text
stringlengths
0
7.5k
Ang apendiks ay nasa malapit sa pinagtagpuan o hugpungan ( dugtungan ) ng maliit na bituka at ng malaking bituka.
Ang salitang " beriporme " o vermiform ay nagbuhat sa Latin na may kahulugang " hugis bulati " , kaya 't ang beripormang apendiks " ay may kahulugang " hugis bulating apendiks ".
Malawakang mayroon nito sa loob ng Euarchontoglires at nagsasariling nagkaroon din sa diprotodonteng mga marsupial at mataas ang pagkakasari - sari ng sukat at hugis.
Panitikang Kanadyano
Ang pagsusuri ng panitikang Kanadyano o panitikang Kanadyense ( Ingles : Canadian literature ) ay nakatuon sa mga temang nasyonalistiko o pagkamakabansa at rehiyonal.
Ipinakikipagtalo ng mga manunuring laban sa ganitong pagsusuri o kritisismong pangtema o tematiko ng panitikang Kanadyano , katulad ni Frank Davey , na ang pagtuon sa tema ay nakapagpapabawas sa pagpapahalaga , paghanga , at pagpuri ng kasaligutgutan o kasalimuutan ( kompleksidad ) ng literaturang nagawa sa isang bansa , at nakalilikha ng kakintalan o impresyong nakaharap o nakabagay ito sa sosyolohikal na aspeto.
Bagaman ang panitikang Kanadyano , katulad ng panitikan ng bawat estadong bansa o nasyon , ay naimpluwensiyahan ng sarili nitong konteksto o diwang sosyo - pampolitika , nakagawa ang mga manunulat na Kanadyano ng samu 't saring mga anyo.
Malawak ang mga impluho sa mga Kanadyanong manunulat , kapwa sa heograpiko at pangkasaysayan.
Orihinal na Britaniko at Pranses ang nangingibabaw na kalinangan o kultura ng Canada , pati na aborihinal.
Pagkalipas ng " Announcement of Implementation of Policy of Multiculturalism within Bilingual Framework " o Pagpapahayag ng Pagpapatupad ng Patakaran ng Multikulturalismo sa loob ng Balangkas na Bilingguwal ni Punong Ministrong Trudeau noong 1971 , dahan - dahang naging tahanan ang Canada para sa mas sari - saring populasyon ng mga mambabasa at mga manunulat.
Malakas na naimpluwensiyahan ng imigrasyong pandaigdig ang panitikan ng bansa , partikular na sa loob ng kamakailang mga dekada.
Sa Ingles , palansak o kolektibong tinatawag o dinadaglat na CanLit o Canlit ang panitikang Kanadyano , mula sa katawagan dito sa Ingles na Canadian literature.
Nozomi Yamago
Si Nozomi Yamago ( ipinanganak Enero 16 , 1975 ) ay isang Hapones na manlalaro na futbol na naglalaro para sa Pambansang koponan ng kababaihang futbol ng Hapon.
Kaguluhan ( kosmogoniya )
Ang Kaguluhan ( Sinaunang Griyego khaos , khaos ) ay tumutukoy sa walang anyo o katayuang walang laman na nauna sa paglikha ng uniberso o cosmos sa mga mito ng paglikha ng Griyego na mas espesipikong inisyal na " puwang " nanilikha ng orihinal na paghihiwalay ng langit at lupa.
Ang motif ng Chaoskampf ( Aleman para sa " pakikibaka laban sa kaguluhan " ) ay laganap sa mga mito ng paglikha na naglalarawan ng isang labanan ng isang kulturang bayani sa isang halimaw na kaguluhan at kadalasang nasa hugis ng isang ahas o dragon.
Ang parehong termino ay pinalawig sa mga parehong konsepto sa mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan.
Ang paglikha ng daigdig ayon sa mga mitolohiya ng Sinaunang Malapit na Silangan at Mitolohiyang Griyego ay nagresulta mula sa mga aksiyon ng isang diyos o mga diyos / diyosa sa mga primebal na materya na umiiral na at kilala bilang kaguluhan.
Ang mga pinagmulan ng mitong Chaoskampf ay malamang nasa relihiyong Proto - Indo - Europeo na ang mga inapo ay halos lahat nagpapakita ng isang anyo ng kuwento ng isang diyos na bagyo na nakikipaglaban sa ahas ng dagat ( sea serpent ) na kumakatawan sa labanan sa pagitan ng mga pwersa ng kaayusan at kaguluhan.
