text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Maaari itong kabilangan din ng sesyon ng pagtugtog nang solo o kaya panggrupo o " pangpamilya ".
|
Wilhelm Hallwachs
|
Si Wilhelm Ludwig Franz Hallwachs ( ipinanganak noong 9 Hulyo 1859 sa Darmstadt - namatay noong 20 Hunyo 1922 sa Dresden ) ay isang pisikong Aleman.
|
Kilala rin siya bilang isang tagagawa ng mga instrumentong pang - agham.
|
Chiampo
|
Ang Chiampo ay isang comune sa lalawigan ng Vicenza sa bansang Italya.
|
Kathang - isip na pang - agham
|
Ang mga kathang - isip na pang - agham , o science fiction sa Ingles ( SF , S.F.
|
, o sci - fi kapag pinaikli ) ay isang malawakang anyo ng panitikan at ibang media na karaniwang kinabibilangan ng mga pagmumuni - muning batay sa pangkasalukuyan o panghinaharap na kalagayan ng agham o teknolohiya.
|
Nakikita ang paksang ito sa mga aklat , sining , telebisyon , pelikula , laro , tanghalan , at marami pang iba.
|
Nahahalo rin ang ganitong uri ng pagsasalaysay sa mga kathang may kababalaghan o pantasya , at maging sa mga kuwento ng pag - ibig , digmaan , katarungan , at iba pang mga kaugnay na anyo.
|
Subalit , ang salaysaying makaagham ay hindi kuwento ng mga kababalaghan o katatakutan.
|
At kaiba rin ito mula sa pantasya.
|
Mahirap bigyan ng kahulugan ang salaysaying makaagham dahil kinabibilangan ito ng malawak na sakop ng mga kasamang - paksa at mga tema.
|
Sinuma ng may - akda at patnugot na si Damon Knight ang kahirapang ito sa pagbibigay - kahulugan sa pagsasabing " ang salaysaying makaagham ay kung ano ang itinuturo natin kapag sinasabi natin ito.
|
Ikinatwiran ni Vladimir Nabokov kung magiging mahigpit tayo sa ating mga pagkakahulugan , maaaring ibilang at tawaging salaysaying makaagham ang dulang The Tempest ( Ang Mabangis na Bagyo ) ni William Shakespeare.
|
Ayon sa manunulat ng siyensiyang piksiyon na si Robert A. Heinlein , " maaaring basahin ang isang gamitin at maikling kahulugan ng halos lahat ng mga salaysaying makaagham ng ganito : makatotohang pagbabakasakali hinggil sa mga maaaring maging mga kaganapan sa hinaharap , na tiyakang ibinatay sa sapat na kaalaman tungkol sa tunay na mundo , nakalipas at kasalukuyan , at maging sa puspusang pagkakaunawa sa likas na katangian at kahalagahan ng pamamaraang makaagham Para kay Rod Serling , binanggit niya ang kahulugan ito : " Ang Salaysaying Makaagham ay ang improbableng naging posible , at ang Pantasya ay ang imposibleng naging probable.
|
" Isinulat ni Lester Del Rey na " Maging ang debotong tagasunod - o tagapagtangkilik - ay nahihirapan din sa pagsubok na ipaliwanag kung ano ang salaysaying makaagham , " at ang dahilan kung bakit walang " buo at kasiya - siyang kahulugan " ay dahil " walang mga madaliang masasabing hangganan para sa salaysaying makaagham.
|
" Hayagang ginamit ni Forrest J. Ackerman ang terminong " sci - fi " ( daglat para sa science - fiction ) sa UCLA noong 1954 , bagaman ginamit ito ni Robert A. Heinlein sa isang pribadong pakikipag - ugnayan anim na taon na ang nakararaan.
|
Sa pagpasok ng salaysaying makaagham sa kalinangang bantog , iniugnay ng mga manunulat at mga tagapagtangkilik ng larangan ang katawagan sa mga pelikulang may gradong B - mga panooring hindi primera - klase ang kalidad na naisagawa ng hindi ginugugulan ng maraming salaping at may hindi - gaanong binahagian ng sapat na teknolohiya.
