text
stringlengths
0
7.5k
Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya.
Hindi makakapanaig sa kaniya ang tarangkahan ng Hades.
" Ang talatang ito ay pinapakahulugan ng mga Romano Katoliko na sinasabi ni Hesus na itatag ang kanyang iglesia kay Pedro.
Kanila ring inangkin na si Pedro ang ginawang pastol ng apostolikong kawan sa Juan 21 : 15 - 19.
Sa Griyego ng Mateo 16 : 18 na pinaniniwalaang orihinal na wika ng Bagong Tipan , ang pangalang ibinigay ni Hesus kay Simon ay petros ngunit kanyang tinukoy ang " bato ( rock ) " bilang petra.
Ayon sa ilang skolar , may pagtatangi sa pagitan ng dalawang mga salitang petra at petros na ang petra ay " bato ( rock ) " samantalang ang petros ay maliit na bato ( pebble ).
Pinapakahulugan ng mga Protestante na ang " batong ito " ay hindi si Pedro kundi sa konpesyon ng pananampalataya ni Pedro sa mga nakaraang talata at kaya ay hindi naghahayag ng primasiya ni Pedro kundi ay naghahayag na itatayo ni Hesus ang kanyang simbahan sa pundasyon ng pahayag at konpesyon ng pananamapalataya ni Pedro na si Hesus ang Kristo.
Gayunpaman , ang interpretasyong ito ay itinatakwil ng ilang mga skolar na Protestante gaya nina Blomberg at Carson.
Ang ilang mga Protestante ay naniniwalang ang " batong ito " ay tumutukoy kay Hesus bilang reperensiya sa Deuteronomio 32 : 3 - 4 , " Ang diyos ... ang bato ( rock ) , ang kanyang gawa ay sakdal " na kanila ring sinusuportahan ng mga talatang 1 Corinto 10 : 4 at Efeso 2 : 20.
Ang Efeso 2 : 20 ay nagsasaad na ang mga apostol ang saligan at hindi lamang ang isang apostol.
Ang ilan ay nag - aangkin na ang mga susi sa Mateo 16 : 18 ay hindi lamang ibinigay kay Pedro kundi sa lahat ng mga apostol ng magkakatumbas.
Ang interpretasyong ay kanilang inangking tinanggap ng maraming mga ama ng simbahan gaya ninaTertullian , Hilary of Poitiers , John Chrysostom , Augustine.
Tungkol sa interpretasyon ng Mateo 16 : 18 - 19 , isinulat ni Jaroslav Pelikan na " Gaya ng pag - amin ngayon ng mga skolar na Romano Katoliko , ginamit ito ng sinaunang amang Kristiyano na si Cipriano upang patunayan ang autoridad ng obispo hindi lamang ng obispo ng Roma ngunit ng bawat obispo " na tumutukoy sa gawa ni Maurice Bevenot tungkol kay Cipriano.
Bagaman sa 12 alagad , si Pedro ang nananaig sa mga unang kabanata ng Mga Gawa ng mga Apostol , si Santiago na kapatid ng Panginoon ay ipinakitang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa mga kalaunang kabanata ng Mga Gawa.
Ang ilan ay nag - aangkin na mas nanaig sa ranggo si Santiago kesa kay Pedro dahil si Santiago ang huling nagsalita sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15 : 13 - 21 na nagmumungkahing ito ang huling pagpapasya na pinagkasunduan ng lahat.
Ang katusuan rin ni Santiago ay sinunod sa lahat ng mga Kristiyano sa Antioch na nagpapahiwatig na ang autoridad ni Santiago ay lagpas sa Herusalem.
Gayundin , binanggit ni Apostol Pablo si Santiago bago kay Pedro at Juan nang tawagin ni Pablo ang mga ito na " mga haligi ng simbahan " sa Galacia 2 : 9.
