text
stringlengths
0
7.5k
Ang buntal na pasakyod o suntok - sakyod ( suntok - sikwat ) ay isang suntok na pataas mula sa ibaba.
Tinatawag din itong suntok na pasakyod o suntok na pasikwat.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng banayad na paglilipat ng bigat papunta sa balakang , sa may gilid ng binting panlikod.
Isinasawsaw ang balikat na nasa gilid na ito habang yumuyukod ng kaunti.
Pagkaraan nito , malakas na umiikot ang manununtok papunta sa gilid ng nangungunang binti , habang nakataas ang mukha ng palad at nakabaluktot ng nasa 90 mga degri ang bisig , at itinutulak ang bola ng paang nasa likod , na minamaneho ang suntok paitaas.
Pinupuntirya ng sumusuntok ang baba ng kunyaring katunggali ).
Sa pagtama , nararapat na nakaharap ang palad sa dibdib.
Paaralan
Ang paaralan ay isang pook kung saan nag - aaral ang isang mag - aaral.
Halimbawa nito ang elementarya at sekundarya.
Modena ( lungsod )
Phan Thiet
Ang Phan Thiet ay isang lungsod sa Binh Thuan , Biyetnam , malapit sa Nha Trang.
Matatagpuan dito ang Paliparan ng Cam Ranh.
Godiva ( artista )
Si Godiva ay isang artista sa Pilipinas.
Surah Al - Mulk
Ang Surah al - Mulk ( Arabiko : swr lmlk ) ( Soberansya , Kaharian ) ang ika - 67 kapitulo ng Koran na may 30 bersikulo.
Dalubhasaang De Paul
Ang De Paul College ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Lungsod ng Iloilo , Iloilo , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1948 at kasalukuyang pinamumunuan ni Fr.
Celsus E. Tria , C.M ..
Irog
Ang irog o sinta ( Ingles : darling , beloved , dear ; may kaugnayan sa affection , love ) ay isang salita o katawagang pantao na nagpapakita ng pagkakalapit ng kalooban o ng damdamin , at may haplos ng pagmamahal.
Katumbas ito ng mga salitang giliw , mahal , paborito , mutya , inday , nene , neneng , sinisinta , iniirog , ginigiliw , minamahal.
Mayroon din itong kaugnayan sa mga salitang maganda , kaakit - akit , kaaya - aya , at gustung - gusto.
Sa Ingles , katumbas ang irog ng salitang darling , na mayroong pinagmulang Angglo - Sakson mula pa noong bago sumapit ang 900 AD , at hinango mula sa Gitnang Ingles na derling at sa Matandang Ingles na deorling.
Binubuo ito ng salitang - ugat na " dear " at ng pandugtong o hulaping " - ling " , isang diminutibong pang - Ingles.
Karbon
15.
Ang karbon o karbono ( Kastila : carbono , Ingles : Carbon ) ay isang elementong kimikal sa talaang peryodiko na may simbolo na C at bilang atomiko na 6.
Matatagpuan ang karbon sa lahat ng organikong buhay at ang batayan ng organikong kimika.
May interesadong katangiang kimikal ang hindi metal na elementong ito na maaaring ikawi sa sarili nito at sa malawak na iba 't ibang mga elemento , binubuo ang halos 10 milyong mga kompuwesto.
Kapag sinama sa oksihena , binubuo ang dioksido karbono ( carbon dioxide ) na napakahalaga para sa paglago ng isang halaman.
Kapag sinama sa idroheno , binubuo ito ng mga iba 't ibang mga kompuwesto na tinatawag na mga idrokarburo ( hydrocarbons ) na mahalaga para sa industriya sa anyo ng mga fossil fuel ( panggatong fossil ).
Kapag pinagsama sa parehong oksihena at idroheno , bumubuo ito ng mga iba 't ibang mga kompuwesto kabilang ang mga matatabang asido , na mahalaga sa buhay , at mga ester , na nabigigay lasa sa maraming mga prutas.
Karaniwang ginagamit sa radyoaktibong pagtataya ang karbon - 14 na isotope.
Gottasecca
Ang Gottasecca ay isang comune sa lalawigan ng Cuneo sa bansang Italya.