|
Iniugnay din ng mga manunulat at mga tagapangkilik ito sa mga babasahing nasa mga magasin na may mababang kalidad.
|
Nang sumapit ang mga dekada ng 1970 , ginagamit na ng mga manunuri sa loob ng larangan , katulad nina Terry Carr at Damon Knight ang daglat na " sci - fi " upang maipagkaiba ang mga sulating hindi - gaanong pinagtuunan ng pansin at pagtitiyaga mula sa mga seryoso at taimtim na inihandang salaysaying makaagham , at noong mga panahon ng 1978 , ipinakilala nina Susan Wood at ng iba pa ang pagbigkas na " skiffy " ( iski - fi ) para sa sci - fi.
|
Isinulat ni Peter Nicholls na " SF " ( o " sf " ) ang " mas iniibig na gamiting daglat sa loob ng komunidad ng mga manunulat at mambabasa ng salaysaying makaagham.
|
" Sa buwanang Ansible - isang fanzine o mga magasing elektroniko para sa mga tagapagtangkilik - ni David Langford nabibilang ang isang palagiang seksiyong " As Others See Us " ( Kung Paano Tayo Tingnan ng Iba ) na nagaalok ng maraming mga halimbawa na ginagamit ng mga tao ang " sci - fi " sa isang diwang nakabababa ng antas , sa labas ng anyong panlarangan ng salaysaying makaagham.
|
Naiiba ang kathang - isip na salaysaying pang - agham mula sa mga gawang tuwirang bungang - isip lamang sapagkat maaaring maganap o matupad ang pinaka - paksa at mga bahagi ng kuwento , na batay sa mga napatunayang kaisipan sa larangan ng agham at mga batas ng kalikasan.
|
Tinatalakay nito ang samu 't - saring posibilidad na maaaring kakaiba ang pook ng pinangyarihan mula sa kinikilalang katotohanan.
|
Kabilang dito ang mga sumusunod :.
|
Ang pagtarok at pagtuklas ng mga kaibahang nabanggit ang siyang pinaka - puno at naka - ugaliang paksa at pakay ng mga kathang - isip na salaysaying pang - agham.
|
Ito ang " panitikan ng mga kaisipan ".
|
Layunin ng salaysaying makaagham ang pagpapaliwanag ng walang - katapusang pagbabago , at maging ang pagtalakay sa kung ano ang maibibigay ng darating pang hinaharap.
|
Ito ang panitikan ng bago , makabago at nakapagbibigay - bungang mga kaisipan.
|
At sinasagot o hinuhulaan ng manunulat ng salaysaying makaagham ang katanungang " ano kaya ang mangyayari kung ... ".
|
Nahulaan ng mga salaysaying makaagham ang mga natupad na mga ideyang ginagamit sa pangkasalukuyan : katulad ng pagkakalikha ng aparatong radar , mga sasakyang pang - ilalim ng dagat , panghimpapawid at pang - kalawakan , paglalakbay sa kalawakan , robot , telebisyon , kompyuter , at ng bomba atomika.
|
Isang iba pang uri ng salaysaying makaagham ang alternatibong kasaysayan o ukroniya ( mula sa Kastilang ucronia ).
|
Halimbawa ang 1984 ni George Orwell.
|
Ang pagtuluyan ng posibleng kasaysayan ay pinag - uusapan ng maraming manunulat.
|
Ang Last and First Men ( Pinakahuli at Unang Katauhan ) ni William Olaf Stapledon ay tungkol sa dalawang bilyong taong kinabukasang kasaysayan ng tao.
|
Sa Hapon , ang tawag sa salaysaying makaagham ay makatradisyong Ke Xue Xiao Shuo kagaku shousetsu o kaya modernong SF Xiao Shuo esu efu shousetsu o esuehu esu efu.
|
Isa sa pinakaunang salaysaying makaagham ang Histoire comique des etats et empires de la Lune { Wikang Pranses } ( o Ang Nakakatuwang Salaysay mula sa Bayan at Imperyo ng Buwan , { siglo 1600 } ) ni Cyrano de Bergerac , isang kuwentong tumukoy sa paglalakbay sa kalawakan sa pamamagitan ng mga rocket o sasakyang pangkalawakan.
