text
stringlengths
0
7.5k
Ito ay ang pinakamalaking relihiyon sa kasalukuyan sa buong daidig na may higit kumulang sa 2.1 bilyong taong kasapi nito.
Ang Kristiyanismo sa simulang kasaysayan nito noong mga maagang siglo nito ay hindi isang nagkakaisang kilusan ngunit binubuo ng mga pangkat na may mga magkakatunggaling pananaw na gumagamit ng mga iba 't ibang kasulatan.
Ang kanon ng Bagong Tipan ( na tinatanggap ng marami ngunit hindi lahat ng Kristiyano sa ngayon ) na nabuo lamang noong ika - 4 siglo CE ang kanon na pinagpasyahan ng isang pangkat ng Kristiyano.
Sa karagdagan , ang mga kasunduan sa teolohiya ay nabuo lamang sa mga Unang Pitong Konsilyo na nagsimula lamang noong ika - 4 siglo CE kung saan ang pangkat na nanalo sa mga halalang ito ang naging ortodoksiya.
Ang mga konsehong ito ay sinimulan ni Emperador Constantino upang maabot ang isang pagkakaisa ng mga magkakatunggaling sektang Kristiyano sa kanyang Imperyong Romano.
Sa mga konsehong ito na kinondena ng nanalong ortodoksiya ang kanilang mga katunggaling sektang Kristiyano na natalo sa mga halalang ito bilang mga eretiko.
Ang ortodoksiya ang ginawang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano ni Emperador Theodosius I at kanyang sinupil ang ibang mga sektang Kristiyano gayundin ang mga relihiyong pagano na katunggali ng ortodoksiyang ito.
Kalaunan , ang ortodoksiya ay nagkabaha - bahagi sa iba 't ibang mga pangkat dahil sa mga hindi mapagkasunduang doktrina.
Ang mga pagkakabaha - bahaging ito ay nagpapatuloy pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon dahil sa mga iba 't ibang magkakatunggaling interpretasyon tungkol sa tunay na kalikasan at mga katuruan ni Hesus.
Ang mga karamihan sa mga sektang ito ay nag - aangkin na sila ang isang totoong simbahang Kristiyano at ang ibang mga sektang Kristiyano ay hindi totoo.
Ang pangalang Kristiyano ( Griyegong Khristianos , " Christianos " Strong 's G5546 ) , ay may kahulugang " kabilang kay Kristo " o " pagmamay - ari ni Kristo " , na naging tawag para sa mga sinaunang disipulo sa lungsod ng Antioke na kilala rin bilang Antioque o Antioch ( Gawa 11 : 26 ).
Si San Ignacio ng Antioch ang unang gumamit ng " Kristiyanismo " ( Khristianismos , " Christianismos " ) bilang pangalan ng pananampalataya kay Kristo.
Sa diwa ng Kristiyanismo , kapag ginamit ang salitang Kristiyano - kasama at katulad ng mga katagang alagad , apostol , disipulo , mananampalataya , sumasampalataya , nanalig , o naniniwala - nagpapahiwatig ito ng pagtitiwala at pagsunod kay Hesukristo.
Ginamit ni Simon Pedro at Haring Agrippa ang katawagang Kristiyano.
Ang pinaniniwalaan ( ng mga Kristiyano ) na tagapagtatag ng Kristiyanismo na si Hesus ay pinaniwalaang ipinanganak sa Romanong Judea sa pagitan ng 7 BCE at 2 CE.
Ang Kristiyanismo ay nagsimulang kumalat mula sa Herusalem tungo sa mga lugar gaya ng Syria , Assyria , Mesopotamia , Phoenicia , Asia Minor , Jordan at Ehipto.
Ang Kristiyanismo ay ginawang opisyal na relihiyon ng estado ng Armenia noong 301 CE , Georgia noong 319 CE , Imperyong Aksumnite noong 325 CE at ng imperyo Romano noong 380 CE.
Ang mga kondisyon sa imperyo Romano ay nagpadali sa pagkalat ng mga bagong ideya.
Ang mga mahuhusay na lansangan at mga daanang pantubig ay pumayag sa madaling paglalakbay samantalang ang Pax Romana ay gumawa sa paglalakbay mula sa isang rehiyon tungo sa isa pa na ligtas.
