text
stringlengths
0
7.5k
- sa lupalop ng Europa ( maputing kahel & puti ) - sa Unyong Europeo ( maputing kahel ) - -.
Ang Romania ay isang bansa sa timog - silangang Europa at ang mga kalapit bansa nito ay ang Ukraine , Moldova , Hungary at mga bansang Serbia at Bulgaria , ang ilang bahagi rin ng bansang ito ay nasa paligid ng Dagat Itim at ang mga kabundukan ng Carphatia.
Ang Romania ay kabilang din sa samahan ng NATO mula pa noong 2004 at naka - tayang sumali rin sa Unyong Europeo.
Ito ay bahagi ng European Union mula noong 1 Enero 2007.
Gayundin isang miyembro ng NATO mula noong 29 Marso 2004.
Bukod dito , nag - aakda ng Latin Union , ang Francophonie at ang OSCE.
Ang pangalan Romania ay nagmula sa Roma o ang Roman Empire ( Eastern ) at emphasizes ang mga pinagmulan ng mga bansa bilang isang lalawigan ng Roman Empire.
Sa Late unang panahon , ang Roman Empire ay madalas na tinatawag sa Latin Romania.
Ang ilang mga historians - claim na ang medyebal Byzantine Empire ay dapat na matawag Romania , ngunit ideya na ito ay hindi tinanggap.
Ang pangalan " Romania " ay ginagamit din para sa mga grupo ng mga European lupain kung saan Romansa wika ay lumitaw.
Romania ay isang demokratikong republika.
Ang mga mambabatas ng pamahalaan ng Romanian binubuo ng dalawang kamara , ang Senat ( Senado ) , na may 137 mga miyembro ( bilang ng 2004 ) , at Camera Deputatilor ( Chamber of Deputies ) , na may 332 mga miyembro.
Ang mga miyembro ng parehong kamara ay napili sa halalan gaganapin tuwing apat na taon.
Ang chairman , chief executive , ay inihalal na rin sa pamamagitan ng mga sikat na boto sa bawat limang taon ( hanggang sa 2004 ay apat na taon ).
Ng pangulo ng appoints ang prime ministro , na ulo ng gobyerno , na ang mga miyembro ay nasa i hinirang ng kanya.
Ang pamahalaan ay sumasailalim sa isang parlyamentaryo boto ng pag - apruba.
Ang makabagong Romania ay umusbong mula sa teritoryo ng makalumang Romanong probinsya ng Dacia , at nabuo ito noong 1859 mula sa pagsasanib ng Moldavia at Wallachia.
Ang bagong bansa na tinawag nang Romania simula noong 1866 , ay naging malaya mula sa Imperyong Ottoman noong 1877.
Sa katapusan ng Unang Digmaang Pandaigdig , sumanib rin ang Transylvania , Bukovina at Bessarabia sa Kaharian ng Romania.
Sa katapusan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig , ang mga teritoryo na bumubuo sa makabagong - panahong Moldova ay sinakop ng Unyong Sobyet , at nang maglaon ay naging isang sosyalistang republika at miyembro ng Warsaw Pact ang Romania.
Pagkatapos ng Himagsikan ng 1989 , ang Romania ay muling naging isang demokrasiya at kapitalistang ekonomiya.
Alemanya * Austria * Belhika * Bulgarya * Croatia * Dinamarka * Eslobakya * Eslobenya * Espanya * Estonya * Gresya * Irlanda * Italya * Latbiya * Litwaniya * Luxembourg * Malta * Nagkakaisang Kaharian * Olanda * Pinlandiya * Polonya * Portugal * Pransiya * Rumanya * Suwesya * Tsekya * Tsipre * Unggarya.
Mga bansang kandidato na nasa usapan sa paglawak : Iceland * Montenegro * Serbiya * Turkiya.
Mga bansang kandidato : Republika ng Masedonya ( kilala ng UE bilang " Dating Republikang Yugoslav ng Masedonya " ).
Mga bansang maaring maging bansang kandidato : Albanya * Bosnia at Herzegovina * Kosovo.
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
Vaginitis
Ang vaginitis ay ang iritasyon at pamamaga ng puke.
Maaari itong magresulta sa pagdidiskarga o pagkatas ng puke , pangangati at kirot , at madalas na may kaugnayan sa iritasyon o impeksiyon ng vulva.
