text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Kahit pang ginawa itong mas mababa sa ehekutibo , tinataglay ng Kapulungang Pambansa ang kapangyarihang maghalal ng Pangulo , na siya namang magtatalaga ng mga gobernador ng mga lalawigan at alkalde ng mga lungsod , na nagtitiyak ng kanyang kontrol sa lehislatura.
|
Nagtalumpati si Jorge B. Vargas , tagapangulo ng Philippine Executive Commission noong 25 Setyembre 1943 sa Kapulungang Pambansa sa sesyon nito bago ang pagpahayag ng kasarinlan , kung saan ang Direktor - Heneral ng KALIBAPI na si Benigno Aquino , Sr. ng Tarlac , na nanilbihang Kalihim ng Pagsasaka sa pamahalaang Komonwelt ay nahalal na Ispiker ng Kapulungang Pambansa.
|
Sa kabilang banda , ang dating Kalihim ng Katarungan at Tumatayong Punong Mahistrado ng Kataas - taasang Hukuman na si Jose P. Laurel ay ihinalal na Pangulo ng malapit nang maging malayang Republika ng Pilipinas.
|
Isinaayos din ng Kapulungang Pambansa ang 66 komite nito.
|
Sa wakas ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas noong 14 Oktubre 1943.
|
Ipinatawag ni Laurel ang Kapulungang Pambansa sa isang tanging sesyon mula Oktubre 17 hanggang 23 , upang magpasa ng mga resolusyong tumatanaw ng utang na loob sa mga Hapones sa pagkakaloob nito ng kasarinlan.
|
Nagpulong ang Kapulungang Pambansa sa una nitong regular na sesyon magmula noong 25 Nobyembre 1943 hanggang 2 Pebrero 1944.
|
Nagpasa ito ng 66 na panukalang - batas at 23 resolusyon , na sumasaklaw sa pagtatag ng mga bagong ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang mga umiiral na suliranin at kalagayan noong panahon ng digmaan at iba pang suliranin na hindi natugunan noong panahon ng Komonwelt.
|
At dahil gumaganap na bilang isang malayang estado ang Pilipinas , itinatag ng Kapulungang Pambansa ang Ministri ng Ugnayang Panlabas at Bangko Sentral.
|
Binigyan din nito ng karagdagang kapangyarihan ang Pangulo , kagaya ng mga ibinigay kay Quezon ng Kapulungang Pambansa ng Komonwelt.
|
Nang matapos ang sesyon nito noong 2 Pebrero 1944 , hindi na muli magpupulong ang Kapulungang Pambansa.
|
Nakatakda sana itong magpulong para sa ikalawang regular na sesyon sa 20 Oktubre 1944 , ngunit nagsimula na ang kampanya ng puwersang Amerikano upang palayain ang Pilipinas mula sa Hapon nang unang umatake ang mga ito sa Maynila noong 21 Setyembre 1944.
|
Naghudyat ito na hingin ng mga Hapones sa Pilipinas ang pagdeklara ng pakikidigma nito laban sa Estados Unidos.
|
Tinugunan lamang ito nang maabot ang isang kompromiso na walang Pilipino ang paglilingkurin sa hukbong Hapones.
|
Napagtanto ng mga Hapones na walang bisa ang naturang deklarasyon kapag hindi ito iratipika ng Kapulungang Pambansa.
|
Sunod naman itong hiningi na ipatawag ang Kapulungang Pambansa upang gawin ito , ngunit nagmatigas si Laurel na hindi ipatawag ang Kapulungang Pambansa sa isang tanging sesyon.
|
Makalipas ang dalawang araw nang sumuko ang Hapon sa mga Puwersang Alyado noong 15 Agosto 1945 , at nang maitatag na muli ang pamahalaang Komonwelt sa Maynila , binuwag ni Laurel na noo 'y nasa piitan sa Hapon ang Ikalawang Republika ng Pilipinas.