|
Itinuturing ding salaysaying makaagham ang Odyssey ni Homer , sapagkat noong kapanahunan ng may - akda itinuturing na katotohanan ang pagkakaroon ng mga dambuhala , sirena , at mga diyos.
|
Kabilang din sa mga pangunahing tagapag - taguyod ng mga salaysaying makaagham sina Edgar Allan Poe , Jules Verne , H.G.
|
Wells , Edgar Rice Burroughs , Hugo Gernsback , at John W. Campbell , Jr.
|
Tinalakay ng mga gawain ng mga manunulat na ito ang paglalakbay sa buwan sa pamamagitan ng malaking lobo , mga makabagong imbensiyon katulad ng submarino , mga mananalakay mula sa ibang planeta , ang paglalakbay sa nakaraang panahon , mga buhay at katayuan sa ibabaw ng ibang mga planeta , at iba 't ibang paksa hinggil sa larangan ng kaugaliang pantao.
|
Nasa wikang Ingles ang mga sumusunod :.
|
Kontaminasyon
|
Ang kontaminasyon , paglalin , pagdumi ay ang paghalo ng mapaminsalang sangkap na kagaya ng dumi , lason , o mikrobyo.
|
Sa larangan ng medisina , ito ang pagharap o pagkakadikit sa mga mikrobyong nakapagsasanhi ng karamdaman.
|
Halimbawa nito ang kapag gumamit ang isang taong mayroong iskarlatang lagnat ng isang kutsara , nakukontamina o nalalagyan niya ng nakahahawang mikrobyo ng iskarlatang lagnat ang ginamit niyang kutsara.
|
Kaugnay ng mga wika , tumutukoy ito sa pagiging iba ng kahulugan ng salita mula sa orihinal na ibig sabihin nito.
|
Miron
|
Ang pagmimiron ay ang panonood sa sugal , laro o mga kaganapan.
|
Ang mga nagmimiron o tagapanood ay tinatawag na " miron ".
|
Ito ay kadalasang naipagkakamali sa mga " kibitzer ".
|
Ang mga kibitzer ay mga nagbibigay ng mga hindi hinihinging payo.
|
Samantalang sa pagmimiron , maituturing na mabuting pagmimiron ang hindi pagbibigay ng payo sapagkat ito ay maituturing na panggugulo at panghihimasok sa mga diskarte ng manlalaro.
|
Ang pagmimiron ay may mga kainaman.
|
Ilan laman sa mga ito ay ang sumusunod :.
|
Museo
|
Ang museo ay isang lugar na bukas sa publiko kung saan inilalagay ang mga mahahalagang bagay ukol sa sining kasaysayan ng isang bansa.
|
Galing ito sa salitang Latin na museum , na galing sa salitang Pranses na mouseion , na tumutukoy sa isang templo ng mga Musa , mga babaeng patron ng sining sa mitolohiyang Griyego.
|
Bahay tsinoy , Intramuros.
|
Keita Suzuki
|
Si Keita Suzuki ( ipinaganak Hulyo 8 , 1981 ) ay isang Hapones na manlalaro na futbol na naglalaro para sa Pambansang koponan ng futbol ng Hapon.
|
Ang Tatlong Musketero
|
Ang Les Trois Mousquetaires ( Pranses ; Ingles : The Three Musketeers ; tuwirang salin : Ang Tatlong Musketero ) ay ang pamagat ng isang nobelang isinulat ni Alexandre Dumas , pere.
|
Isa itong kuwento ng isang lalaking nasa kaniyang kabataan na mayroong pangalang d 'Artagnan.
|
Nilisan niya ang kaniyang tahanan upang maging isang musketero ( Mga Musketero ng Tanod ).
|
Siya at ang kaniyang mga kaibigang sina Athos , Porthos , at Aramis ay namuhay sa pamamagitan ng motto na " Isa para sa lahat , at lahat para sa isa " ( Ingles : One for all , and all for one , Pranses : Un pour tous , et tous pour un ! ).
|
Nagpatuloy ang kuwento ni d 'Artagnan sa Pagkalipas ng Dalawampung mga Taon at Ang Vicomte de Bragelonne.
