text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Go - Murakami * Chokei * Go - Kameyama * Go - Komatsu * Shoko * Go - Hanazono * Go - Tsuchimikado * Go - Kashiwabara * Go - Nara * Ogimachi * Go - Yozei.
|
Go - Mizunoo * Meisho * Go - Komyo * Go - Sai * Reigen * Higashiyama * Nakamikado * Sakuramachi * Momozono * Go - Sakuramachi * Go - Momozono * Kokaku * Ninko * Komei.
|
Cerritos ( California )
|
Ang Cerritos ay isang lungsod sa California , Estados Unidos.
|
Yoshkar - Ola
|
Ang Yoshkar - Ola ay isang lungsod sa bansang Rusya.
|
Mga comune ng Lalawigan ng Bergamo
|
Ito talaan ng mga comune ng Lalawigan ng Bergamo sa Italya.
|
Pagtatambalan
|
Sa biyolohiya , ang pagtatambalan ( Ingles : mating ) , na tinatawag ding pagpapareha , pagsasama , pangangasawa , o pag - aasawahan , ay ang pagpaparis ng mga organismong may magkaibang kasarian o ng mga organismong hermaproditiko para sa pagtatalik.
|
Sa mga hayop na nakikipagkapwa , kabilang dito ang pagkakaroon , pangangalaga , at pagpapalaki ng mga supling.
|
Ang pagtatalik o kopulasyon ay ang pagsasanib ng mga organong pampagtatalik ng dalawang mga hayop na nagpaparami sa paraang seksuwal para sa inseminasyon at kasunod na pertilisasyong panloob.
|
Ang dalawang indibidwal ay maaaring magkaiba ang kasarian o mga hermaprodito , katulad ng sa kaso ng mga suso , bilang halimbawa.
|
Para sa mga hayop , ang mga paraan ng pag - aasawahan ay pakikipagtambalan kahit kanino , pakikipagtambalan sa hindi kahalintulad , pakikipagtambalan sa kahalintulad , o pakikipagtambalan mula sa kalipunan ng mga makakatambal.
|
Sa ilang mga ibon , kasangkot dito ang mga ugali ng paggawa ng pugad at pagpapakain sa mga sisiw.
|
Ang gawaing pantao ng pagpapabulog o pagpapakasta ng domestikadong mga hayop at ng pagsasagawa ng artipisyal na inseminasyon sa mga ito ay isang bahagi ng paghahayupan , na may kaugnay ng pagbubukid at pagsasaka.
|
Sa ilang mga panlupang mga artropod , kabilang ang mga kulisap na kumakatawan sa mga kladeng basal o primitibo at pilohenetika , ang lalaki ay nagdedeposito ng spermatosoa sa substrata , na paminsan - minsang iniimbak sa loob ng isang natatanging kayarian.
|
Ang namamalas na pagliligawan ay kinabibilangan ng pagkayag sa babae na kuhanin ang pakete ng esperma papaloob sa kanyang butas na pangkasarian na walang nagaganap na tunay na pagtatalik.
|
Sa mga pangkat na katulad ng mga tutubi at maraming mga gagamba , ang mga lalaki ay nagtutulak ng esperma papasok sa isang pangalawang mga kayariang pampagtatalik na tinanggal mula sa kanilang butas na pangkasarian , na pagkaraan ay ginagamit upang inseminahan ang babae ( sa mga tutubi , isa itong sternite na may modipikasyon o pagbabago na nasa pangalawang segmentong pangtiyan ) ; sa mga gagamba , ito ang mga pedipalp ng lalaki.
|
Sa masusulong na mga pangkat ng mga kulisap , ginagamit ng lalaki ang kanyang aedeagus , isang kayarian na nabuo magmula sa mga hantungang segmento ng tiyan , upang tuwirang makapag - impok ng esperma ( bagaman paminsan - minsang papasok sa isang kapsulang tinatawag na espermatoporo ) papasok sa pitak na pangreproduksiyon ng babae.
|
Ang ibang mga hayop ay nagsasagawa ng reproduksiyong seksuwal sa pamamagitan ng pertilisisasyong panlabas , kabilang ang maraing mga basal o primitibong mga bertebrado o nagugulugudan.
|
Ang mga bertebrado katulad ng mga reptilya , ilang mga isda , at karamihan sa mga ibon ay nagpaparami o nag - aanak sa pamamagitan ng panloob na pertilisasyon , sa pamamagitan ng pagtatalik na ginagamit ang cloaca ( tingnan din ang hemipenis ) , habang ang mga mamalya ay nakikipagtalik sa pamamagitan ng puki.