Ang Maagang akda ng mga akademikong Aleman sa mitolohiyang komparatibo ay nagpasikat ng pagsasalin ng mitolohikal na ahas ng dagat bilang isang dragon.
Ang mga halimbawang Indo - Europeo ng labanang ito ang : Thor vs. Jormungandr ( Norse ) , Tarhunt vs. Illuyanka ( Hittite ) , Indra vs. Vritra ( Vedic ) , Thraetaona vs. Azi Dahaka ( Zorastrian ) , at Zeus vs. Typhon ( Griyegong Mitolohiya ) at iba pa.
Ang mitong ito ay kalaunang naipasa sa mga relihiyon ng Sinaunang Malapit na Silangan ( na karamihan ay kabilang sa pamilya ng wikang Apro - Asyatiko ) at pinakamalamang ay sa simula sa pamamagitan ng ugnayan ng mga taong Hittite sa Syria at Mayabong na Kresente.
Ang mitong ito ay isinama sa sinaunang relihiyong Sumerian gaya ni Ninurta bago kumalat sa natitira ng Sinaunang Malapit na Silangan.
Ang mga halimbawa ng bagyong diyos vs. ahas ng dagat sa Sinaunang Malapit na Silangan ang makikita sa mga mito nina Ba'al vs. Yam ( relihiyong Cananeo ) , Marduk vs. Tiamat ( mitolohiyang Mesopotamian ) , at Yahweh vs. Leviathan ( Mitolohiyang Hudyo ) at iba pa.
Mayroon ring ebidensiya na nagmumungkahi ng posibleng pagpasa ng mitong ito sa Malayong Silangan sa Hapon at Shintoismo gaya ng pinapakita sa kuwento ni Susanoo vs. Yamata no Orochi.
Ito ay kalaunang namana ng mga inapong relihiyon ng mga sinaunang relihiyon na ito gaya ng Kristiyanismo gaya ng kuwento ni Saint George and the Dragon ( na malamang ay nagmula sa sangay na Slaviko ng relihiyong Indo - Europeo gaya ng mga kuwento ng Dobrynya Nikitich vs. Zmey Gorynych ) gayundin din ang mga depiksiyon kay Hesus at San Miguel vs. Diyablo ( Apoc.
20 : 2 , Apoc.
12 : 7 - 9 ) at malamang ay nauugnay sa kuwentong Yahweh vs. Leviathan at kalaunang Gabriel vs. Rahab sa mitolohiyang Hudyo.
Sa relihiyong Sinaunang Ehipsiyo , ang mundo ay lumitaw bilang isang tuyong espasyo sa primordial na karagatan ng Kaguluhan na tinatawag na Nu.
Dahil ang araw ay mahalaga sa buhay sa mundo , ang unang pagahon ni Ra ay nagmamarka ng sandali ng paglitaw na ito.
Ang mga iba 't ibang mga anyo ng mitong Ehipsiyo ay naglalarawan ng proseso sa mga iba 't ibang paraan : isang transpormasyon ng primordial na diyos na si Atum sa mga elemento na bumuo ng mundo , bilang paglikha sa pamamagitan ng pananalita ng intelektuwal na diyos na si Ptah at bilang akto ng nakatagong kapangyarihan ni Amun.
Ang akto ng paglikha ay kinakatawan ng simulang pagtatag kay maat at ang pattern ng mga kalaunang siklo ng panahon.
Sa kosmolohiyang Hindu , sa pasimula ay walang bagay sa uniberso kundi kadiliman lamang at esensiya ng diyos na nag - aalis ng kadiliman at lumikha ng mga primordial na katubigan.
Ang kanyang binhi ay lumikha ng pangkalahatang germ ( Hiranyagarbha ) na pinaglitawan ng lahat ng ibang mga bagay.
Sa mitolohiyang Babylonian sa Enuma Elish , ang uniberso ay nasa isang estadong walang anyo at inilalarawan bilang isang matubig na kaguluhan.
Mula dito ay lumitaw ang dalawang mga pangunahing diyos na lalakeng si Apsu at babaeng si Tiamat at isang ikatlong diyos na manlilikha ng Mummu at kanyang kapangyarihan upang magsimula ng pagsulong ng mga kosmogonikong kapanganakan.
