraksiyong panlipunan batay sa mga gantimpala at impormasyon.
|
Ang asumpsiyong teoretikal ng matematikal na optimisasyon ng mga ahenteng pamilihan ay pinalitan ng hindi mas restriktibong postulado ng mga ahenteng may tinakdaaang pagiging makatwiran na umaangkop sa mga pwersa ng pamilihan.
|
Ang mga modelong ACE ay naglalapat ng mga pamamarang numerikal sa batay sa kompyuter na mga simulasyon ng mga problemang dinamikong kompleks kung ang ang mas konbensiyonal na mga pamamaraan gaya ng pormulasyon ng teorema ay maaaring hindi makahanap ng handang paggamit.
|
Sa pagsisimula mula sa isang tinukoy na mga inisyal na kondisyon , ang komputasyonal na sistemang ekonomiko ay minomodelo bilang nag - eebolb sa paglipas ng panahon habang ang mga ahenteng bumubuo dito ay paulit ulit na nakikipag - ugnayan sa bawat isa.
|
Sa mga respetong ito , ang ACE ay inilirawan bilang isang pakikitungong baba - pataas na kulturang plato sa pag - aaral ng ekonomiya.
|
Salungat sa ibang mga pamantayang mga pamamaraang pagmomodelo , ang mga pangyayaring ACE ay pinapatakbo lamang ng mga inisyal na kondisyon kahit pa ang ekwilibrium ay umiiral o mabilis na malulutas sa pagkukwenta.
|
Gayunpaman , ang pagmomodelong ACE ay kinabibilangan ng pag - aangkop ng ahente , autonomiya at pagkatuto.
|
Ito ay may pagkakatulad at sumasanib sa teoriya ng laro bilang isang paraang batay sa ahente para sa pagmomodelo ng mga interaksiyong panlipunan.
|
Ang ibang mga dimensiyon ng pakikitungo ay kinabibilangan ng gayong mga paksang pamantayang ekonomiko gaya ng kompetisyon at kolaborasyo , istaktura ng pamilihan at organisasyong industriyal , mga gastos ng transaksiyon , ekonomikang kapakanan at disensiyong mekanismo , ekonomikang impormasyon , at makroekonomika.
|
Ang paraang ito ay sinasabing nakikinabang mula sa patuloy na pagpapabuti sa mga pamamaraang pagmomodelo ng agham pangkompyuter at tumaas na mga kakayahan ng kompyuter.
|
Ang mga isyu ay kinabibilangan ng mga karaniwan sa ekonomikang eksperimental sa pangkalahatan and by comparison at pagpapaunlad ng isang karaniwang balangkas para sa balidasyong empirikal at paglutas ng mga bukas na taon sa pagmomodelong batay sa ahente.
|
Ang huling layuning siyentipiko ng paraang ito ay inilarawan bilang " pagsubok sa mga natuklasang teoretikal laban sa tunay na daigdig na mga datos sa mga paraang papayag na ang mga teoriyang empirikal na sinuportahan ay magtitipon sa paglipas ng panahon na ang mga akda ng mananaliksik ay angkop na magtatayo sa akdang nauna na ".
|
Naga , Camarines Sur
|
Ang Lungsod ng Naga ( Bikol : Ciudad nin Naga ) ay isang 1st class o primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Camarines Sur , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , mayroon ang lungsod na 137,810 katao sa 26,317 mga sambahayan.
|
Ang Naga ay tinatawag din na " The Heart of Bicol " at " The Queen City of Bicol ".
|
Bago pa ang pagdating ng mga mananakop na Kastila , ang Naga ay isa nang ganap na bayan na malapit sa Ilog Naga.
|
Iyon ay naging mahalang bayan na may mga matitibay na kagamitang panlaban at nakamamanghang mahusay na kultura.
|
Nang sakupin ng mga Kastila ng ilang daan taon , ang kung ano ang Naga ngayon ay naging sentro ito ng kalakalan , edukasyon at kultura , at ang sentro ng pamahalaan at mga eklesiyastikong paghuhukom sa Bikol.
|
Noong 1573 , sa pangalawang paglalakbay niya sa rehiyon , ang konkistador na si Juan de Salcedo ay tumapak sa bayan ay tinawag itong " Naga " dahil sa laganap na mga puno ng Naga ( " Naga " sa Bikol ) sa lugar.
