text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Maliban sa mga naganap na nakawan , marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.
|
Maging ang buong mundo ay nagsaya.
|
Ayon kay Bob Simon , isang tagapagbalita ng CBS na isang estasyon sa Amerika , ang nagsabi " We Americans like to think we taught the Filipinos democracy ; well , tonight they are teaching the world.
|
" ( " Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya , ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.
|
" ).
|
Sa pagluklok ni Corazon Aquino bilang pangulo , agad niyang tinugunan ang utang pandayuhang 28 bilyong dolyar na nalikom ng nakaraang pangulong si Ferdinand Marcos na masamang dumungis sa katayuang internasyonal na kredito ng Pilipinas.
|
Binayaran ng administrasyong Aquino ang 4 bilyong dolyar ng 28 bilyong utang ng Pilipinas sa dayuhan ngunit humiram rin ang administrasyong Aquino ng 9 bilyon na nagpataas ng utang ng Pilipinas ng 5 bilyong dolyar.
|
Sa ilalim ng pamumuno ni Aquino mula 1986 hanggang 1992 , ang aberaheng paglago ng GDP ay 3.4 porsiyento.
|
Noong 1989 , ang administrasyong Aquino ay pinautang ng IMF ng 1.3 bilyong dolyar sa kondisyong ang liberasyon ng ekonomiya ay ipagpapatuloy nito at pagsasapribado ng mga pribadong industriyang ginawang pag - aari ng pamahalaan ni Marcos.
|
Ang ekonomiya ay lumago ng 3.4 porsiyento sa kanyang unang taon sa opisina ngunit ang pagtatangkang coup noong 1989 ay nagsanhi ng pagtigil ng paglago nito.
|
Ang paglago ng ekonomiya ay may aberaheng paglago na 3.4 porsiyento sa buong anim na taon ng pamumuno ni Aquino.
|
Ang mga 50 porsiyento ng populasyon ay nasa sa ilalim ng linya ng kahirapan na sinasabing pagbuti mula 1985 nang ang halos 60 porsiyento ay nasa ilalim ng kahirapan.
|
Hindi rin nalutas ang pagiging hindi pantay ng sahod ng mamamayan.
|
Sa huling taon ni Aquino , ang implasyon ay nasa 17 porsiyento at ang kawalang trabaho ay 10 porsiyento.
|
Sinikap ni Aquino na kalasin ang mga cartel , mga monopolyo at mga oligopolyo ng mga industriya na itinatag ng mga crony ni Marcos lalo na sa mga industriyang buko at asukal.
|
Noong 1986 , nangako si Aquino ng isang reporma sa lupain.
|
Bago ng pagluklok ni Aquino , ang halos 20 porsiyento ng populasyon ay nagmamay - ari ng 80 porsiyento ng lupain.
|
Noong 1988 ay nilagdaan ni Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program na ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas na pinanaigan ng mga kasaping mambabatas nitong nagmamayari ng mga lupain.
|
Ang batas ay nagbabahagi ng mga lupain sa mga manggagawang magsasaka mula sa mga may ari ng lupain na babayaran ng pamahalaan ngunit pumapayag rin sa mga may ari ng lupain na magpanatili ng hindi higit sa 5 hektarya ng kanilang lupain.
|
Sinasabing ang batas na ito ay kumikiling sa mga may ari ng lupain gaya ng opsiyong pagbabahagi ng stock na pumapayag sa mga may ari ng lupain na makaiwas sa pagbebenta ng kanilang lupain at sa halip ay magbabahagi ng stock sa kanilang mga manggagawa sa loob ng 30 taon.
|
Ito ay nag - iwan pa rin sa mga may ari ng mga malalaking pribadong lupain at kanilang mga pamilya na may kontrol ng kanilang lupain.
|
Ang Hacienda Luisita na isang 4,435 - hektaryang lupain na pagmamayari ng pamilya ni Corazon Aquino sa Tarlac ay hindi ipinamahagi sa mga manggagawa nito ngunit namahagi lamang ng stock sa mga manggawa nito.
|
Marami ring mga may ari ng lupain ay sumunggab sa pagkakataon na ipagbili ang mga hindi kanais nais nilang lupain sa pamahalaan sa labis na mataas na halaga.
|
Inangkin ng mga administrador ni Aquino na nailipat nila ang halos isang milyong hektarya ng lupain mula 1988 hanggang 1992 ngunit ang kalahati nito ay mula sa hindi produktibong lupain at kaunti ng 2 porsiyento nito ang inaatas.
