text
stringlengths
0
7.5k
Sikoseksuwal na pag - unlad
Sa sikolohiyang Freudiano , ang Sikoseksuwal na pag - unlad ay isang sentral na sangkap sa teoriya ng sikoanalitikong seksuwal na pag - uudyok , na ang tao , mula sa kapanganakan , ay mayroon nang libog ( ganang seksuwal ) na naipapakita sa limang yugto.
Ang bawat yugto - ang pambibig , ang pambutas ng puwit , ang pangtiti , ang pag - amba o pagtaglay ( latensiya ) , at ang henital - ay may mga bahagi ng katawan na itinatangi bilang mga sonang erohenosa na pinagmumulan ng ganang seksuwal.
Sinasabi ni Sigmund Freud na kapag ang isang bata ay nakaranas ng pagkabalisa ( pagpigil sa kahit anong yugto ng sikoseksuwal ) ito ay magdudulot ng neurosis sa katandaan.
Si Sigmund Freud ( 1856 - 1939 ) ang nagsabi na ang pag - uugali ng bata ay nakatuon sa ilang bahagi ng kaniyang katawan , halimbawa ang bibig habang nagpapasuso , o kaya ang puwit sa panahon ng pagtuturo sa paggamit ng banyo o kubeta.
Iminumungkahi ni Freud na ang pang - adultong neurosis ( pantungkuling diperensiya sa pag - iisip o functional mental disorder sa Ingles ) ay madalas na nakaugat sa seksuwalidad ng pagkabata , kaya , ang mga pag - uugaling neurotiko sa katandaan ay bunga ng seksuwal na pantasya mula pagkabata.
Sinasabi rin na dahil ang tao ay ipinanganak na seksuwal , ang sanggol ay makakakamit ng seksuwal na ginhawa sa kahit na anong bahagi ng kanilang pangangatawan.
Bukod pa rito , ang pakikipaghalubilo raw ang dahilan upang matungo ang ganang seksuwal sa pagiging heteroseksuwal sa kanyang katandaan.
Ang unang yugto ng sikoseksuwal na pag - unlad ay tinatawag na yugtong pambibig.
Ito ay mula sa kapanganakan hanggang sa gulang na dalawang taon.
Sa yugtong ito , sinasabi na ang ganang seksuwal ng isang bata ay nakukuha niya mula sa pagsuso sa suso at ang paglalagay ng iba 't ibang mga gamit sa kanyang bibig.
Dahil sa kawalan ng identidad ng sanggol , ang kaniyang aksiyon ay nagmumula sa prinsipyo ng kasiyahan , ang instinto ng pagkuha ng kaginhawahan.
Ang ikalawang yugto ng sikoseksuwal na pag - unlad ay ang yugtong pambutas ng puwit.
Nagtatagal ito mula sa edad na labing - limang buwan hanggang tatlong taon.
Dito , sinasabi na ang ganang seksuwal ng bata ay nagmumula sa bibig patungo sa puwit.
Ang pagtuturo sa tamang paraan ng pagdumi ay isa sa mga pangyayari kung saan nakukuha niya ang kaginhawaan.
Ang ikatlong yugto ng sikoseksuwal na pag - unlad ay ang yugtong pangtiti ( o yugtong pang - galit na titi ) na tumatagal mula sa edad na tatlo hanggang anim na taon , kung saan ang ari ng lalaki o ari ng babae ay ang kanyang pangunahing seksuwal na bahagi sa katawan.
Ito ang yugto kung saan may malay na ang bata sa kanyang pangangatawan , sa mga katawan ng ibang mga bata , at sa mga katawan ng kanilang mga magulang ; nabibigyang - kasiyahan ang kanilang pisikal na kuryusidad sa pamamagitan ng paghuhubo at paghuhubad at pagkalap sa katawan ng bawat isa at sa kanilang mga ari , at sa gayon ay nalalaman nila ang pisikal ( seksuwal ) na pagkakaiba sa pagitan ng isang " lalaki " at ng isang " babae " at ang pagkakaiba ng mga kasarian sa pagitan ng dalawa.
Sa yugtong pangtiti , para sa mga kalalakihan , sinabi ni Freud na may pagkakahalintulad ang nararanasan ng mga kalalakihan sa pangyayari doon sa buhay ni Oedipus.
Tinawag niya itong suliranin ni Oedipus o kompleks ni Oedipus.
Si Oedipus ay isang tauhan sa mitolohiya ng mga Griyego na nagmula pa sa ikalimang siglo.
Dahil sa kanyang kasalanan , si Oedipus ay pinarusahan sa pamamagitan ng pagkaranas na mapatay ang kanyang amang si Laius at akitin ang kanyang inang si Jocasta.
Sa kababaihan naman ay nagaganap ang tinatawag na suliranin ni Electra o kompleks ni Electra.
Si Electra ay nakikipagkompetisyon sa kanyang ina upang makuha ang kanyang ama.