|
Samantala ang lahat ng batas na naipasa ng Kapulungang Pambansa ng Ikalawang Republika ay ipinawalang - bisa naman sa isang proklamasyon ni Hen.
|
Douglas MacArthur noong 23 Oktubre 1944 matapos lamang maitatag - muli ang pamahalaang Komonwelt sa Tacloban.
|
Papa Clemente II
|
Si Papa Clemente II ay nagsilbing Papa at taganamamahala ng Simbahang Katoliko.
|
Mga Islamikong Aklat na Banal
|
Ang Mga Islamikong Banal na Aklat ay ang mga talaan na itinuturing na banal sa Islam.
|
Ang mga ito ay ang sumusunod :.
|
Karamdaman ni Addison
|
Ang karamdaman ni Addison ( Ingles : Addison 's disease ) ay isang sakit o diperensiya ng sistemang endokrino na bihira at kroniko.
|
Ang sakit ni Addison ay ang kapag ang katawan ay hindi gumawa ng sapat na hormonang tinatawag na cortisol.
|
Ang hormonang ito ay tumutulong sa katawan na harapin ang kung tawagin sa Ingles ay stress o presyon.
|
Tumutulong ito sa pagpapanatili ng presyon ng dugo at pagkontrol sa mga tungkulin ng puso.
|
Pinababagal nito ang antas ng implamasyon na sanhi ng sistemang imyuno ng katawan.
|
Nakakatulong ito sa paraan ng paggamit sa insulina , at sa mga pagtugon o reaksiyong kemikal ng mga protina , mga karbohidrato at mga taba sa loob ng katawan.
|
Ang mga tao na may sakit na ito ay naghihirap dahil sa pagbaba ng timbang ng katawan , kapaguran , kahinaan at mababang presyon ng dugo.
|
Ang ilang mga tao ay nagkakaroon din ng mga maiitim na patse ng balat.
|
Ang karamdaman ni Addison ay nilulunasan sa pamamagitan ng pag - inom ng tableta ng artipisyal na kortisol.
|
Sa larangang ng endokrinolohiya noong 1855 , ayon kay Thomas Addison ( 1793 - 1860 ) ng Guy 's Hospital sa London , sa pamamagitan ng ng kaniyang tratadong pinamagatang On the Constitutional and Local Effects of Disease of the Supra - Rena Capsules , ang pangunahing mga katangian ng karamdaman ni Addison ay kinasasangkutan ng anemia , pangkalahatang pagkapagod and panghihina , kapansin - pansing kahinaan ng galaw ng puso , iritabilidad o " pagkayamot " ng tiyan , at isang kakaibang pagbabago ng kulay sa loob ng balat , na nagaganap kaugnay ng isang kalagayang pagiging may diperensiya ng mga kapsulang supra - renal.
|
Ang pangunahing mga sintomas ng diperensiyang ito ay ang pagiging kulay tanso ng balat , matinding panghihina ng mga masel at pagsusuka.
|
Nagreresulta ang mga ito mula sa kakulangan ng mga panloob na sekresyon o katas ng mga kapsulang supra - renal ( dlawang mga glandula na nakadapo sa ibabaw ng pang - itaas na mga dulo ng mga bato ) at kapansin - pansin na kakulangan ng adrenalin.
|
Ang pagkabigo ng mga sekresyon ay sumusunod sa pagkabulok ( dehenerasyon ) ng mga kapsula , na halos palaging dahil sa pangkalahatang tuberkulosis.
|
The World Tomorrow
|
Ang The World Tomorrow ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network.
|
Kalendaryong Bengali
|
Ang Kalendaryong Bengali ( Bengali : bng gaab d Bonggabdo o baaNlaa sn Bangla Shon ) o Kalendaryong Bangla ay isang tradisyunal na kalendaryong pang - araw na ginagamit sa Bangladesh at sa mga silangang estado ng Kanlurang Bengal , Assam at Tripura ng India.
|
Nagsisimula ang taon sa Pohela Boishakh , na pumapatak sa Abril 14 sa Bangladesh at Abril 15 sa India.