|
Nabigo ang pamahalaan ni Aquino na makaakit ng pamumuhanang pandayuhan sa panahon ng pagsulong ng mga nito sa Timog Silangang Asya.
|
Ang mga karatig na bansa ay lumago mula sa mga pamumuhanang ito samantalang ang Pilipinas ay nanatiling matamlay.
|
Sinasabing ang Pilipinas ay nalampasan ng mga pamumuhunang pandayuhan dahil sa kawalang katiyakan ng politika sa Pilipinas gayundin sa mga naglilimitang mga regulasyon ng pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa pamumuhunang pandayuhan.
|
Sa ilalim ni Aquino , ang mga sistema ng korupsiyon ng nakaraang administrasyon ni Ferdinand Marcos ay hindi rin nasugpo at ang cronyismo , padrino at paboritismo ay nananatiling nasa lugar.
|
Noong 24 Marso 2008 , napabalita na mayroong kanser sa kolon ( cancer sa colon ) , isang sakit sa bituka , ang dating pangulo.
|
Siya ay namatay noong 1 Agosto 2009 sa Makati Medical Center sa Makati dahil sa sakit na ito sa edad na 76.
|
Katamaran
|
Ang katamaran o pagkabatugan ay ang pag - iwas sa gawain , hanapbuhay o trabaho.
|
Katumbas ito ng indolensya o kagigian , na mayroon ding kabagalan , kakuyaran , at kakuparan.
|
Kabaligtaran ito ng kasipagan.
|
Ang pagiging tamad ay pinagbabawal ayon sa Hebreo 6 : 12 at 2 Tesalonica 3 : 6 - 14.
|
Ito ay nauugnay sa kasamaan sa isa sa mga talinghaga ni Hesus sa Mateo 25 : 26.
|
Ayon sa Proverbs 10 : 4 , Ecclesiastes 10 : 18 , ang katamaran ay humahantong sa kahirapan.
|
Ayon sa katuruan ng Simbahang Katoliko Romano , ang katamaran ay isa sa nakamamatay na kasalanan.
|
Ito ay kadalasang inilalarawan bilang kawalang interes sa mga bagay na espiritwal at / o pisikal.
|
Ang terminong Arabiko sa Koran para sa katamaran , kawalang gawain at kabagalan ay Arabe : kasal.
|
Ang kabaligtaran ng katamaran ang Jihad al - Nafs , i.e. ang pakikibaka laban sa sarili at sa sariling ego ng isa.
|
Kabilang sa mga limang haligi ng Islam na pananalangin ng limang beses sa isang araw at pag - aayuno sa Ramadan ay bahagi ng mga aksiyon laban sa katamaran.
|
Sa Budismo , ang terminong kausidya ay karaniwang isinasalin na katamaran.
|
Ang Kausidya ay inilalarawan bilang pagkapit sa mga hindi malusog na gawain gaya ng paghiga at pag - uunat at pagiging hindi masigasig tungkol sa o nagsasagawa ng mga mabuting gawain.
|
Imperyo ng Maurya
|
Ang Imperyong Maurya ang isang malawak sa heograpiyang panahong Bakal na kapangyarihang historikal sa Sinaunang India na pinamunuan ng Dinastiyang Mauryano mula 322 BCE hanggang 185 BCE.
|
Ito ay nagmula mula sa kaharian ng Magadha sa mga kapatagang Indo - Gangetiko ( modernong Bihar ) , silanganing Uttar Prades at Bengal sa silanganing panig ng subkontinenteng Indiano.
|
Ang kabisera ng imperyong ito ay sa Pataliputra ( modernong Patna ).
|
Ang Imperyong Maurya ay itinatag noong 322 BCE ni Chandragupta Maurya na nagpatalsik sa Dinastiyang Nanda at mabilis na nagpalawak ng kanyang kapangyarihan pakanluran sa ibayong sentral at kanluraning India na sumantala sa mga pagkagambala ng mga kapangyarihang lokal kasunod ng pagurong pakanluranin ng mga hukbong Griyego at Persa ( Persian ) ni Dakilang Alejandro.
|
Noong 320 BCE , ang imperyo ay buong sumakop sa Hilagang - kanlurang India na tumalo at sumakop sa mga satrap na naiwan ni Dakilang Alejandro.
