text
stringlengths 0
7.5k
|
---|
Kabilang sa mga paniniwala ng relihiyong Zoroastrianismo na matatagpuan rin sa Hudaismo o Kristiyanismo ang mga puripikasyon , mga saserdote , mito ng paglikha , mga anghel , mga demonyo , paglitaw ng isang Mesiyas o Tagapagligtas na bubuhay muli ng mga namatay ( resureksiyon ) at hahatol sa wakas ng panahon , pagtalo sa masama ng mabuti , ang ideya ng monoteismo , walang hanggang buhay at marami pang iba.
|
Marami ring mga skolar ang naniniwala sa posibilidad na ang Budismo ay nakaimpluwensiya sa simulang pag - unlad ng Kristiyanismo.
|
Ayon sa mga skolar , maraming pagkakatugma sa kapanganakan , buhay , mga doktrina at kamatayan nina Buddha ( ipinanganak ca.
|
563 BCE ) at Hesus ( ipinanganak ca.
|
4 BCE ) Noong ika - 2 siglo CE , isinaad na at tinukoy ng Kristiyanong si Justin Martyr ang mga misteryong relihiyon bilang " mga panggagaya ng demonyo " sa relihiyong Kristiyanismo.
|
Ikinatwiran ni Justin Martyr na umabot sa mga tenga ng diablo na hinulaan ng mga propeta sa Lumang Tipan ang pagdating ni Hesus , at inudyokan ang mga paganong manunulat ( bago pa ang paglitaw ng Kristiyanismo ) na magsulong ng mga tatawaging mga anak ni Hupiter upang ipaniwala sa mga tao na ang Kristo ay katulad ng mga anak ni Hupiter.
|
Isinaad din ni Justin Martyr na " ... ang mga demonyo ay humimok sa mga pagano na pumapasok sa kanilang mga templo ... na wisikan ang kanilang mga sarili ng tubig ; sa karagdagan , sinanhi nila silang maghugas ng kanilang mga buong pagkatao.
|
" Isinulat ni Tertullian na " sa mga ritong Appolinariano at Eleusinian , sila ay binabautismo at kanilang naiisip na ang resulta ng bautismong ito ay muling kapanganakan at pagpapatawad ng parusa ng kasalanan ... " Isinaad ni Plutarch ( 46 CE - 120 CE ) na " Nang si Antalcidas ay na - inisiyado tungo sa mga misteryo sa Samothrace , humiling ang pari sa kanya ang lalong nakakatakot na bagay na kanyang nagawa sa kanyang buhay ... " Mula ika - 1 hanggang ika - 4 na siglo CE , ang Kristiyanismo ay direktang nakipagtunggali sa mga relihiyong misteryong ito para sa mga tagasunod.
|
Ayon kina Klauck a McNeil , " " ang doktrinang Kristiyano ng mga sakramento sa anyo na kilala natin ay hindi lumitaw nang walang ugnayan sa pagitan ng Kristiyanismo at Mga Misteryong Relihiyon.
|
Naunawaan rin ng Kristolohiya kung paano itaas ang pagmamanang mitikal na nagdadalisay nito at itinataas ito.
|
" : 152 Tulad ng Simbahang Katoliko Romano , ang Mitraismo ay may pitong mga sakramento kabilang ang bautismo at komunyon ng tinapay na minarkahan ng krus at alak na isinasagawa ng mga tagasunod ni Mitra tuwing linggo.
|
Ang komunyong ito ay tinawag na mizd o sa latin ay missa.
|
Ayon kay Ulansey , ang pinakamaagang ebidensiya ng Mga Misteryong Mitraiko ay naglalagay ng kanilang paglitaw sa gitna ng unang siglo BCE.
|
Ayon sa historyan ni si Plutarch , noong 67 BCE , ang mga pirata ng Cilicia ay nagsasanay ng mga sikretong rito ni Mitras.
|
Ipinakita ni Ulansey na Ang isang inskripsiyon kay Mitras ay mababasang " Siya na hindi kakain ng aking katawan at iinom ng aking dugo upang siya ay sasaakin at ako ay sasakanya , ang pareho ay hindi makakaalam ng kaligtasan ".
