text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
About 1,300 ; see List of Acacia species.
|
Ang akasya ( Ingles at Kastila : acacia ) ay isang uri ng matinik na punung - kahoy.
|
Nasa genus ito ng mga palumpong at puno at kabilang sa subfamily Mimosoideae ng family Fabaceae.
|
Una itong sinalarawan nit Carolus Linnaeus noong 1773 sa Aprika.
|
Lambing
|
Ang lambing , maglambing , o paglalambing ( Ingles : caress ) ay maaaring tumukoy sa pagpapakita ng himanting , pagkawili , pagmamahal , pagkagusto , pagkakakursunada , o pagkahilig , pagkandili , pagsasaalang - alang , sa tao , hayop , at iba pang katulad na mga bagay.
|
Isang halimbawa ng pangungusap na nagpapakahulugan ng diwang ito ang " Maglambing ka naman ng konti sa iyong kasintahan.
|
" Katumbas ang lambing ng mga salitang kalinga , kumalinga , alindog , umalindog , palayawin ( may kaugnayan sa palayaw ) , alintana , karinyo , gamlang , at alindugin , na may kaugnayan sa pagpapakita at pagpapadama ng pag - iingat ( sa diwa ng " iniingatang masaktan " , katulad ng sa pariralang " Mag - ingat ka , mahal ko.
|
" ) , sapagkat may malasakit ang taong naglalambing.
|
May kaugnayan din ito sa iba pang mga salitang may kaugnayan sa pisikal ( ginagamitan ng katawan o bahagi ng katawan ) na paglalambing katulad ng haplos , hagod , himas , lamyos , halik , yakap , at yapos.
|
Kabibe
|
Ang kabibe , kabibi , kapis , o sigay ay isang uri ng matigas at pamprutektang panglabas na balat , kaha , balot , o baluti na nabuo sa pamamagitan ng napakaraming iba 't ibang mga hayop , kabilang na ang mga moluska , trepang , krustasyano , pagong , pawikan , at iba pa.
|
Ilan pa sa partikular na mga halimbawa ng mga hayop na may kabibe ay ang mga kuhol , tulya , tahong , at talaba.
|
Tinatawag din ang kayarian ng kabibe bilang eksoskeleton o eksoiskeleton ( literal na " panlabas na kalansay " ) , talukab , talukap , at peltidyum.
|
Utang
|
Ang utang ay panghihiram ng anumang bagay lalo na ang pera.
|
Ito ay panghihiram na pinapangakong ibabalik din sa itinakdang palugit na araw.
|
Fujikawaguchiko , Yamanashi
|
Ang Fujikawaguchiko ( Hapones : Fu Shi He Kou Hu Ting ) ay isang bayan sa Yamanashi , bansang Hapon.
|
Mga comune ng Lalawigan ng Avellino
|
Ang sumusunod ay talaan ng 119 comune ng Lalawigan ng Avellino , Campania , sa Italya.
|
Papa Juan IX
|
Si Papa Juan IX ay nagsilbing Papa at taganamamahala ng Simbahang Katoliko.
|
Estados Unidos
|
Isang republikang pederal ang Estados Unidos ng Amerika ( EUA ) ( Ingles : United States of America o USA ) na may limampung ( 50 ) estado at isang distritong pederal.
|
Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang pederalismo.
|
Mayroong tatlong lupang hangganan ang Estados Unidos kung saan sa Mehiko matatagpuan ang isa habang sa Canada naman ang natitira.
|
Pinaliligiran din ito ng iba 't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko , Dagat Bering , Karagatang Artiko , at Karagatang Atlantiko.
|
Hindi karatig ng dalawang estado ( Alaska at Haway ) ang natitirang apatnapu ' t walo.
|
Pareho din nilang hindi karatig ang isa 't isa.
|
Mayroong koleksiyon ng mga distrito , teritoryo at iba pang pagmamay - aring panlabas ang Estados Unidos sa iba 't ibang bahagi ng mundo.
|
Karaniwang tinatawag na " Amerikano " ang mga mamamayan nito.
