text
stringlengths
0
7.5k
Si Carmelo Lazatin ay isang politiko sa Pilipinas.
Pinoy Big Brother : Celebrity Edition 2
Ang Pinoy Big Brother : Celebrity Edition 2 ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng ABS - CBN.
Abenida Rizal
Mga daanan sa PilipinasMga lansangan | Mga mabilisang daanan ( talaan ).
Ang Abenida Rizal ( Ingles : Rizal Avenue , Kastila : Avenida Rizal , karaniwang kinikilala bilang " Avenida " ) ay isa sa mga pangunahing lansangan ng Maynila , ang kabisera ng Pilipinas.
Isa itong abenida na pinapaligiran ng mga distrito ng Santa Cruz , Quiapo , at Binondo.
Ipinangalan ito kay Jose Rizal , ang pambansang bayani ng Pilipinas , at bahagi ito ng Daang Radyal Blg.
9 ( Radial Road 9 ) sa sistemang pamilang ng mga daan at lansangan sa Kalakhang Maynila.
Ang Linyang Lunti ng Sistema ng Magaang Riles Panlulan ng Maynila ( LRTA ) ay nakatayo sa ibabaw ng abenida sa kabuuang haba nito , at dumadaan dito ang mga dyipni na naghahatid ng mga pasahero na mula pa sa Caloocan at Lungsod Quezon.
Itinatag ang Abenida Rizal sa pamamagitan ng ordinansa ng Lungsod ng Maynila noong 1911 mula sa dalawang kalye - Calle Dulumbayan at Calle Salcedo.
Pinahaba ito sa mga sumunod na dalawang dekada hanggang sa maabot nito ang monumento ni Andres Bonifacio sa Caloocan.
Ito ay naging pinakamahabang lansangan sa Kamaynilaan bago ito hinigitan ng EDSA sa haba at kahalagahan pagpasok ng dekada - 1940.
Bago at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig , ang abenida ay sentro ng buhay - lipunan ng lungsod.
Nakalinya rito ang mga tindahan , restoran , sinehan , at tanghalan.
Ang mga sinehan ay dinisenyo ng mga prominenteng arkitekto ng mga panahong iyon.
Karamihan sa kanila ay di - kinalauna 'y magiging national artist.
Dalawang pambansang alagad ng sining sa larangan ng arkitektura , Pablo Antonio at Juan Nakpil , ay nagdisenyo ng ilan sa mga kilalang sinehan at tanghalan na matatagpuan sa abenida.
Dinisenyo ni Antonio ang mga Tanghalang Galaxy , Ideal , Scala , at Lyric.
Dinisenyo naman ni Nakpil ang mga Tanghalang Capitol , Ever , at Avenue.
Pagkalipas ng maraming taon , ang paligid ng abenida ay nabiktima ng mga pagbabago sa lungsod.
Ang pangunahing sanhi sa pagkahina ng ekonomiya at pagkabulok ng atmospera ng abenida ay ang Linya 1 na binuksan noong 1984.
Ang nabanggit na sistemang nakaangat na daambakal ay para maibsan ang mabagal na daloy ng trapiko sa abenida , subalit pinatay rin nito ang mga negosyo sa Abenida Rizal.
Napilitan ang mga tanghalan na magpalabas ng mga dobol feature B - movies at soft porn , sapagkat lumipat ang mga tao sa mga mas - bagong sentro ng Ortigas at Ayala.
Noong 2000 , sa panahon ni Lito Atienza bilang alkalde ng Maynila , ginawang lansangan para lamang sa mga naglalakad ang bahagi ng abenida mula Abenida Recto hanggang Kalye Palanca sa pamamagitan ng paglalagay ng mga tisang ladrilyo sa daan , at pininturahan ang mga gusali at Linya 1 bilang bahagi ng proyektong pagbabago sa lungsod.
