text
stringlengths
0
7.5k
Ang kanilang pag - aaral ay tinatawag na histoteknolohiya.
Noong ika - 19 na siglo , ang histolohiya ay isang disiplinang pang - akademiko sa sarili nito.
Ang 1906 na Nobel Prize ng Pisiolohiya o Medisina ay naibigay sa mga histologong Camillo Golgi at Santiago Ramon y Cajal.
Mayroong silang mga pagtatalong interpretasiyon sa estrukturang neural ng utak base sa mga iba 't ibang mga interpretasiyon ng parehong mga litrato.
Si Cajal ay nanalo sa patimpalak para sa kanyang tamang teorya at si Golgi para sa pamamaraang pamantsya na inimbento niya para maging posible ito.
1.
Merck Source ( 2002 ).
Dorland 's Medical Dictionary.
Retrieved 2005 - 01 - 26.
2.
Stedman 's Medical Dictionaries ( 2005 ).
Stedman 's Online Medical Dictionary.
Retrieved 2005 - 01 - 26.
3.
4,000 online histology images ( 2007 ).
( http : / / histology - online.com ).
Lemlunay
Ang Lemlunai o Lemlunay ay isang pagdiriwang na isinasagawa ng mga tribo ng mga taong T 'boli.
Nagaganap ito mula ika - 16 hanggang ika - 18 ng Setyembre taun - taon sa munisipalidad ng Lake Sebu sa Timog Cotabato.
Boston Celtics
Ang Boston Celtics ay isang grupo ng manlalaro ng basketbol para sa NBA o National Basketball Association , sila ay nakabase sa Boston , Massachusetts.
Tangway ng Arabia
Ang Tangway ng Arabia ( Arabe : shbh ljzyr l`rby sibh al - jazira al - `arabiya o jzyr l`rb jazirat al - `arab ) , Arabia , Arabistan , at ang kabahaging kontinento o subkontinenteng Arabo ay isang tangway o peninsula sa Timog - Kanlurang Asya na nasa hugpungan ng Aprika at Asya.
Isang mahalagang habagi ng Gitnang Silangan ang pook at may isang importanteng papel na heopolitiko dahil sa kanyang maraming reserba ng petrolyo o langis at likas na gas.
Sa Aklat ng Henesis ng Lumang Tipan ng Bibliya , ayon kay Jose Abriol , may pook na Evila o Havilah ang tawag at pinaniniwalaang tumutukoy sa Arabia.
Paglilimbag
Maaaring tumukoy ang paglilimbag sa :.
Origenes
Si Origenes ( / 'arIdZn / ; Wikang Griyego : Origenes Origenes ) , o Origen Adamantius ( 184 / 185 - 253 / 254 ) , ay isang skolar at teologong Kristiyano sa Alexandria , Ehipto at isa sa mga manunulat tungkol sa sinaunang simbahang Kristiyano.
Noong mga ika - 5 at ika - 6 na siglo CE , ang kanyang ortodoksiya ay kinuwestiyon na malaking dahil sa kanyang paniniwala sa preeksistensiya at transmigrasyon ng mga kaluluwa at apokatastasis , o unibersal na pagkakasundo na mga ideyang tinalakay ng ng ilang mga manunulat na patristiko ngunit kalaunang itinakwil bilang isang heresiya.
Ang Konseho ng Constantinople noong 453 CE ay nagtiwalag kay Origen pagkatapos ng kanyang kamatayan at ang Ikalawang Konseho ng Constantinople noong 553 CE ay nagdeklara sa apokatastasis bilang isang heresiya.
Gayunpaman , ang ideyang ito ay nakatagpo ng ilang muling pagsasaalang - alang lalo na sa mga pangkat na Kristiyanong Restorasyonismo.
Ang mga kasulatan ni Origen ay isinama sa pangkalahatang kalipunan ng sinaunang mga ama ng simbahan.
Ang kanyang mga pananaw tungkol sa Trinidad na subordinasyonismo na ang Anak ng Diyos ay mababa sa Diyos Ama ay naging kontrobersiyal noong kontrobersiyang Ariano noong ika - 4 na siglo CE bagaman ang pananaw na ito ay karaniwan sa mga ama ng simbahan ng panahong ante - niceno.