Sa Hudaismo sa Aklat ng Genesis , ang mundo sa nasa maagang estado pagkatapos ng pagkalikha nito ay naglalarawan sa mundo bilang " walang anyo at walang laman ; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman ; at ang espiritu ng Diyos ay sumasa ibabaw ng tubig.
" Pagkatapos ay inutos ni Elohim na magkaroon ng liwanag.
Sa Aklat ng Genesis 1 : 2 , ang Tehom ( t'hvom ) na karaniwang isinasalin na " ang malalim " ay tumutukoy sa mga katubigang primordial ng paglikha.
Ito ay linguistikong nauugnay sa Tohu wa bohu ( to hv' vabo hv' ) sa Gen. 1 : 2 na isinasalin na " walang anyo at walang laman ".
Ang parehong ito ay mga aspeto ng kawalang anyo bago ang paglikha ayon sa Genesis.
May ebidensiya na ang tohu wa bohu ay nagpapakita ng pagkawasak at hindi simpleng paglikha.
Halimbawa , mababasa sa bersiyong Chaldee ng Gen. 1 : 2 na , " Ngunit ang daigdig ay naging disyerto at walang laman " ; sa Septuagint , " Ngunit ang daigdig ay hindi magandang tingnan at walang laman ; at sa Aramaiko , " At ang daigdig ay nawasak at hindi tinirhan ".
Sa mga ibang talata ng bibliya , ang tehom ang lugar ng nagkukubling panganib at kaguluhan ( Eze.26 : 20 ).
Ang tehom ay isang kognato ng salitang Akkadian na tamtu at Ugaritikong t - h - m na may parehong kahulugan.
Sa gayon , ito ay tinutumbas sa mas naunang diyosa ng mitolohiyang Babilonian na Tiamat na pagkakatawan na halimaw ng kaguluhang primordial.
Sa mitolohiyang Norse , ang Ginnungagap ay inilalarawan bilang isang primordial na kalaliman na kung saan ay lumitaw ang mga unang nabubuhay na nailalang kabilang ang higante si Ymir na ang katawan ay kalaunang naging mundo na ang dugo ay naging mga karagatan.
Ang isa pang bersiyon ay naglalarawan sa pinagmulan ng mundo bilang isang resulta ng isang pagbabanggan ng maapoy at malamig na mga bahagi ng Hel.
Coachella , California
Ang Coachella ay isang lungsod sa California , Estados Unidos.
Saling - pusa
Ang salimpusa , saling - pusa , salingkit o salingket ay isang katawagan sa isang " bisitang " manlalaro sa anumang uri ng laro.
Isa itong manlalarong bata na hindi pa totoong kasali sa laro sapagkat , dahil sa kaniyang murang pag - iisip at pisikal na gulang , hindi pa makasusunod sa mga patakaran at batas ng laro.
Kunyari lamang na totoong kasali o tunay na manlalaro ang panauhing bata.
Karaniwang isinasali nang ganito ang bata para mapagbigyan ito at maiwasan umiyak.
Nagmula ang salingkit sa pinaghalong salitang sali ng Tagalog at pinaikling kitten ng Ingles ( kuting , o maliit pang anak ng pusa ).
Nanggaling naman ang baryasyon salingket mula sa pinaghalong sali at cat ( nangangahulugang " pusa " na naging ket ang baybay ) ng Ingles.
Entomolohiya
Ang entomolohiya ( entomology ) ( mula sa Griyegong entomon , entomon " kulisap " ; at - logia , - logia ) o dalubkulisapan ay sangay ng soolohiya na sumasaklaw sa siyentipikong pag - aaral ng mga kulisap.
Entomologo ang tawag sa mga nag - aaral nito.
Badvel
Ang Badvelay isang bayan sa Kadapa district ng estado ng Andhra Pradesh.
Reginald Fessenden
Si Reginald Aubrey Fessenden ( Oktubre 6 , 1866 - Hulyo 22 , 1932 ) , ay isang imbentor na Canadiano , na ipinanganak sa Quebec , Canada , na nagsagawa ng mga pampanimulang mga eksperimento sa radyo , kabilang na ang paggamit ng tuluy - tuloy na mga alon at ang maaga - na maaaring unang mga transmiyong pangradyo - ng tinig at musika.
Sa kaniyang larangan noong lumaon , nakatanggap siya ng mga patente para sa mga aparato sa mga larangang katulad ng high - powered transmitting , sonar , at telebisyon.