Madalas na ito ay dahil sa impeksiyon.
Ang tatlong pangunahing mga uri ng vaginitis ay ang bacterial vaginosis ( BV ) , vaginal candidiasis , at trichomoniasis.
Ang isang babae ay maaaring magkaroon ng kumbinasyon ng mga impeksiyong pampuki sa loob ng isang pagkakataon.
Ang mga sintomas na lumilitaw ay nagkakaiba - iba ayon sa impeksiyon , bagaman mayroong pangkalahatang mga sintomas na pinagsasaluhan o pinagkakapare - pareho ang lahat ng mga impeksiyon na para sa vaginitis.
Ang mga babaeng naimpeksiyon ay maaaring walang mga sintomas ( asimptomatiko ).
Ang mga test o pagsusuri para sa mga impeksiyon ng puki ay hindi bahagi sa rutina ng mga eksaminasyong pelbiko ( pagsusuri ng balakang ) , kung kaya 't ang mga babae ay dapat na huwag akalain na malalaman ng kanilang mga tagapangalaga ng kalusugan ang impeksiyon , o magbibigay ang mga taong ito ng nauukol na lunas o paggamot na wala ang pagbibigay ng mga babaeng ito ng impormasyon.
Kapulungang Pambansa ng Pilipinas
Ang Kapulungang Pambansa ng Pilipinas ( Espanyol : Asamblea Nacional de Filipinas , Ingles : National Assembly of the Philippines ) ay ang naging lehislatura ng Komonwelt ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1941 at ng Ikalawang Republika ng Pilipinas.
Ang Kapulungang Pambansa noong Komonwelt ay itinatag sa ilalim ng Konstitusyon ng 1935 , na nagsilbing saligang - batas ng bansa upang maihanda ito sa napipinto nitong kasarinlan mula sa Estados Unidos.
Subalit nang umabot ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko , nagdestiyero sa Estados Unidos ang pamahalaang Komonwelt nang matanto nito na masasakop ng Hapon ang bansa.
Naiwan ang mangilan - ilang kawanihan ng pamahalaan na inudyok ng mga Hapones na bumuo ng pamahalaan sa kanilang pagdating.
Itinatag ng mga Hapones ang isang naturingang malayang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Konstitusyon ng 1943 , na nagtakda ng isang Kapulungang Pambansa na magsisilbing lehislatura nito.
Ang Republikang itinatag sa ilalim ng mga Hapones ay halos kinilala lamang ng mga Alyansang Axis.
Bago ang 1935 , ang Kapuluang Pilipinas , isang insular area ng Estados Unidos ay may dalawang - kapulungang Legislaturang Pilipino na nagsilbing sangay tagapagbatas nito.
Itinatag noong 1907 ang Lehislaturang Pilipino at rineorganisa noong 1916 , bunsod ng Batas Jones , isang batas - pederal ng Estados Unidos.
Itinakda sa Batas Jones ang isang Senado at isang Kapulungan ng mga Kinatawan , kung saan ang mga kagawad nito ay ihinahalal , maliban sa ilang itatalaga ng Gobernador - Heneral , na hindi nangangailangan ng kumpirmasyon.
Bilang punong ehekutibo , ang Gobernador - Heneral ng teritoryo ay may kapangyarihan ding mag - veto ng anumang isabatas ng Lehislaturang Pilipino.
Noong 1934 , nagtagumpay ang mga politikong Pilipino na maipasa ang batas para sa kasarinlang ng Pilipinas na kilala bilang Batas Tydings - McDuffie.
Ginawa ito upang ihanda ang Pilipinas sa pagsasarili nito matapos ang sampung - taong paghahanda.
Itinadhana rin sa Batas Tydings - McDuffie ang pagbalangkas at pagpapatibay ng isang konstitusyon na kakailanganing sang - ayunan ng Pangulo ng Estados Unidos.
Sa Kumbensiyong Konstitusyonal na sumunod dito , ipinagtibay ang isang - kapulungang Kapulungang Pambansa.
Ito ay matapos di - mapagkasunduan ng mga delegado sa kumbensiyong konstitusyonal kung paano bubuuin ng dalawang - kapulungang sistema na kinakatigan ng higit na nakararami.
Itinakda rin nito na 120 lamang ang sukdulang maaaring maging kagawad nito na ihahalal bawat tatlong taon ; gaya ng nakasaad sa Batas Jones.