Kasama ng kanyang kapatid na si Clytemnestra , sila ay nagplanong maghiganti sa kanilang ina upang mabigyan ng katarungan ang pagpatay sa kanilang amang si Agamemnon.
Ang ikaapat na yugto ng sikoseksuwal na pag - unlad ay ang yugto ng latensiya ( yugto ng pag - amba o yugto ng pagtataglay ) na mula sa edad na anim na taon hanggang sa pagbibinata o pagdadalaga , kung saan ang bata ay pinagsasama ang mga gawi ng kanyang karakter na nabuo mula sa naunang tatlong taon.
Dahil sinasabing nakatago ang ganang seksuwal at ang pagbibigay - kasiyahan ay naantala - hindi katulad sa panahon na nagdaan sa mga yugtong pambibig , pambutas ng puwit , at pangtiti - ang bata ay nakakakuha ng kasiyahan mula sa proseso ng pangalawang pag - iisip.
Ang ganang seksuwal ay inilalaan sa mga panlabas na gawain , tulad ng pag - aaral , pakikipag - kaibigan , libangan , at iba pa.
Ang ikalimang yugto ng sikoseksuwal na pag - unlad ay ang yugtong panghenitalya.
Ito ay nagtatagal mula sa pagbibinata hanggang sa katandaan.
Ito ang nagiging gabay sa buhay ng isang lalaki at ng isang babae.
Ang layunin nito ay ang pangsikolohiyang pakikipaglapit at kalayaan mula sa mga magulang.
Ang yugtong panghenitalya ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao upang ipakita ang kanilang kakayahan na harapin at lutasin ang kani - kanilang natitira pang mga problemang sikoseksuwal mula pa sa pagkabata.
Tulad ng sa yugtong pangtiti , ang yugtong panghenitalya ay nakasentro sa ari ng lalaki o babae , ngunit ang seksuwalidad ay nahubog na sa pagtanda , sa halip na mag - iisa at umaastang parang bata.
Aparri
Ang Bayan ng Aparri ay isang unang klasebayan sa lalawigan ng Cagayan , Pilipinas.
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 59,046 katao sa 11,019 na kabahayan.
Ang bayan ng Aparri ay nahahati sa 42 mga barangay.
Astyanax
Si Astyanax ay isang tauhan sa mitolohiyang Griyego.
Siya ang anak na lalaki nina Hector ng Troya at Andromache.
Napatay siya ni Neoptolemus sa wakas ng Digmaan sa Troya , upang hindi siya maging isang bagong hari ng Troya , o dahil sa paghihiganti.
Poker Face
Ang " Poker Face " ay isang awitin ng Amerikanang mang - aawit ng pop na si Lady Gaga , at isang komposisyon nina Lady Gaga , RedOne para sa kanyang unang album na The Fame.
Lalawigan ng Sivas
Ang Lalawigan ng Sivas ( Turko : Sivas Ili ) , ( Kurdish : Sewas ) ay isang lalawigan sa Turkiya.
Ang malaking bahagi nito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng rehiyon ng Kalagitnaang Anatolia sa Turkiya ; ito ang pangalawang pinakamalaking lalawigan sa Turkiya sang - ayon sa teritoryo.
Ang mga katabing lalawigan ay Yozgat sa kanluran , Kayseri sa timog - kanluran , Kahramanmaras sa timog , Malatya sa timog - silangan , Erzincan sa silangan , Giresun sa hilagang - silangan , at Ordu sa hilaga.
Ang kabisera nito ay ang lungsod ng Sivas.
Nahahati ang lalawigan ng Sivas sa 17 distrito ( nasa makapal ang distritong kabisera ) :.
Sa kasaysayan , nagmimina ang lalawigan ng tawas , tanso , pilak , bakal , uling , asbesto , arseniko , at asin.
Nagatatanim din dito ng alpalpa.
Duggirala mandal
Ang Duggirala mandal ay isa sa 57 mga mandal sa Guntur district ng estado ng Andhra Pradesh.
Pantalan ng Maynila
Ang Pantalan ng Maynila , o Pier ng Maynila ay ang pinakamalaki at pangunahing pantalan ng Pilipinas na matatagpuan sa bukana ng look ng Maynila.
Ito ang pangunahing sanhi ng ekonomiya ng Maynila , na sinundan ng Ermita at Malate , na mas kilala bilang poblasyon ng Maynila.
Dito matatagpuan ang mga pinagmamalaking pantalan ng kalakhang Maynila.
Ang mga galing lalawigan at ang mga dayuhan na bumabiyahe gamit ang mga barko ay dumadaong sa pantalang ito.
Bilang pangunahing pantalan ng Pilipinas , inaangat ng pantalan ang mga negosyong panindustriya sa bansa.
Ang pantalan ay ang bumabagsak sa ika - 35 na puwesto na pinaka - okyupadong pantalan ng daigdig.
Ang pantalan , hindi lamang pang - industriya at pang - negosyo ay isa na ring distrito kung saan ang karamihan ng sinasakupan ay mula sa alubyal ng look ng Maynila.
Kilala ito bilang " Port Area ".