|
Sa sukat na 3.79 milyong milya parisukat ( 9.83 milyon km2 ) at may populasyon na 315 milyon , ang Estados Unidos ay ang ikatlo at ika - apat na pinakamalaking bansa ayon sa kabuuang sukat ng lupa , at ang ikatlong pinakamalaki sa parehong sukat ng lupa at populasyon.
|
Isa ang Estados Unidos sa pinakamaraming etnisidad at isa sa mga bansang maraming kultura , na bunga ng maraming imigrasyon ng mga tao mula sa iba 't ibang bansa.
|
Mababakas sa deklarasyon ng labintatlong kolonya ng Britanya sa Hilagang Amerika noong 1776 ang pinagmulan ng Estados Unidos , kung saan idineklara nila na wala nang sumasaklaw sa kanila at malalayang na silang mga estado , na pinatibay ng Kasunduan sa Paris noong 1783.
|
Mula kalagitnaan ng ika - 20 dantaon , naunahan na nito ang alinmang bansa sa impluwensiya sa ekonomiya , politika , militar , at kultura.
|
Natatag ang Amerika sa ilalim ng tradisyon ng pamahalaang may pagsang - ayon ng pinapamahalaan sa modelong demokrasyang representatibo.
|
Nakopya rin ng maraming pang bansa , lalo na ng mga nasa Gitnang Amerika at Timog Amerika , ang modelo ng pamahalaang Amerika kung saan gumagamit sila ng sistemang pampanguluhan - kongresyonal.
|
Ang mga katutubo ng pangunanglupa ng Estados Unidos , kasama ang mga katutubong taga - Alaska , ay pinaniniwalaang lumipat galing sa Asya , simula noong 12,000 hanggang 40,000 nakaraang taon.
|
Ilan , tulad ng bago - Columbyanong kulturang Misisipyo , ay bumuo ng nangungunang agrikultura , magarbong arkitektura , at mga hanay - estadong lipunan.
|
Pagkatapos magsimulang manirahan ang mga Europeo sa mga Amerika , madaming milyon na katutubong Amerikano ay nangamatay mula sa mga epidemikong dala ng mga dayuhan tulad ng smallpox.
|
Noong 1492 , ang taga - Genoang manlalakbay na si Christopher Columbus , sa ilalim ng isang kontrata ng koronang Espanyol , ay nakarating sa ilan - ilang pulong Caribbean , unang nakagawa ng pakikipag - ugnay sa mga katutubo.
|
Noong 2 Abril 1513 , ang kongkistadoreng Espanyol na si Juan Ponce de Leon ay dumaong sa kanyang binansagang " La Florida " - - ang unang naulat na pagdating ng Europeo sa kung ano ang magiging pangunanglupa ng Estados Unidos.
|
Ang mga paninirahang Espanyol sa rehiyon ay nasundan ng mga paninirahan sa ngayo 'y timog - kanlurang Estados Unidos na naghikayat sa libu - libo patungong Mehiko.
|
Ang mga mangangalakal na mabalahibong Pranses ay nagtatag ng mga tigilan ng New France sa paligid ng Great Lakes ; kinalaunan , inangkin ng Pransiya ang malaking bahagi ng kaloobang Hilagang Amerika ; patimog hanggang sa Golpo ng Mehiko.
|
Ang unang matagumpay na panirahang Ingles ay ang Kolonyang Virginia sa Jamestown noong 1607 at ang Pilgrimong Kolonyang Plymouth noong 1620.
|
Ang pagtatala noong 1628 ng Kolonya ng Look ng Massachusetts ay nagbungta ng isang malaking paglilipat ; noong 1634 , ang New England ay tinirhan na ng 10,000 Puritan.
|
Sa pagitan ng huling bahagi ng mga 1610 at Himagsikang Amerikano , mga 50,000 na hinatulan ang dinaong patungo sa mga kolonyang Amerikano ng Britanya.
|
Simula 1614 , ang mga Olandes ay nanatili sa baybayin ng babang Ilog Hudson , kasama ang New Amsterdam sa pulo ng Manhattan.
|
Binubuo ng limampung estado ang Amerika na may limitadong awtonomiya at kung saan ang batas federal ang nananaig sa batas ng estado.
