text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Ang pinakamatandang manuskrito ng Samaritan Pentateuch ay mula 1100 CE.
|
Ang alpabetong Samaritano ay nagmula sa alpabetong Paleo - Hebreo na lenggwaheng ginamit sa pagsulat ng Tanakh.
|
Sa mga dalawang libong instansiya kung saan ang Samaritan Pentateuch at Masoretiko ay magkaiba , ang Septuagint ay umaayon sa Samaritan Pentateuch.
|
Ilan sa mga halimbawa ng pagkakaiba ng Samaritan Pentateuch at Masoretiko ang pagsamba sa Bundok Gerizim imbis na sa Bundok Ebal ( Deut 27 : 4 ) at ang pagpapalit ng salitang " Elohim " ( na nangangahulugang maraming diyos ) sa anyong singular na " El " ( Genesis 20 : 13 ; 31 : 53 ; 35 : 7 ; Exodo 22 : 8 ).
|
Ayon sa mga iskolar , ang mga pagbabagong ito ay sanhi ng korupsiyon ng mga Samaritano sa Pentateuch o Torah ( Genesis , Exodo , Levitico , Deuteronomyo , Bilang ).
|
Ang mga aklat ng Bagong Tipan ay orihinal na isinulat sa Griego.
|
Ang mga kauna unahang salin ng Bagong Tipan sa ibang lenggwahe ay kinabibilangan ng lumang Latin ( ika 2 siglo CE ) , lumang Syriac ( ika 4 hanggang ika 5 siglo CE ) , at Coptic ( ikaapat na siglo CE ).
|
Isa pang salin sa Latin bukod sa " lumang Latin " ang Vulgata na isinalin ni Jerome ( 342 - 420 CE ).
|
Ang Peshitta na isinalin sa lenggwaheng Syriac ang bibliang ginagamit sa iglesiang Syriac.
|
Ang Peshitta ay naglalaman ng 22 sa 27 mga aklat ng Bagong Tipan at hindi kasama rito ang 2 at 3 Juan , 2 Pedro , Judas at Apocalipsis.
|
Ang pinakamatandang pragmentaryong manuskrito ng Coptic ( sinaunang lenggwahe sa Ehipto ) ay nagmula sa ikaapat na siglo CE na binubuo ng mga teksto ng ebanghelyo.
|
Ang saling Aleman na tinatawag na Luther Bible ay isinalin ng " ama ng repormasyon " na si Martin Luther noong 1534.
|
Ang saling ito ay base sa Textus Receptus.
|
Ang Luther Bible ang kauna - unahang salin ng biblia na may hiwalay na seksyong tinatawag na Apokripa.
|
Ang mga aklat na hindi kasama sa tekstong Masoretiko ng Lumang Tipan ay inilipat ni Luther sa seksyong ito.
|
Si Luther ay naghayag din ng pagdududa sa apat na aklat ng Bagong Tipan na Sulat sa mga Hebreo , Sulat ni Santiago , Sulat ni Judas at Aklat ng Pahayag.
|
Ang apat na aklat na ito ay inilipat niya sa huli ng mga aklat ng Bagong Tipan.
|
Ang pinakaunang salin ng Bagong Tipan sa lumang Ingles ay kinabibilangan ng bibliyang Tyndale ( 1539 ) , Geneva ( 1560 ) , Bishop ( 1568 ) , Douay - Rheims ( 1582 ) , King James Version ( 1611 ).
|
Ang mga saling ito ay base sa Griegong Textus Receptus.
|
Ang mga Bagong Salin naman sa Ingles gaya ng NASB ( 1963 ) at New International Version o NIV ( 1973 ) ay base sa edisyong kritikal ng Griegong Bagong Tipan na " Novum Testamentum Graece " na resulta ng " kritisismong tekstwal ".