|
Sa Assam , katumbas ito ng Panahon ng Bhaskar , na pinangalan sa hari ng Kamarupa na si Bhaskara Varman.
|
Ang kasalukuyang taon ng Bengali ay 1425.
|
Laging mas mababa sa 593 taon ang Kalendaryong Bengali sa Kalendaryong Gregoryano ng Panahon ng Kristiyano o Anno Domini sa panahon pagkatapos ng Pohela Boishakh.
|
Bagaman , mas mababa ang Kalendaryong Bengali ng 594 taon sa Kalendaryong Gregoryano kapag bago ang Pohela Boishakh.
|
Hiroki Kawano
|
Si Hiroki Kawano ( ipinaganak Marso 30 , 1990 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Hapon.
|
Eskudo ng Pilipinas
|
Ang Sagisag / Eskudo ( de Armas ) ng Pilipinas ay nagtataglay ng araw na mayroong walong sinag na sa bawat sinag ay isang lalawigan ang katumbas ( Batangas , Bulacan , Kabite , Maynila , Laguna , Nueva Ecija , Pampanga at Tarlac ) na pinasailalim sa batas militar ng Gobernador - Heneral Ramon Blanco habang nagaganap ang Himagsikang Pilipino.
|
Ang tatlong bituin na mayroong limang dulo ay sumisimbolo sa tatlong heograpikal na rehiyon ng Pilipinas ( Luzon , Kabisayaan at Mindanao ).
|
Nasa kanan ang bald eagle ng Amerika na napaliligiran ng kulay bughaw , sa kabilang dako naman ay napaliligiran ng pula ang leon ng Castile at Leon.
|
Ang paglalarawang ginagamit sa Sagisag na ito ay mula sa website ng Pamahalaan ng Pilipinas :.
|
Paleways of two ( 2 ) pieces , azure and gules ; a chief argent studded with three ( 3 ) mullets equidistant from each other ; and , in point of honor , ovoid argent over all the sun rayonnant with eight minor and lesser rays.
|
Beneath shall be the scroll with the words " REPUBLIKA NG PILIPINAS , " inscribed thereon.
|
Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila , ang mas pinasimpleng bersyon ng armas ng Soberano ng Espana ang ginamit.
|
Ang sagisag ng Maynila ay isinabatas din ni Haring Felipe II noong 1596.
|
Makikitang ang mga Haligi ni Hercules o ang Orden ng Gintong Lana ay hindi laging ipinakikita o minsanan lang kung gamitin.
|
Matapos lagdaan ang 1898 Tratado ng Paris na tumapos sa Digmaang Amerikano - Espanyol , isinuko ng Espanya ang soberanya ng Pilipinas at ng iba pang mga kolonya sa Nagkakaisang Estado ng Amerika.
|
Ang mga armas na susunod ay ginamit matapos ang sesyon , sa kapanahunan ng Komonwelt at sa pagdaan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
|
Proklamasyon ng Kalayaan Acta de la Proclamacion de la Independencia del Pueblo Filipino.
|
Ang mga sumusunod ay ginamit matapos makamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946.
|
Ang mga eskudo ay dinisenyo ni Kap.
|
Galo B. Ocampo at ang disenyo ay halos walang ipinagbago mula pa noon.
|
Ang mga pagbabago ay maliliit lang at karamihan ay dahil sa konsiderasyong pulitikal at kultural.
|
Heolohiya
|
Ang heolohiya ay isang agham pangmundo na sumasaklaw sa pagaaral ng mundo , ng mga bato kung saan gawa ito , at ang mga proseso ng kanilang pagbabago.
|
Ang heolohiyang pang - ekonomiya ay isang importanteng sanga ng heolohiya na tumutukoy sa iba 't ibang aspeto ng mga mineral pang ekonomiya na ginagamit ng tao para sa kanyang mga kailangan.
|
Ang mga mineral na pang - ekonomiya ay ang puwedeng makuha para maibenta.
