text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Noong 331 CE , kinomisyon ni Emperador Constantino si Eusebio ng Caesarea na maghatid ng 50 bibliya para sa Simabahn ng Constantinople.
|
Itinala ni Atanasio na ang mga 40 skribang Alehandriyano ay naghanda ng mga bibliya para kay Constans.
|
Pinaniniwalaang ang mga bibliyang inutos ni emperador Constantino ang naging dahilan upang likhain ang mga kanon.
|
Noong 367 CE , si Atanasio na obispo ng Simbahan ng Alehandriya at tagapagtaguyod ng pananampalatayang Niceno ay nagbigay ng listahan ng eksaktong parehong mga aklat na naging 27 aklat na kanon ng Bagong Tipan at kanyang ginamit ang salitang " kanonisado " ( kanonizomena ) tungkol sa mga ito.
|
Pinaniniwalaan ng ilan na sa Konseho ng Roma noong 382 CE nang i - atas ng Obispo ng Roma na si Papa Damaso I ang kanon na nagtatala ng mga tinanggap na aklat ng Lumang Tipan ( kasama ang Deuterokanoniko ) at 27 aklat ng Bagong Tipan.
|
Gayunpaman , ang talaan ni Damaso ( na isinaad na nagmula sa Konseho ng Roma ) na isinama sa pseudepigrapikal na Decretum Gelasianum ay maaring hindi mula kay Damaso.
|
Noong 391 CE , kinomisyon ni Papa Damaso I si Jeronimo na isalin ang Lumang Tipan sa Latin na tinawag na Vulgata.
|
Ang mga pinakamaagang salin ni Jeronimo ng Lumang Tipan ay batay sa mga rebisyon ni Origen ng Septuagint ngunit kalaunang direktang bumase sa orihinal na tekstong Hebreo na iba sa Septuagint sa maraming mga lugar.
|
Ang kanyang desisyon na gumamit ng tekstong Hebreo sa halip na nakaraang isinaling Septuagint ay sumalungat sa payo ng karamihang ibang mga Kristiyano kabilang si Agustin ng Hipona na naniwalang ang Septuagint ay kinasihan ng Diyos.
|
Gayunpaman , ang mga modernong skolar ay nagdududa sa aktuwal na kalidad ng kaalamang Hebreo ni Jeronimo.
|
Ang mga modernong skolar ay naniniwalang ang Griyegong Hexapla ang pangunahing sanggunian para sa saling " iuxta Hebraeos " ni Jeronimo ng Lumang Tipan.
|
Itinakwil rin ni Jeronimo ang apokripa.
|
Gayunpaman , ang kanyang mga pananaw ay hindi nanaig.
|
Noong 393 CE sa Synod ng Hipona , ang Septuagint ( kasama ng Deuterokanoniko at 27 aklat ng Bagong Tipan ) ay pinaniniwalaang kinanonisa dahil sa impluwensiya ni Agustin ng Hipona.
|
Si Agustin ng Hipona ay naghayag na ang isa ay " magnanais ng mga tinatanggap ng lahat ng mga Simbahang Katoliko kesa sa mga hindi tinatanggap ng ilan sa kanila ".
|
Isinaad ni Augstin na ang mga sumasalungat na simbahan ay dapat mas higitan sa timbang ng mga opinyon ng mas marami at mas matimbang na mga simbahan.
|
Epektibong pinwersa ni Augustin ang kanyang opinyon sa Simbahan sa pamamagitan ng pag - uutos ng tatlong mga synod tungkol sa kanonisidad : Ang synod ng Hipona ( 393 CE ) , synod ng Carthage ( 397 CE ) at isa pa sa Carthage ( 419 CE ).
|
Ang mga synod na ito ay tinipon sa ilalim ng kapangyarihan ni Agustin ng Hipona na tumuring sa kanon bilang sarado na.
|
Ang unang konseho na tumanggap ng kasalukuyang kanon ng mga aklat ng Bagong Tipan ay maaaring ang Synod ng Hipona sa Hilagang Aprika noong 393 CE.
|
Kalaunang kinumpirma sa Mga Konseho ng Carthage noong 397 CE at 419 CE ang aksiyong kinuha sa Synod ng Hipona na muli ay dahil sa malaking impluwensiya ni Agustin ng Hipona.
|
Ang Aklat ng Pahayag ay idinagdag sa talaan noong 419 CE.