Acceglio * Aisone * Alba * Albaretto della Torre * Alto * Argentera * Arguello * Bagnasco * Bagnolo Piemonte * Baldissero d 'Alba * Barbaresco * Barge * Barolo * Bastia Mondovi * Battifollo * Beinette * Bellino * Belvedere Langhe * Bene Vagienna * Benevello * Bergolo * Bernezzo * Bonvicino * Borgo San Dalmazzo * Borgomale * Bosia * Bossolasco * Boves * Bra * Briaglia * Briga Alta * Brondello * Brossasco * Busca * Camerana * Camo * Canale * Canosio * Caprauna * Caraglio * Caramagna Piemonte * Carde * Carru * Cartignano * Casalgrasso * Castagnito * Casteldelfino * Castellar * Castelletto Stura * Castelletto Uzzone * Castellinaldo * Castellino Tanaro * Castelmagno * Castelnuovo di Ceva * Castiglione Falletto * Castiglione Tinella * Castino * Cavallerleone * Cavallermaggiore * Celle di Macra * Centallo * Ceresole Alba * Cerretto Langhe * Cervasca * Cervere * Ceva * Cherasco * Chiusa di Pesio * Ciglie * Cissone * Clavesana * Corneliano d 'Alba * Cortemilia * Cossano Belbo * Costigliole Saluzzo * Cravanzana * Crissolo * Cuneo * Demonte * Diano d 'Alba * Dogliani * Dronero * Elva * Entracque * Envie * Farigliano * Faule * Feisoglio * Fossano * Frabosa Soprana * Frabosa Sottana * Frassino * Gaiola * Gambasca * Garessio * Genola * Gorzegno * Gottasecca * Govone * Grinzane Cavour * Guarene * Igliano * Isasca * La Morra * Lagnasco * Lequio Berria * Lequio Tanaro * Lesegno * Levice * Limone Piemonte * Lisio * Macra * Magliano Alfieri * Magliano Alpi * Mango * Manta * Marene * Margarita * Marmora * Marsaglia * Martiniana Po * Melle * Moiola * Mombarcaro * Mombasiglio * Monastero di Vasco * Monasterolo Casotto * Monasterolo di Savigliano * Monchiero * Mondovi * Monesiglio * Monforte d 'Alba * Montaldo Roero * Montaldo di Mondovi * Montanera * Montelupo Albese * Montemale di Cuneo * Monterosso Grana * Monteu Roero * Montezemolo * Monticello d 'Alba * Monta * Moretta * Morozzo * Murazzano * Murello * Narzole * Neive * Neviglie * Niella Belbo * Niella Tanaro * Novello * Nucetto * Oncino * Ormea * Ostana * Paesana * Pagno * Pamparato * Paroldo * Perletto * Perlo * Peveragno * Pezzolo Valle Uzzone * Pianfei * Piasco * Pietraporzio * Piobesi d 'Alba * Piozzo * Pocapaglia * Polonghera * Pontechianale * Pradleves * Prazzo * Priero * Priocca * Priola * Prunetto * Racconigi * Revello * Rifreddo * Rittana * Roaschia * Roascio * Robilante * Roburent * Rocca Ciglie * Rocca de ' Baldi * Roccabruna * Roccaforte Mondovi * Roccasparvera * Roccavione * Rocchetta Belbo * Roddi * Roddino * Rodello * Rossana * Ruffia * Sale San Giovanni * Sale delle Langhe * Saliceto * Salmour * Saluzzo * Sambuco * Sampeyre * San Benedetto Belbo * San Damiano Macra * San Michele Mondovi * Sanfront * Sanfre * Sant 'Albano Stura * Santa Vittoria d 'Alba * Santo Stefano Belbo * Santo Stefano Roero * Savigliano * Scagnello * Scarnafigi * Serralunga d 'Alba * Serravalle Langhe * Sinio * Somano * Sommariva Perno * Sommariva del Bosco * Stroppo * Tarantasca * Torre Bormida * Torre Mondovi * Torre San Giorgio * Torresina * Treiso * Trezzo Tinella * Trinita * Valdieri * Valgrana * Valloriate * Valmala * Venasca * Verduno * Vernante * Verzuolo * Vezza d 'Alba * Vicoforte * Vignolo * Villafalletto * Villanova Mondovi * Villanova Solaro * Villar San Costanzo * Vinadio * Viola * Vottignasco.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Pamantasan ng Hilagang - Kanluran ( Pilipinas )
Ang Northwestern University ay isang kolehiyong paaralan na matatagpuan sa Lungsod ng Laoag , Ilocos Norte , Pilipinas.
Ito ay itinatag noong 1932 at kasalukuyang pinamumunuan ni Col. Ben A. Nicolas.