Ayon sa Galacia 2 : 11 - 13 , sinunod ni Pedro ang kautusan ni Santiago na lumayo sa mga hentil at hindi lamang si Pedro kundi pati ang kasamang misyonaryo ni Pablong si Barnabas gayundin ang lahat ng mga Hudyo.
Gayunpaman , ayon sa mga teologong Romano Katoliko , ang mga talatang Mga Gawa 12 : 12 - 17 at Galacia 1 : 18 - 19 ay nagpapahiwatig na si Pedro ang pinuno ng simbahang Kristiyano at si Pedro ang humirang kay Santiago na pinuno nang siya ay lumisan sa Herusalem.
Gayunpaman , ayon sa mga hindi naniniwala sa interpretasyong ito ng Romano Katoliko , kung ang pagkakahirang kay Santiago ay kinailangan sa paglisan ni Pedro sa Herusalem , bakit hindi kinilala si Pedro na pinuno sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15.
Si Santiago ay nanatiling nasa papel ng pinuno kahit sa presensiya ni Pedro sa Konseho ng Herusalem sa Mga Gawa 15.
Ayon sa propesor na si John Painter , mas malamang na ang talata ay nagsasaad na si Pedro ay nag - uulat lamang ng kanyang mga gawain sa kanyang pinunong si Santiago.
Ang Galacia 1 : 18 - 19 ay hindi malinaw at maaaring pakahulugan upang suportahan ang parehong pananaw na si Santiago o Pedro ang pinuno ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem.
Gayunpaman , ang katotohanang si Santiago ay binanggit maliban sa iba pang mga apostol ay nagpapakitang si Santiago ay napakahalaga para kay Pablo.
Ayon kay Eusebio ng Caesarea , si Santiago ang unang obispo o patriarka ng Simbahang Kristiyano sa Herusalem.
Andres Narvasa
Si Andres dela Rosa Narvasa ( 30 Nobyembre 1928 - 31 Oktubre 2013 ) ay dating Punong Mahistrado ng Kataas - taasang Hukuman ng Pilipinas mula 1 Disyembre 1991 hanggang 30 Nobyembre 1998.
Nagsilbi siya bilang Tagapangulo ng Komisyon sa paghahanda para sa pagbabago ng Saligang - batas , isang espesyal na ahensiya na naatasan na tumingin sa mga posibleng magandang pagbabago sa Saligang - batas ng Pilipinas , mula 1999 hanggang 2000.
Alive : The Final Evolution
Ang Alive : The Final Evolution ay isang seryeng manga.
Rafael Arnaiz Baron
Si San Rafael Arnaiz o San Rafael Arnaiz Baron ( Abril 9 , 1911 - Abril 26 , 1938 ) ay isang Kastilang santo ng Simbahang Katoliko Romano.
Kilala rin si Rafael Arnaiz sa monasteryo bilang Kapatid na ( Lalaking ) Maria Rafael.
Ipinanganak siya sa lungsod ng Burgos , sa hilaga ng gitnang Espanya.
Siya ang una sa apat na anak na lalaki sa isang may - kayang mag - anak na Kristiyano at Katoliko.
Bilang isang batang lalaki , nag - aral siya sa ilang mga paaralang pinangangasiwaan ng mga paring Hesuwita.
Lungsod ng Batangas
Coordinates : 13 deg 45 ' 25.96 ' ' N 121 deg 3 ' 29.2 ' ' E / 13.7572111 deg N 121.058111 deg E / 13.7572111 ; 121.058111.
Ang Lungsod ng Batangas ay ika - 1 Klaseng lungsod sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa senso ng 2010 , mayroon itong kabuuang populasyon na 305,607 sa 50,223 kabahayan.
Ang Lungsod ng Batangas ay pampolitika na nahahati sa 105 barangay.
Papa Juan XIX
Si Papa Juan XIX ( namatay noong Oktubre 1032 ) na ipinanganak naRomanus sa Roma ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1024 hanggang 1032.