|
Sa kabuoan , ang tatlong mga nobelang ito ay nakikilala bilang Mga Romansang D 'Artagnan.
|
Ang Ang Tatlong Musketero ay unang nalathala sa anyong serye sa magasing Le Siecle sa pagitan ng Marso at Hulyo 1844.
|
Pangkalikol
|
Ang pangkalikol ( Ingles : probe ) ay isang kagamitan o kasangkapang ginagamit sa anumang uri ng pagsusuri , panggalugad , pagsisiyasat , pananaliksik , pagsasalakab , o imbestigasyon.
|
Isang halimbawa nito ang isang maliit na patpat , o anumang katulad , na ipinapasok at iniikot sa loob ng isang butas.
|
Sa larangan ng panggagamot , isa itong balingkinitan o matalaghay na baretang yari sa pleksible o naibabaluktot ngunit hindi nababaling metal , na ginagamit upang suriin ang kapaligirang nasa loob ng likas o patolohikal na mga sugat , uka , hukay , o butas , at lagusan sa katawan.
|
Isang mapanganib na instrumento ang pangkalikol na ginagamit sa larangan ng medisina , kaya 't nararapat na gamitin lamang ito ng mga dalubhasa sa paggamit nito.
|
Nagmula ang salitang pangkalikol mula sa salitang - ugat na kalikol , na katumbas ng mga salitang katikot at kalikot.
|
John Denver
|
Si John Denver , ipinanganak bilang Henry John Deutschendorf , Jr.
|
( 31 Disyembre 1943 - 12 Oktubre 1997 ) , ay isang Amerikanong musikero , mang - aawit , at manunulat ng awit.
|
Naging napakatanyag niya noong dekada ng 1970.
|
Mayo 4
|
Ang Mayo 4 ay ang ika - 124 na araw sa Kalendaryong Gregoryano ( ika - 125 kung taong bisyesto ) , at mayroon pang 241 mga araw ang natitira.
|
Anjelina
|
Si Anjelina ay isang mang - aawit mula sa Pilipinas.
|
Pulo ng Yeonpyeong
|
Coordinates : 37 deg 40 ' 0 ' ' N 125 deg 41 ' 47 ' ' E / 37.66667 deg N 125.69639 deg E / 37.66667 ; 125.69639.
|
Ang Pulo ng Yeonpyeong o Yeonpyeongdo ( Pagbabaybay sa Koreano : ) ay isang pangkat ng mga pulo sa Timog Korea na nasa Dagat na Dilaw , na nasa 80 km ( 50 milya ) sa kanluran ng Incheon at 12 km ( 7.5 milya ) sa timog ng dalampasigan ng Lalawigan ng Hwanghae , Hilagang Korea.
|
Ang pangunahing pulo ng pangkat ay ang Daeyeonpyeongdo ( " Malaking Pulo ng Yeonpyeong " ) , na payak na tinutukoy din bilang Pulo ng Yeonpyeong , na may areang 7.01 km2 ( 2.71 milya kuwadrado ) at populasyong nasa bandang 1,300.
|
Ang pangunahing sentro ng populasyon ay ang Yeonpyeong - ri , kung saan naroroon ang daungan ng barkong pantawid ( ferry ) ng pulo.
|
Ang ibang may taong pulo ay ang Soyeonpyeongdo ( " Maliit na Pulo ng Yeonpyeong " ) na may maliit na populasyon at areang 0.24 km2 ( 0.093 milya kuwadrado ).
|
May iba pang maliliit na mga pulong bumubuo sa pangkat.
|
Ang pangkat ng mga pulong ito ang bumubuo sa Yeonpyeong - myeon , isa sa mga kahatian o subdibisyon ng Kondado ng Ongjin , Incheon , Timog Korea.
|
Kilala ang Pulo ng Yeonpyeong dahil sa kumouuri nito , isang natatanging tinimplahang alimango.
|
} }.
|
Pinoy Pop Superstar
|
Ang Pinoy Pop Superstar ay isang programa sa telebisyon na pinalabas sa Pilipinas.
|
Ipinakita dito ang paghahanap sa pinakamahusay na Pilipinong mang - aawit.
|
Ipinalabas ito tuwing Sabado sa GMA Network.
|
Romania
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.