|
Sa pangkalahatan , ang mga usapin sa loob ng hangganan ng mga estado ay saklaw ng kani - kanilang mga pamahalaang estado.
|
Nabibilang dito ang panloobang komunikasyon ; mga regulasyong may kinalaman sa pag - aari , industrya , negosyo , at kagamitang pampubliko ; ang kodigong kriminal ng estado ; at mga kondisyon ng pagtatrabaho sa loob ng estado.
|
Pumapailalim ang Distrito ng Kolumbiya sa hurisdiksiyon ng Kongreso ng Estados Unidos , at may limitadong alituntuning lokal.
|
Ang saligang batas ng iba 't ibang estado ay may pagkakaiba sa ilang detalye ngunit kapwa sumusunod sa iisang huwarang tulad ng sa Saligang Batas federal , kabilang dito ang pahayag sa karapatang pantao at ang plano ng pagbubuo ng gobyerno.
|
Sa mga usaping gaya ng pagpapatakbo ng negosyo , mga bangko , kagamitang pampubliko at mga kawang - gawang institusyon , ang saligang batas ng bawat estado ay kadalasang mas detalyado at klaro kaysa sa Saligang Batas federal.
|
Sa mga nakalipas na taon , umako ng mas malawak na responsibilidad ang pamahalaang federal sa mga bagay - bagay gaya ng kalusugan , edukasyon , kapakanan , transportasyon , pabahay , at pagsulong urban.
|
Binubuo ng tatlong sangay ang pamahalaang pederal : ang ehekutibo ( pinamumunuan ng Pangulo ) , ang lehislatura ( ang Kongreso ) , at ang hudikatura ( pinamumunuan ng Korte Suprema ).
|
Nahahalal ang pangulo sa isang mandato ng apat na taon ng Electoral College , na nahihirang sa botong popular sa limampung estado.
|
Nahahalal naman ang mga miyembro ng Konggreso sa mandato ng 2 taon sa Kamara ng mga Kinatawan at ng 6 taon sa Senado.
|
Tinatakda ng Pangulo ang mga huwes ng Korte Suprema at may pahintulot ng Senado sa pagkakaroon ng hindi limitadong termino.
|
Kinokopya ng modelong tripartite na ito ng pamahalaan sa antas ng estado sa pangkalahatan.
|
May iba 't ibang anyo ang mga lokal na pamahalaan.
|
Pinamamayanihan ang pamahalaang pederal at pang - estado ang dalawang pangunahing partidong pampolitika , ang mga Republikano ( Republicans ) at ang mga Demokrata ( Democrats ).
|
Mayroong ding ibang maliliit na partido ; ngunit hindi sila nakakapanghikayat ng kasindaming tagasuporta.
|
Sa kabuuan , nangingibabaw ang tulad ng sa right wing ng mga demokrasya sa Europa ang kulturang pampolitika sa Estados Unidos at madalas na nakikitungo sa iba 't ibang usapin.
|
Mahirap tukuyin ang kategoryang kinabibilangan ng dalawang partidong ito.
|
Sa kulturang pampolitika ng Estados Unidos , mailalarawan ang Partido Republikano bilang center - right at ang Partido Demokrata naman ay center - left.
|
Ang mga kandidato ng mga partido menor at independiente ay bihirang nahahalal , at kung nahalal man ay sa lokal o estado lamang , ngunit sa sistema ng politika ng bansa , nananaig ang mga " hakot partido " sa mga koalisyon.
|
Ang mga patakaran at ideolohiya ng kasalukuyang Pangulo ng Estados Unidos ang may malaking ginagampanan sa patakbo ng kanyang partido , pati na rin sa plataporma ng oposisyon.
|
Ang paghaharing militar , ekonomiko , at kultural ng Estados Unidos ang dahilan kung bakit isang mahalagang tema sa politika ng bansa ang patakarang panlabas ( o foreign policy ) nito , bukod pa sa kahalagahan ng imahen ng Estados Unidos sa buong mundo.
|
Nauntog ang patakarang panlabas ng Estados Unidos sa pagitan ng pamumukod o isolationism , imperyalismo at paghahalo ng mga ito , sa buong kasaysayan ng bansa.