|
Ang kontrobersiya ay hindi natapos dito at hindi lahat ng mga Kristiyano ay tumatangap sa naging kanon na 27 aklat ng Bagong Tipan.
|
Ang kanon ng Bagong Tipan ng Bibliyang Peshitta ng Kristiyanismong Syriac ay naglalaman lamang ng 22 aklat at hindi kasama rito ang 2 Pedro , 2 Juan , 3 Juan , Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag.
|
Ang kanon na may 22 aklat ng Bagong Tipan ang binanggit nina Juan Crisostomo at Theodoret mula sa eskwelang Antioquia.
|
Ang kanon ng Bagong Tipan ng Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo ay naglalaman naman ng 35 aklat.
|
Tinangkang alisin ni Martin Luther ( 1483 - 1546 ) sa kanon ng Bagong Tipan ang Sulat sa mga Hebreo , Sulat ni Santiago , Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag.
|
Gayunpaman , ito ay hindi pangkalahatang tinatanggap ng kanyang mga tagasunod.
|
Ang mga aklat na ito ay nilagay sa huli ng Bibliyang Luther hanggang sa kasalukuyan.
|
Inilipat rin ni Luther ang mga deuterokanoniko sa isang seksiyong kanyang tinawag na apokripa.
|
Sa De Canonicis Scripturis ng Konseho ng Trent ( 1545 - 1563 ) na pumasa sa isang boto ( 24 oo , 15 hindi , 16 nangilin ) noong 1546 , kinumpirma ng Konseho na ang mga aklat na deuterokanoniko ay kalebel ng ibang mga aklat ng kanon ng Lumang Tipan.
|
Winakasan rin ng konseho ang debate sa antilegomena ng Bagong Tipan.
|
Pagkatapos ng Konseho ng Efeso noong 431 CE , ang Iglesiang Assyrian ng Silangan ay humiwalay sa ibang mga obispo ng simbahan sa Bizantino.
|
Ang konsehong ito ay ipinatawag ng mga obispo upang lutasin at talakayin ang mga paniniwala ng mga Nestorian na isinulong ni Nestorio na Patriarka ng Constantinople noong 428 - 431 CE.
|
Ang doktrina ni Nestorio ay nagbibigay - diin sa hindi pag - iisa ng kalikasang tao at diyos ni Hesus.
|
Sa ibang salita , ang Nestorianismo ay nagtuturong si Hesus ay umiral bilang dalawang natatanging kalikasan na isang taong Hesus at isang diyos na anak ng diyos sa halip na pinag - isang persona at kaya ay tumutol rin sa paggamit ng Theotokos ( Ina ng Diyos ) para kay Maria na ina ni Hesus at sa halip ay gumamit ng Christotokos ( Ina ni Kristo ).
|
Ang mga katuruang ito ni Nestorio ang nagdulot sa kanya sa pakikipag - alitan sa ibang mga mahalagang pinuno ng Iglesia na ang pinakilala dito ay si Cirilo ng Alehandriya.
|
Si Nestorio at ang kanyang mga katuruan ay kalaunang kinondena ng Konseho ng Efeso noong 431 CE gayundin sa Konseho ng Chalcedon noong 451 CE.
|
Ang pagkondenang ito sa Konseho ng Efeso ang nagtulak sa ibang mga simbahan ng Kristiyanismo na sumusuporta sa katuruan ni Nestorio na humiwalay sa Simbahan sa Bizantino.
|
Ang mga simbahang ito na humiwalay ay naging Simbahan ng Silangan.
|
Sa Konseho ng Chalcedon na nasa Constantinople noong 451 CE , ang di pagkakasunduan ay nabuo sa pagitan ng karamihan ng mga obispo sa mga sakop ng Kristiyano at sa mga obispo na nakatalaga sa Ethiopia , Alehandriya , Armenia , Syria at India hinggil sa paglalarawan ng pagkatao at pagkadiyos ni Hesus.
|
Ang pakikipag - hiwalay ay dulot sa isang bahagi ng pagtanggi ni Papa Dioscoro I ng Alehandriya na Patriarka ng Alehandriya na tanggapin ang dogma na pinalaganap ng Konseho ng Chalcedon na si Hesus ay may dalawang kalikasan na isang diyos at isang tao sa isang persona.
|
Ang pananaw ni Dioscoro ay sumusunod sa pananaw ni Cirilo ng " isang kalikasan ng Diyos na Salitang naging tao " na nangangahulugang pagkatapos ng pagkakatawang ni Kristo , ang kanyang pagkaDiyos at pagkatao ay buong nagkakaisa sa isang kalikasan kay Kristo.