Kanyang hinalinhan ang kanyang kapatid na si Papa Benedicto VIII na parehong mga kaspi ng makapangyarihang sambahan ng Tusculum.
Bago mahalal na papa , siya ay isang hindi ordinadorng layman at kaya ay nag - ordina ng isang obispo upang payagan siyang umakyat sa trono ng papa na nakaraang isang consul at senador.
Siya ay gumampan ng isang papel sa prosesong tumungo sa sismang Silangan - Kanluran noong 1054 sa pamamagitan ng pagtakwil ng mungkahi ni Patriarka Eustathius ng Constantinople na kilala ang spero ng interest ng patriarkada sa silangan.
Laban sa butil ng kasaysayang eklesiastikal , pumayag si Papa Juan XIX na panunuhol sa kanyang ng isang malaking suhol na pagkaloob ng pamagat ng obispong ekumenikal ang Patriarka ng Constantinople.
Gayunpaman , ang mungkahing ito ay nagudyok ng isang pangkalahatang galit sa Simbahan na pumilit sa kanyang halos agad na bawiin ang kasunduan.
Ankhesenamun
Si Ankhesenamun ( ?nh - s - n - imn , " Ang buhay niya ay kay Amun " ; ipinanganak noong c.
1348 - namatay pagkaraan ng 1322 BCE ) ay isang reyna ng Ika - 18 Dinastiya ng Ehipto.
Ipinanganak siya bilang Ankhesenpaaten.
Siya ang pangatlo sa anim na nakikilalang mga anak na babae ni Ehipsiyong Paraon na si Akhenaten at ng Dakilang Maharlikang Asawa nito na si Nefertiti , at naging Dakilang Maharlikang Asawa naman siya ng kaniyang lalaking kapatid sa magulang na si Tutankhamun.
Ang pagbabago sa kaniyang pangalan ay nagpapakita ng mga pagbabago sa relihiyon ng Sinaunang Ehipto noong panahon ng kaniyang buhay pagkaraan ng kamatayan ng kaniyang ama.
Ang kaniyang kabataan ay mainam na nakatala sa sinaunang mga lilok at mga larawang nakapinta na nauukol sa pamumuno ng kaniyang mga magulang.
Iisa ang ama nina Tutankhamun at Ankhesenamun subalit ang ina ni Tutankhamun ay kamakailan lamang napag - alaman ng ebidensiiyang henetiko na isa sa mga kapatid na babae ni Akhenaten , na isang anak na babae ( na hindi pa nalalaman ang pangalan ) ni Amenhotep III.
Maaaring siya ay ipinanganak noong ika - 4 na taon ng pamumuno ni Akhenaten , at sa pagsapit ng ika - 12 taon ng paghahari ng kaniyang ama , nakapiling niya ang kaniyang tatlong mas nakababatang mga kapatid na babae.
Maaaring ginawa ni Akhenaten na maging kasamang rehiyente ( ko - rehiyente ) niya ang kaniyang asawa , at pinagawa niyang mailarawan ang kaniyang mag - anak na nasa estilong makatotohanan sa lahat ng mga opisyal na akdang pansining.
Tiyak ang pagkakakasal ni Ankhesenamun sa isang hari - siya ang Dakilang Maharlikang Asawa ng paraon na si Tutankhamun ( na siya nga ring kapatid niya sa magulang ).
Maaari rin na saglit siyang naging kasal sa kapalit ni Tutankhamun na si Ay , na pinaniniwalaan ng ilang mga dalubhasa bilang kaniyang lolo sa ina.
Pinaniniwalaan din na siya ay naging Dakilang Maharlikang Asawa ng kaniyang ama na si Akhenaten , pagkaraan ng maaaring pagkamatay ng kaniyang ina , at naging ko - rehiyente rin ng kaagad na kapalit ni Akhenaten na si Smenkhkare.
Daing ( isda )
Ang daing ay isang uri ng inasnan at tinuyong isda sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw.
Papa Gregorio IX
Si Papa Gregorio IX ( c.
