text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang pangangaral na ito ni Urban II ay humimok ng isang pagsiklab ng karahasan laban sa ma Hudyo.
|
Sa Pransiya at Alemanya , ang mga Hudyo ay nakita na mga kaaway ng mga Kristiyano gaya ng mga Muslim at pinaniniwalaang responsable sa pagpapapako kay Hesus.
|
Ang sunod sunod na mga kampanyang militar na tinatawag na mga krusada ay nagsimula noong 1096.
|
Ang mga ito ay nilayon upang ibalik ang Banal na Lupain ( Israel ) sa kontrol ng mga Kristiyano.
|
Ang layuning ito ay hindi naisakatuparan at ang mga episodyo ng brutalidad na isinagawa ng mga hukbo ng parehong panig ay nag - iwan ng isang legasiya ng mutual na kawalang pagtitiwala sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano.
|
Ang mga nagkrusada ay nabigo na magtatag ng mga permanenteng estadong Kristiyano sa Banal na Lupain.
|
Ang pagsalakay sa Constantinople noong Ikaapat na Krusada ay nag - iwan sa mga Kristiyano sa Silanganin na mapoot sa kabila ng pagbabawal ni Papa Inosento III ng anumang gayong pag - atake.
|
Noong 1199 , kasunod ng Ikatlong Krusada , inatas ni Inosente III na palayain ng mga nagpautang na Hudyo ang mga nagkrusada.
|
Maraming mga nagkrusada ay nangailangan mangutang sa mga Hudyo upang bumili ng mga sandata para sa Krusada.
|
Ang batas sa Pransiya noong ika - 13 siglo ay nagrereplekta sa mga pagsisikap ng Simbahang Katoliko na buwagin ang mga pagpapautang ng mga Hudyo.
|
Ang patakarang ito ay may malalang epekto sa mga Hudyo ng Pransiya dahil ang pagpapautang ang isa sa kakaunting tanging mga bukas na trabaho para sa kanila.
|
Ang papa ay tumawag rin ng panloob na Krusada laban sa mga hindi mananampalataya ng Katolisismo , lalo na ang mga heretiko ng katimugang Pransiya.
|
Ang masaker ng mga libo libong heretiko sa Bezier , Pransiya noong 1209 ay humantong sa pagmamasaker ng mga 800 Hudyo.
|
Ang Ikaapat na Krusada na may autorisasyon ni Papa Inosente III noon 1202 na nilayong muling kunin ang Banal na Lupain ay sandaling pinabagsak ng mga Venetian na gumamit ng mga pwersa upang salakayin ang siyudad na Kristiyano ng Zara.
|
Kalaunan , ang mga nagkrusada ay dumating sa Constantinople ngunit sa halip na tumuloy sa Banal na Lupain ay sinalakay ang Constantinople at ibang mga bahagi ng Asya menor na nagtatag ng Imperyong Latin ng Constantinope sa Gresya at Asya minor.
|
Noong 2001 , si Papa John Paul II ay humingi ng tawad para sa mga kasalanan ng Katoliko kabilang ang pagsalakay sa Constantinope noong 1204.
|
Ang mga impluwensiya at reporma ng mongheng Cistercian na si Bernard ng Clairvaux ay nagtulak kay Papa Alexander III na magpasimula ng mga reporma na humantong sa pagkakatatag ng batas na kanon ng Romano Katoliko.
|
Noong ikalabingdalawang siglo , ang Pransiya ay nakasaksi ng paglago ng Catharismo sa Languedoc , Pransiya.
|
Ang Catharismo ay isang sektang Kristiyano na may pilosopiyang neo - manichean.
|
Pagkatapos na akusahan ang mga Cathar ng pagpatay sa isang legato ng papa noong 1208 , si Papa Inosente III ay nagdeklara ng Krusadang Albigensian na nag - aalok ng mga lupain ng mga heretikong Cathar sa sinumang Maharlikang Pranses na makikidigma sa mga Cathar.
|
Ang karahasan nito ay humantong sa pagkakamit ng Pransiya ng mga lupain na may malapit na ugnayang pampolitika at kultural sa Catalonia ..
