text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Maikling kuwento
|
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
|
Isa itong masining na anyo ng panitikan.
|
Tulad ng nobela at dula , isa rin itong paggagad ng realidad , kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
|
Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na " Ama ng Maikling Kuwento ".
|
Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
|
Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa.
|
Ang ito ay di - totoo.
|
Ang kasaysayan ay totoo , samantalang ang alamat ay may mga bahaging totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di - totoong lugar at di - totoong panahon.
|
Bilang isang akdang pampanitikan , maaaring magsalaysay ng tuluy - tuloy ang maikling kuwento ng isang pangyayari hango sa tunay na buhay ; may isa o ilang tauhan lamang , sumasaklaw sa maikling panahon , may isang kasukdulan , at nag - iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
|
May sampung uri ng maikling kuwento :.
|
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento.
|
Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may - akda sa isang maikling kuwento.
|
At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa.
|
Maaaring maging tema ang mga sumusunod : palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan , obserbasyon ng may - akda tungkol sa pag - uugali ng tao , paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon , o ang dahilan ng pagkakasulat ng may - akda.
|
Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.
|
Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento :.
|
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.
|
Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng Tagpuan.
|
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan , tunggalian , at kasukdulan.
|
Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
|
Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin , na minsan ay sa sarili , sa kapwa , o sa kalikasan.
|
Samantalang , ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
|
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.
|
Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti - unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
|
At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento.
|
Maaring masaya o malungkot , pagkatalo o pagkapanalo.
|
Gayunpaman , may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap.
|
Kung minsan , hinahayaan ng may - akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano , sa palagay nito , ang maaring kahinatnan ng kuwento.
|
Mga maharlika ng Pransiya
|
Ang pangalan ng Pransiya ay mula sa tribong German kilala bilang ang mga Franks.
|
Ang mga Haring Merovingian ang mga unang namuno sa bansa.
|
Si Clovis I ay ang unang bumangon bilang tunay na hari.
|
Tomas Oppus , Katimugang Leyte
|
Ang Bayan ng Tomas Oppus ay isang ika - 5 klaseng bayan sa lalawigan ng Katimugang Leyte , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 14,930 katao sa 2,855 na kabahayan.
|
Ang bayan ng Tomas Oppus ay nahahati sa 30 mga barangay.
|
Coordinates : 10 deg 15 ' N 124 deg 59 ' E / 10.250 deg N 124.983 deg E / 10.250 ; 124.983.
|
Bambang ng Inglatera
|
Ang Bambang ng Inglatera ( Ingles : English Channel ; Pranses : la Manche ) ay isang tangkay ng Karagatang Atlantiko na naghihiwalay sa ( pulo ng ) Gran Britanya at sa hilagang Pransiya , at nakaugnay sa Dagat Hilaga patungo muli sa Atlantiko.
|
May haba ito ng mahigit - kumulang 650 kilometro at ang lawak nito ay paiba - iba mula sa pinakamalawak na 240 km hanggang sa pinakamakipot na 34 km lamang sa Kipot ng Dover.
|
Ito ay ang pinakamaliit sa mga dagat na mabababaw na nakapaligid sa kontinente ng Europa , na may sakop sa mahigit - kumulang 75,000 km2.
|
Ang katagang " English Channel " ay karaniwang ginagamit mula pa noong ika - 18 siglo , pinaniniwalaang nanggaling sa pagkakasulat na " Engelse Kanaal " sa mga lumang mapang pandagat ng mga Olandes noon pa mang ika - 16 siglo at sa mga panahong sumunod.
|
Ang katagang Pranses na " ( la ) Manche " ginamit din mula pa noong ika - 17 siglo.
|
Ang pangalang ito ay karaniwang tumutukoy sa hugis - " manggas " ( Pranses : manche ) ng kanal.
|
Gayumpaman , ito sa halip ay sinasabing galing sa isang salitang Celtico na nangangahulugang " kanal " na pinanggalingan din ng pangalan ng kipot ng Minch sa Eskosya.
|
Sa Espanyol at Portuges , ito ay tinatawag na bambang ng " Mancha " ( El Canal de la Mancha ; O Canal da Mancha ).
|
Ito ay hindi direktong pagsasalin mula sa Pranses dahil ayon sa mga wikang ito , at gayundin sa Tagalog , ang salitang " mancha " ay nangangahulugang " mantsa , " samantalang ang tawag ng mga wikang ito sa manggas ay " manga " ; samakatuwid , ito ay tila galing sa maling pagkakarinig nila sa wikang Pranses.
|
Ang katagang ito ay ginagamit din ng ilan pang mga wika , tulad ng Griyego ( e Magkhes ) at Italyano ( la Manica ; ito ay tamang pagsasalin ).
|
Maraming tao ang naglalakbay patawid sa ilalim ng Kanal Ingles dahil sa Tunel ng Bambang ( Channel Tunnel ).