Ang mga sinaunang Kristiyano ay nakaakay ng mga pamayanang Hudyo sa buong Dagat Meditteraneo.
Bagaman ang karamihan ng mga naakay sa Kristiyanismo ay mula sa Imperyo Romano , ang mga kilalang pamayanang Kristiyano ay itinatag rin sa Armenia , Iran at sa kahabaan ng Baybaying Malabar.
Ang bagong relihiyon na Kristiyanismo ay pinakamatagumpay sa mga lugar na urbano at kumalat muna sa mga alipin at mga tao na may mabababang mga katayuan sa lipunan.
Sa simula , ang Hudaismo at Kristiyanismo ayon sa mga iskolar ay hindi pa hiwalay at ang mga Kristiyano ay sumasambang kasama ng mga Hudyo na tinatawag ng mga historyan na Hudyong Kristiyano gaya ng mga Ebionita.
Ang mga Hudyong Kristiyano ang bumubuo sa karamihan ng mga Kristiyano sa unang siglo ng Kristiyanismo at sumusunod pa rin sa mga Kautusan ni Moises ayon sa Mga Gawa ng mga Apostol.
Gayunpaman , dahil ang mga ibang Kristiyano ay nagsimulang umakay sa mga hentil ( hindi Hudyo ) , nagkaroon ng alitan sa pagitan ng mga Kristiyano kung dapat pang sundin ng mga hentil ( hindi - Hudyo ) ang mga kautusan ni Moises.
Upang malutas ang mga magkakatunggaling pananaw tungkol sa Kautusan ni Moises , ang konseho ng Herusalem ay tinipon ng mga haligi ng iglesia ( simbahan ) na sina Pedro at Santiago ( Galacia 2 : 9 ).
Nagpasya si Santiago ang Makatarungan na ang mga hentil ( hindi - Hudyo ) ay maaaring maging mga Kristiyano nang hindi sumusunod sa ilang mga kautusan ni Moises gaya ng pagtutuli ngunit kailangan pa ring silang sumunod sa ilang mga kautusan ni Moises gaya ng paglayo sa mga pagkaing inihandog sa mga diyos - diyosan at binigti at dugo , imoralidad ... sapagkat ang kautusan ni Moises ay ipinapangaral sa bawat lungsod mula pa nang unang panahon at binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat ( Mga Gawa 15 : 20 - 21 ).
Gayunpaman , ayon Mga Gawa 16 : 3 - 4 , tinuli ni Pablo si Timoteo at sa pagtahak nila sa mga lungsod , ibinigay nila Pablo sa mga iglesia ang pinagpasiyahan ng mga apostol at ng mga nakakatanda sa konseho ng Herusalem na kanilang dapat sundin.
Ang alitan tungkol sa pagsunod sa Kautusan ni Moises ay hindi natapos sa konseho ng Herusalem.
Ayon sa Mga Gawa 21 : 17 - 25 , nabalitaan ng mga Hudyo patungkol kay Pablo , na tinuturuan mo ang lahat ng mga Hudyo na nasa mga hentil , ng pagtalikod kay Moises.
Sinabi mo na huwag tuliin ang kanilang mga anak , ni mamuhay ng ayon sa mga kaugalian ... Dalisayiin mo ang iyong sarili kasama nila.
Bayaran mo ang kanilang magugugol upang magpaahit sila ng kanilang mga ulo.
Upang malaman ng lahat na hindi totoo ang mga bagay na nabalitaan nila patungkol sa iyo.
At malalaman din na ikaw ay lumalakad ng maayos na tumutupad ng kautusan.
".
Ayon sa Galacia 2 : 11 - 14 , kinompronta at sinaway ni Pablo si Pedro dahil sa pamimilit ni Pedro sa mga hentil na sumunod sa kautusan ni Moises.
Taliwas sa pinagpasyahan sa Konseho ng Herusalem na bawal kainin ang pagkaing inihandog sa diyos - diyosan , binigti at dugo , isinaad ni Pablo sa 1 Corinto 10 : 25 , " anumang ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo ".
at sa 1 Corinto 8 : 4 - 8 ay " hindi tayo nagiging katanggap - tanggap sa Diyos sa pamamagitan ng pagkain ".
Ang pagkain ng mga inihandog sa diyos - diyosan ay ipinagbawal rin ni Hesus sa Pahayag 2 : 20,14.
