text
stringlengths
0
7.5k
Buo ang mga dahon nito na 3 - 5 mga sentimetro ang haba , na may mabangong mahalagang langis.
May limang karaniwang puti o kaya rosas na mga talulot at mga sepal ang bulaklak na parang bituin , at maraming mga istamen.
Maaaring isahan o nagkukumpulan ang mga bulaklak na ito.
Bilugang bughaw - itim ang mga bungang ratiles nito na naglalaman ng ilang mga buto.
Pinipertilisahan ( polinasyon ) ng mga kulisap ang mga bulaklak ng mirto , at ikinakalat ng mga ibong kumakain ng mga ratiles ang mga buto nito.
Laganap ang karaniwang mirto , Myrtus communis , na kilala rin bilang totoong mirto o mirtong tunay , sa rehiyong Mediteraneo at isang halamang pangkaraniwang inaalagaan at pinararami.
Pangunahing binubuo ang pamilya ng mirtong totoo o tunay na mirto ng mga punong tropikal o subtropikal at mga palumpong , na kinabibilangan ng puno ng eyukalipto ( eukaliptus ) at ng pimento ( pimento ng Hamayka ).
Nakahangga lamang sa bulubundukin ng Tassili n 'Ajjer sa katimugang Alherya at sa Bulubundukin ng Tibesti sa Tsad ang isa pang uri , ang mirto ng Sahara o Myrtus nivellei , kung saan lumilitaw ito sa maliliit na mga lugar ng kakaunting kakahuyang dating nasalanta , malapit sa gitna ng Ilang ng Sahara ; nakatala ito bilang isang nanganganib na mga uri.
Subalit , may ilang mga botanistang hindi kumbinsidong ganap ang kaibahan ng M. nivellei upang maituring na isang kahiwalay na uri.
Peminismo
Ang peminismo ay pagtitipon ng mga kilusan at mga kaisipan na layunin ang magtakda , magtatag , at maipagtanggol ang pantay na pampulitika , pangkabuhayan , pangkultural , at panlipunang mga karapatan para sa mga kababaihan.
Nabibilang dito ang pagtatatag ng pantay na mga pagkakataon para sa mga kababaihan sa edukasyon at sa paghahanap - buhay.
Ang isang peminista ay tumataguyod o sumusuporta sa mga karapatan at sa pagkakapantay - pantay ng mga kababaihan.
Ang peministang teorya , na lumitaw mula sa mga peministang kilusan , ay lumalayong maunawaan ang pinagmulan ng hindi pagkakapantay - pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagsuri sa mga panlipunang tungkulin at natamong karanasan ng isang babae ; ito ay mga teorya sa samu ' t saring mga sangay upang matugunan ang mga suliranin tulad ng panlipunang konstruksiyon ng kasarian.
Ilan sa mga naunang anyo ng peminismo ay pinuna dahil sa pagsasaalang - alang lamang sa mga puti , nakaririwasa , at nakapag - aaral.
Humantong ito sa pagkakabuo ng tiyak na pang - etniko o multiculturalist na mga anyo ng peminismo.
Ang mga peministang aktibista ay nagkakampanya para sa mga karapatan ng mga kababaihan - tulad ng sa contract law , sa pag - ari , at sa pagboto - habang itinataguyod din ang mga karapatang pang - integridad , pangpagsasarili , at pang - reproductive para sa mga kababaihan.
Nabago ng mga kampanyang peminismo ang mga lipunan , lalo na sa Kanluran , sa pagkakamit ng karapatang bumoto para sa mga kababaihan , pagkakapantay - pantay ng kasarian sa mga tiga - Inglatera , pantay na sahod para sa mga kababaihan , mga karapatang pang - reproductive para sa mga kababaihan ( kasama na ang pagkamit ng mga contraceptive at ng pagpapalaglag ) , at ang karapatang makapagsagawa ng mga kasunduan at makapakaroon ng ari - arian.
Ipinagtanggol ng mga peminista ang mga kababaihan mula sa karahasan sa tahanan , sekswal na panggigipit , at paggagahasa.
Ipinagtaguyod din nila ang karapatan sa pinagtatrabahuhan , kasama na ang maternity leave , at nilabanan ang mga anyo ng diskriminasyon laban sa mga babae.