|
Ang Inkisisyon ay itinatag sa Toulouse noong Nobyembre 1229 at ang mga natirang mga elemento ng Catharismo ay nilipol sa rehiyon.
|
Ang inkisisyong ito ay pumaslang sa aberahang tatlong katao kada taon sa tugatog nito.
|
Sa paglipas ng panahon , ang mga inkisisyon ay inilunsad ng mga pinuno ng Romano Katoliko upang usigin ang mga heretiko , upang tumugon sa banta ng pananakop ng mga Moor o para sa mga layuning pampolitika.
|
Ang mga nilitis ay hinikayat na bawiin ang kanilang heresiya at ang mga tumanggi ay pinarusahan ng mga pangungumpisal , mga multa , mga pagkabilanggo , pagpapahirap o pagpatay sa pamamagitan ng pagsunog.
|
Sa isang liham mula sa mga Consul ng Carcassone noong 1285 kay Jean Garland , inilarawan ito ng isang inkwisitor na :.
|
Ang mga kondemnasyon noong 1210 - 1277 ay isinabatas sa mediebal na Unibersidad ng Paris upang limitahan ang ilang mga katuruan na heretikal.
|
Ang mga ito ay kinabibilangan ng ilang mga mediebal na katuruang teolohikal ngunit ang isa pinakamahalaga ang mga tratadong pisikal ni Aristotle.
|
Ang mga imbestigasyon ng mga katuruang ito ay isinagawa ng mga obispo ng Paris.
|
Ang tinatayang 16 na mga talaan ng mga hindi inaprobahang tesis ay inisyu ng Unibersidad ng Paris noong mga ika - 13 at ika - 14 siglo.
|
Ang mga talaan ng proposiyong ito ay tinipon sa isang sistematikong mga kalipunan ng mga pinagbawal na artikulo.
|
Sa huli at simula ng ikalabinglima at ikalabinganim na mga siglo CE , ang mga misyong Europeo at mga maglalayag ay nagpakalat ng Romano Katolisismo sa mga Amerika , Asya , Aprika at Oceania.
|
Si Papa Alexander VI sa kanyang papal bull na inter caetera ay naggawad ng mga karapatang kolonyal sa karamihan ng mga bagong natuklasang lupain sa Espanya at Portugal.
|
Noong Disyembre 1511 , bukas na sinuway ng prayleng Dominikano na si Antonio de Montesinos ang mga autoridad na Espanyol na namamahala sa Hispaniola sa masasamang pagtrato sa mga katutubong Amerikano na nagsasabi sa mga ito na " ... kayo ay nasa mortal na kasalanan ... para sa kalupitan at kabagsikan na ginagamit ninyo sa pakikitungo sa mga inosenteng taong ito.
|
" Bilang tugon , isinabatas ni Haring Ferdinand ang Mga Batas ng Burgos.
|
Ang pagpapatupad ay maluwag at ang ilan ay nagsisi sa Simbahang Katoliko sa hindi paggawa ng sapat upang mapalay ang mga Amerikanong Indiyano.
|
Ang isyung ito ay nagresulta sa krisis ng konsensiya noong ikalabing anim na siglong Espanya.
|
Ang pagbubuhos ng pagbatikos sa sarili at pagninilay nilay na pilosopikal sa mga teologong Katoliko ay humantong sa debate sa kalikasan ng mga karapatang pantao.
|
Noong ikalabinglimang siglo , Si Nicolaus Copernicus na isang astronomo ng Renasimiyento ay unang bumuo ng isang komprehensibong kosmolohiyang heliosentriko na nag - aalis sa planetang mundo mula sa sentro ng uniberso.
|
Sa orihinal na paglilimbag ng De revolutionibus orbium coelestium , ang aklat ni Copernicus ay nagsanhi ng katamtamang kontrobersiya at hindi pumukaw ng anumang mga mabagsik na sermon mula sa simbahan tungkol sa pagsasalungat ng teoriyang ito sa bibliya.
|
Pagkatapos ng tatlong taon noong 1546 , ang Dominikanong si Giovanni Maria Tulosi ay bumatikos sa teoriya ni Copernicus sa kanyang papel na natatanggol sa absolutong katotohanan ng bibliya.