|
Isinaad ni Dioscoro na hindi niya tinatanggap " ang dalawang mga kalikasan pagkatapos ng pagkakaisa " ngunit hindi siya tumututol sa " mula sa dalawang mga kalikasan pagkatapos ng pagkakaisa ".
|
Para sa mga pinuno o hierarka na naging pinuno ng Ortodoksong Oriental , ang pananaw ng Konseho ng Chalcedon ay katumbas ng pagtanggap sa Nestorianismo.
|
Ang Konseho ng Chalcedon ay kumondena sa posisyon ni Dioscoro na kanilang inalis sa tungkulin at pinatapon.
|
Ang mga humiwalay na simbahan at tumakwil sa Konseho ng Chalcedon na tinatawag na Kristiyanismong hindi - Chalcedoniano ang mga Simbahang Oriental na Ortodokso.
|
Ang sektang Oriental na Ortodokso sa kasalukuyang panahon ay kinabibilangan ng Coptikong Simbahan ng Ehipto , Etiopianong Ortodoksong Simbahang Tewahedo , Simbahang Ortodoksong Syriac , Simbahang Armenianong Ortodokso , at Simbahang Malankara ( Indian ) Ortodokso.
|
Si Dioscoro ay namatay sa pagkakatapon noong 454 CE.
|
Pinahintulutan ng emperador ang paglalagay ng obispo ( partiarka ) na Alehandriyanong si Proterio na humalili sa sede ( diocese ) ng Alehandriya , Ehipto.
|
Ang pagkahirang kay Proterio na isang Chalcedoniano ay humantong sa pagkakabahagi sa pagitan ng hindi - Chalcedonianong Koptikong Ortodoksong Simbahan ng Alehandriya at Chalcedonianong Simbahang Ortodoksong Griyego ng Alehandriya na hindi kailanman na nalutas.
|
Kalaunan , ang mga Kristiyano sa Alehandriya na sumusuporta kay Dioscoro ay naghimagsik sa hinirang na dayuhang obispo.
|
Pinagsasaksak ng mga Kristiyanong Alehandriyano si Proterio , kanilang kinaladkad ang kanyang bangkay sa buong lungsod at pinagpuputol - putol ang kanyang bangkay at sinunog at ikinalat ang mga abo nito sa hangin.
|
Si Proterio ay hinalinan ng hindi - Chalcedonianong si Papa Timoteo II ng Alehandriya ngunit noong 460 CE ay pinatalsik ng Emperador na naglagay sa Chalcedonianong si Timoteo III bilang Patriarka.
|
Ang mga Alehandriyanong Kristiyano na hindi - Chalcedoniano ay tumugon sa pamamagitan ng muling paglalagay sa katunggaling patriarkang hindi - Chalcedoniano na si Papa Timoteo II ng Alehandriya.
|
Ang pinakamahalagang pagkakabahagi ay naganap noong 1054 CE na nagdulot ng matinding pinsala sa pagkakaisa ng Kristiyanismong Chalcedoniano.
|
Ito ay resulta sa ilang siglo na pagkakaibang kultural ( o teolohikal ) sa pagitan ng Silangan ( Bizantino ) at Kanlurang bahagi ng Iglesiang Kristiyano.
|
Ito ay nangyari nang itiwalag ng papa sa Roma ang patriarka ng Bizantino at itiniwalag naman nang patriarka ng Bizantino ang papa sa Roma.
|
Ang pagkakabahagi ay sanhi ng pag - aangkin na ang papa sa Roma ang pangkalahatang autoridad sa buong mga kristiyano.
|
Kabilang din sa mga pinag - talunan ng mga ito ang araw na isasagawa ang easter , kung ang purgatoryo ay tamang konsepto , kung ang may lebadura o walang lebadurang tinapay ay ihahandog bilang komunyon at kakainin sa mga banal na araw gayundin ang katayuan ng banal na espiritu.
|
Ang mga Kristiyanong Bizantino ay naniwalang ang banal na espiritu ay nagmula " lamang " sa Diyos Ama samantalang ang Kanlurang simbahan na nakabase sa Roma ay naniwalang ang banal na espiritu ay nagmula sa parehong Ama at Anak.