Bagaman nakapasok sa kanon na Katoliko ang mga sulat ni Pablo , ang mga sulat na ito ay itinakwil ng mga Hudyong - Kristiyanong Ebionita na naniniwalang si Apostol Pablo ay isang natalikod at impostor na apostol.
Ang ilang mga pamayanang Kristiyano sa ikalawang siglo CE ay nagebolb sa isang mas may istrukturang hierarka na ang isang sentral na obispo ay may autoridad sa siyudad at humantong sa pagpapaunlad ng Obispong Metropolitan.
Ang organisasyon ng Simbahang Kristiyano ay nagsimulang gumaya sa organisasyon ng Imperyo Romano.
Ang mga obispo sa mga siyudad na mas mahalaga sa politika ay naglapat ng mas malaking autoridad sa mga obispo sa mga kalapit na siyudad.
Ang mga simbahan sa Antioquia , Alehandriya at Roma ang humawak ng pinakamatataas na mga posisyon.
Kabilang sa mga magkakatunggaling pananaw na Kristiyanong lumaganap noong ika - 2 siglo ang Marcionismo , Gnostisismo , Montanismo , Docetismo.
Si Marcion ang pinaniniwalang ang unang nagtipon ng isang kanon na binubuo lamang 11 mga aklat na isang Ebanghelyo ni Lucas at 10 sulat ni Pablo.
Ang ibang mga aklat nang kalaunang naging kanon ng Bagong Tipan ay itinakwil ni Marcion.
Si Irenaeus ang unang nagmungkahi ng pagtanggap lamang sa apat na ebanghelyo at nangatwiran laban sa mga ibang pangkat na Kristiyano na gumagamit ng mga ebanghelyo na kaunti o higit pa sa 4.
Kanyang binatikos ang Gnostisismo at itinakwil ang Ebanghelyo ng Katotohanan dahil sa nilalamang gnostiko nito.
Tinangka ni Victor na obispo ng Roma na ideklarang erehiya at itiwalag ang mga nagdiriwang ng paskuwa sa Nisan 14.
Bago ni Victor , may isang pagkakaiba sa petsa ng pagdiriwang ng Paskuwa sa pagitan ng mga obispo ng Asya menor at Kanluran.
Ipinagdiriwang ito ng mga simbahan sa Asya menor tuwing ika - 14 ng buwang Nisan ng mga Hudyo na araw bago ang paskuwa ng mga Hudyo nang hindi isinasaalang kung anong araw ng linggo ito mahulog na kanilang binatay sa Ebanghelyo ni Juan sa Juan 18 : 28 at Juan 19 : 14 - 15.
Ang kasanayang ito ay sinunod ni Policarpio na obispo ng Smyrna sa Asya ( na inangking alagad ni Apostol Juan ) gayundin ni Melito ng Sardis.
Salungat sa Ebanghelyo ni Juan , ang Marcos 14 : 12 - 18 , Mateo 26 : 17 - 21 at Lucas 22 : 8 ay nagsasaad na ang Huling Hapunan ang Seder na Paskuwa na isinasagawa ng mga Hudyo sa simula ng Nisan 15.
Ipinagdiriwang ng Kanluran ang Paskuwa tuwing linggo kasunod ng ika - 14 ng Nisan.
Ang mga synod ay idinaos sa Palestina , Pontus at Osrhoene sa silangan at Roma at Gaul sa kanluran na ang bawat isa ay nagpasyang ang pagdiriwang ng paskuwa ay dapat tuwing linggo.
Ang isang pagpupulong sa Roma ay idinaos na pinangasiwaan ni Victor at nagpadala ng liham kay Polycrates ng Efeso at mga simbahan sa probinsiya ng Asya.
Sa parehong taon , tinipon ni Polycrates ang isang pagpupulong sa Efeso na dinaluhan ng mga obispo sa buong probinsiya ng Asya at nagpasya silang sawayin si Victor at panatilihin ang kanilang tradisyon ng paskuwa.
Pinutol ni Victor ang kanyang kaugnayan sa mga obispong gaya nina Polycrates ng Efeso na sumalungat sa kanyang mga pananaw tungkol sa Paskuwa.
Ang isyu ng paskuwa ay sinagot sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE na nagpasyang ang paskuwa ay dapat idaos tuwing linggo kasunod ng buong buwan pagkatapos ng equinox na tagsibol.