|
Para sa ilang mga hayop , ang pagtatalik ay maaaring may kaugnayan o walang kaugnayan sa reproduksiyon ; halimbawa na ang mga tsimpansi at natatangi na ang mga bonobo na nalalamang nakikipagtalik kahit hindi mabubuntis , maaaring para sa kasiyahan at kasarapan , na nagdurulot ng pagpapalakas ng pagiging matalik at magkakalapit ng damdamin ng mga ito.
|
Katulad ng mga hayop , ang pagtatalik sa ibang mga Eukaryota , katulad ng mga halaman at halamang - singaw , ay nagpapahiwatig ng seksuwal na pagwawatas o konhugasyong seksuwal ( seksuwal na pagbabanghay ).
|
Subalit , sa mga halamang baskular , ito ay karamihang nakakamit nang walang pagdaramping pangkatawan sa pagitan ng nag - aasawahang mga indibiduwal ( tingnan ang polinasyon ) , at sa ilang mga kaso , iyong sa mga halamang - singaw o fungi kung saan walang umiiral na pagkakaiba sa pagitan ng mga panlalaki at pambabaeng mga organong pampagtatalik ( tingnan ang isogamya ) ; subalit , ang mga tipo ng pagtatambalan sa ilang mga uri o espesye ng halamang - singaw ay tila kahuwad o kahawig ng dimorpismong seksuwal sa mga hayop , at umaalam kung ang dalawang mga bumukod o tumiwalag na mga indibidwal ay maaaring mag - asawahan o magtambalan.
|
Archean
|
Ang Archean ( / ar'ki:n / , at binabaybay ring Archaean ; na dating tinatawag na Archaeozoic / arki'zoUIk / ) , at binabaybay ring Archeozoic o Archaeozoic ) ay isang eon na heolohiko bago ang eon na Proterosoko bago ang 2.5 Ga ( bilyong mga taon o 2,500 Ma ) ang nakalilipas.
|
Ang panahong Arkeyano ay pangkalahatang inaayunan na nagsimula noong 3.8 bilyong taon ang nakalilipas ngunit ang hangganang ito ay hindi pormal.
|
Canlaon
|
Ang Lungsod ng Canlaon ay isang lungsod sa lalawigan ng Negros Oriental , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 46,548 katao sa 9,302 kabahayan.
|
Sa Canlaon matatagpuan ang pinakamataas na anyo ng lupa ng lalawigan , ang Bulkang Kanlaon , na may taas na 2,465 metro mula sa antas ng dagat.
|
Ang Lungsod ng Canlaon ay nahahati sa 12 mga barangay.
|
Noong 1942 , sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig , nilusob ang Canlaon ng mga puwersa ng Imperyong Hapon.
|
Noong 1945 , napasok at napalaya ang lungsod ng magkasamang mga sundalo ng Komonwelt ng Pilipinas at mga gerilyang Pilipino.
|
Coordinates : 10 deg 23 ' N 123 deg 12 ' E / 10.383 deg N 123.200 deg E / 10.383 ; 123.200.
|
Cecile Licad
|
Si Cecile Licad ( Ipinanganak 11 Mayo 1961 ) ay isang tanyag na Pilipinang piyanista.
|
Maaga siyang natutong tumugtog ng piyano.
|
Isa siya sa magagaling na Pilipinong iskolar sa musika na pinag - aral sa Estados Unidos.
|
Nanalo na siya sa ilang paligsahang pandaigdig sa pagtugtog ng piyano.
|
Binansagan siyang " piyanista ng isang piyanista " ng The New Yorker , ang kanyang kasiningan niya , ay pinaghalong likas na musikero at mahusay na pagsasanay.
|
".
|
Carl Linnaeus
|
Si Carl Linnaeus o Carolus Linnaeus sa Latin , kilala din sa kanyang maharlikang pangalan na Carl von Linne ( tulong * impormasyon ) , ( Ipinangak noong Mayo 23 , 1707 at manatay noong ika - 10 ng Enero 1778 ) , ay isang Swekong botaniko , doktor at soologo na nagtatag ng makabagong iskima ng nomenklatura.
|
Kilala siya bilang " ama ng makabagong taksonomiya.
|
" Tinuturing rin siyang isa sa mga ama ng makabagong ekolohiya.
|
Corazon Aquino
|
Si Maria Corazon Sumulong Cojuangco - Aquino ( ipinanganak bilang Maria Corazon Sumulong Cojuangco ) ( 25 Enero 1933 - 1 Agosto 2009 ) na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ay ang ikalabing - isang Pangulo ng Republika ng Pilipinas at kauna - unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto ( 25 Pebrero 1986 - 30 Hunyo 1992 ).
|
Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng demokrasya sa Pilipinas.
|
Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong.
|
Nakapag - aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses.
|
Siya ay kabiyak ni Benigno " Ninoy " Aquino , Jr.
|
, ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.
|
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon ( Unang Rebolusyon sa EDSA ) noong 25 Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa.
|
Siya ay ina ng artistang si Kris Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III.