|
Ang mga heolohistang pang - ekonomiya ay tumutulong maghanap at mag - asikaso sa mga natural na kayamanan ng ating mundo katulad ng petrolyo at karbo pati na ang mga kayamanang mineral tulad ng bakal , tanso at uranium.
|
Ang heolohistang pam - petrolyo ay nag - aaral ng mga lokasyong sa ibabaw ng mundo na maaaring pagkuhanan ng hydrocarbons , lalo na ang petrolyo at natural na gasolina.
|
Dahil maraming imbakan ng mga ito ay nakikita sa sedimentary basins , pinag - aaralan nila ang pormasyon ng mga ito , pati na ang kanilang sedimentary at tectonic evolution at ang kasalukuyang posisyong ng mga ito.
|
Pare
|
Ang pare ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod :.
|
Kasaysayan ng mundo
|
Ang kasaysayan ng mundo , sa popular na salita , ay naglalarawan sa kasaysayan ng tao , mula sa paglitaw ng Homo sapiens hanggang sa kasalukuyan na nadetermina mula sa mga nakasulat na tala.
|
Kung kaya 't tinatawag din itong kasaysayan ng tao o kasaysayang pantao , na sa madaling sabi ay ang kasaysayan ng tao magmula sa pinakamaagang mga kapanahunan hanggang sa kasalukuyan , sa lahat ng mga pook sa ibabaw ng Mundo , na nagsisimula sa Panahong Paleolitiko.
|
Hindi kasama rito ang hindi pantaong likas na kasaysayan at kasaysayang heolohikal , maliban na lamang dahil sa may kahalagahan ang pagkaapekto ng likas na mundo sa buhay ng mga tao.
|
Kabilang sa kasaysayan ng mundo ang pag - aaral ng nakasulat na mga tala o rekord , magmula sinaunang panahon pasulong , pati ang karagdagang kaalamang nakamit magmula sa iba pang mga mapagkukunan , katulad ng arkeolohiya.
|
Ang sinaunang naitalang kasaysayan ay nagsisimula sa pagkaimbento , na hiwa - hiwalay ang pagsisimula sa ilang mga lugar sa Mundo , ng pagsusulat , na lumikha sa imprastraktura ( saligan at pamamamaraan ) para sa nagtatagal at tumpak na paglilipat o transmisyon ng mga alaala , at sa ganitong paraan pati na ang pagpapakalat at paglaki ng kaalaman.
|
Subalit , ang mga ugat ng kabihasnan ay umaabot na pabalik sa kapanahunan bago pa ang pagsusulat - - ang prehistorya ( panahon bago ang nakasulat na kasaysayan ) ng sangkatauhan.
|
Ang prehistorya ng tao ay nagsimula noong Panahong Paleolitiko , o " Maagang Panahon ng Bato ".
|
Sa paglaon , noong Panahong Neolitiko ( Bagong Panahon ng Bato ) , dumating ang Rebolusyong Pang - agrikultura ( sa pagitan ng 8000 at 5000 BCE ) sa Matabang Gasuklay , kung saan unang nagsimula ang mga tao ng masistemang pagsasaka ng mga halaman at pag - aalaga ng mga hayop.
|
Lumaganap ang agrikultura sa kanugnog na mga rehiyon at umunlad na mag - isa sa iba pang mga lugar , hanggang sa ang mga tao ay naninirahan na bilang mga magsasaka sa pamalagiang mga maliliit na mga pamayanan.
|
Ang kaukol na seguridad at tumaas na produktibidad na nailapat ng pagsasaka ay nagpahintulot sa mga pamayanan upang kumalat.
|
Lumaki sila na anging lalong tumataas na mas malalaking mga yunit na kaalinsabayan ng ebolusyon ng mas mabisa pang mga pamamaraan ng transportasyon.