|
Isa sa mga tagumpay ng mga inhinyero , una itong minungkahi noong ika - 19 siglo at natapos din sa wakas noong taong 1994 , na kumakawing sa Nagkakaisang Kaharian at sa Pransiya sa pamagitan ng daangbakal.
|
Pangkaraniwan na ngayon ang maglakbay sa pagitan ng mga lungsod ng Paris , Bruselas at Londres sakay ng tren na Eurostar.
|
Maaari ring iangkas ang mga sasakyan sa mga espesyal na tren sa rutang Folkstone - Calais.
|
Solsona , Ilocos Norte
|
Ang Bayan ng Solsona ay isang ika - 4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 21,338 katao sa 4,312 na kabahayan.
|
Ang bayan ng Solsona ay nahahati sa 22 mga barangay.
|
Coordinates : 18 deg 06 ' N 120 deg 46 ' E / 18.100 deg N 120.767 deg E / 18.100 ; 120.767.
|
Pagpapadulas sa yelo
|
Ang Pagpapadulas sa yelo ( Ingles : Ice skating ) , na tinatawag ding paglalayag sa yelo , pagbabalanse sa yelo , o pagpapatina sa yelo , ay ang paggalaw o paglalayag sa ibabaw ng yelo sa pamamagitan ng mga sapatos na panlayag sa yelo.
|
Maaari itong gawin para sa sari - saring mga dahilan , kabilang na ang mga kainamang pangkalusugan , kaaliwan , paglalakbay , at samu ' t saring mga isports.
|
Nagaganap ang pag - iiskeyting sa yelo sa ibabaw ng natatanging inihandang mga panlabas at panloob na layagang rink ng yelo , pati na sa ibabaw ng likas na namumuong mga katawan ng tubig na tumigas dahil sa lamig , katulad ng mga lawa at mga ilog.
|
Isang pag - aaral ni Federico Formenti ng Unibersidad ng Oxford ang nagmungkahi na ang pinakamaagang paglalayag sa yelo ay naganap sa timog ng Pinlandiya noong banding 4,000 mga taon na ang nakalipas.
|
Sa orihinal na pagkakagawa , ang mga iskeyt o panglayag ( pambalanse ) ay tanging mga butong pinatalim at pinasapad na itinali sa ilalim ng paa.
|
Ang mga naglalayag ( nagbabalanse o nag - iiskeyting ) ay hindi talaga naglayag sa ibabaw ng yelo , sa halip ay nagpapadulas ( gliding sa Ingles ) sa ibabaw nito.
|
Ang totoong pag - iiskeyting ay naganap nang gamitin ang isang talim na bakal ( steel ) na may pinatalim na mga gilid.
|
Ang mga iskeyt sa ngayon ay tumataga o humihiwa sa yelo sa halip na dumudulas lamang sa ibabaw nito.
|
Ang pagdadagdag ng matalim na gilid sa mga iskeyt na pangyelo ay inimbento ng mga taga - Nederlandiya noong ika - 13 o ika - 14 na daantaon.
|
Ang mga iskeyt na pangyelong ito ay gawa sa bakal ( steel ) , na may pinatalim na mga gilid sa ilalim upang makatulong sa paggalaw.
|
Ang konstruksiyon ng makabagong mga iskeyt na pangyelo ay nananatiling halos katulad ng dati mula noon hanggang sa magpahanggang sa ngayon.
|
Sa Nederlandiya , ang paglalayag ( iskeyting ) sa yelo ay itinuturing na akma para sa lahat ng mga klase ng tao , katulad ng ipinapakita sa maraming mga litrato ng mga Matatandang Maestro.
|
Nang mapalayas sa sarili niyang bansa si James II ng Inglatera , nagpunta siya sa Nederlandiya , at nahumaling siya sa pag - iiskeyting.
|
Pagdaka , uminom siya ng mainit na tsokolate at nagsayaw sa paligid ng silid , na inaawit ang kanyang pag - ibig para sa paglalayag sa yelo.
|
Nang makabalik na siya sa Inglatera , ang " bagong " isports na ito ay ipinakilala sa aristokrasya ng Britanya , at lumaong kinasiyahan ng lahat ng uri ng mga tao.
|
Sinasabing higit na nakilala ni Reyna Victoria ang kanyang mapapangasawang lalaki na si Prinsipe Albert sa pamamagitan ng sunud - sunod na mga pagbibiyahe na para sa pag - iiskeyting sa ibabaw ng yelo.
|
Samantala ang mga Fen ng Fenlandya ay nagging mga maestro sa tinatawag na iskeyting ng mga Fen ( matuling pag - iiskeyting o speed skating sa Ingles ).
|
Subalit , sa ibang mga lugar , ang pakikilahok sa pag - iiskeyting sa yelo ay limitado lamang sa mga kasapi ng taong nasa mataas na antas ng lipunan.
|
Dahil sa kasiyahan ni Emperador Rudolf II ng Banal na Romanong Imperyo sa pag - iiskeyting sa yelo , nagpatayo siya ng isang malaking karnibal na yelo sa sarili niyang korte upang patanyagin ang isports.