|
Ito ay may lawak na 1 bilyong acre at isa sa pinaka - malaking mga imperyo sa panahon nito at ang kailanman pinakamalaki sa subkontinenteng Indiano.
|
Sa pinakamalaking saklaw nito , ang imperyo ay sumaklaw sa hilaga kasama ng mga natural na hangganan ng mga Himalaya at sa silangan na sumasaklaw sa ngayong Assam.
|
Sa kanluran , ito ay sumakop ng lagpas sa modernong Pakistan na nagdagdag ng Balochistan , timog silangang mga bahagi ng Iran at karamihan ng ngayong Afghanistan kabilang ang modernong mga probinsiyang Herat at Kandahar.
|
Ang imperyo ay lumawak sa mga rehiyong sentral at katimugan ng mga emperador na sina Chandragupta at Bindusara ngunit hindi isinama ang isang maliit na bahagi ng hindi nagalugad na mga rehiyong pang - tribo at magubat malapit sa Kalinga ( modernong Odisha ) hanggang sa masakop ito ni Emperador Ashoka.
|
Ang pagbagsak nito ay nagsimula pagkatapos ng 60 taon ng matapos ang pamumuno ni Ashoka at nagwakas noong 185 BCE sa pagkakatatag ng Dinastiyang Sunga sa Magadha.
|
Sa ilalim ni Chandragupta , ang imperyong Maurya ay sumakop sa rehiyong trans - Indus na nasa ilalim ng pamumuno ng mga Macedonian.
|
Pagkatapos ay tinalo ni Chandragupta ang pananakop na pinamunuan ng Griyegong heneral mula sa hukbo ni Dakilang Alejandro na si Seleucus I Nicator.
|
Sa ilalim ni Chandragupta at mga kahalili nito , ang panloob at panlabas na kalakalan , mga gawaing agrikultura at ekonomiko ay lahat yumabong at lumawak sa ibayong India dahil sa pagkakalikha ng isa at maiging sistema ng pinansiya , pamamahala at seguridad.
|
Pagkatapos ng Digmaang Kalinga , ang imperyo ay nakaranas ng kalahating siglong kapayapaan at seguridad sa ilalim ni Ashoka.
|
Ang Mauryanong India ay nagtamasa rin ng panahon ng pagkakaisang panlipunan , pagbabagong panrelihiyon at paglawak ng mga agham at kaalaman.
|
Ang pagyakap ni Chandragupta Maurya sa Jainismo ay nagpataas ng muling pagbabagong panlipunan at panrelihiyon at reporma sa buong lipunan samantalang ang pagyakap ni Ashoka sa Budismo ay naging saligan ng paghahari ng kapayapaang panlipunan at pampolitika at kawalang - karahasan sa buong India.
|
Tinangkilik at itinaguyod ni Ashoka ang pagpapalaganap ng Budismo sa Sri Lanka , Timog silangang Asya , Kanlurang Asya at Europang Mediterraneo.
|
Ang populasyon ng imperyogn Maurya ay tinatayang mga 50 hanggang 60 milyong na gumagawa sa imperyong ito na isa sa pinakamataong mga imperyo sa panahong ito.
|
Sa arkeolohiya , ang panahon ng pamumunong Mauryano sa Timog Asya ay nahuhulog sa mga kapanahunang Northern Black Polished Ware ( NBPW ).
|
Ang Arthashastra at Mga kautusan ni Ashoka ang mga pangunahing sanggunian sa kapanahunang Mauryano.
|
Ang Leong Kapital ni Ashoka sa Sarnath ang ginawang pambansang emblem ng India.
|
Etolohiya
|
Ang etolohiya ay ang sangay ng soolohiya na nag - aaral sa pagkilos , asal , at gawi ng iba 't ibang hayop.
|
Augusto Pedro de Sousa
|
Si Augusto Pedro de Sousa ( ipinaganak Nobyembre 5 , 1968 ) ay isang manlalaro ng putbol sa Brazil.
|
Wikipedia : Mag - hinuha ng katapatan
|
Isa sa mga pangunahing prinsipyo ng Wikipedia ang pag - hihinuha ng katapatan ( assuming good faith ).
|
Karaniwa 'y hinihinuha dito sa Wikipedia na may katapatan ang pagkokomento at pamamatnugot ng mga tagagamit dito , at nais lang makitulong ang mga patnugot imbes na wasakin ito.
|
Kapag hindi nakapag - hinuha ng katapatan ang mga tagagamit , agarang mamamalasan ang isang proyekto tulad ng Wikipedia sa simula pa lang.