Itinakwil rin ni Victor si Theodotus ng Byzantium dahil sa kanyang paniniwalang adopsiyonismo tungkol kay Kristo.
Naniwala si Theodotus na si Hesus ay ipinanganak bilang isang hindi - Diyos na tao at kalaunan lamang " inampon " ng Diyos sa kanyang bautismo at naging Diyos pagkatapos ng kanyang pagkabuhay muli.
Isinaad ni Duffy na noong ikatlong siglo CE , ang obispo sa Roma ay nagsimulang umasal bilang korte ng pag - aapela sa mga problema na hindi malutas ng ibang mga obispo sa ibang mga siyudad.
Ang ilang mga Kristiyano na humahawak ng paniniwalang proto - ortodokso na kilala bilang mga ama ng simbahan ay nagsimulang maglarawan ng mga katuruan nito bilang pagsalungat sa ibang mga pangkat ng Kristiyano gaya ng Gnostisismo.
Hindi katulad ng karamihan ng mga relihiyon sa Imperyo Romano sa panahong ito , ang mga Kristiyano ay inaatasan na magtakwil ng ibang mga diyos na isang kasanayang minana mula sa Hudaismo.
Ang pagtanggi ng mga Kristiyano na lumahok sa mga pagdiriwang na pagano ay nangangahulugang hindi nito magawang makilahok sa karamihan ng buhay pampubliko na nagtulak sa mga hindi Kristiyano kabilang ang pamahalaan ng Imperyo Romano na matakot na ginagalit ng mga Kristiyano ang mga diyos at nagiging banta sa kapayapaan at kasaganaan ng imperyo.
Sa karagdagan , ang pagiging malapit ng mga lipunang Kristiyano at pagiging masikreto sa mga kasanayan nito ay lumikha ng mga tsismis na ang mga Kristiyano ay nagsasagawa ng insesto at kanibalismo.
Ito ay nagresulta sa mga pag - uusig na Romano sa mga Kristiyano na karaniwan ay lokal at bihira bago ang ikaapat na siglo CE.
Ang isang sunod sunod na mas sentral na organisadong mga pag - uusig sa Kristiyano ay lumitaw noong ikatlong siglo nang inatas ng mga emperador na ang mga krisis sa militar , pampolitika at pang - ekonomiya ng imperyo ay sanhi ng galit ng mga diyos.
Ang lahat ng mga mamamayan ay inatasang maghandog sa mga diyos o kundi ay paparusahan.
Ang mga Hudyo ay hindi isinama hangga 't nagbabayad ang mga ito ng fiscus Judaicus ( buwis ng Hudyo ).
Ang ilang mga kristiyano ay pinaslang , lumisan sa imperyo o tumakwil sa kanilang paniniwalang Kristiyano.
Ang mga hindi pagkakasunduan sa papel sa Iglesia ( kung meron man ) na dapat magkaroon ang mga tumalikod na ito ay humantong sa mga paghahati ng mga Donatista at Novatianista.
Ang mga relasyon sa pagitan ng pamayanang Kristiyano at Imperyo Romano ay hindi konsistente : Ninais na Tiberius na ilagay ang Kristo sa panteon ng mga diyos at tumanggi sa simula na usigin ang mga Kristiyano.
Ang ilang mga emperador ay umusig sa mga Kristiyano ngunit ang iba gaya nina Commodus at iba pa ay pumapabor sa mga Kristiyano.
Noong Abril 311 CE , si Galerius na nakaraang nangungunang pigura sa mga pag - uusig ng mga Kristiyano ay naglabas ng isang kautusan na pumapayag sa pagsasanay ng relihiyong Kristiyano sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Mula 313 hanggang 380 CE , ang Kristiyanismo ay nagtamasa ng isang katayuan bilang isang legal na relihiyon sa loob ng Imperyo Romano.
Noong 380 CE , Ang Kristiyanismo ang naging relihiyong pang - estado ng Imperyo Romano.
Ayon sa mga manunulat na Kristiyano , nang maging emperador si Dakilang Constantino I ng Kanlurang Imperyo Romano noong 312 CE , kanyang itinuro ang kanyang pagkapanalo sa isang labanan sa diyos ng Kristiyanismo.