Ang peminismo ay nakatutok , higit sa lahat , sa mga suliranin ng mga kababaihan , ngunit hamon naman ng manunulat na si bell hooks , dahil layunin ng peminismo ang pagkakapantay - pantay ng kasarian , kinakailangan na dapat din maisama ang pagpapalaya sa mga kalalakihan sapagkat nasasaktan din sila ng sexism at gender roles.
Kaugnay ng mga feminista o makababae ( makapangkababaihan ) , tumutukoy ang feminismo sa simulaing naghahangad ng pantay o parehas na karapatan para sa mga babae.
Ito rin ang pagtangkilik o kilusang tumatangkilik ng mga karapatan ng mga kababaihan.
Hinati ng mga feminista at mga iskolar ang kasaysayan ng kilusan sa tatlo.
Ang una ay tumutukoy sa mga kilusan ng mga kababaihan na bumoto noong ikalabinsiyam at unang bahagi ng ikadalawampung siglo.
Ang ikalawa ay tumutukoy sa mga ideya at aksiyong may kaugnayan sa kilusan ng mga kababaihanng kalayaan simula noon dekada sisenta ( na nagkampanya para sa legal at panlipunang pagkakapantay - pantay para sa mgakababaihan ).
Ang ikatlo ay tumutukoy sa pagpapatuloy at reaksiyon sa malinaw na pagkabigo ng ikalawang kilusan ng peminismo simula sa dekada nobenta.
Iceland
sa sa lupalop ng Europa ( puti ).
Ang Iceland o Islandiya , opisyal na tinatawag na Republika ng Iceland , ( Icelandic : Lydveldid Island ) ay isang pulong bansa sa kanlurang Karagatang Atlantiko sa pagitan ng Greenland , Norway , at ng Kapuluang Britaniko.
Isa itong bansa sa Europa , na nasa hilaga ng Karagatang Atlantiko.
Nasa silangan ito ng Greenland na 300 kilometro ang layo at 1000 kilometro pakanluran mula sa Noruwega.
Mayroong itong 39,769 milya kuwadradong lawak na sakop.
Nasa pagitan ang Europeong bansang ito ng Hilagang Amerika at ng kontinente ng Europa.
Bilang paghahambing , magkapareho ang distansiya ng paglalakbay mula New York , Estados Unidos hanggang Iceland at ang layo ng pagbibiyahe mula New York patungong Los Angeles , Estados Unidos.
Kasinglaki ang Lupangyelo ng Kentucky ng Estados Unidos , at pinaninirahan ng may halos 300,000 kataong naninirahan ang karamihan sa mga dalampasigan.
Nananatili ang mga bahagyang temperatura buong taon sa Iceland.
Bihirang umabot ang temperatura sa 75 gradong Fahrenheit ( 24 degring sentigrado ) tuwing tag - init.
Sa tag - lamig , hindi umaabot sa mga mabababang temperatura sa kabisera nitong Reykjavik , hindi tulad na nararanasan sa New York , Estados Unidos o kaya sa Ottawa , Canada.
Bagaman may sariling wika , nagsasalita rin ng Ingles ang mga Icelander , ang mga mamamayan ng Iceland.
Karaniwang pagkain sa Iceland ang mga lamang - dagat at mga lutuing may tupa.
Tinatawag na krona ( isahan ) o kronur ( maramihan ) , may sagisag na ISK , ang salaping ginagamit sa Iceland.
Katumbas ng isang dolyar ng Estados Unidos ang 70 ISK.
Albanya * Alemanya * Andora * Armenya2 * Austrya * Aserbayan1 * Belhika * Belarus * Bosnia at Hersegobina * Bulgarya * Dinamarka3 * Eslobakya * Eslobenya * Estonya * Espanya1 * Heyorhiya1 * Gresya1 * Unggarya * Irlanda * Italya3 * Kasakistan1 * Kroasya * Latbiya * Liechtenstein * Litwanya * Luksemburgo * Lupangyelo * Republika ng Masedonya * Malta * Moldabya * Monako * Montenegro * Noruwega3 * Olanda3 * Pinlandiya * Polonya * Portugal3 * Pransiya1 * Rumanya * Rusya1 * San Marino * Serbya * Suwesya * Suwisa * Turkiya1 * Tsekya * Tsipre2 * Ukranya * Pinag - isang Kaharian3 * Lungsod ng Batikano.
