text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Dulot ito ng kawalan ng pansin ng pamahalaan sa direksiyong nais tunguhin ng wikang ito.
|
Hanggang sa ngayon , kapansin - pansin ang maliliit ngunit lubhang maraming pagkakaiba sa baybay ng mga salitang Filipino ng mga tagapaglathala at mga pamantasan.
|
Bagaman sinasabing hindi pa maaaring ganap na sipiin , ang ortograpiyang ito ay ginawa alinsunod sa prinsipyo ng makabagong lingguwistika.
|
Subalit ginawa rin ito upang tugunan ang praktikal na pangangailangan ng mga gumagamit ng wikang pambansa - - mga nagsisimulang bumasa ' t sumulat , at mga bihasa nang sumusulat at nagbabasa sa wikang pambansa ; mga Pilipinong ang unang wika ay Tagalog , at ang mas maraming Pilipino na ang unang wika ay di Tagalog ; mga dayuhang gustong matuto ng Filipino bilang wikang dayuhan , at ang mga Pilipinong gustong gawing tulay ang kanilang wikang sarili upang matuto ng wikang dayuhan.
|
Hindi sapat na maging siyentipiko ang isang ortograpiya.
|
Kailangan din itong matanggap ng publiko.
|
Sa puntong ito , kailangang linawin na walang ganap na bagong kalakaran at kumbensiyon sa patnubay na ito.
|
Ang marami rito ay dati nang mga kaalaman at tuntunin na naipahayag , naimungkahi o naiharap na sa nakaraan , subalit sa di malamang dahilan ay naiwaksi at nakalimutan.
|
Sa ganang amin , ang muling pagpapahayag ng mga subok na at nakagawian nang tuntunin ay hindi masama kundi mabuting bagay.
|
Ang patnubay na ito ay binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino pagkatapos ng serye ng mga konsultasyon sa buong bansa noong 2006 hanggang 2007 para rebyuhin ang ortograpiyang Filipino.
|
Hiniling dati na " maaaring magpadala ng komentaryo , katanungan , pusisyon at mungkahi tungkol sa patnubay na ito.
|
" Sinikap ng KWF na ilabas ang pinal na bersiyon ng patnubay bago matapos ang 2007.
|
May bahagi ng proyektong ito na pinondohan ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Sining ( NCCA ).
|
May mga espesyal na simbolong ginagamit sa patnubay na ito : representasyong ponetiko ; " " representasyong grapemiko ; ( ) diin ; ( ) haba ; ( ) impit na tunog ; (.
|
) hati ng pantig , ( ~ ) alomorpo o baryant , at ( * ) di gramatikal o di katanggap - tanggap.
|
Ipinapayong ituro muna ang baybay ponetiko lalo na sa panimulang pagbasa at pagsulat , at isunod na ituro ang baybay Ingles.
|
Tinalakay din sa mga konsultasyon ang mungkahi na baybayin nang pasalita kahit ang mga tuldik.
|
Halimbawa , ang " bait " ay babaybayin na " bi " " ey " pahilis na " ay " - " ti ".
|
Tumanggap ito ng maraming puna , kung kayat minarapat ng KWF na ang pagbabaybay ng mga tuldik ay huwag isama sa mga tuntunin.
|
May mga katwiran sa pagtuturo ng dalawang paraan ng pagbabaybay :.
|
Tutol ang iba sa dalawang paraan ng pagbabaybay sapagkat " nakasanayan na raw ng mga tao ang baybay Ingles.
|
" Kahit totoo ito , dapat tandaan na ang kasanayan sa baybay Ingles ay nakamtan sa eskuwelahan.
|
Ibig sabihin , maaari ring ituro at makasanayan ang baybay abaseda.
|
Ang mga grapema o pasulat na simbolo sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng titik at di - titik.
|
Ang mga titik , na kung tawagi ' y ang alpabeto , ay binubuo ng dalawampu ' t walong ( 28 ) simbolo :.
|
Ang mga di - titik ay binubuo ng : wala ( ) at gitling ( - ) , na parehong sumisimbolo sa impit na tunog ; ng tuldik : wala ( ) , pahilis ( ) , paiwa ( ` ) at pakupya ( ^ ) ; ng bantas : tuldok (.
|
) , pananong ( ? ) , pandamdam ( ! ) , kuwit ( , ) , tuldok - kuwit ( ; ) , tutuldok ( : ) , at kudlit ( ' ).
|
May dalawang paraan sa pagtawag ng mga letra :.
|
May dalawang paraan ng pasalitang pagbaybay :.
|
Pangunahing artikulo : Tuldik.
|
Komplikadong mga simbolo ang mga tuldik.
|
Mayroong apat na simbolo ng tuldik.
|
Una , ang pahilis ( ) , na may dalawang bigkas : ang mabilis , na mabilis ang bigkas ng salita at laging nasa huling pantig ng salita ( hal : buhay - alive , bukas - open ) at malumay , na marahan o mabagal ang bigkas ng salita at laging nasa una o mga gitnang pantig ( hal : buhay - life , bukas - tomorrow ).