|
Pumanaw siya noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong ika - 5 ng Agosto.
|
Si Maria Corazon " Cory " Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933 sa Paniqui , Tarlac at ikaapat na anak nina Jose Cojuangco , Sr. at Demetria Sumulong.
|
Ang kanyang mga kapatid ay sina Pedro , Josephine , Teresita , Jose , Jr. at Maria Paz.
|
Ang kanyang ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni Melecio Cojuangco na kasapi ng Kongreso ng Malolos.
|
Ang kanyang ina ay mula sa maimpluwensiya sa politikang pamilyang Sumlong ng Rizal.
|
Ang isang kasapi ng kanilang angkang si Juan Sumulong ay tumakbo laban kay Manuel L. Quezon noong 1941.
|
Si Aquino ay nagtapos sa St. Scholastica 's College sa Manila sa kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa Assumption Convent sa unang taon ng mataas na paaralan.
|
Ipinagpatuloy niya ang kanyang kolehiyo dito.
|
Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent sa New York City kung saan nagmajor sa Matematika at Wikang Pranses.
|
Siya ay nagboluntero para sa pangangampanya ni United States Republican presidential candidate Thomas Dewey laban sa Pangulo ng Estados Unidos Harry S. Truman noong 1948 halalang Pagkapangulo.
|
Pagkatapos ng kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang mag - aral ng Batas sa Far Eastern University na pag - aari ng mga in - law ng kanyang kapatid na si Josephine Reyes.
|
Siya ay nag - aral ng isang taon.
|
Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino na anak ng dating Ispiker na si Benigno S. Aquino , Jr .. Sila ay nagkaroon ng limang anak : Maria Elena ( ipinanganak noong 18 Agosto 1955 ) , Aurora Corazon ( ipinanganak noong 27 Disyembre 1957 ) , Benigno Simeon III ( ipinanganak noong 8 Pebrero 1960 ) , Victoria Elisa ( ipinanganak noong 27 Oktubre 1961 ) at Kristina Bernadette ( ipinanganak noong 14 Pebrero 1971 ).
|
Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong 1967.
|
Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang asawa.
|
Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos.
|
Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973.
|
Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong termino para kay Marcos , nagdeklara ng Martial Law sa Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo.
|
Dahil sa Martial Law , si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan.
|
Noong 1978 , nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng Batasang Pambansa.
|
Noong 1980 , dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos , pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan.
|
Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston.
|
Noong 21 Agosto 1983 , nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.
|
Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalista na humantong sa pagpapatalsik kay Marcos.
|
Ang partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda.
|
Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos , si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan ( commercial ) na paglipad sa Manila International Airport na kalaunang pinangalanang Ninoy Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy.
|
Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos.
|
Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod.
|
Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa panahong ito dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos.
|
Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas na karagdagang lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang.
|
Sa wakas ng 1983 , ang bansa ay naging bangkarote , ang piso ay dumanas ng debaluasyon ng 21 % at ang ekonomiya ng Pilipinas ay umurong ng 6.8 % noong 1984 at muling umurong ng 3.8 % noong 1985.
|
Noong 1984 , si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique Fernando upang maglunsad ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy.
|
Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na ito ngunit tumanggi at naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng militar na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay gumuho.
|
Sumunod na hinirang ni Marcos ang kanyang kaibigan at retiradong hukom na si Corazon Agrava upang mamuno sa isang may limang kasaping komisyon upang mag - imbestiga sa asasinasyon.
|
Ang komisyong ito ay naglabas ng isang malaki at maliit na mga ulat noong Oktubre 1984.
|
Ang parehong mga ulat ay umaayon na ang asasinasyon ni Ninoy ay isang pakikipagsabwatang militar.
|
Gayunpaman , ang mga parehong mga ulat ay hindi umayon sa mga aktuwal na tao o mga bilang ng nasasangkot dito.
|
Ang maliit na ulat ay nagpapawalang sala kay General Fabian Ver at nagpangalan lamang ng pitong mga kasangkot.
|
Ang malaking ulat ay nagpangalan ng 26 kasangkot kabilang si Gen. Ver.
|
Ang malaking ulat ay humantong sa mga pagkakaso sa mga pinangalanang kasabwat.
|
Ang paglilitis ng mga ito ay nagsimula noong 22 Pebrero 1985 ngunit naging maliwanag na pinili ng tagapaglitis na hindi pansinin ang mga natuklasan ng komisyon ni Agrava at nagpapatuloy ayon sa kuwento ng militar.
|
Dahil dito , may papalaking mga protesta at pagtawag sa pagbibitiw ni Marcos.
|
Noong 2 Disyembre 1985 , ang lahat ng mga nasakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy.
|
Noong 1990 , hinatulan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang isang heneral at 15 pang mga sundalo sa pagpatay kay Ninoy at hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.