|
Kanya ring isinaad na pinlano ng Panginoon ng Sagradong Palasyo ( i.e. ang hepe ng censor librorum ng Simbahang Katoliko ) na Dominikanong si Bartolomeo Spina na kondenahin ang De revolutionibus ngunit napigilang gawin ito dahil sa pagkakasakit at kamatayan .. Pagkatapos ng 1610 , nang publikong suportahan ni siyentipikong si Galileo ang heliosentrismo ni Copernicus siya ay nakatagpo ng mapait na pagsalungat mula sa ilang mga pilosopo at mga kaparian na ang dalawa ng mga pari ay kalaunang nagakusa sa kanya sa inkisisyon ng Simbahang Katoliko noong 1615.
|
Ang karamihan ng mga astronomo at pilosopo sa panahong ito ay naniniwala pa rin sa heosentrismong pananaw na ang planetang daigdig ay nasa sentro ng uniberso.
|
Sa kanyang sermon noong 1614 ( na ang paksa ay Aklat ni Josue 10 kung saan pinatigil ni Josue ang araw ) , ang prayleng Dominikanong Tommmaso Caccini ang unang gumawa ng pag - atake kay Galileo.
|
Si Galileo ay hinimok sa Roma upang litisin sa Inkisisyon at natagpuang " malalang suspek ng heresiya sa pagsunod sa posiyon ni Copernicus na salungat sa tunay na kahulugan at autoridad ng Banal na Kasulatan ".
|
Siya ay inilagay sa pagkakabilanggo sa kanyang tahanan sa natitira ng kanyang buhay.
|
Ang isa pang biktima ng Inkisisyon ng Simbahang Katoliko si Giordano Bruno na lumagpas sa modelong Copernican at nagmungkahi na ang araw ay isang bituin at ang uniberso ay naglalaman ng walang hangganang bilang mga tinatahanang daigdig na tinatahanan ng ibang mga matatalinong nilalang.
|
Pagkatapos ng inkisiyon ni Bruno , siya ay natagpuang nagkasala ng heresiya at ipinagsunog ng buhay.
|
Noong 1521 , sa pamamagitan ng pamumuno at pangangaral ng Portuges na maglalayag na si Ferdinand Magellan , ang unang mga Katoliko ay nabautismuhan sa unang bansang Krisityano sa Asya na Pilipinas.
|
Sa sumunod na taon , ang mga misyong Franciscan ay dumating sa Mehiko at naghangad na akayin ang mga Indiyano sa Katolisismo.
|
Ang mga katutubong Indiyano ay inilarawan sa batas bilang mga bata at ang mga pari ay nagkaroon ng papel na pang - ama na kadalasang pinapatupad ng mga parusang pisikal.
|
Sa India , ang mga misyonaryong Portuges at Heswitang si Francis Xavier ay nang - akay ng mga hindi Kristiyano at isang pamayanang Kristiyano na nag - aangkin na itinatag ni Apostol Tomas.
|
Sa Europa , ang Renasimiyento ay nagmarka sa panahon ng binagong interest ssa pagkatutong sinauna at klasiko.
|
Ito ay nagdulot rin sa muling pagsisiyasat ng mga tinatanggap na paniniwala.
|
Ang pagtanggap sa europa ng humanismo ay nagkaroon ng mga epekto sa Simbahan na yumakap rin dito.
|
Noong 1509 , ang skolar na si Erasmus sa kanyang " Ang Papuri sa Kahangalan " ay bumihag ng isang malawak na pagkabalisa sa korupsiyon ng Simbahang Romano Katoliko.
|
Ang mismong kapapahan ay kinuwestiyon ng mga kousilarismo na inihayag sa mga konsilyo ng Constance at Basel.
|
Ang mga tunay na pagbabago sa mga konsehong ekumenikal ay tinangka ng ilang mga beses ngunit napigilan.
|
Ang mga ito ay nakitang kinakailangan ngunit hindi nagtagumpay dahil sa panloob na mga alitan sa simbahang Romano Katoliko gayundin sa patuloy na mga alitan sa imperyong Ottoman at Saracen at sa simoniya at nepotismo na sinasanay sa Simbahang Romano Katoliko nang ika - 15 at ika - 16 na siglo.