|
Ito ay acute sa Ingles.
|
Ikalawa , ang paiwa ( ` ).
|
Isa lang ang bigkas nito , ang malumi.
|
Binibigkas ito nang mabagal o marahan at nagtatapos na may impit.
|
Impit ang tawag sa biglang paghinto ng tunog tulad ng a sa tala ( star ).
|
Lagi itong nasa huling pantig ( hal : puno - tree ).
|
Lagi itong nilalagyan ng tuldik na pahilis at malumay kung higit sa dalawa ang pantig ( Hal : pinuno - leader ).
|
Ito ay grave sa Ingles.
|
Ikatlo , ang pakupya ( ^ ).
|
Isa lang ang bigkas nito , ang maragsa.
|
Binibigkas ito nang mabilis at nagtatapos na may impit tulad ng a sa tala ( list ).
|
Ito ay circumflex sa Ingles.
|
Ikaapat , ang patuldok ( ).
|
Binibigkas ito nang may schwa ( ) at matatagpuan sa mga wikang Ilokano , Meranaw , at Kankana - ey.
|
Ito ay dieresis sa Ingles.
|
pero.
|
Ito ang mga mungkahi sa pagbabaybay ng hiniram na mga salita :.
|
Ito ang mga mungkahi sa pagbigkas sa mga hiram na salitang nasa orihinal na baybay :.
|
Noong unang maisulat ang mga wikang Pilipino sa alpabetong Romano , ginamit nito ang palabaybayang Kastila.
|
Abecedario ang tinawag sa alpabetong ito , na mayroong 32 titik.
|
Matatanaw pa rin sa ngayon ang pamana ng sistemang ito sa Kastilang pamamaraan ng pagsulat ng mga katutubong apelyido , tulad ng Maquilin , Manalac , Guinto , at iba pa.
|
Marami ring mga pook na may katutubong pangalan ang nasusulat sa palabaybayang Kastila , madalas nakikikompetensiya o nakikipagsama sa kanilang mga " katutubong " anyo , tulad ng Bulacan / Bulakan , Bicol / Bikol , Caloocan / Kalookan , Marahui / Marawi , Taguig / Tagig , atbp.
|
Noong ika - 19 dantaon , iminungkahi ni Jose Rizal ang paggamit ng K sa halip na C at Q.
|
Noong 1935 , naglabas si Lope K. Santos ng bagong palabaybayan para sa wikang pambansa na gumagamit ng abakada o alpabeto ng 20 titik.
|
Noong 1973 , ipinalawak ang alpabetong ito sa 31 titik.
|
Noong 1987 , muling binago ang komposisyon ng alpabeto at ginawa itong 28 titik ; ito ang kasalukuyang alpabeto ng Filipino.
|
Noong taong 2001 , naglabas ng mga patakaran ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF sa tamang paraan ng pagbaybay ng Filipino.
|
Ayon sa KWF , ang Ortograpiya ng Wikang Pambansa ng Pilipinas ay ang kabuuan ng ipinapalagay na pinakamaunlad at pinakatumpak na mga kalakaran kung paano inililipat ng mga Pilipino ang sinasalitang wika sa anyong pasulat.
|
Ang ortograpiyang ito ay tumutukoy sa istandardisadong set ng mga grapema ( o pasulat na mga simbolo ) at ng mga tuntunin sa paggamit ng mga simbolong ito , kapag sumusulat sa wikang pambansa.
|
Itinutol ito ng mga suriang pang - edukasyon at , dahil dito , ibinawi.
|
Ilan sa mga pamantasan sa Pilipinas ang kasalukuyang ginagamit ang iilang mga repormang nasimula nang maipatupad ng pamahalaan.
|
Ilan sa mga ito ang :.
|
Kapansin - pansin na , bagaman tinatangkilik ng Unibersidad ng Pilipinas ang mga reporma , ang mismo nitong pangalan ay nakabaybay ayon sa mga makalumang panuto ( Pilipinas sa halip na Filipinas , ang pangalawang baybay na padalas nang ginagamit sa mga lathala ng mga unibersidad sa itaas at ng pamahalaan ).
|
Masasabing higit na mas radikal ang mga iminumungkahing reporma ng UP kung ihahambing sa ibang mga pamantasan.
|
Kapansin - pansin din na , sa mismong sa loob ng mga pamantasang ito ay may tendensiya ring maging di - regular sa pagbaybay ng mga salita , partikular na sa UP.
|
Noong 2008 , naglabas ang KWF ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.
|
Itinakwil nito ang mga radikal na rebisyon ng 2001 at mas binigyang - halaga ang status quo , bagaman kinokodipika o ginagawa nang opisyal ang ilang mga aspeto nito.
|
Suntok
|
A buntal ( Ingles : punch ) ay ang hampas o patama ng kamao.