Tinawag siyang Ang Ama ng Pagbobrodkast sa Radyo.
Anne Sullivan
Si Johanna " Anne " Mansfield Sullivan Macy ( 14 Abril 1866 - 20 Oktubre 1936 ) , na mas nakikilala bilang Anne Sullivan , ay isang Amerikanang Irlandesang guro , na pinaka nakikilala bilang instruktor at kasama ni Helen Keller.
Ipinanganak si Sullivan noong 14 Abril 1866 sa Feeding Hills , Agawam , Massachusetts.
Ayon sa kaniyang katibayan ng pagbibinyag , ang kaniyang pangalan noong ipinganak ay Johanna Mansfield Sullivan ; subalit siya ay tinawag na Anne magmula nang maipanganak.
Ang mga magulang niya ay sina Thomas at Alice ( Cloesy ang apelyido noong dalaga ) Sullivan , mga imigranteng Irlandes na naiulat na hindi nakakabasa at halos walang pera.
Namatay si Alice noong 1874 , marahil dahil sa tuberkulosis ; at pagkaraan nito si Anne at ang kaniyang mas nakababatang kapatid na lalaking si James ( " Jimmie " ang palayaw ) ay ipinadala sa isang bahay - limusan na nasa Tewksbury , Massachusetts ( na sa kasalukuyan ay kabahagi ng Ospital ng Tewksbury ).
Naglagi si Anne doon sa loob ng pitong mga taon.
Noong 1880 , nang siya nabulag na dahil sa hindi nagamot na trakoma , ipinadala si Anne sa Paaralang Perkins para sa mga Bulag.
Bukod pa sa kaniyang kapatid na lalaking si James ( na ipinanganak noong 1869 ) , si Anne ay mayroong pang dalawang mga kapatid na babae , na sina Ellen ( ipinanganak noong 1867 ) at Mary.
Mahal na Araw
Ang Mahal na Araw ( Latin : Hebdomas Sancta o Hebdomas Maior , " Dakilang Linggo " ; Griyego : Agia kai Megale Ebdomas , Hagia sa kai Megale Hebdomas ; Kastila : Semana Santa ) sa Kristiyanismo ay ang huling linggo ng Kuwaresma at ang linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay.
Kasama rito ang mga araw ng Linggo ng Palaspas , Huwebes Santo , Biyernes Santo , at Sabado de Gloria.
Hindi ito kasama sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Sa tradisyon ng Silangang Ortodokso , ang Mahal na Araw ay nagsisimula sa Sabado de Lazaro , ang araw bago ng Linggo ng Palaspas.
( Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay , para sa konteksto , ay ang unang araw ng bagong panahon ng Dakilang Limampung Araw , o Eastertide , doon pagiging ng limampung araw mula sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay hanggang Linggo ng Pentekostes.
) Ito ay sinusundan ng Lingguhan ng Pasko ng Pagkabuhay.
Watawat ng dalangin
Ang watawat ng dalangin o watawat na pampanalangin ay isang makulay na parihaba o rektanggulong telang kalimitang matatagpuan nakatali sa kahabaan ng mga gilid at tuktok ng mga matataas na bundok sa Himalaya.
Ginagamit ang kalipunan ng mga banderitas na ito upang basbasan ang nakapaligid na mga bayan o para sa iba pang mga layunin.
Walang ganito sa ibang mga sanga ng Budismo.
Pinaniniwalaang nagmula ito mula sa Bon , na mas nauna pa sa pangkasulukuyang anyo ng Budismo sa Tibet.
Ayon sa tradisyon , nalilimbagan ito ng mga teksto at mga larawan.
Esperanza at Caridad
Ang Esperanza at Caridad ay isang palabas sa telebisyon.
Sana
Ang sana ay maaaring tumukoy sa :.
Kagitingan
Ang kagitingan ay maaaring tumukoy sa :.
Mirto
Myrtus communis L. Myrtus nivellei Batt.
& Trab.
Ang mirto , arayan , o murta ( Ingles : myrtle ; Kastila : mirto , arrayan , o murta ) , kilala sa agham bilang Myrtus , ay isang sari ng isa o dalawang mga uri ng mga halamang namumulaklak sa loob ng pamilyang Myrtaceae , na katutubo sa katimugang Europa at hilagang Aprika.
Palaging lunti ang mga palumpong o maliliit na mga punong ito na tumataas hangang 5 mga metro.