|
Ang sobrang mga pagkain ay nakapagdulot ng paghahati ng mga gawain , ng pagkakaroon ng mga taong nasa mataas na uri ng lipunan , at ang pagkakaroon at pag - unlad ng mga lungsod at kasama nito ang kabihasnan.
|
Ang lumalaking kasalimuotan ng mga lipunan ng tao ay nangailangan ng mga sitema ng pagkukuwenta , na humantong sa pagsusulat.
|
Nagkaroon ng mga kabihasnan sa mga pampang ng mga katawan ng sariwang tubig ( mga lawa at mga ilog ) na nakapagbibigay ng buhay.
|
Sa pagsapit ng 3000 BCE , nagsimula sila sa Mesopotamia ( ang " lupain na nasa pagitan ng mga Ilog Euphrates at Tigris ) ng Gitnang Silangan , sa mga pampang ng Ilog Nilo ng Ehipto , at sa lambak ng Ilog Indus.
|
Ang kahalintulad na mga sibilisasyon ay maaaring nagsimula at umunlad sa kahabaan ng mga ilog sa Tsina , subalit ang katunayang pang - arkeolohiya para sa malawig na pagtatatag na urbano ay hindi gaanong matiyak.
|
Partikular ang kasaysayan ng Lumang Mundo ( Europa , ngunit pati na rin ang ng Silangang Malapit at Hilagang Aprika ) ay pangkaraniwang hinahati sa Sinaunang kasaysayan o Kalaunan , magpahanggang sa 476 CE ; ang Gitnang Kapanahunan , magmula ika - 5 hanggang sa ika - 15 mga daantaon , kasama ang Ginintuang Panahong Islamiko ( c.
|
750 CE - c.
|
1258 CE ) at ang maagang Renasimyento sa Europa ; ang Maagang Modernong panahon , magmula ika - 15 daantaon hanggang sa hulihan ng ika - 18 daantaon , kabilang ang Panahon ng Pagpapaliwanag ; at ang Panghuling Modernong panahon , magmula sa Rebolusyong Industriyal hanggang sa kasalukuyan , kasama ang Kasaysayang Kontemporaryo.
|
Sa Europa ( at sa mga kasaysayang Kanluranin , ang pagbagsak ng Kanlurang Imperyo ng Roma ( 476 CE ) ay pangkaraniwang itinuturing bilang tanda ng wakas ng Sinaunang panahon at siya namang simula ng Gitnang Panahon , kung kailan ( noong bandang taon ng 1300 ) nagsimula ang Renasimyentong Europeo Noong kalagitnaan ng ika - 15 daantaon , ang pagkaimbento ni Johannes Gutenberg ng modernong paglilimbag , na gumamit ng tipong naigagalaw , ang nagpausad ng rebolusyon ng komunikasyon , na tumulong sa pagwawakas ng Gitnang Panahon at nagpasimula sa makabagong kapanahunan at sa Himagsikang Pang - agham.
|
Sa pagsapit ng ika - 18 daantaon , ang pagkakaipon ng kaalaman at teknolohiya , natatangi na sa Europa , ay umabot sa isang masang kritikal na nagdala ng Rebolusyong Industriyal.
|
Sa ibang mga bahagi ng mundo , katulad ng sinaunang Silangang Malapit , sinaunang Tsina , at sinaunang India , magkakaiba ang paglaladlad ng mga pangkasaysayang mga guhit ng kapanahunan.
|
Subalit , sa pagsapit ng ika - 18 daantaon , dahil sa malaganap na pandaigdigang kalakalan at kolonisasyon , ang kasaysayan ng karamihan sa mga kabihasnan ng mundo ay naging mahigpit ang pagkakatali sa bawat isa.
|
Sa loob ng huling ikaapat na bahagi ng milenyo , tumulin ang paglaki ng kaalaman , teknolohiya , komersiyo , at ng potensiyal na pagiging mapangwasak ng digmaan , na lumikha ng mga pagkakataon at panganib na kasalukuyang humaharap sa mga pamayanan ng tao na naninirahan sa mundo.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.