Sinismo
Ang sinismo ( Ingles : cynicism ; Griyego : kunismos ; Espanyol : cinismo , escuela cinica ) sa orihinal na anyo nito ay tumutukoy sa mga paniniwala ng sinaunang eskwela ng mga pilosopong Griyego na kilala bilang mga Siniko ( Griyego : Kunikoi , Latin : Cynici ).
Ang kanilang pilosopiya ang kahulugan ng buhay ay mamuhay sa isang pamumuhay ng birtud na umaayon sa kalikasan.
Ito ay nangangahulugang pagtakwil sa lahat ng mga konbensiyonal na pagnanasa para sa kayamanan , kapangyarihan , pakikipagtalik at kasikatan at sa pamamagitan ng pamumuhay isang simpleng buhay na malaya mula sa anumang mga pag - aari.
Bilang mga nangangatwirang nilalang , ang mga tao ay makapagkakamit ng kaligayahan sa pamamagitan ng isang striktong pagsasanay at sa pamamagitan ng pamumuhay sa paraang natural para sa mga tao.
Ang unang pilosopong bumalangkas ng mga temang ito ay si Antisthenes na naging estudyante ni Socrates noong huli nang ika - 5 siglo BCE.
Siya ay sinundan ni Diogenes ng Sinope sa isang tub sa mga kalye ng Athens.
Dinala ni Diogenes ang Sinismo sa mga kasukdulang lohikal nito at siya ay nakita bilang arketipal na pilosopong Cynikal.
Siya ay sinundan ni Crates ng Thebes na nagpamigay ng kanyang malaking kayamanan upang siya ay mamuhay ng buhay ng kahirapan sa Athens.
Ang Sinismo ay kumalat sa pag - akyat sa kapangyarihan ng Imperyong Romano noong unang siglo CE.
Ang mga Siniko sa panahong ito ay natagpuang namamalimos at nangangaral sa buong mga siyudad ng Imperyo Romano.
Ito ay naglaho noong huli nang ika - 5 siglo CE bagaman ang ilan ay nag - angkin na kinuha ng Sinaunang Kristiyanismo ang marami sa mga ideyang asetiko at retorikal nito.
Noong ika - 19 siglo , ang pagbibigay diin sa mga negatibong aspeto ng pilosopiyang Siniko ay humantong sa modernong pagkaunawa ng sinismo upang mangahulugang isang disposisyon ng kawalang pananampalataya sa sinseridad o kabutihan ng mga motibo at aksiyong pantao.
Amberes
Ang Amberes , noon ay batid bilang Antuerpia ( Olandes : Antwerpen ; Ingles : Antwerp ) , ay isang lungsod sa Belhika at kabisera ng lalawigan ng Amberes sa Flandes , isa sa tatlong mga rehiyon ng Belhika.
Ang palayaw sa mga mamamayan ng Amberes ay Sinjoren , mula sa salitang Kastila na senor , na nangangahulugang ' ginoo.
' Ito ay tumutukoy sa mga maharlikang Kastilang nangasiwa sa lungsod na ito noong ika - 17 siglo.
Ito ay matatagpuan sa kanang pampang ng Ilog Escalda , na nakaugnay sa Hilagang Dagat sa pamamagitan ng bibig nito.
Ryo Iida ( 1984 )
Si Ryo Iida ( ipinaganak Marso 5 , 1984 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
Elemento ( seryeng pantelebisyon )
Ang Elemento ay isang palabas sa telebisyon ng GMA Network na pinalabas noong Oktubre 10 hanggang Oktubre 31 , 2014.
Atarashii Kaze
Ang Atarashii Kaze ay isang palabas sa telebisyon sa bansang Hapon.
Seresang namumulaklak
Ang seresang namumalaklak ay maaring tumukoy sa kahit anong namumulaklak na puno ng seresa , saresas , o seresas Partikular na tinatawag na sakura ( Hapones : Kanji : Ying o Ying ; katakana : sakura romaji : sakura ) , cherry blossom sa Ingles , at cerezo sa Kastila , ang mga namumulaklak na mga puno ng Prunus serrulata.
Nagmumula sa ibang uri ng puno ang bungang seresa na kilala naman sa Hapon bilang sakuranbo.
Sa Hapon , ginagamit din bilang pangalan ng tao ang sakura.
Paksa ng isang kaugaliang Hapones ang mga seresas na namumulaklak , ang Hanami o " pagtanaw o panonood sa mga bulaklak ".
Kim Hee - chul
Si Kim Hee - chul ( gim hyi ceol , ipinanganak noong 10 Hulyo 1983 ) , na mas kilala bilang Heechul , ay isang mang - aawit at artista mula sa Timog Korea.