|
Gayunpaman , hindi ibig itong sabihin na kailangan pang mag - hinuha ng katapatan ang mga tagagamit kapag hinaharap nila ang ebidensiyang kasalungat dito ( halimbawa , ang bandalismo ).
|
Hindi rin ibig sabihin nito na dapat sinasalanta ang kritisismo at usapan : ninanais lang namin na huwag ipako ang mga gawaing pinupuna sa malisya hangga 't wala pang tiyak na ebidensiya ng malisya.
|
Gattaran
|
Ang Bayan ng Gattaran ay isang ika - 2 klaseng bayan sa lalawigan ng Cagayan , Pilipinas.
|
Ayon sa senso noong 2000 , ito ay may populasyon na 26,683 katao sa 9,376 na kabahayan.
|
Ang bayan ng Gattaran ay nahahati sa 50 mga barangay.
|
Coordinates : 18 deg 04 ' N 121 deg 39 ' E / 18.067 deg N 121.650 deg E / 18.067 ; 121.650.
|
Lantad
|
Ang lantad ( pinagmulan ng ilantad ) ay maaaring tumukoy sa mga sumusunod :.
|
Arkeya
|
Crenarchaeota Euryarchaeota Korarchaeota Nanoarchaeota Thaumarchaeota.
|
Ang Arkeya ( Ingles Archaea ( AmE , BrE ) ; mula sa Griyegong arkhaia , " mga matatanda " ; kung isahan : Archaeum , Archaean , o Archaeon ) , tinatawag ding Archaebacteria ( AmE , BrE ) , ay isang pangunahing dibisyon o kahatian ng nabubuhay na mga organismo.
|
Kabilang sa Archaea ang payak na mga organismong unang natuklasan sa mga kapaligirang sukdulan o may katindihan ( ekstremo ).
|
Karamihan sa kanila ang nabubuhay o umiiral sa may napakatataas o napakabababang mga temperatura.
|
Ilan sa kanila ang maaaring makaligtas at mamuhay sa napakamaaalat , napakaasim o napaka - asidiko , o napakama - alkalinang tubig.
|
May ilang natagpuan sa mga geyser , mga singawan sa dagat ( sea vent o " black smoker " sa Ingles ) at mga balon ng langis.
|
Emile Jaques - Dalcroze
|
Si Emile Jaques - Dalcroze ( 6 Hulyo 1865 - 1 Hulyo 1950 ) , ay isang Suwisong musikero , musikologo , at edukador ng musikang nagpaunlad ng euritmiko , isang metodo ng pag - aaral at pagkaranas ng musika sa pamamagitan ng galaw.
|
Makikita ang impluwensiya ng euritmiko sa pedagohiyang Orff Schulwerk na pangkaraniwan sa edukasyong pangmusika sa paaralang pampubliko sa kabuoan ng Estados Unidos.
|
Histolohiya
|
Ang histolohiya ( mula sa Griyego na istos , lamuymoy , at - logia , - logia ) o palasihayanan ay ang pag - aaral ng anatomiya ng mga selula at mga lamuymoy ng mga halaman at hayop sa pamamagitan ng mikroskopyo.
|
Ito ay nagagawa sa pagsusuri ng isang maliit na kapiraso ng lamuynoy sa ilalim ng isang optical microscope o sa isang electron microscope.
|
Ang kakayahan na maipakita o malaman ang pagkakaiba sa mga mikroskopikong mga estruktura ay madalas na pinagbubuti sa pamamagitan sa paggamit ng mga histolohikal na mantsa.
|
Ang Histopatolohiya ay isang mikroskopikong pag - aaral sa mga lamuymoy na may sakit , ay isang mahalagang kagamitan sa anatomikal patolohiya , sapagkat ang tamang pagsusuri ng kanser at iba pang mga sakit ay kadalasang nangangailangan ng eksaminasyong histopatolohikal ng mga samplo.
|
Ang mga bihasang mga dokotr , kadalasan mga sertipikado ng Board bilang mga Patologo , ay ang mga katauhan na gumagawa ng histopalohikal na pagsusuri at nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa kanilang mga pagmamasid.
|
Ang mga bihasang mga sayantipiko a gumagawa ng mga preparasyon ng mga pangkatang histolohikal ay tawag na mga histotechnicians , histology technicians ( HT ) , histology technologists ( HTL ) , medical scientists , medical laboratory technicians , o biomedical scientists.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.