|
Dahil dito , ang mga mayayaman , makapangyarihan at makamundong mga tao tulad ni Rodrigo Borgia na naging Papa Alexander VI ay nagawang manalo sa halalan ng kapapahan.
|
Ang Ikalimang Konsehong Lateran ay naglabas ng ilan ngunit mga maliliit na reporma noong Marso 1517.
|
Pagkatapos ng ilang mga buwan noong 31 Oktubre 1517 , ang paring Katoliko na si Martin Luther ay nagpaskil ng Ang Siyamnaputlimang Tesis sa publiko na umaasang magpasimula ng debate.
|
Ang kanyang tesis ay nagprotesta sa mga mahahalagang punto ng doktrinang Katoliko gayon din ang pagbebenta ng mga indulhensiya.
|
Ang iba pa gaya nina Huldrych Zwingli , John Calvin ay bumatikos rin sa mga katuruan ng Romano Katoliko.
|
Ang mga hamong ito na sinuportahan ng mga makapangyarihang pwersang pampolitika sa rehiyon ay umunlad sa Protestanteng Repormasyon.
|
Sa Alemanya , ang Repormasyon ay nagresulta sa digmaan sa pagitan ng Protestang Ligang Schmalkaldic at emperador na Katolikong si Charles V , Banal na Emperador Romano.
|
Ang unang siyam na taong digmaan ay nagwakas noong 1555 ngunit ang patuloy na mga tensiyon ay lumikha ng higit na malalang alitan na TatlumpungTaong Digmaan na sumiklab noong 1618.
|
Sa Pransiya , ang sunod sunod na mga alitang tinaguriang Mga Digmaang Pranses ng Relihiyon ay nilabanan mula 1562 hanggang 1598 sa pagitan ng mga Huguenot at mga pwersa ng Ligang Katolikong Pranses.
|
Ang mga sunod sunod na papa ay pumanig at naging mga tagasuportang pinansiyal ng Ligang Katoliko.
|
Ito ay nagwakas sa ilalim ni Papa Clemente VIII na may pag - aatubiling tanggapin ang Atas ng Nantes ni Haring Henry IV ng Pransiya noong 1598 na nagkakaloob ng tolerasyong relihiyoso at sibil sa mga Protestante.
|
Ang Repormasyong Ingles ay maliwanag na batay sa pagnanais ni Henry VIII ng Inglatera sa pagpapawalang bisa ng kanyang kasal kay Catherine ng Aragon at sa simula ay mas pampolitika at kalaunang naging alitang teolohikal.
|
Ang Mga Akto ng Supremasya ay gumawa sa hari ng Inglatera na maging pinuno ng simbahan ng Inglatera at sa gayon ay sa pagkakatatag ng Simbahan ng Inglatera.
|
Pagkatapos nito sa simula ng 1536 , ang ilang mga monasteryo sa Inglater , Wales at ireland ay nahinto at ang mga simbahang Katoliko ay sinunggaban.
|
Nang mamatay si Henry noong 1547 , ang lahat ng mga monasteryo , priaryo , mga kombento at ma dambana ay winasak o hininto.
|
Si Maria I ng Inglatera ay muling nagpaisa ng Simbahan ng Inglatera at Roma laban sa payo ng ambahador na Espanyol at inusig ang mga Protestante sa panahon ng mga pag - uusig na Marian.
|
Pagkatapos ng ilang probokasyon , ang sumunod na reynang si Elizabeth I ay napatupad ng Akto ng Supremasya.
|
Ito ay pumigil sa mga Katoliko na maging mga kasapi ng propesyon , humawak ng opisyong pampubliko , pagboto o pagbibigay edukasyon sa mga anak nito.
|
Ang Simbahang Katoliko Romano ay tumugon sa mga hamong pang doktrina at mga pang - aabuso na binigyang diin ng Repormasyon sa Konseho ng Trent ( 1545 - 1563 ).
|
Ang konsehong ito ay naging nagpapatakbong pwersa ng Kontra - Repormasyon at muling pinagtibay ang mga sentral na doktrinang Katoliko gaya ng transubsansiasyon.
|
Ito ay nagbago rin sa ibang mga mahalagang sa simbahan gaya ng pag - iisa ng hurisdiksiyon ng Roman Curia.