|
X<
|
L , u l < A $
|
A U H
|
E ; ? S % q V j a } N 2 ;! ! ! " 1# ~# # # j$ & & & & ' [) * * "+ + , {- . . ^/ /
|
1 1 i2 2 E3 3 3 k5 5 6 6 7 )8 8 %9 a9 : 0; \; ? ? A A B tB C ID D E BF xG oH ?I J J K L BN N aO O #P P 2Q Q nR R S T V W tW X X Y 2Z Z [ c\ ] _ _ _ `
|
b c c Yd d e f g g Fh h Vj \k k Yl m m &n n ^o o p q r r s s u 4v w x x ny { n| | } #~ ~ m v R K W c a I l * t l A , , < < G 5 R 1 " - U X j Q v ! 4 & w L n o 5 ( M 7 G ,
|
/ E ` V ; u - ) h Y q 3 o 9 [ l ~ & o ) r 0 ^ , : p ' h x x b
|
v '
|
\ 6 J Y ` 2 5 z i K c ? ? z z z / ! ! ! ! j! ! " s# $ $ ;$ }$ $ & & ' i( i( v( v( ) ) * a+ + E, , - m. [/ [/ o/ o/ / J0 0 01 1 62 2 2 3 3 3 N4 4 5 Z6 6 7 d7 7 8 9 u9 9 9 ;: : '; ; < r< < < H > > > m? ? dA A A B B 0C C {D D E E E rF F .G G G G G MH H H H H H VI VI iI iI I I I I J 8K K L L L L M M M M M M N O O MP P Q AR AR \R \R )T T U U RV RV ]V ]V V W X nY RZ O[ [ ] d] ] ] ] ] +^ ^ ^ ^ ^ ^ _ _ _ _ _ Z` a a a a a a b ,c _c Cd d He e Ef f $g gg g h i -j j j Vm m m n n /n /n n n n n n r Ms s t u v v "v "v cv cv rv rv uw w >x x x x x Ky y y y y y z "| "| 6| 6| | } * * 6 6 ~ ~ ] $ ` " " 1 1 5 y I f V E 5 5 L L y r & S | ' ! ! 7 7 > > > > ) l Q a \ E % ~ w G : % - & [ g $ $ J " " i F u > D D M M p p E ] ) 6 6 c ' U - f G G u u C } < 4 G - S r p ` s t Q 9 N G $ T 2 & p r
|
! , x ( 3 - w 6 & # , K X $ j R ! " # X$ $ % W& z' A( ( ) &* * + , Ang Novum Testamentum Graece ang pinaniwalaan ng mga iskolar na pinakamalapit sa orihinal na Griego ng Bagong Tipan.
|
Ang Textus Receptus at Novum Testamentum Graece ay magkaiba sa 6,000 na instansiya ng Bagong Tipan.
|
Ang Hudaismong Rabiniko ay kumikilala ng 24 aklat ng Tekstong Masoretiko na karaniwang tinatawag na Tanakh o Bibliyang Hebreo bilang autoritatibo.
|
Ang ebidensiya ay nagmumungkahi na ang proseso ng kanoninasyon ng Tanakh ay nangyari sa pagitan ng 200 BCE at 200 CE.
|
Ang isang dating sikat na teorya ay ang Torah ( Genesis , Exodo , Levitico , Deuteronomyo , Bilang ) ay isinama sa kanon noong 400 BCE , ang mga Propeta o Nevi 'im ( Josue , Aklat ng mga Hukom , 1 at 2 Samuel , 1 at 2 Hari , Isaias , Jeremias , Ezekiel , Joel , Amos , Obadias , Jonas , Mikas , Nahum , Habakuk , Sofonias , Hageo , Zacarias at Malakias ) noong 200 BCE at ang mga Kasulatan o Ketuvim ( Awit , Job , Kawikaan , Ruth , Awit ni Solomon , Eclesiastes , Panaghoy , Ester , Daniel , Esdras , Nehemias , 1 at 2 Kronika ) noong 100 BCE. na marahil ay sa isang hipotetikal na Konseho ng Jamnia.