1 Mayroong bahagi ng teritoryo nito na nasa labas ng Europa.
2 Buong nasa Kanlurang Asya ngunit mayroong ugnayang sosyo - politikal sa Europa.
3 May mga umaasang teritoryo sa labas ng Europa.
Evensk
Ang Evensk ( Ruso : Evensk ) ay isang pamayanang uri - urbano ( o bayan ) ng Severo - Evensky District , Magadan Oblast , Rusya.
Populasyon : { { { 1 } } } ( Paunang labas ng Sensus ng 2010 ) ; 2,182 ( Senso 2002 ) ; 4,862 ( Senso 1989 ).
Ang Evensk ay may maginaw na klimang subartiko ( Koppen climate classification Dfc ) , na may lubhang napakaginaw at nagniniyebeng taglamig at maigsi ngunit malamig na tag - init.
Mas - mataas ang presipitasyon sa tag - init kaysa sa ibang bahagi ng taon.
Binatay ang datos ng klima sa kalapit na pamayanan ng Nayakhan.
Desiderata
Ang Desiderata ( Latin para sa " mga bagay na hinahangad " o " mga bagay na hahangarin " , pangmaramihang anyo ng of desideratum ) ay isang nakapupukaw ng damdamin at nagpapasigla ng kaloobang tulang tuluyan o prosa na ukol sa pagkakamit ng katuwaan sa buhay.
Unang isinakarapatang - ari ito ni Max Ehrmann noong 1927 , ngunit malawakan itong ipinamudmod noong mga 1960 na walang pagtukoy sa kanya.
Si Max Ehrmann ( 1872 - 1945 ) ang may - akda ng tulang Desiderata.
Kinatha niya ito noong 1927 batay sa isang nilalaman sa kanyang pansariling talaarawan , na nais niyang mag - iwan ng isang " regalo ".
Noong 1927 din , nakatanggap si Ehrmaan ng karapatan sa pag - aari para sa kanyang tula.
Noong 1948 , nalathala ang tula sa aklat na The Poems of Max Ehrmann ( Ang mga Tula ni Max Ehrmann ).
Ipinamana ni Ehrmaan ang karapatang - ari sa kanyang asawang si Bertha Ehrmann.
Muling pinabago ni Ginang Ehrmann ang karapatang - ari noong 1954.
Nang sumakabilang buhay si Ginang Ehrmann noong 1962 , pinamana naman niya ang karapatang - ari para sa tula sa kanyang pamangking lalaking si Richmond Wight.
Noong 1971 , itinalaga naman ni Wight ang karapatan sa pag - aari ng tula sa Crescendo Publishing Company.
Bagaman may ganitong kasaysayan hinggil sa karapatang - ari ng tula , nagkaroon pa rin ng kalituhan at kaguluhan hinggil dito.
Dahil bago sumapit ang 1959 , natagpuan ni Reberendo Frederick W. Kates , isang Metodistang rektor ng Lumang Simbahan ni San Pablo sa Baltimore , Maryland ng Estados Unidos ( itinatag noong 1692 at unang simbahan sa Baltimore ; rektor ng simbahan si Kates mula 1956 hanggang 1961 ) , ang isang sipi ng tula ni Ehrmann.
Noong 1959 , ginamit at ipinaloob ni Kates ang tula sa isang katipunan ng mga pampananampalatayang mga babasahing tinipon niya para sa kanyang kongregasyon.
Sa ibabaw ng 200 mga maliliit na babasahing ipinamimigay , nakalagay ang katagang " Old St. Paul 's Church , Baltimore A.C.
1692 " ( Lumang Simbahan ni San Pablo , Baltimore A.C.
1692 ).
Sa paglipas ng panahon , habang ipinamumudmod ang mga babasahin , hindi napasama ang pangalan ni Ehrmann sapagkat nakokopya lamang ang pangalan ng simbahang pinagmumulan ng mga ito.
Naging tanyag din ang tula magmula noong mga 1960 dahil sa pagiging kaakibat ng kilusang nagsasabi ng " gumawa ng kapayapaan , hindi digmaan ".
Noong 1965 , mayroon namang isa pang panauhin ang yumaong si Adlai Stevenson na nakatagpo ng isang sipi ng tula ni Ehrmann sa loob ng silid ni Stevenson.
Nalaman din ng panauhing ito na gagamitin ni Stevenson ang tula para sa kanyang gagawing mga kartang pamasko.