Itinuro ni Origen na si Hesus ay isang " DEUTEROS THEOS " ( ikalawang Diyos ) , ang Anak ay " natatangi " mula sa Ama at ang Anak ay nang ibang substansiya sa Ama.
Ang isang pangkat na nakikila bilang Origenista na matatag na naniniwala sa preeksistensiya ng mga kaluluwa at apokastasis ay idineklarang anathema noong ika - 6 siglo CE.
Pagsusulat
Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag ( kilala bilang sistema ng pagsusulat ).
Iniiba ito sa larawang - guhit , katulad ng mga larawang - guhit sa yungib at pinta , at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi - tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.
Ang pagsusulat ay maaaring nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampolitika ng sinaunang mga kultura , na nangailangan ng maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon , pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi , pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga pagtatala , at kahalintulad na mga gawain.
Noong bandang ika - 4 na milenyo BK , ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa sa Mesopotamia ay humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao , at ang pagsusulat ay naging isang mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o pagrerekord at paghaharap ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o pamalagian.
Sa kapwa Sinaunang Ehipto at Mesoamerika , ang pagsusulat ay maaaring nagsimula at umunlad sa pamamagitan ng mga pangkalendaryong pagbibilang o pagtutuos ( kalendriko ) at isang pangangailangang pampolitika para sa pagtatala ng mga kaganapang pangkasaysayan at pangkapaligiran.
Ang pinakamatandang nalalamang paggamit ng pagsusulat sa Tsina ay ang sa dibinasyon o panghuhula sa loob ng royal na korte.
Bibliya
Ang Bibliya o Biblia ( ang huli ay mala - Kastila at maka - Griyegong pagbabaybay ) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo.
Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba 't ibang denominasyon.
Sa Hudaismo , ito ay binubuo lamang ng 24 aklat ng Tanakh ( tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo ) at hindi kabilang dito ang Bagong Tipan.
Para sa mga Samaritano , ang Bibliya ay binubuo lamang ng limang aklat ng Torah ( Henesis , Eksodo , Lebitiko , Deuteronomyo at Bilang ).
Sa Katolisismo , ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsamang Lumang Tipan na may kasamang Deuterokanoniko o Apokripa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan.
Sa Protestantismo , ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apokripa o Deuterokanoniko ng mga Katoliko.
Sa Etiopianong Ortodokso , ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat , habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodokso , na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya.
Sa Marcionismo ( isang sektang Gnostiko ) , 11 lamang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya , at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.
Naglalaman ang Bibliya ng mga salaysay na nauukol sa bansang Israel mula noong unang milenyo BCE hanggang sa panahon ni Hesukristo at ng mga Apostol noong unang dantaon CE.
Isinasalaysay ng Tanakh ( Lumang Tipan ) ang pagkakahirang ng Diyos na si Yahweh sa bansang Israel at ang kaniyang tipan dito na siya 'y magiging matapat na Diyos kung susundin ng Israel nang tapat ang kaniyang mga utos na ipinahayag niya sa pamamagitan ng propetang si Moises.
Kabilang sa tipang ito ang pagmamana ng Israel ng Canaan o " Lupang Pangako " at ang proteksiyon at pagpapala ni Yahweh kapalit ng pagsunod ng Israel sa kaniyang mga utos ( Exodo 6 : 4 ).
Nakasulat naman sa Bagong Tipan ang buhay ni Hesus at ang mabuting balita ng kaligtasan para sa kanyang mga alagad.
Si Hesus ay nagpakilala na tagagapagligtas sa pagwawakas ng mundo na magaganap noong unang siglo CE ( Mateo 24 : 34 , Marcos 13 : 30 , Marcos 8 : 12 , Marcos 8 : 38 , Marcos 9 : 19 , Lukas 21 : 32 , Mateo 10 : 23 ).
Ayon kay Hesus , siya ay maghahari mula sa kaniyang trono ng kaluwalhatian kasama ang kaniyang mga Apostol upang humatol sa 12 lipi ng Israel ( Mateo 19 : 28 ).
Bukod dito , inangkin din ni Hesus ang pagiging isang anak ng diyos at Mesiyas , na naging sanhi ng pagkakahatol sa kaniya ng sanhedrin ng parusang kamatayan ( Lukas 22 : 66 - 71 , Juan 10 : 33 ).