|
Tinatawag din ang ganitong paghataw , pagbira , pagbanat , o pag - upak na ginagamitan ng kamao ( anyo ng kamay habang nakatikom ang mga daliri at palad ) bilang sapok , suntok , bigwas , , o sapungol ( mula sa sapungulin ).
|
Ayon sa tinatamaang bahagi ng katawan kapag nanununtok ng katunggali , tinatawag na sungalngal ang pagsuntok sa ilong at sunganga ang pagsuntok sa panga.
|
Ginagamit ang pagbuntal sa ilang mga sining ng pakikipaglaban at mga isports na pangkombat , mahigit na sa larangan ng boksing o suntukan , kung saan ito lamang ang uri ng teknikong pinahihintulutan.
|
Sa ibang kaugnay na kahulugan , tumutukoy din ang buntal sa pagpapatama sa pamamagitan ng patpat , sinturon , o katulad na bagay.
|
Nagagamit ang pagbuntal , sa anyong tinatawag na shadowboxing sa Ingles o pag - eehersisyong pasuntuk - suntok sa hangin.
|
Nakakatulong ang kumbinasyon ng mga ito sa ehersisyong aerobiko o pagsasanay o praktis na pangkardyo o pampuso ( cardio workout sa Ingles ) , kaya 't nakapagpapabalingkinitan ng katawan.
|
Naririto ang ilang mga kabatiran ukol sa mga uri ng buntal at kung paano ang pagsuntok ng may pinakamalakas na puwersa.
|
Nagmula ito kay Ross Enamait , isang tagapagsanay ng boksingero at dati ring boksingero mula sa Vernon , Connecticut , Estados Unidos.
|
May apat na pangkaraniwang uri ng buntal o suntok , na kasunod ang katawagan sa Ingles : ang dunggol ( jab ) , pabagtas ( patawid o pabalagtas ) ( cross ) , suntok - kalawit ( hook ) , at pasakyod o pasikwat ( uppercut ).
|
Ibinibira ang suntok na padunggol o suntok - dunggol sa pamamagitan ng pangunahing kamay.
|
Sinisimulan ito ng nakabaluktot ng bahagya ang mga tuhod , nakasuray ang mga paa , nakababa ang baba , at nakataas ang mga kamay na nasa may tagiliran ng mukha.
|
Sinisimulan din ito mula sa payak na posisyong pampakikipaglaban bago magbitiw ng anumang suntok.
|
Itinutulak ang panlikod na paa at mabilis na ipinipitik ang suntok na padunggol.
|
Bahagyang umuusad ang pangunahing paa papunta sa harapan bago tumama ang suntok sa pinatatamaang bagay.
|
Upang magkaroon ng pinakamalakas na puwersa , ipinipilipit ang bisig sa kilos na parang tribuson ( pantanggal ng tapon ng botelya ) o kahugis ng tulis ng kabibe ng suso o kuhol bago tumama.
|
Tinatawag din ang buntal na ito bilang " dunggol na pasundot ng kamao " , " sundot ng mabilis na pitik ng kamao " , at " padutdot o mabilis na patusok o deretsong suntok ".
|
Sinisimulan ang suntok na pabagtas o suntok - bagtas mula sa mukha , na sinusundan ng isang kathang - isip na tuwid na guhit na tuwirang papunta sa pinupuntirya ng buntal.
|
Nagmumula ang paghataw at pag - inog o pag - ikot buhat sa panlikod na paa , na pinaiikot ng malakas ang mga balakang habang nagbabago ang timbang ng katawan papunta sa pangharap na paa.
|
Iniuunat ang kanang kamay ( kung kanang kamay ang gamit sa pagsuntok ) papunta sa puntirya , na ipinipitik pababa ang galang - galangan.
|
Sa pagtama , nakababa ang palad habang nakataas naman ang mga sugpungan ng mga buto ng daliri at kamay o buko ng mga buto ng daliri at kamay.
|
Tinatawag din ang suntok na ito bilang " tuwid na kanang kamay " o ' ' straight right hand ( kung kanang kamay ang gamit ng manununtok ).
|
Ang suntok - kalawit ay isang maiksing buntal kung saan nakabaluktot ang bisig o braso.
|
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglilipat ng bigat ng katawan papunta sa panlikod na binti habang umiikot ng may lakas o puwersa sa gilit na ito , at umiikot na papasok sa bola ng paang nasa harapan.
|
Kasabay nito , binibigwas o ipinipitik ang pangunahing bisig papunta sa puntirya na ayon sa hugis ng titik na L. Kailangan nakabaluktot ang siko na nasa bandang 90 mga degri.
|
Inililiko ang mga balakang papunta sa suntok.
|
Maaaring ianggulo ang kamay sa dalawang paraan : patindig at pahiga.
|
Sa patindig o patayong anggulo , nakaharap ang palad kapag tumama na suntok.
|
Sa pahiga o patiyang anggulo , nakaharap sa lapag o lupa ang palad.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.