|
Gayunpaman , ang pananaw na ito ay papalaking itinatakwil ng mga modernong iskolar.
|
Ang Septuagint ang pangalan ng saling Griyego ng Tanakh na isinalin sa pagitan ng ikatlo hanggang unang siglo BCE sa Alexandria , Ehipto.
|
Ayon kay Michael Barber , " Sa Septuagint , ang Torah at Nevi 'im ay itinatag bilang kanonikal ngunit ang Ketuvim ay lumilitaw na hindi pa depinitibong nakanonisa.
|
Halimbawa , ang ilang mga edisyon ng Septuagint ay kinabiblangan ng 1 - 4 Macabeo o 151 Awit samantalang ang iba ay wala nito.
|
Gayundin ay may mga dagdag sa Aklat ni Esther , Aklat ni Jeremias at Aklat ni Daniel at 1 Esdras sa Septuagint.
|
Ang mga Simbahang Romano Katoliko , Ortodoksong Oriental at Silangang Ortodokso ay nagsama ng mga aklat na hindi isinama sa kanon ng Hudaismo at kalaunan ay hindi isinama ni Martin Luther na tinawag na deuterokanonikal na mga aklat at itinuring na apokripa ng mga Protestante.
|
Ang basehan ng pagsasama ng mga aklat na deuterokanonikal ng Katoliko at Ortodokso ay ang maagang saling Griyego ng Tanakh na Septuagint na ang pinakasiniping salin sa Griyegong Bagong Tipan ng mga siping Lumang Tipan.
|
Ang 300 sa 350 mga sipi ng Bagong Tipan mula sa Lumang Tipan kabilang ang mga salita ni Hesus ay sinipi mula sa saling Septuagint.
|
Ang ilang halimbawa ng mga inaangkin ng Katoliko na mga alusyon ng mga aklat deuterokanoniko sa Bagong Tipan ang Lucas 1 : 52 ( Sirach 10 : 14 ) , Marcos 4 : 5,16 - 17 ( Sirach 40 : 15 ) , Mateo 7 : 16,20 ( Sirach 27 : 6 ) , Santiago 1 : 19 ( Sirach 5 : 11 ) , Mateo 6 : 12 ( Sirach 28 : 2 ) , Mateo 11 : 28 ( Sirach 51 : 28 ) , Mateo 11 : 25 ( Tobit 7 : 18 ) , Mateo 24 : 15 ( 1 Macc.
|
1 : 54 at 2 Macc.
|
8 : 17 ) , Marcos 9 : 48 ( Judith 16 : 17 ) , Juan 1 : 3 ( Karunungan 9 : 1 ) , Juan 3 : 13 ( Baruch 3 : 29 ) , Juan 10 : 22 ( 1 Macc.
|
4 : 59 ) at iba pa.
|
Ang Aklat ni Enoch na hindi kasama sa kanon ng Katoliko ngunit kasama sa kanon ng Simbahang Etiopianong Ortodoksong Tewahedo ay direktang sinipi sa Sulat ni Judas 14 - 15.
|
Binanggit ng mga manunulat na Kristiyano gaya nina Gelasius at Origen na ang Asumpsiyon ni Moises ang reperensiya ng Sulat ni Judas 1 : 9.
|
Ayon sa iskolar na si RH Charles , ang Testamento ng mga Patriarka ay sinipi rin sa Bagong Tipan gaya ng 1 Tes 2 : 6 ( Levi 6 : 10 ) , Roma 12 : 19 ( Gad 6 : 10 ) , Roma 12 : 21 ( Benj.
|
6 : 3 ) , 2 Corinto 12 : 10 ( Gad 5 : 7 ) , Efeso 5 : 6 ( Naph.
|
3 : 1 ).
|
Noong 382 CE , kinomisyon ni Papa Damaso I si Heronimo ( ca.