1145 / 70 - 22 Agosto 1241 ) na ipinanganak na Ugolino di Conti ang papa ng Simbahang Katoliko Romano mula Marso 19 , 1227 hanggang sa kanyang kamatayan.
Siya ang kahalili ni Papa Honorio III at kanyang buong namana ang mga tradisyon ni Papa Gregorio VIII at ng kanyang pinsang si Papa Inocencio III ].
Masigasig niyang ipinagpatuloy ang kanilang patakaran ng supremasiyang pang - papa.
Oreamnos americanus
Ang bulubunduking kambing o mountain goat ( Oreamnos americanus ) , also at kilala rin bilang Rocky Mountain goat ay isang malaking may hoof na mamalyang matatagpuan lamang sa Hilagang Amerika.
Sa kabila ng pangalang bernakular nito , hindi ito kasapi ng henus na capra na henus ng mga tunay na kambing.
Ito ay nanatili sa mga matataas na lugar at hindi natutumbang umaakyat na kadalasang nagpapahinga sa mga mabatong talampas na hindi malalapitan ng mga maninila.
Krus na Pula ng Pilipinas
Ang Krus na Pula ng Pilipinas ( Ingles : Philippine Red Cross ) ay nagsimula noong 1947.
Miyembro ito ng Kilusang Pandaigdig ng Pulang Krus at Pulang Gasuklay.
Nagbibigay ito ng anim na pangunahing mga palingkuran : serbisyong may kaugnayan sa pagkalap at pamamahagi ng dugong panagip - buhay , pamamahala sa mga kapanahunan ng mga sakuna , mga palingkurang pangkaligtasan at pag - iingat , kalusugang pangkomunidad at pagaalaga ( narsing ) , palingkurang panlipunan , at mga serbisyong kusang - loob ( boluntaryo ).
Nogarole Rocca
Ang Nogarole Rocca ay isang comune sa lalawigan ng Verona sa bansang Italya.
Vienna
Ang Viena ( Aleman : Wien ; Inggles : Vienna ) ay ang kabisera ng Republika ng Austria at isa sa mga siyam na estado ng Austria.
Ang Viena ay ang pangunahing lungsod ng Austria , na may populasyon na tinatayang 1.7 milyon ( 2.4 milyon sa loob ng kalakhan , na mahigit sa 25 % ng populasyon ng Austria ) , at siyang pinakamataong lungsod sa Austria , maliban sa pagiging sentrong pangkultural , pang - ekonomiya at pampolitika nito.
Ito ang ika - 10 pinakamalaking lungsod sa Unyong Europeo.
Ang Viena ay himpilan ng maraming mga mahahalagang organisasyong pandaigdig , tulad ng mga Nagkakaisang Bansa at OPEC.
Ang Viena ay nasa bandang silangan ng Austria at malapit sa mga hangganan ng Republika Tseka , Eslobakya at Unggriya.
Ang mga rehiyong ito ay nagsasama bilang European Centrope border region ( " sa loob / gitna ng tali " ).
Kasama ng Bratislava ( kabisera ng Eslobakya ) , ang Viena ay bumubuo ng isang pinagsamang kalakhan na may 3 milyong naninirahan , at ang rehiyong ito ay tinatawag nga Twin City.
Noong 2001 , ang gitnang bahagi ng lungsod ay binansagang UNESCO World Heritage Site.
Schonbrunn Palace.
Belvedere Palace.
Albertina.
Naturhistorisches Museum.
Austrian Parliament.
The Vienna Secession.
Riesenrad.
Modern Vienna.
Ryugasaki , Ibaraki
Ang Ryugasaki ay isang lungsod sa Ibaraki Prefecture , bansang Hapon.
Palabaybayan ng Filipino
Tinatalakay ng artikulong ito ang palabaybayan ng Filipino , isang wikang Awstronesyo.
Dati - rati , walang pamantayang palabaybayan ang Filipino.