Dahil dito , ang mga sasakyan ay kinailangang gumamit ng mga kalapit na kalye tulad ng Tomas Mapua at Doroteo Jose para pumunta sa ( at pumasok mula sa ) Plaza Lacson.
Ang pedestrianisasyon ng Abenida Rizal ay nakompleto noong 2003 at dapat sana 'y pansamantala lamang ngunit nanatili ito hanggang 2008.
Ang Tanghalang Ideal ay giniba noong huling bahagi ng dekada - 1970.
Ang mga Tanghalang Galaxy , Scala , at Lyric ay hindi na ginagamit.
Ang unang palapag ng Tanghalang Ever ay okupado ng mga tindahan , habang abandonado naman ang mga palapag na nasa itaas.
Tangi ang Tanghalang Capitol ang nakaabot sa makabagong panahon at aktibo pa rin ( bilang isang dimsum palace ngayon ).
Ang Tanghalang Avenue , na nalagpasan ang Labanan sa Maynila noong 1945 , ay giniba noong 2006 para mabigyan - daan sa pagtatayo ng isang paradahan.
Magastos ang pagpapanatili ng mga pasilidad ng tanghalan , kompara na gagawin itong paradahan.
Sinubukan ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan ( o NHI ) at ng ilang mga pribadong entidad na pigilan ang pagpapagiba ng tanghalan.
Naging alkade ng Maynila si Alfredo Lim noong 2007.
Isa sa mga unang desisyon niya ay ang muling pagbubukas ng bahaging pang - pedestriyan ( Recto - Palanca ) sa mga motorista.
Ang pedestrianisasyon ay inireklamo ng mga may - ari ng mga tindahan ( dahil sa kumonteng daloy ng mga tao ) , at ng mga mananakay ( dahil sa mabigat na daloy ng trapiko sa mga kalapit na kalye ).
Sapagkat ang halaga ng mga tisa ay nasa mga P 40 bawat isa , kinailangan na maging maingat ang pagpapatangal ng mga ito upang maigamit sa mga proyekto sa hinaharap.
Noong Hulyo 17 , 2007 , dumalo si Lim sa seremonya ng muling pagbubukas ng nasabing bahagi ng Abenida Rizal , at nanatili itong bukas hanggang nagyon.
Lahat ay mga estasyon ng Linya 1 :.
Bukod pa riyan , tumatawid ang mga nakaangat na riles ng Linya 2 sa abenida sa sangandaan nito sa Abenida Recto , at mga ilang hakbang mula riyan matatagpuan ang Estasyong Recto.
Tumatawid din ang mga riles ng PNR sa abenida ( sa sangandaan nito sa Daang Blumentritt ) , at mga ilang hakbang mula riyan matatagpuan ang estasyong daangbakal ng Blumentritt.
Ang " Rizal Avenue " at mga anyo nito ( tulad ng " Rizal Street " , " Jose Rizal Avenue " , atbp.
) ay isa sa mga karaniwang pangalan ng kalye sa Pilipinas.
Kadalasan , nagsisilbi itong pangunahing lansangan ng isang lungsod o bayan , at sa kaso ng mga lungsod at bayan sa Luzon , ang kalye na patungo ( o nakaturo sa direksyon patungong ) Maynila ay Kalye Rizal.
Isa sa mga ganitong kalye ay Abenida J.P.
Rizal sa Makati.
Coordinates : 14 deg 36 ' 56 ' ' N 120 deg 58 ' 57 ' ' E / 14.61556 deg N 120.98250 deg E / 14.61556 ; 120.98250.
Humba
Ang humba o pata humba ( Ingles : pork with black bean sauce o pork hocks stew ) ay isang lutuing katutubo sa Pilipinas na may pata ng baboy , inasnang maitim na munggo , saging na saba , dahon ng laurel , kalamansi , bawang , kayumangging asukal , sili , mani , toyo , oregano , suka , itlog at tubig.