|
347 CE - 420 CE ) na isalin ang Bibliya sa Latin na tinatawag na Vulgata.
|
Ang mga pinakamaagang salin ni Heronimo ng Lumang Tipan ay batay sa mga rebisyon ni Origen ng Septuagint ngunit kalaunang direktang bumase sa orihinal na tekstong Hebreo na iba sa Septuagint sa maraming mga lugar.
|
Ang kanyang desisyon na gumamit ng tekstong Hebreo sa halip na nakaraang isinaling Septuagint ay sumalungat sa payo ng karamihang ibang mga Kristiyano kabilang si Augustino ng Hippo na naniwalang ang Septuagint ay kinasihan ng Diyos.
|
Gayunpaman , ang mga modernong iskolar ay nagdududa sa aktuwal na kalidad ng kaalamang Hebreo ni Heronimo.
|
Ang mga modernong iskolar ay naniniwalang ang Griyegong Hexapla ang pangunahing sanggunian para sa saling " Iuxta Hebraeos " ni Heronimo ng Lumang Tipan.
|
Itinakwil rin ni Jerome ang apokripa.
|
Gayunpaman , ang kanyang mga pananaw ay hindi nanaig.
|
Noong 393 CE sa Synod ng Hippo , ang Septuagint ay malamang na kinanonisa na malaking dahil sa impluwensiya ni Augustino.
|
Kalaunang kinumpirma sa Synod ng Carthage noong 397 CE ang aksyong kinuha sa Hippo na muli ay dahil sa malaking impluwensya ni Augustino.
|
Ang mga konsehong ito ay nasa awtoridad ni Augustino na tumuring sa kanon na sarado na.
|
Ang kanon ni Augustino ng Lumang Tipan mula sa De doctrina christiana 2.13 , circa 395 ang :.
|
Inilipat ni Martin Luther ang deuterokanonikal sa isang seksyong kanyang tinawag na apokripa.
|
Sa De Canonicis Scripturis ng Konseho ng Trent na pumasa sa isang boto ( 24 oo , 15 hindi , 16 nangilin ) noong 1546 , kinumpirma ng Konseho na ang mga aklat na deuterokanonikal ay kalebel ng ibang mga aklat ng kanon ng Lumang Tipan.
|
Ang tinatanggap ng mga Protestante na mga kinasihang teksto ng Lumang Tipan ay ang nasa mga orihinal na teksto ng Hebreo at Aramaiko sa halip na ang saling Griyegong Septuagint.
|
Ang kanon ng Bagong Tipan ay nabuo sa maraming siglo.
|
Sa pagitan ng 140 hanggang 220 CE , maraming sekta ng kristiyanismo na may iba - ibang konsepsiyon ng kalikasan at katuruan ng Diyos at ni Hesus ang lumitaw gaya ng Gnostisismo , Ebionita , Montanismo , Marcionismo at iba pa.
|
Upang suportahan ang kanilang mga doktrina , ang mga sektang ito ay gumamit ng iba 't ibang aklat na sa kanilang pinaniniwala ay mga " kinasihan ng Diyos ".
|
Ang mga aklat na ito ay pinasunog ng sektang proto - orthodox noong ika apat na siglo CE.
|
Ang mga naitagong manuskrito ng mga aklat na ito ay natuklasan sa aklatan ng Nag Hammadi sa Ehipto noong 1945.
|
Sa pagitan nang 140 at 220 CE , ang parehong panloob at panlabas na mga pwersa ay nagtulak sa isang sekta ng Kristiyanismo na Proto - ortodoksya na magsimulang isistema ang mga doktrina at ang pananaw nito ng pahayag ng Diyos.
|
Ang karamihan ng sistematisasyong ito ay sanhi ng pagtatanggol at pagsalungat laban sa iba 't ibang mga umiiral na pananaw Kristiyano na katunggali ng sektang Proto - ortodoksiya.