Ang Bagong Tipan ay naglalaman ng mga bagong kautusan at bagong teolohiya na iba sa Lumang Tipan.
Halimbawa sa mga " sulat ni Pablo " , ang mga kautusan ni Moises sa Lumang Tipan ay binuwag at pinawalang bisa pagdating ni Hesus dahil ayon kay Pablo , ang mga tao ay nasa ilalim na ng " biyaya " at hindi ng mga " gawa " ( Gal 2 : 16 , Col 2 : 13 - 14 , 2 Cor 3 : 16 - 17 , Heb 7 : 12 , Gawa 13 : 39 at iba pa ).
Ang mga kontradiksiyon sa Luma at Bagong Tipan ay tinalakay ng kristiyanong si Marcion ( 85 - 160 CE ) sa kanyang aklat na " Anthithesis ".
Isa sa mga halimbawa ng kontradiksiyon sa Luma at Bagong Tipan na tinalakay ni Marcion , ang Exodo 21 : 24 " ... paparusahan ang nakasakit : buhay din ang kabayaran sa buhay , mata sa mata , ngipin sa ngipin , kamay sa kamay , paa sa paa , sunog sa sunog , sugat sa sugat , galos sa galos " at Lukas 6 : 29 , " kapag sinampal ka sa isang pisngi , iharap mo rin ang kabila.
Kapag inagaw ang iyong balabal , huwag mong ipagkait ang iyong damit.
".
Nagmula ang salitang Bibliya ng Tagalog at ang Bible ng Ingles ( Latin : Biblia ) sa Griyegong biblion , biblos na nangangahulugang " aklat " " mga aklat " o " mga maliliit na aklat.
" Ang salitang biblia ay mula sa Griyegong salita : biblos , na lumalarawan sa panloob na bahagi ng halamang papirus , isang sangkap sa paggawa ng sinaunang papel.
May isang lugar sa Phoenicia , ang lungsod ng Gebal , na tinaguriang " Byblos " ng mga Griyego dahil kilala ang pook sa paggawa ng papel na papirus.
Ang Bibliya ay nahahati sa iba 't ibang mga pangkat ng mga aklat depende sa sekta o relihiyong gumagamit nito.
Para sa mga Hudyo , ang Bibliya ay binubuo lamang ng Tanakh ( na tinatawag na Lumang Tipan sa Bibliyang Kristiyano ).
Hindi kasama sa Bibliya ng mga Hudyo ang Bagong Tipan at ang Apokripa o Deuterokanoniko ng Romano Katoliko at ng mga simbahang Ortodokso.
Para sa mga Protestante at iba pang mga sekta , ang Bibliya ay binubuo lamang ng Lumang Tipan at Bagong Tipan at hindi kasama ang Apokripa.
Para sa Romano Katolisismo at mga simbahang Ortodokso , ang Bibliya ay binubuo ng Lumang Tipan na may Deuterokanoniko , at Bagong Tipan.
Sa sinaunang panahon , ang mga tekstong Hebreo ay nahahati sa mga paragraph ( parashot ) na natutukoy ng dalawang mga letra ng alpabetong Hebreo.
Ang Pe ay tumutukoy sa isang bukas na paragraph na nagsimula sa isang bagong linya samantalang ang Samekh ay tumutukoy sa isang saradong paragraph na nagsimula sa parehong linya pagkatapos ng isang maliit na espasyo.
Ang pinakaunang mga alam na kopya ng Aklat ni Isaias mula sa mga eskrolyo ng Patay na Dagat ay gumamit ng dalawang mga letrang Hebreo para sa mga dibisyon nito ng paragraph bagaman ang mga ito ay kaunting iba mula sa mga dibisyon ng Masoretiko.
Ang kasalukuyang dibisyon ng Bibliya sa mga kabanata o kapitulo at mga talata o bersikulo ay walang basehan sa anumang sinaunang tradisyong tekstuwal.
Ang mga paghahating ito ay mga imbensyong midyebal.
Ang mga ito ay kalaunang tinanggap ng mga Hudyo bilang mga reperensiyang teknikal sa loob ng tekstong Hebreo.