Ang bawat lalawigan , di - alintana ang populasyon nito ay gagawaran ng isa man lang kinatawan.
Itinakda rin sa kumbensiyon ang direktang paghalal ng mga kinatawan mula sa mga lugar na di - namamayani ang mga Kristiyano , na noo 'y itinatalaga ng Gobernador - Heneral.
Matapos maratipika ang Konstitusyon ng 1935 , nagkaroon ng halalan noong 17 Setyembre 1935 para sa 98 kagawad ng Kapulungang Pambansa , kasabay ito ng halalan para sa panguluhan at pangalawang - panguluhan ng Komonwelt.
Pinasinayaan ang Komonwelt ng Pilipinas noong 15 Nobyembre 1935 na naghudyat ng simula ng panunungkulan ng lahat ng mga halal na opisyal.
Unang opisyal na nagpulong ang Kapulungang Pambansa noong Nobyembre 25 , sampung araw matapos mapasinayaan ang pamahalaang Komonwelt , at dito nahalal si Gil Montilla ng Negros Occidental bilang Ispiker.
Di - naglaon nagbuo ito ng tatlong komisyon at 40 permanenteng komite nang pagpasyahan nito ang kanilang patakaran noong Disyembre 6.
Nasa kamay ng asamblea ang tungkuling magpasa ng mga batas upang maihanda ang Pilipinas sa pagsasarili nito.
Ngunit ang ilang batas na sumasaklaw sa ugnayang - panlabas at pananalapi ay kinakailangan pang aprubahan ng Pangulo ng Estados Unidos.
Nagtalumpati si Pangulong Manuel L. Quezon sa paunang sesyon ng Kapulungang Pambansa , na mistulang hawak niya at doo 'y inilatag niya ang mga priyoridad ng kanyang administrasyon at mga balak na batas.
Nahimok niyang maipasa ang mga mahahalagang batas na wala gaanong pagtutol dito.
Ito ay matapos niyang bawasan ang kapangyarihan ng Ispiker bilang tagapamunong opisyal na lamang.
Ang ilan sa mga unang naisabatas ay ang Batas ng Tanggulang Pambansa ng 1935 na nagtatag ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ; ang pagbuo ng National Economic Council na magsisilbing lupong tagapayo hinggil sa mga usaping pang - ekonomiya ; at ang pagtatag ng Hukuman ng Apelasyon.
Tinalakay rin ang mga panukalang - batas na patungkol sa ekonomiya , pati na rin ang mga nagbabadyang problema sa pagtatapos ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kapag nagsarili na ang bansa , ang pagtatakda ng pinakamababang sahod at ang pagpapataw ng mga bagong buwis ay ilan lamang sa mga paksang natalakay.
Karamihan sa mga panukulang - batas na binalangkas ng ehekutibo ay naipasa at ang ilang nagmula mismo sa mga kasapi ng asamblea ay karaniwang navi - veto ni Quezon.
Sa mga sesyon ng Unang Kapulungang Pambansa noong 1936 , sa 236 na naipasang panukalang - batas , 25 ay na - veto ; habang noong sesyon nito noong 1938 , 44 sa 105 panukalang - batas ay na - veto dahil sa mga kaukulang depekto nito , kasama rito ang isang naglalayong gawing sapilitan ang pagtuturo ng relihiyon sa mga paaralan - - isang malinaw na paglabag sa tadhana ng konstitusyon sa pagkakahiwalay ng Simbahan at ng Estado.
Ang malimit na pag - veto ng mga isinasabatas ng tinaguriang " sunud - sunurang " lehislatura ay nag - udyok upang tuligsain nito ang mga patakaran ni Quezon.
Nagsimulang igiit ng Asamblea ang kalayaan mula sa ehekutibo.
Sa puntong ito , ibinalik ng Kapulungang Pambansa ang mga likas na kapangyarihan ng Ispiker.
Sa panahon ding pinalawig ang karapatang bumoto sa kababaihang Pilipino.
Sa isang plebisito ginanap noong 30 Abril 1937 , 447,725 na kababaihan ang pumabor para rito , 44,307 naman ang tumutol.
Ang ikalawang halalan para sa Kapulungang Pambansa ay ginanap nong 8 Nobyembre 1938 , sa ilalim ng isang batas na nagpahintulot ng block voting , na kumiling sa namumunong Partido Nacionalista.