|
Si Marcion ng Sinope na isang obispong Kristiyano ng Asya menor na tumungo sa Roma at kalaunang itiniwalag ng kanyang mga kalabang Kristiyano para sa kanyang mga pananaw ang kauna - unahang Kristiyano na nagmungkahi ng isang depinitibo , eksklusibo , at isang kanon ng mga kasulatang Kristiyano na kanyang tinipon sa pagitan nang 130 - 140 CE.
|
Buong itinakwil ni Marcion ang teolohiya ng Lumang Tipan at itinuring ang diyos ng Lumang Tipan bilang isang mababang nilalang.
|
Kanyang inangkin na ang teolohiya ng Lumang Tipan ay hindi umaayon sa katuruan ni Hesus tungkol sa Diyos at moralidad.
|
Lumikha si Marcion ng isang pangkat ng mga aklat na kanyang itinuturing na buong autoritatibo na binubuo ng isang ibang bersiyon ng Ebanghelyo ni Lucas at ang 10 sa mga sulat ni Pablo ( Hindi kasama ang Sulat sa mga Hebreo at mga liham na Pastoral na 1 Timoteo , 2 Timoteo at Tito ).
|
Hindi matiyak kung kanyang binago ang mga aklat na ito , nilinis ito sa mga pananaw na hindi umaayon sa kanyang pananaw o kung ang kanyang mga bersiyon ay kumakatawan sa isang hiwalay na tradisyong tekstuwal.
|
Ang ebanghelyo ni Marcion na simpleng tinatawag na Ebanghelyo ng Panginoon ay iba sa Ebanghelyo ni Lucas dahil sa kawalan ng anumang mga talata na nag - uugnay kay Hesus sa Lumang Tipan.
|
Tinawag ni Marcion ang kanyang koleksiyon ng 10 mga sulat ni Pablo na Apostolikon at iba rin sa mga bersyon ng kalaunang sektang proto - ortodokso.
|
Ang pagtitipon ni Marcion ng kanyang sariling kanon ng Bibliya ay maaring isang hamon sa umaahon na sektang Kristiyano na proto - ortodoksiya.
|
Kung nais nila na itangging ang kanon ni Marcion ang totoo , kinailangan nilang ilarawan kung ano ang totoo.
|
Ang yugtong paglawig ng kanon ng Bagong Tipan ay kaya nagsimula bilang tugon sa iminungkahing limitadong kanon ni Marcion.
|
Noong ika - 2 at ika - 3 siglo CE , isinaad ni Eusebius na ang sektang Elchasai " ay gumamit ng mga teksto mula sa bawat bahagi ng Lumang Tipan at mga Ebanghelyo at itinakwil nito nang buo si Apostol Pablo ".
|
Isinaad din dito na si Tatian ang Asiryo ay tumakwil sa mga sulat ni Pablo.
|
Ang mga sektang Kristiyanong gaya ng Nazareno at Ebionita at iba pa ay tumakwil sa lahat ng mga sulat ni Pablo.
|
Itinuring din ng mga Ebionita si Apostol Pablo na isang impostor.
|
Ang isang sekta ng Kristiyanismo noong ca.
|
170 CE na tinawag ng kanilang kalaban na si Epiphanius ng Salamis na alogi ay tumakwil sa Ebanghelyo ni Juan ( at posibleng ang Aklat ng Pahayag at mga sulat ni Juan ) bilang hindi apostoliko at itinuro ng sektang ito ang ebanghelyo ni Juan na isinulat ng gnostikong si Cerinthus.
|
Si Cerinthus ay tumanggap lamang sa isang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Mateo.
|
Ang isang apat na ebanghelyong kanon ( Tetramorph ) ay unang isinulong ni Irenaeus noong c.
|
180 CE.
|
Si Ireneaus rin ang kauna - unahang Kristiyano na nagbanggit ng apat na ebanghelyo sa mga pangalan na Mateo , Marcos , Lucas at Juan.
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.