Inangkin ng mga sangguniang Kristiyano na si Constantino I ay tumingin sa araw bago ang labanan sa tulay na Milvian at nakita ang isang krus ng liwanag sa itaas nito na may mga salitang " EN TOUTO NIKA " ( " sa pamamagitan nito , sumakop ! " ).
Iniutos ni Constantino sa kanyang mga hukbo na palamutian ang kanilang mga kalasag ng isang simbolong Kristiyano ( Chi Ro ) at pagkatapos nito ay nanalo sa labanan.
Pagkatapos ng labanan sa tulay ng Milvian , ang bagong emperador na Constantino I ay hindi pumansin sa mga dambana ng mga diyos na Romano sa Capitolino at hindi rin nagsagawa ng mga handog ayon sa kustombreng Romano upang ipagdiwang ang pagpasok ng pagwawagi sa Roma.
Sa halip nito , siya ay tuwirang tumungo sa palasyo ng emperador.
Gayunpaman , ang karamihan ng mga maimpluwensiyal na tao sa imperyo Romano lalo na ang mga opisyal ng militar ay hindi nagpaakay sa Kristiyanismo at nanatiling lumalahok sa relihiyon ng Sinaunang Roma.
Sa pamumuno ni Constantino I , kanyang sinikap na pahupain ang mga paksiyong ito na hindi Kristiyano.
Ang mga salaping Romano na inilimbag hanggang 8 taon pagkatapos ng labanan sa tulay na Milvian ay naglalaman pa rin ng mga imahen ng mga Diyos na Romano Ang mga monumentong unang kinomisyong itayo ni Constantino I gaya ng Arko ni Constantino ay hindi naglalaman ng anumang reperensiya sa Kristiyanismo.
Sa halip , ang mga munting estatwa ng Diyos na Romanong si Sol Invictus na dala dala ng mga tagapagdala ng pamantayan ay lumilitaw sa tatlong lugar sa mga relief ng Arko ni Constantino.
Ang mga opisyal na barya ni Constantino I ay patuloy na naglalaman ng mga imahen ni Sol Invictus hanggang noong 325 / 6 CE.
Kasama ng emperador ng Silangan Imperyo Romano na si Licinius , si Constantino ay naglabas ng Kautusan ng Milan na nag - atas ng pagpayag ng lahat ng mga relihiyon sa imperyo kabilang ang mga tradisyonal na relihiyong Romano at ang Kristiyanismo.
Ang kautusang ito ay humigit din sa mas maagang Kautusan ni Galerius noong 311 dahil sa pagbabalik nito ng mga kinumpiskang mga pag - aari ng Simbahang Kristiyano.
Gayunpaman , ang atas na ito ay may kaunting epekto sa mga saloobin ng tao.
Ang mga bagong batas ay nilikha upang isabatas ang ilan sa mga paniniwala at kasanayang Kristiyano.
Ang pinakamalaking epekto sa Kristiyanismo ni Constantino ang kanyang pagtangkilik sa relihiyong ito.
Siya ay nagkaloob ng malalaking regalo ng mga lupain at salapi sa simbahan at nag - alok ng mga eksempsiyon sa buwis at iba pang mga legal na katayuan sa mga pag - aari ng simbahan at mga tauhan nito.
Ang pinagsamang mga regalong ito at ang mga kalaunan pang regalo ni Constantino sa simbahan ay gumawa sa simbahan na pinakamalaking may ari ng lupain sa Kanluranin noong ikaanim na siglo CE.
Ang karamihan sa mga regalong ito ay pinondohan sa pamamagitan ng malalang mga pagbubuwis sa mga kultong pagano.
Ang ilang mga kultong pagano ay pinwersang tumigil sa kawalan ng mga pondo.
Nang ito ay mangyari , pinalitan ng simbahang Kristiyano ang nakaraang papel ng mga kulto sa pagkalinga sa mga mahihirap ng lipunan.
Sa isang repleksiyon ng tumaas na katayuan ng kaparian sa imperyo Romano , ang mga ito ay nagsimulang magsuot ng kasuotan ng mga sambahayan ng mga marharlika.
Sa paghahari ni Emperador Constantino I , ang tinatayang kalahati ng mga Kristiyano ay hindi sumusunod sa kalaunang nagwaging bersiyon ng Kristiyanismo at may pagkakaiba iba sa mga paniniwala ang mga Kristiyano.