|
Noong 1576 , Si Kapitan Pedro de Chavez ang pinuno ng garison na iniwan ni Salcedo , ang nakakita ng kasalukuyang lugar ng kalakalan , na pinangalanang la Ciudad de Caceres , sa salitang Kastila , bilang pag - alaala kay Francisco de Sande , ang gubenardor heneral at katutubo ng lungsod ng Caceres sa Espanya.
|
Lumipas ang panahon , at ang lungsod ng Kastila at ang bayan ng mga katutubo ay nagsama bilang isang malaking pamayanan at naging kilala bilang , Nueva Caceres.
|
Mayroon itong pamahalaang panlunsod ayon sa mga sinasabi ng batas ng Kastila , at may sariling ayuntamiento at cabildo.
|
Sa simula ika - 17 dantaon , mayroon lamang lima pang ibang ciudades sa Pilipinas.
|
Ang Nueva Caceres ay nanatiling kabisera ng lalawigan ng Ambos Camarines at naging kabisera naman ng Camarines Sur , hanggang sa pormal na buuin itong isang malayang lungsod sa ilalim ng Republika ng Pilipinas.
|
Namugad ang mga hapon sa Ateneo De Naga at ginawa nila itong isang garison.
|
Nang paparating na ang mga Amerikano noong 1945 , maraming bomba ang kanilang inihulog sa Lungsod ng Naga. ito Ang dahilan ng pagkasunog ng palengke.
|
Maraming sibilyan ang nasugatan sa pambobombang ito.
|
Nahahati sa 27 barangay ang Naga.
|
Unibersidad ng Delhi
|
Ang Unibersidad ng Delhi ( Ingles : University of Delhi , UOD ) impormal na kilala bilang Delhi University ( DU ) ay isang pampublikong unibersidad na matatagpuan sa New Delhi , India.
|
Ang Unibersidad ng Delhi ay itinatag noong 1922 bilang isang unitaryo , para sa pagtuturo , at residensyal na unibersidad sa pamamagitan ng isang batas ng Central Legislative Assembly ng Britanikong India.
|
Ang Unibersidad ay orihinal na pinangalanang Prinsipe Charles University.
|
Nang panahong iyon , tanging apat na kolehiyo ang umiiral sa Delhi : St. Stephen ' s College na itinatag noong 1881 , Hindu College na itinatag noong 1899 , Zakir Husain Delhi College ( pagkatapos ay nakilala bilang The Delhi College ) na itinatag noong 1692 , at Ramjas College na itinatag noong 1917.
|
Sa umpisa , ang unibersidad ay merong fakultad ( mga Sining at Agham ) at nasa 750 mag - aaral.
|
Merong 77 afilyadong kolehiyo ang Unibersidad ng Delhi , na nakakalat sa lahat ng dako Delhi.
|
Mayroong dalawang pangunahing kampus ang Unibersidad : ang North Campus at South Campus.
|
Azy - sur - Marne
|
Azy - sur - Marne.
|
Azy - sur - Marne ay isang pakikipagniig sa Aisne departamento sa silangang Pransiya.
|
Iskalang Kinsey
|
Ang Iskalang Kinsey ( Ingles : Kinsey scale ) , o tinatawag ding Iskalang Panukat ng Heteroseksuwal - Homoseksuwal ( Heterosexual - Homosexual Rating Scale ) , ay nagsusubok na tukuyin ang kasaysayang pang - seksuwal ng isang tao o ang gawaing seksuwal niya sa isang tiyak na panahon.
|
Gumagamit ito ng iskala mula sa 0 , na nangangahulugang ekslusibong heteroseksuwal , hanggang 6 , na nangangahulugang homoseksuwal.
|
Kasama rin dito ang isa pang baitang , na nakatala bilang " X " , na ginagamit para matukoy ang aseksuwalidad.
|
Una itong inilimbag sa Sexual Behavior in the Human Male ( 1948 ) nina Alfred Kinsey , Wardell Pomeroy atbp , at pati na rin dagdag na lathain na Sexual Behavior in the Human Female ( 1953 ).
|
Prometasina
|
Ang Prometasina ( Ingles : Promethazine , Kastila : Prometazina ) ay isang unang - salinlahing antihistamina ng pamilyang penotiyasina ( phenothiazine ).