|
Ang Silangang Kristiyanismo ay tinawag na Simbahang Silangang Ortodokso at ang Kanluraning Kristiyanismo ang naging Simbahang Katoliko Romano.
|
Noong ika - labing anim na siglo ( 1517 - 1648 ) , Ang Repormasyong Protestante ay nagsanhi ng pagkakabahagi ng Kristiyanismo sa sektang Protestante , Calvinismo , Anabaptismo , Lutheranismo , Anglikanismo at iba pa mula sa Romano Katolisismo.
|
Sa kalaunan , ang mga sektang ito ay nagkabaha - bahagi pa sa iba 't ibang mga sekta ng Kristiyanismo.
|
Pagkatapos ng pagbagsak ng imperyo Romano noong 476 CE , ang Simbahang romano katoliko ay nakipagtunggali sa Arianismo sa pang - aakay ng mga tribong barbarian.
|
Ang kombersiyon ng paganong haring si Clovis sa Kristiyano ay nakakita ng pagsisimula ng isang patuloy na pag - akyat ng Kristiyanismo sa Kanluranin.
|
Noong 530 , isinulat ni Benedicto ng Nursia ang isang gabay na praktikal sa buhay ng pamayanang monastiko.
|
Ang mensahe nito ay kumalat sa mga monasteryo sa buong Europa.
|
Sa simula ng ikawalong siglo CE , ang ikonoklasmong Bizantino ay naging pangunahing pinagmulan ng alitan sa pagitan ng mga simbahang Silanganin at Simbahang Kanluranin.
|
Ipinagbawal ng mga emperador na Bizantino ang paglikha at benerasyon ng mga larawang relihiyoso o mga imahe bilang paglabag sa ikalawang utos ng Hudaismo na Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit , nasa lupa , o nasa tubig upang sambahin.
|
Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos.
|
Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ( Aklat ng Exodo 20 : 4 - 5 ).
|
Para sa mag ikonoklasto ( anti - ikono ) , ang tanging tunay na imahe ay dapat eksaktong wangis ng prototipo na parehong substansiya na kanilang itinuturing na imposible dahil ang kahoy at mga imahe ay hindi naglalaman ng espirito at buhay.
|
Para sa mga anti - ikono , ang tanging tunay na ikono ni Hesus ang Eukarista na katawan at dugo ni Kristo.
|
Si Papa Gregorio III ay hindi umayon.
|
Bilang tugon sa mga ikonoklasto , ang mga ikonodulo ( pro - ikono ) ay nangatwirang inutos ng Diyos kay Moises na gumawa ng dalawang mga estatwa ng kerubin sa Arko ng tipan ( Exodus 25 : 18 - 22 ) at burdahan ang kurtina ng tabernakulo ng mga kerubin ( Exodo 26 : 31 ).
|
Sa karagdagan , kanila ring ikinatwiran na ang mga idolo ay kumakatawan sa mga taong walang realidad samantalang ang mga ikono ay naglalarawan ng mga tunay na persona.
|
Samakatuwid sa kanilang pananaw , ang lahat ng mga imahe na hindi ng kanilang pananampalataya ay mga idolo at ang lahat ng mga imahe ng kanilang pananampalataya ay mga ikonong pinapipitagan na maihahambing sa kasanayan sa Lumang Tipan ng paghahandog lamang ng mga handog sa Diyos ng Hudaismo at hindi sa ibang mga Diyos ng ibang relihiyon.
|
Ang Simbahang Kanluranin ay nanatiling matibay sa pagsuporta nito sa paggamit ng mga imahe sa panahong ito na humantong sa malaking paghahati ng mga tradisyong simbahang Silanganin at Simbahang Kanluranin.
|
Ang Konseho ng Hieria ay tinipon ng emperador na Bizantinong si Constantino V noong 754 CE na nagpatibay sa posisyong ikonklasto ( anti - ikono ) ng emperador.
|
Ideneklara ng konseho ng Hieria ang sarili nito bilang ang ikapitong konsehong ekumenikal ngunit ito ay hindi tinatanggap ng Silangang Ortodokso at Romano Katoliko.
|
Ang bagong emperatris na si Irene ay tumawag sa Ikalawang Konseho ng Nicaea noong 787 na muling bumuhay sa benerasyon ng mga ikono sa Simbahang Silanganin na muling nagsanhi ng pagkakaisa ng Simbahangang Silanganin sa Simbahang Kanluranin.