Pieve Emanuele
Ang Pieve Emanuele ay isang comune sa lalawigan ng Milan sa bansang Italya.
AbruzzoLambak AostaApuliaBasilicata.
CalabriaCampaniaEmilia - RomagnaFriuli - Venezia Giulia.
LazioLiguriaLombardyMarche.
MolisePiemonteSardiniaSicilia.
Trentino - Alto Adige / SudtirolTuskanyaUmbriaVeneto.
Lumang Tipan
Ang Lumang Tipan ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Bibliya.
Ito ang unang mga pangkat ng mga kalipunan ng mga aklat sa Bibliyang sinusundan , ayon sa pagkakasunud - sunod na pampanahon , ng Apokripa at ng Bagong Tipan.
Tinatawag din itong Matandang Tipan , Matandang Testamento , at Lumang Testamento.
Sa Ingles , tinatawag na testament ang salitang tipan kaya 't may saling Old Testament para sa Lumang Tipan at New Testament para sa Bagong Tipan.
Hinango ang testament ng Ingles at testamento ng Tagalog at Kastila mula sa testamentum ng wikang Latin , na nangangahulugang " kasunduan " , " mataimtim na kasunduan , " o " tipan " , at naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang Diyos at ang mga sinaunang mga Israelita at unang mga Kristiyano.
Sa Katolisismo , binubuo ang Lumang Tipan ng 39 na mga aklat ; karamihan sa mga ito ang hinango mula sa Tanakh ng Hudaismo.
Ayon kay Jose C. Abriol , may tatlong bahagi ang Lumang Tipan : ito ang Batas o Pentateuco , ang Mga Propeta , at ang Mga Salmo.
Tungkol ang aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya , samantalang hinggil sa karunungan ang aklat ng Mga Salmo.
Ayon din kay Abriol , tungkol ang mga aklat ng Mga Propeta sa kasaysayan at propesiya.
Tugtugin
Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog.
Karaniwan , ang kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika , lalo na tuwing mayroon itong kasamang pag - awit.
Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch ( na gumagabay sa melodiya at harmoniya ) , ritmo ( at ang kaugnay nitong tempo , metro , at artikulasyon ) , dynamics , at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura.
Ang salita ay hango sa salitang Griyego mousike ( mousike ; " sining ng mga Musa " ).
Sa kanyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang uri ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika , ang kritisismo ng musika , ang pag - aral ng kasaysayan ng musika , at ang estetikang diseminasyon ng musika.
Ang paglikha , pagganap , kabuluhan , at pati na rin ang kahulugan ng musika ay iba - iba depende sa kultura at panlipunang konteksto.
Ang saklaw nito ay mula sa estriktong organisadong komposisyon ( at ang pang - aliw na pagganap nito ) , sa pamamagitan ng improbisasyonal na musika , hanggang sa pormang aleatoric.
Ang musika ay puwedeng hatiin sa mga genre at subgenre , pero ang mga dibisyon at relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino , minsan bukas sa pangsariling interpretasyon , at paminsan - minsan kontrobersyal.
Sa sining , ang musika ay puwedeng iuri bilang isang sining na itinatanghal , fine arts , at awditoryong sining.
Ang musika ay puwedeng tugtugin at marinig ng pangkasalukuyan , at puwedeng maging bahagi ng isang dulaan o pelikula , at maaari din i - record.
Sayaw ng dragon at leon sa Palarong Panloob ng Asya 2007
Ang Sayaw ng dragon at leon sa Palarong Panloob ng Asya 2007 ay ginanap sa Macau , Tsina mula Oktubre 26 , 2007 hanggang Nobyembre 3 , 2007.
Ang kumpetisyon ay idinaos sa Macau Forum.