|
Ang gamot na ito ay mga epektong panlaban sa kinetosis ( karamdaman sa pagbibiyahe o paggalaw ) , gamot din itong antiemetiko ( gamat laban sa pagsusuka ) , at antikolinerhiko , pati na pagiging isang malakas na epektong sedatibo at sa ilang mga bansa ay nirereseta para sa insomniya kapag kontraindikado o hindi puwedeng ibigay ang bensodiyasepina.
|
Mabibili itong walang reseta sa Nagkakaisang Kaharian , Australya , Suwitserland , at marami pang ibang mga bansa , subalit kailangan ng reseta o preskripsiyon sa Estados Unidos.
|
Kabilang sa mga pangalang tatak nito ang Phenergan , Promethegan , Romergan , Fargan , Farganesse , Prothiazine , Avomine , Atosil , Receptozine , Lergigan , at Sominex sa Nagkakaisang Kaharian.
|
San Pedro
|
Si San Pedro o Simon Pedro ( Ebreo : SHm`vn ptrvs , Shim ' on Petros ) ang isa sa mga orihinal na labindalawang alagad o apostol ni Hesus.
|
Itinuturing din siya sa Katolisismo bilang unang Papa.
|
Isa siyang mangingisda na pinangalanang Pedro - Na ang Kahulugan ay maliit na bato - Sa kaniya binanggit ng Panginoong Jesus ang ganitong wika Katotohanang Sinasabi Ko sa iyo na " Ikaw ay Pedro , at sa ibabaw ng Batong ito itatayo ko ang aking Iglesia " Tinutukoy ng Panginoong Jesus ang Kanyang Sarili bilang Batong Panulok ang matibay na Pundasyon ( Mat 16 : 18 ) Nakikilala rin siya bilang Simon lamang o kaya Kefas , Cefas o Cephas , na nangangahulugang maliit na " bato " sa wikang Arameo , at katumbas ng Griyegong Petros at ng Lating Petrus.
|
Si San Pedro ang nagsisilbing unang pinuno ng Iglesyang itinayo ng Panginoong Jesukristo.
|
Kasama ni San Pablo , isa si San Pedro sa mga patron ng Roma.
|
Batay sa salaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya , dating ipinagkaila ni San Pedro na nakikilala niya si Hesus , subalit napasa kay Pedro ang Diyos.
|
Sinulat ni Pedro ang dalawa sa mga aklat na napabilang sa Bagong Tipan ng Bibliya : ang Unang Sulat ni Pedro at Ikalawang Sulat ni Pedro.
|
Sa Sulat sa mga Galata ng Bagong Tipan ng Bibliya , dinalaw ni San Pablo si San Pedro upang magbigay - galang kay Pedrong itinuturing na Puno ng Iglesya.
|
Kay San Pedro Ipinagkatiwala ng Panginoon ang Kanyang mga Kawan na sa Lumaon sa Kanyang Pangangaral noong Panahon ng Pentekostes ay nakahikayat siya ng Tatlong libong kaluluwa sa Kanya binanggit ni Jesus ang ganito Ipinagkakatiwala Ko sa iyo ang mga susi ng langit.
|
Ang primasiya ni Pedro ang doktrinang pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko Romano na si Pedro ang pinaka - prominenteng apostol ni Hesus na prinsipe ng mga apostol at pinaboran ni Hesus.
|
Dahil dito , ikinatwiran ng Romano Katoliko na si Pedro ay humawak ng isang unang lugar ng karangalan at autoridad.
|
Ikinakatwiran rin ng Simbahang Katoliko Romano na ang primasiya ni Pedro ay dapat lumawig sa Obispo ng Roma o Papa ng Romano Katoliko sa ibabaw ng ibang mga obispo ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng doktrinang katoliko na paghaliling apostoliko.
|
Gayunpaman , ang mga karamihan ng mga skolar ngayon ay naniniwalang ang mga papel ng mga Obispo sa mga simbahan ay nag - ebolb lamang sa mga kalaunang siglo ng Kristiyanismo.
|
Ayon sa mga skolar , walang nagkakaisang pamayanang Kristiyano sa ilalim ng isang pinuno sa mga simbahang Kristiyano noong unang siglo.
|
Ito ay lumitaw lamang noong ikalawang siglo CE.
|
Ang isang pangunahing debate sa pagitan ng mga Romano Katoliko at Protestante sa primasiya ni Pedro at ng papang Romano ay nakasentro sa Mateo 16 : 18 kung saan sinabi ni Hesus kay Pedro na : " At sinasabi ko rin sa iyo : Ikaw ay Pedro.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.