|
Ideneklara ng Ikalawang Konseho ng Nicaea ang sarili nito bilang ang ikapitong konsehong ekumenikal.
|
Sa pagtatapos , ang 300 mga obispo na pinangunahan ng mga kinatawan ni Papa Adriano I ay tumangap sa katuruan ng Papa na pabor sa mga ikono.
|
Gayunpaman , ang Konseho ng Constantinople noong 815 ay idinaos na muling nagbabalik ng pagbabawal sa mga ikono at tumatakwil sa desisyon ng mas maagang Ikalawang Konseho ng Nicaea at muling nagpapatibay ng desisyom ng Konseho ng Hieria.
|
Sa koronasyon ni Carlomagno ni papa Leo III noong 800 , ang kapapahan ay nagkamit ng bagong protektor sa kanluran.
|
Ito ay nagpalaya sa mga papa mula sa kapangyarihan ng emperador sa Constantinople.
|
Ito ay humantong sa paghahating Silangan - Kanluran dahil ang mga emperador at ang mga patriarka ng Constantinople ay nagbigay kahulugan sa kanilang mga sarili na mga tunay na inapo ng imperyo Romano na may petsang bumabalik sa mga pagsisimula ng simbahan.
|
Tumanggi si Papa Nicholas II na kilalalin ang Patriarkang Photios I ng Constantinople na umatake naman sa papa bilang eretiko dahil pinanatili nito ang filioque sa kredo na tumutukoy sa banal na espirito na nagmumula sa diyos ama at anak.
|
Ang kapapahan ay napalakas sa pamamagitan ng kanyang mga bagong alyansa na lumikha ng bagong problema para sa mga papa nang sa kontrobersiyang imbestitura , ang mga humaliling emperador ay naghangad na hirangin ang mga obispo at kahit ang panghinaharap na mga papa.
|
Pagkatapos ng disintegrasyon ng imperyo ni Carlomagno at paulit ulit na pananakop ng mga pwersang Islamiko , ang kapapahan nang walang anumang proteksiyon ay pumasok sa yugto ng isang malaking kahinaan.
|
Ang repormang Cluniac ng mga monasteryo na nagsimula noong 910 ay naglagay sa mga abbot sa ilalim ng direktang kontrol ng papa kesa sa sekular na kontrol ng mga panginoong feudal.
|
Sa ikalabingisang siglo CE , ang Paghahating Silangan - Kanluran ay permanenteng naghati sa Kristiyanismo.
|
Ito ay lumitaw sa isang alitan kung ang Constantinople o Roma ay may hurisdiksiyon sa Sicily at humantong sa mga mutual na pagtitiwalag ng papa sa patriarka at ng patriarka sa papa noong 1054.
|
Mula nito , ang Kanluran ( Latin ) na nasa Roma na sangay ng Kritiyanismo ay naging Romano Katoliko samantalang ang Silanganing ( Griyego ) na nasa Constantinople sangay ay naging Simbahang Silangang Ortodokso.
|
Ang ikalabingisang siglo CE ay nakakakita ng kontrobersiyang imbestitura sa pagitan ng emperador at papa sa karapatan na gumawa ng mga paghirang ng simbahan na isang pangunahing yugto ng paglalaban sa pagitan ng estado at simbahan sa mediebal na Europa.
|
Ang kapapahan ang mga nanalo sa simula ngunit dahil ang mga Italyano ay nahati sa pagitan ng mga Guelph at Ghibelline sa mga paksiyon na kadalasang ipinapasa sa pamamagitan ng mga pamilya o estado hanggang sa wakas ng Gitnang Panhon , ang alitan ay unti unting nagpahina sa kapapahan.
|
Inilunsad ni Papa Urban II ang Unang Krusada noong 1095 nang makatanggap ito ng apela mula sa emperador na Byzantine na si Alexius I Komnenos upang pigilan ang mga pananakop ng Turko.
|
Si papa Urban II ay naniwala na ang Krusada ay makakatulong upang magdulot ng rekonsilyasyon sa Silanganing Kristiyanismo.
|
Ang sermon ni Urban II as Clermont ang simula ng walong buwang pangangaral na isinagawa ng papa sa buong Pransiya na humihimok ng banal na digmaan at humimok sa mga Kristiyano na ipagtanggol ang Byzantine laban sa mga Muslim.
|
Siya ay nagpadala rin ng mga mangangaral sa buong Kanluraning Europa upang ipalaganap ang tungkol sa Krusada.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.