Naging tanyag ang tula pagkaraan ng pangyayaring ito.
Mula 1977 , sinikap na ituwid ng rektor ng Simbahan ni San Pablo ang pagkalito kung sino ang tunay na may - katha ng tula.
Sa kasalukuyan , malawakang pinaniniwalaang sakop ng publikong dominyo ang pasulat na paggamit ng Desiderata dahil , bagaman nagawa ni Ehrmann na makakuha ng isang legal na karapatang - ari at muling niyang binago ito , hindi niya nagawang lagyan ang mga ito ng tatak o paunawang nakakarapatang - ari ang mga sipi ng kanyang tula.
Dahil sa kakulangang ito ni Ehrmann , nagtagumpay na makakuha ng karapatang - ari para sa tula si Robert Bell ( Bell v. Combined Registry Co.
) noong 1975.
Nagkaroon si Bell ng pag - aari sa tula magpahanggang kanyang kamatayan.
Kabilang pa sa pagkakamali ni Ehrmann , na naging pagkapanalo ni Bell , ang pamumudmod ni Ehrmann ng tula sa kanyang mga kaibigan bilang pambating pamasko noong Disyembre ng 1933 , at ang kanyang pagbibigay ng pahintulot noong 1942 kay Merrill Moore , isang sikyatriko sa hukbong katihan ng Estados Unidos na naglilingkod noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig , na ipamahagi ang tula sa mga sundalo bilang bahagi ng panggagamot sa mga ito magpahanggang 1944 , kahit na naging sibilyan nang muli si Moore sa Boston , Massachusetts.
Dahil sa pangyayaring ito , itinakda ng hukuman na naremata na o isinuko na at pinabayaan o tinalikdan na ni Ehrmann ang karapatan niya sa tula.
May mga bersyon ang Desiderata na careful ( mag - ingat ) ang nakasulat sa halip na cheerful ( masiyahin ) sa huling linya ng tula , na nasa huling taludturan nito.
Ayon sa isang tagapaglimbag , si Ehrmann mismo ang nagpalit nito , mula careful na ginawa niyang cheerful.
Subalit mayroong kuwentong nagsasaad na isa itong pagkakamali ng isang tagapaglathala.
Narito ang panitik ng tulang ito sa orihinal na Ingles na ginagamit ang salitang cheerful para sa huling taludtod.
Kaagapay nito ang pagsasalin sa Tagalog na naglalaman ng katumbas na " masiyahin " para sa cheerful.
Pangalan ( paglilinaw )
Maaring tumukoy ang pangalan o ngalan sa :.
Huwag ikalito ito sa pangngalan.
Hermosillo
Ang Hermosillo ay isang lungsod sa Estado ng Sonora , sa bansang Mehiko.
Emperador Go - Tsuchimikado
Si Emperador Go - Tsuchimikado ( Hou Tu Yu Men Tian Huang , Go - tsuchimikado - tenno ) ( Hulyo 3 , 1442 - Oktubre 21 , 1500 ) ay ang Ika - 103 Emperador ng Hapon.
Ito ay ayon sa nakaugaliang pagkakasunod - sunod ng pagtaas sa trono.
Jimmu * Suizei * Annei * Itoku * Kosho * Koan * Korei * Kogen * Kaika * Sujin * Suinin * Keiko * Seimu * Chuai * Jingu.
Ojin * Nintoku * Richu * Hanzei * Ingyo * Anko * Yuryaku * Seinei * Kenzo * Ninken * Buretsu * Keitai * Ankan * Senka.
Kimmei * Bidatsu * Yomei * Sushun * Suiko * Jomei * Kogyoku * Kotoku * Saimei * Tenji * Kobun * Tenmu * Jito * Monmu * Genmei.
Gensho * Shomu * Koken * Junnin * Shotoku * Konin.
Kanmu * Heizei * Saga * Junna * Ninmyo * Montoku * Seiwa * Yozei * Koko * Uda * Daigo * Suzaku * Murakami * Reizei * En 'yu * Kazan * Ichijo * Sanjo * Go - Ichijo * Go - Suzaku * Go - Reizei * Go - Sanjo * Shirakawa * Horikawa * Toba * Sutoku * Konoe * Go - Shirakawa * Nijo * Rokujo * Takakura * Antoku * Go - Toba.