|
Nagresulta ang malakas na impluwensiya nito sa politika at kultura ng buong mundo sa sobrang pagkamuhi ng ilan dito , at pagpuri naman at paghanga para sa ilan.
|
Isang halimbawa nito si Ayatollah Khomeini na tinawag ang Estados Unidos " The Great Satan " ( Ang Dakilang Satanas ).
|
Ang Estados Unidos ay isang unyong pederal na may limampung estado.
|
Ang orihinal na labintaltong estado ay ang unang labintatlong kolonya na nag - aklas mula sa pamumuno ng mga Ingles.
|
Noong unang bahagi ng kasaysayan ng bansa , tatlong bagong mga estado ang binuo mula sa mga teritoryo galing na sa umiiral na mga estado : ang Kentucky mula sa Virginia ; Tennessee mula sa North Carolina ; at Maine mula sa Massachusetts.
|
Karamihan sa ibang mga estado ay nanggaling sa mga teritoryong nakuha mula sa mga digmaan o sa mga nabili ng pamahalaan ng Estados Unidos.
|
Taliwas dito ang nangyari sa Vermont , Texas at Hawaii : ang bawat isang ito ay dating malalayang republika bago sumali sa unyon.
|
Noong Digmaang Sibil ng Amerika humiwalay ang Kanlurang Virginia sa Virginia.
|
Ang pinakabagong estado - ang Hawaii - a natamasa ang pagiging isang ganap na estado noong Agosoto 21 , 1959.
|
Bumuo ang labintatlong kolonya , sa Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos , ng kani - kanilang bayang estado na katulad ng mga bansa sa Europa noon.
|
Sa mga sumunod na taon , dumami ang bilang ng mga estado sa Amerika dahil sa paglawak nitong pakanluran , sa pananakop at pagbibili ng mga lupa ng pamahalaang pambansa , at sa paghahati ng ilang estado , nauwi sa kasalukuyang bilang na limampu.
|
Pangkalahatang nahahati ang mga estado sa mas maliit na rehiyong administratibo , kabilang ang mga kondado o " county " , mga lungsod at mga pamayanan o " township ".
|
May hawak din ang bansa sa ilang mga teritoryo , distrito at pag - aari , nangunguna na ang distrito pederal ng Distrito ng Kolumbiya na siyang kabisera ng bansa , ilang mga lugar na insular sa ibayong dagat tulad ng Portoriko , Samoa Amerikana , Guam , Kapuluang Hilagang Mariyana , at Kapuluang Birhen ng Amerika.
|
Nakapanghawak ang bansa sa isang base ng hukbong pandagat sa inookupahang bahagi ng Look ng Guwantanamo sa Kuba mula 1898.
|
Walang pag - aangking teritoryal ang Estados Unidos sa Antartika ngunit nakapagreserba ng karapatang gawin ito.
|
Ang mga wika na may pinakamataas na bilang ng nagsasalita sa Estados Unidos :.
|
Ang mga lahing ito ang mga bumubuo sa lupain ng Estados Unidos :.
|
1.
|
Europeo 171,801,940 Amerikano 60.7 % ng buong populasyon ng Amerika.
|
2.
|
Espanyol 44.3 million Amerikano 14.8 % ng buong populasyon ng Amerika.
|
3.
|
Aprikano 39,500,000 Amerikano.
|
4.
|
Pilipino 4,000,000 Amerikano 1.5 % ng buong populasyon ng Amerika , karamihan ay mga abroad.
|
5.
|
Tsino 3,565,458 Amerikano 1.2 % ng buong populasyon ng Amerika.
|
Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo ( sa kabuuang sukat ) , ang paysahe at mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba : lupang kakahuyang katamtaman ( temperate forest ) sa Silangang baybayin , bakawan sa Florida , ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa , ang sistemang Ilog Mississippi - Missouri , ang Great Lakes na parte rin ng sa Canada , Rockies na nasa kanluran ng kapatagan , ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng Rockies , at mga kagubatang katamtaman ( temperate rainforest ) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang - Kanluran.
|
Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawaii.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.