My Daughter Seoyoung
Ang My Daughter Seoyoung ( Hangul : nae ddal seo yeong i ; RR : Nae Ttal Seo - yeong - i ) ay seryeng pantelebisyon noong 2012 sa Timog Korea na pinagbibidahan nina Lee Bo - young , Chun Ho - jin , Lee Sang - yoon at Park Hae - jin.
Pinalabas ito sa Pilipinas ng GMA Network.
Sistemang panunaw
Ang sistemang panunaw o sistemang dihestibo ( Ingles : digestive system ) ay ang organong pangsistema na tumutunaw at sumisipsip sa mga sustansiya na natatanging kailangan sa paglaki at pagpapanatili.
Kabilang sa sistemang panunaw ang bibig , esopago , sikmura , lapay , atay , apdo , duodenum ( ang tokong ) , hehunum , ileum , mga bituka , tumbong , at butas ng puwit.
Kaugnay ng sistemang ito ang katagang gastrointestinal na tumutukoy o may kaugnayan sa pitak gastrointestinal ( gastrointestinal tract sa Ingles ) o pitak panunaw ( digestive tract sa Ingles , ang dihestibong pitak ) at kinabibilangan din ng tokong , isaw , at mga bituka.
Ang kanal na alimentaryo ( Ingles : alimentary canal , alimentary tract ) , na mayroong teknikal na pangalang tubus digestorius ( tubong panunaw ) , ay ang tubong dihestibo na umaabot mula sa bibig hanggang sa butas ng puwit.
Ang pangalan nito ay nagpapahiwatig din sa mga glandulang nagbubuhos ng kanilang mga katas papaloob sa kanal , partikular na ang mga glandulang panglaway ( glandulang salibaryo ) , ang pankreas , at ang atay.
Ignaz Semmelweis
Si Ignaz Philipp Semmelweis ( Hulyo 1 , 1818 - Agosto 13 , 1865 ) , o Ignac Semmelweis ( ipinanganak bilang Semmelweis Ignac Fulop ) , ay isang Unggaryong pisikong tinatawag na " tagapagligtas ng mga ina " na nakatuklas , noong 1847 , na ang pagkakaroon ng lagnat na puerperal ( kilala rin bilang " lagnat ng higaan ng bata " , childbed fever ) ay maaaring mabawasan ng malaki sa pamamagitan ng mga pamantayan sa gawi ng paghuhugas ng kamay sa mga klinikang obstetriko.
Paninigas at pagtayo ng titi
Ang Ereksiyon ng titi o Paninigas at pagtayo ng titi ay isang kaganapang pampisyolohiya kung saan ang titi ng lalaking tao ay lumalaki , namimintog at matigas.
Ang ereksiyong pangtiti ay resulta ng isang masalimuot na interaksiyon ng mga bagay na sikolohikal , neural , baskular , at endokrin , at pangkaraniwan ngunit hindi eksklusibong may kaugnayan sa pagkapukaw na seksuwal o pagkabighaning seksuwal.
Ang pagtayo at pagtigas ng titi habang natutulog ay nakikilala bilang panggabing pamimintog ng titi , na tinatawag na nocturnal penile tumescence sa wikang Ingles.
Ayon sa Harvard Medical School Family Health Guide , ang normal na ereksiyon ng titi ay hindi lamang kinasasangkutan ng titi lamang , bagkus ay kinasasangkutan ng buong katawan ng tao.
Nagsisimula ito kapag ang isipan at mga pandama ng tao ay nakadama ng pagkapukaw na seksuwal.
Pagkaraan nito , ang mga dulo ng mga nerb ay naglalabas ng isang mensaherong kimikal na nagpapaluwang ng mga daluyan ng dugo na nasa titi.
Dahil sa pagluwang na ito ng mga daluyan ng dugo , ang dalawang kaban na " pampagalit " o pampatigas at pagtayo ng titi ( ang mga kabang ito ay may laman na tisyung parang espongha ) ay napupuno ng dugo upang lumaki , mamaga , at humaba , na nagdurulot ng ereksiyon.