Gaya ng inaasahan , lahat ng 98 puwesto sa Kapulungang Pambansa ay napunta sa mga Nacionalista.
Si Jose Yulo na nagsilbing Kalihim ng Katarungan ni Quezon mula 1934 - 1938 ang nahalal na Ispiker.
Nagsimulang magpasa ng mga batas ang Ikalawang Kapulungang Pambansa na magpapalakas ng ekonomiya , sa kasawiang - palad nagbabadya na Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang ilang batas na ipinasa ng Unang Kapulungang Pambansa ay agarang binago o pinawalang - saysay upang matugunan ang mga nangyayaring kaganapan.
Isang kontrobersiyal na batas imigrasyon na taunang naglilimita sa 50 imigrante bawat bansa ang ipinasa noong 1940 , na ang tinamaan ay ang mga Tsino at Hapones na lumilikas sa Digmaang Tsino - Hapones.
Dahil sumasaklaw ang naturang batas sa ugnayang panlabas , kinailangan nitong aprubahan ng Pangulo ng Estados Unidos na sumang - ayon naman dito.
Nang mailathala ang resulta ng census ng 1939 , ipinag - ibayo ng Pambasang Asamblea ang paghahati - hati ng mga distritong pambatas na naging batayan ng halalan ng 1941.
Hinahadlangan ng Konstitusyon ng 1935 si Quezon na manatiling pangulo pagkalipas ng 1941.
Gumawa siya ng mga hakbang upang masusugan ang konstitusyon , kasama rito ang pagbabalik ng dalawang - kamarang lehislatura.
Papalitan ang Kapulungang Pambansa ng Kongreso ng Pilipinas , na binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan.
Di - gaya ng Senado na itinatag ng Batas Jones ( 1916 hanggang 1935 ) , kung saan dalawang senador ang ihinahalal mula sa labindalawang distritong pang - Senado na naghahati sa Pilipinas , ang mga susog ng 1940 ay nag - aatas na lahat ng 24 na senador ay ihahalal sa kalahatan.
Sila 'y salising manunungkulan ng anim na taon , upang bawat dalawang taon , isang - katlo o walong senador ang maaaring mapalitan.
Kahalintulad naman ng Kapulungang Pambansa ang Kapulungan ng mga Kinatawan ay may hanggang 120 kasapi lamang.
Ang mga susog ay napaloob sa ilalim ng Resolusyon Blg.
38 na ipinagtibay ng Kapulungang Pambansa noong 15 Setyembre 1939 at rinatipikahan sa isang plebisitio noong 18 Hunyo 1940.
Inaprubahan naman ito ng Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos noong 2 Disyembre 1940 , na nagbigay daan upang buwagin ang Kapulungang Pambansa pagkatapos ng panunungkulan ng mga ihinalal noong 1938 sa 30 Disyembre 1941.
Nagdistiyero ang pamahalaang Komonwelt sa Washington , D.C. sa paanyaya ni Pang.
Roosevelt.
Nasakop ng mga Hapones ang Maynila noong 2 Enero 1942 at di - nagtagal itinatag ang Japanese Military Administration upang palitan ang nadistiyerong pamahalaang Komonwelt.
Ginamit nito ang mga nanatiling pangasiwaang pampamahalaan at sapilitang pinagbuo ng isang pamahalaan ang mga natirang matataas na opisyal ng Komonwelt.
Upang makuha ang suporta ng mga Pilipino para sa Hapon at sa pakikidigma nito , ipinangako ng walang iba kung hindi si Punong Ministro ng Hapon na si Hideki Tojo ang pagpapaaga sa kasarinlan ng Pilipinas , na mas maaga pa kaysa sa itinakda ng Batas Tydings - McDuffie.
Ngunit bago pa man it matamo kinakailangang magpatibay ng isang bagong konstitusyon.
Nagbalangkas ng isang konstitusyon ang Preparatory Commission for Philippine Independence na kinilalang Konstitusyon ng 1943.
Itinadhana nito ang isang - kapulungang Kapulungang Pambansa na bubuuin ng mga gobernador ng mga lalawigan at alkalde ng mga lungsod bilang mga ex - officiong kagawad at mga halal na kinatawan mula sa bawat lalawigan at lungsod na manunungkulan ng tatlong taon.