|
Noong panahon ng kanyang pamumuno , dinala sa Paris ni Haring Louis XVI ng Pransiya pag - iiskeyting sa yelo.
|
Kabilang sina Madame de Pompadour , Napoleon I , Napoleon III , at ang Angkang Stuart , na kasama ng iba pa , sa mga tagapagtangkilik ng pag - iiskeyting na pangyelo na taong maharlika ( royal ) at mga taong nasa mataas na antas ng lipunan.
|
Donnell Harvey
|
Si Donnell Eugene Harvey ( ipinanganak noong Agosto 26 , 1980 ) ay isang retiradong prupesyunal na manlalaro ng basketbol mula sa Estados Unidos.
|
Dati siyang naglaro sa National Basketball Association ( NBA ) para sa New Jersey Nets , Denver Nuggets , Dallas Mavericks , Orlando Magic , at Phoenix Suns.
|
March On , Bahamaland
|
Ang March On , Bahamaland ( lit.
|
Magpatuloy sa Pagmartsa , Bahamaland ) ay ang Pambasang Awit Ng Bahamas.
|
Operasyon Ichi - Go
|
Ang Operasyon Ichi - Go ( Yi Hao Zuo Zhan , Ichi - go Sakusen , tuwirang salin : " Operasyon Bilang Isa " ) ay isang kampanya ng isang serye ng mga pangunahing labanan sa pagitan ng mga pwersa ng Hukbong Imperyong Hapon at ang Pambansang Hukbong Mapaghimagsik ng Republika ng Tsina , na pinaglabana mula Abril hanggang Disyembre 1944.
|
Ito ay binubuo ng tatlong magkakahiwalay na labanan sa lalawigan ng Henan , Hunan at Guangxi , sa Tsina na tinawag ng mga Hapon na Operasyon Kogo o Labanan ng Gitnang Henan , Operasyon Togo 1 o ang Labanan ng Changheng , at Operasyon Togo 2 at Togo 3 o ang Labanan ng Guilin - Liuzhou.
|
Ang dalawang pangunahing layunin ng Ichi - go ay ang pagbuks ng isang daanang panlupa papuntang Indotsinang Pranses at pagkuha ng mga air base sa timog - silangang Tsina na pinagmumulan ng mga mambobombang Amerikano na umaatake sa tinubuang - bayan at pagpapadala ng Hapon.
|
Sa Hapon ang operasyon ay tinatawag din na Tairiku Datsu Sakusen ( Da Lu Da Tong Zuo Zhan ) , habang tinatawag naman ito ng mga Tsino na Labanan ng Henan - Hunan - Guangxi Tsinong tradisyunal : Yu Xiang Gui Hui Zhan ; Tsinong payak : Yu Xiang Gui Hui Zhan ; pinyin : Yu Xiang Gui Huizhan.
|
Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Operation Ichi - Go ng Ingles na Wikipedia , partikular na ang bersiyong ito.
|
Araling pang - orkestra
|
Ang araling orkestral o programa sa araling pang - orkestra ( Ingles : orchestral studies , orchestral performance program ) ay ang pag - aaral na nag - aalok ng kurso sa pagganap sa isang orkestra.
|
Maaari itong maging degri ng pagkabatsilerato o pagkamaster sa larangan ng pagtugtog sa orkestra.
|
Sa pangkalahatan , nilalayon ng araling ito ang makapagsanay at makapaglikha ng mga musikerong bihasa sa sining ng musika bilang paghahanda sa repertoryong pang - orkestra para sa mga karerang katulad ng pagtugtog na pangsimponiya.
|
Matututunan ng mga mag - aaral sa aralin o programang ito ang kung paano makilahok sa pagganap sa pagtugtog at makakatanggap din sila ng edukasyon hinggil sa mga aspetong hindi pangmusika hinggil sa makabagong orkestra : katulad ng pamamahala ng orkestra , masining na pagpaplano , paghikayat sa pakikiisa ng pamayanan , at pagpapaunlad ng mga tagapagtangkilik na katulad ng mga manonood at tagapakinig.
|
Maaaring ihanda ang mga mag - aaral na musikero sa pagganap at pagtugtog sa orkestrang tsamber o pambulwagan na hindi pinamumunuan ng isang konduktor ng musika.
|
Maaari ring makatanggap ang mga mag - aaral ng kurso na may pagtuturo at pagsasanay para sa repertoryong pang - orkestra na kinasasangkutan ng mga teknik na pang - orkestra , pang - ensembol ( ensemble ) , at sa pagganap.
|
Bukod sa makabagong orkestra , maaari ring magkaroon ng karanasan ang mga estudyante sa pagtugtog at pagganap na mayroong mga estilong pangpanahong lumipas at pangkasalukuyan , na pangrepertoryo at pangsimponiya , na kinasasangkutan ng mga halimbawa ng mga kinatawang akdang tugtugin.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.