|
Ang mga batikos ng Repormasyon ang kabilang na paktor na nagpasimula ng mga bagong orden kabilang ang mga theatine , Barnabite at Heswita.
|
Ang Panahon ng Kaliwanagan ay bumubuo sa isang bagong hamon sa Kristiyanismo.
|
Hindi tulad ng Protestanteng Repormasyon na kumuwestiyon ng ilang mga doktrina ng Romano Katoliko , ang Panahon ng Kaliwanagan ay kumuwestiyon sa Kristiyano sa kabuuan nito.
|
Sa pangkalahatan , itinaas nito ang katwiran ng tao ng higit sa pahayag ng diyos at pinababa nito ang mga autoridad na pang - relihiyon gaya ng kapapahan batay dito.
|
Tinangka ng Simbahang Romano Katoliko na itaboy ang Galicanismo at Councilarismo na mga ideolohiyang nagbanta sa kapapahan at istruktura ng Simbahang Katoliko.
|
Tungo sa huling bahagi ng ika - 17 siglo , nakita ni Papa Inocencio XI ang papataas na mga pag - atake ng Turko laban sa Europa na sinuportahan ng Pransiya bilang pangunahing banta sa Simbahang Katoliko.
|
Kanyang itinatag ang koalisyong Polish - Austrian para sa pagkatalo ng mga Turko sa Vienna noong 1683.
|
Ang ilang mga skolar ay tumatawag sa kanyang santong papa dahil kanyang nireporma ang mga pang - aabuso ng Simbahang Romano Katoliko kabilang ang simoniya , nepotismo at maaksayang mga paggasta ng papa na nagresulta sa kanyang magmana ng utang ng papa na 50,000,000 scudi.
|
Sa pagtanggal ng ilang mga honoraryong posisyon at pagpapakilala ng patakarang piskal , nagawa ni Inocencio XI na muling makuha ang kontrol ng mga pinansiya ng Simbahang Romano Katoliko.
|
Sa Pransiya , nilabanan ng Simbahang Katoliko ang Jansenismo at Gallicanismo na sumuporta sa Councilarismo at tumakwil sa primasya ng kapapahan at humingi ng mga espesyal na konsesyon para sa Simbahang Katoliko sa Pransiya.
|
Ito ay nagpahina sa kakayahan ng Simbahang Katoliko na tumugon sa mga taga - isip na Gallicanista gaya ni Denis Diderot na humamon sa mga pundamental na doktrina ng Simbahang Romano Katoliko.
|
Noong 1685 , ang gallicanistang Haring si Louis XIV ay naglabas ng Pagbawi ng Atas ng Nantes na nagwakas sa isang siglo ng tolerasyong relihiyoso.
|
Ang Pransiya ay pumwersa sa mga teologong Katoliko na suportahan ang councilarismo at itanggi ang impalibilidad ng Papa.
|
Ang hari ay nagbanta kay Papa Inocencio XI sa isang pangkalahatang konseho at militar na pagsunggab ng estado ng papa.
|
Ang absolutong monarkiya ng estado ng Pransiya ay gumamit ng Gallicanismo upang makamit ang kontrol ng halos lahat ng mga pangunahing paghirang ng Simbahang Katoliko gayundin ang mga pag - aari ng Simbahan.
|
Ang autoridad ng Estado ng ibabaw sa Simbahang Katoliko ay naging sikat rin sa ibang mga bansa.
|
Sa Alemanya at Belgium , ang Gallicanismo ay lumitaw sa anyo ng Febronianismo na tumakwil sa mga prerogratibo ng papa sa katulad na paraan.
|
Si Emperador Joseph II , Banal na Emperador Romano ng Austria ( 1780 - 1790 ) ay nagsanay ng Josephinismo sa pamamagitan ng pagkontrol sa buhay ng Simbahang Katoliko , mga paghirang at malawak na pagsunggab sa mga pag - aari ng Simbahang Katoliko.
|
Maraming mga skolar ay naniniwalang ang Hudaismo ay naimpluwensiyahan ng Zoroastrianismo.
|
Ang Zoroastrianismo ay kalaunang nakaimpluwensiya sa Kristiyanismo at Islam dahil sa malakas na impluwensiya ng Hudaismo sa parehong relihiyong ito.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.