Siya ay kasapi ng tinaguriang " Mga Hari ng Hallyu " ang boy band na Super Junior na binubuo ng labing - isang kasapi at ng sub - grupo na Super Junior - T.
Noong Setyembre 1 , 2011 , siya ay nagpalista na para sa kanyang mandatoryong serbisyo sa militar at kanya itong nakumpleto noong Agosto 30 , 2013.
Maturidad
Sa sikolohiya , ang maturidad , kahinugan ng isipan , pagiging hinog ng isip , pagkakaroon ng gulang sa isip , pagiging magulang ng isipan , o ang mahinog ang isipan ( Ingles : maturity , Kastilad : madurez ) ay isang salitang nagpapahayag ng kabuoan ng kaunlaran ng isipan , at nagbabadyang nakatutugon ang isang tao sa mga kalagayan o kapaligirang panlipunan na naaangkop at may pagkakabagay o nalalapat na asal o ugali.
Pangkalahatan natututunan ang ganitong pagtugon sa halip na likas na kilos lamang , at hindi naaayon sa edad.
Sumasaklaw din ang maturidad sa pagiging nakababatid ng tumpak na panahon o oras at pook upang kumilos ng maayos at wasto at nalalaman kung kailan dapat gumalaw na may naaangkop na damdamin para sa situwasyon o kalakaran.
Tinatawag din ang maturidad bilang pagkahinog ng isip o paggulang ng isipan ng isipan.
Daang Session
Mga daanan sa PilipinasMga lansangan | Mga mabilisang daanan ( talaan ).
Ang Daang Session ( Ingles : Daang Session ) ay isang pangunahing lansangan sa lungsod ng Baguio sa hilagang Luzon , Pilipinas.
Ito ay ang pangunahing sentro ng tinatawag na Baguio Central Business District ( BCBD ).
Nakapangalang Daang Session ang daan dahil tumutungo ito sa dating Baden - Powell Hall , kung saang isinagawa ang Ikalawang Komisyong Pilipino ng mga sesyon nito mula Abril 22 hanggang Hunyo 11 , 1904 at opisyal nang sinimulan ang paggamit ng Baguio bilang Summer Capital ng Pilipinas.
Binuo ang Komisyon nina Gobernador Heneral Luke E. Wright , pangulo , at mga Komisyoner Henry Clay Ide , Dean Conant Worcester , T. Padre Tavera , Benito Legarda , Jose de Luzuriaga , James Francis Smith at William Cameron Forbes.
Isang palatandaan ng ngayo 'y Baden - Powell Inn ( Bahay - panuluyan ng Baden - Powell ) , katabi ng mga malalaking terminal ng bus sa Daang Gobernador Pack , ay nakatayo bilang tanging litaw na katibayan ng anumang makasaysayang kabuluhan ng naganap sa Daang Session.
Matatagpuan ang Daang Session sa sentro ng lungsod.
Nahahati ito sa dalawang bahagi :.
Ang bahaging ito ay dumudugtong pasilangan mula Abenida Magsaysay ( tapat ng Plasa o Kilometro 0 at Liwasang Malcolm ) at dumadaan sa BCBD hanggang sa mga sangandaan ng Kalye Father Carlu ( patungo sa Katedral ng Baguio at Kalye Upper Bonifacio ) at Daang Governor Pack.
Ito ang lugar na kung saang matatagpuan ang mga negosyo , kabilang diyan ang mga bangko , tindahan , restoran , panaderya , otel , bilihan ng mga pahayagan , tindahan ng mga damit , at istudyo.
Ang bahaging ito ay dumudugtong mula Post Office Loop , Daang Leonard Wood , at paanan ng Burol ng Luneta ( kung saang matatagpuan ang SM City Baguio ) papunta sa rotonda at dumadaan patungo sa South Drive ( patungo sa Baguio Country Club ) , Daang Loakan ( patungo sa Kampo John Hay , Paliparan ng Loakan , Philippine Military Academy , Baguio City Economic Zone , at mga minahan ng Itogon ) , at Military Cut - Off ( patungo sa Daang Kennon ).
Sa ilalim ng pagpapatupad ng bagong sistemang pamilang ng ruta ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan ( DPWH ) noong 2014 , bahagi ang kabuuan ng Daang Session ng Pambansang Ruta Blg.
231 ( N231 ) ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas , na kinabibilangan din ng ilang bahagi ng Kalye Shanum at ng kabuuan ng Daang Loakan ( hanggang sa Daang Kennon ).