Ito ay maitituring na isang distrito na may natatanging mga katangian.
Ang pantalan ay may lawak na 606,740 kuwadrado kada metro.
May populasyong itong 48,684 ayon sa pamahalaan.
May limang barangay ang distrito kung saan ang karamihan ay naninirahan sa barangay 649 at ang mga tao nito ang unang bumabati sa mga dayuhan pagdaung sa pier.
Ang pantalang ito ay nasasakupan ng Tondo pero kalaunan ay ginawa rin bilang isang distrito.
Ito ay matatagpuan sa hangganan ng Tondo.
Industriyal na maituturing ang pantalan sa dami ng negosyong maaring pagkakitaan ng karamihan.
Ito lang ang natatanging distrito ng lungsod na walang pamilihang bayan o simbahan.
Alkalde * Demograpiya * Ekonomiya * Halalan * Kasaysayan * Krimen * Kultura * Pagkain * Palakasan * Pambatas na distrito * Mga tanyag na mamamayan.
Una * Ikalawa * Ikatlo * Ikaapat * Ikalima * Pang - anim.
Binondo * Daungan ng Maynila * Ermita * Intramuros * Malate * Paco * Pandacan * Quiapo * Sampaloc * San Andres * San Miguel * San Nicolas * Santa Ana * Santa Cruz * Santa Mesa * Tondo.
Justo Lukban * Ramon Fernandez * Miguel Romualdez * Tomas Earnshaw * Valeriano Fugoso * Jorge B. Vargas * Leon G. Guinto , Sr. * Juan L. Nolasco * Manuel de la Fuente * Arsenio Lacson * Antonio Villegas * Ramon Bagatsing * Mel Lopez * Alfredo Lim * Lito Atienza * Alfredo Lim * Joseph Estrada.
Marcus Madrigal
Si Marcus Madrigal ay isang artista sa Pilipinas.
Paggalang
Ang paggalang ay ang pagpapalagay ng mabuting hangarin at kakayahan ng ibang tao o sa sarili.
Kailangang mayroon itong lalim ng integridad , tiwala , mga komplementaryong pinapahalagaang kaugaliang wagas , at kasanayan.
Dinadagdag ng paggalang ang pangkalahatang tiwalaan sa pakikipag - ugnayan sa lipunan.
Tinutulot nito ang mga tao na magsama - samang gumawa sa isang komplementaryong gawi , sa halip na palagiang unawain o sang - ayunan ng bawat tao ang isa 't isa.
Mahalaga ang paggalang sa mga pamayanan dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.
Samantala , ang pakundangan ay isang salita na nagpapahayag ng antas ng panggalang.
Ang salitang ito ay nahahati sa dalawa at ito ang " paki " at " dangan " na ang una ay nagpapahayag ng paggalang at ang ikalawa ay nagsasabi ng may mabuting dahilan o katuwiran.
Kung gagamitin ang salitang ito , mag - iisip muna ang isang tao kung itutuloy niya ang gagawin sa kaniyang kapuwa dahil may pakundangan siya.
Kabaligtaran ng paggalang ang paglapastangan na may kahulugang " kawalan ng pagrespeto ".
( bow ).
Pamplona
Ang Irunea ( Kastila : Pamplona ) ay ang kabisera ng awtonomong pamayanang Kastila ng Nafarroa.
May populasyon ito ng 193 328 habitantes ( 2005 ).
Ito rin ang sentrong pangpinansiya at pangnegosyo ng Nafarroa , bukod sa pagiging sentrong pampangasiwaan nito.
Ang Irunea ay isang mahalagang sentro ng industriya , partikular na sa pagyari ng mga kotse , lakas hangin , kagamitang pangkonstruksyon , metalurhiya , papel at mga sining grapiko , at pinrosesong karne.
Dammam
Ang Dammam ( Arabe : ldmm ad - Dammam ) ang kabisera ng Eastern Province ng Arabyang Saudi , ang pinakamayang rehiyong may langis sa daigdig.
Ang ilang sangay ng hudikatura at administratibo ng lalawigan at ilang mga kagawaran ng pamahalaan ay matatagpuan sa lungsod.
Pinakamalaking lungsod sa Silangang Lalawigan ng Arabyang Saudi ang Dammam , ang ikalimang pinakamalaki sa Arabyang Saudi pagkatapos ng Riyadh , Jeddah , Mecca at Medina.
Apendiks
ang apendiks o apendise , na tinatawag ding beripormang apendiks , apendiks ng sekum , apendiseng pansekum , o bermiks ( kilala sa Ingles bilang vermiform appendix , cecal appendix , caecal appendix , o vermix ) ay isang tubong walang butas ang isang dulo na nakaugnay sa sekum ( ang cecum o caecum sa Ingles , na tinatawag ding " tokong " bagamang ang tokong ay pantawag din sa duodenum ) , kung saan umuunlad ito mula sa embriyo ( bilig ).
Ang tokong ay isang kayariang parang supot ng kolon ( colon ) o ng malaking isaw ).