Ang gayong mga reperensiyang teknikal ay naging mahalaga sa mga rabbi ng panahong mediebal sa kontekstong historikal ng pakikipagtalo sa mga kapariang Kristiyano lalo na sa Huling Espanyang midyebal.
Ang pinaka - unang umiiral na manuskrito ng Tanakh na may mga dibisyon ng kabanata ay may petsang mula sa 1330 at ang unang inilimbag na edisyon ay noong 1516.
Si Stephen Langton ( 1150 - 1228 ) ang pinaniniwalaang unang naghati ng Bibliya sa mga kabanata.
Ang unang naghati ng mga kabanata ng Bagong Tipan sa mga talata ay ang Italyanong Dominikanong iskolar ng Bibliya na si Santi Pagnini ( 1470 - 1541 ) , bagaman ang kanyang sistema ay hindi kailanman malawakang tinanggap.
Si Robert Estienne ay lumikha ng alternatibong pagbibigay bilang sa kanyang 1551 edisyon ng Griyegong Bagong Tipan na kanya ring ginamit sa publikasyong 1553 ng Bibliya sa Pranses.
Ang sistema ng dibisyon ni Estienne ay malawakang tinanggap at ito ang sistemang matatagpuan sa halos lahat ng mga modernong bibliya.
Ang mga aklat ng Tanakh o Lumang Tipan ay orihinal na isinulat sa alpabetong Paleo - Hebreo.
Bago matuklasan ang Dead Sea Scrolls sa kweba ng Qumran noong 1947 hanggang 1956 , ang pinakamatandang pragmentaryong ( hindi kumpleto ) manuskrito ng Hebreo ang Nash Papyrus na isinulat mula 150 hanggang 110 BCE.
Ang pinakamatandang kumpletong manuskrito ng Lumang Tipan ( Tanakh ) ay Codex Sinaiticus ( ika apat na siglo CE ) na kinopya mula sa Griyegong Salin na Septuagint.
Ang Septuagint ay isinalin sa Griyego mula Hebreo noong ikatlo hanggang ika isang siglo BCE.
Sa mga panahong ito ang Israel ay nasa ilalim ng imperyong Griyego.
Ang Septuagint ang pinagkuhanan ng sipi ( quotes ) ng Lumang Tipan ng mga may akda ng Bagong Tipan at ng mga " ama ng simbahan ".
Ang pinakamatandang kumpletong manuskrito naman ng Hebreo ay matatagpuan sa manuskritong Masoretiko ( sinulat sa pagitan ng ikapito hanggang ika sampung siglo CE ).
Ang Masoretiko ang opisyal na bersiyon ng bibliya na ginagamit sa kasalukuyang Rabinikong Hudaismo.
Bukod dito , ang Masoretiko din ang basehan ng mga bagong salin ng Lumang Tipan ng Biblia.
Ayon sa mga iskolar , ang orihinal na Septuagint ay nagbibigay ng salin ng sinaunang tekstong Hebreo na iba sa Hebreo ng Masoretiko at sa saling Latin na Vulgata.
Ang pagkakaiba ng Septuagint sa Masoretiko ay nahuhulog sa apat na mga kategorya : pagkakaiba ng pinagkuhanang teksto , pagkakaiba sa interpretasyon , pagkakaiba sa salin ng mga ekspresyong idyomatiko , at pagkakaiba sa resensiyon o pagbabago at pagkakamali ng mga eskriba.
Ang mga eskrolyo ng Patay na Dagat ang pinakamatandang manuskrito ng Tanakh na isinulat sa pagitan ng 150 BCE at 70 CE.
Ang 60 % ng Mga eskrolyo ng Patay na Dagat ay umaayon sa Masoretiko , 5 % umaayon sa Septuagint , 5 % umaayon sa Samaritan Pentateuch at 10 % ang hindi umaayon sa Masoretiko , Septuagint o Samaritan Pentateuch.
Bukod sa Tanakh , ang Dead Sea Scrolls ay naglalaman din ng apokripa o deuterokanoniko ( para sa mga Romano Katoliko ) at ibang pang manuskrito ng mga katuruan ng sektang nanirahan sa kweba ng Qumran.
Ang Samaritan Pentateuch na isinulat sa alpabetong Samaritano ang bersiyong ginagamit sa relihiyong Samaritanismo.