|
Ayon sa Juan 6 : 53 , " Sinabi nga ni Hesus sa kanila : Katotohanan , katotohanang sinasabi ko sa inyo : Malibang kayo ay makakain ng laman ng Anak ng tao at makainom ng kaniyang dugo ay wala kayong buhay ".
|
Isinaad ni Justin Martyr tungkol sa Mga Misteryong Mitraiko na mas naunang lumitaw sa Kristiyanismo na :.
|
Sa Zoroastrianismo , si Mitra ay isang kasapi ng trinidad ng mga , mga protektor ng asha / arta " katotohanan " o " kung ano ang tama ".
|
Si Mithras ay ipinanganak noong Disyembre 25 bilang supling ng Araw , itinuturing na isang dakilang manlalakbay na guro , may 12 mga alagad , nagsagawa ng mga milagro , tinawag na " ang mabuting pastol " , " ang daan , ang katotohan at ang buhay " , " tagapagligtas " , " mesiyas " , tinukoy ng parehong leon at kordero , inilibing sa isang libingan at pagkatapos ng 3 araw ay muling nabuhay.
|
Ang salitang " misteryo ( Griyeong mystirion ) ay lumilitaw ng 22 beses sa singular at 5 beses sa plural sa Bagong Tipan kabilang ang 1 Timoteo 3 : 9,16 , Efeso 1 : 9,3 : 4,9,5 : 32,6 : 19 , Colosas 1 : 26,4 : 3 , 1 Corinto 4 : 1,15 : 51.
|
Ayon kay David Ulansey , noong huli nang ika - 2 siglo BCE , ang isang pangkat ng mga Stoiko sa siyudad ng Tarsus ay nagpasimula ng Mitraismo.
|
Ayon sa Mga Gawa 21 : 39 , si Apostol Pablo ay nagmula sa Tarsus.
|
Bilang pag - ayon kay Apostol Pablo , si Clemente ng Alexandria ay nag - anyaya sa mga pagano na maging inisiyado sa mga misteryo ng Kristiyano.
|
Isinulat ni Clemente na " At pagkatapos ay magkakaroon kay ng pangitain ng aking Diyos , at magiging inisiyado sa mga banal na misteryong iyon at malalasap ang mga kagalakan na itinago sa langit ".
|
Inilarawan rin ni Clemente ang Kristiyanismo bilang " ang mga sagradong misteryo ".
|
Ang ilang mga wika at mga imahen na matatagpuan sa Bagong Tipan ay hinango sa Mga Misteryong relihiyon na ito.
|
Halimbawa ang butil na isang manipestasyon ng buhay rito na sumisimbolo sa buhay sa lahat at katulad ng makikita sa 1 Corinto 15 : 36 - 38 at Juan 12 : 24.
|
Sa isang seremonyang inisiasyon ng mga misteryong Eleusiniano sa madilim na kwarto ng inisiasyon , ang pari ay lumilikha ng isang korona ng liwanag na may mga dila ng apoy sa palibot ng kanyang ulo.
|
Una ay kanilang aahitin ang kanyang ulo at tatakpan ito ng protektibong unggwento.
|
Pagkatapos ay kanilang ikakabit sa tuktok ng kanyang ulo ang isang pabilog na metal na isang lalagyan na may alkohol na aapuyan sa dilim at liliwanag sa isang maikling panahon.
|
Ang korona ng apoy sa ulo ng pari ay tulad ng isang dila ng apoy.
|
Ang imaheng ito ay hiniram sa Mga Gawa 2 : 3.
|
Ang pakikipag - isa o " pananahan " sa diyos na si Dionysus ay makikita sa 1 Juan 4 : 15 , Galacia 3 : 28 , 2 Corinto 5 : 17.
|
Ang Mga Misteryong Relihiyong ito ay may sakramental na komunyon sa kanilang diyos na si Zagreus - Dionysus na nagdusa , namatay at muling nabuhay.
|
Sa simbolikong pagkain ng katawan at pag - inom ng dugo , ang mga nagdiriwang ay nagiging sinasapian ni Dionysus at makikita sa Juan 6 : 54 - 56.
|
Si Dionysus ay isa sa maraming mga tagapagligtas na diyos na namatay at nabuhay.
|
Ang kanyang kaarawan ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25.
|
Siya ay sinamba sa buong Gitnang Silangan gayundin sa Gresya.
|
Siya ay mayroong sentro ng pagsamba sa Herusalem noong ika - 1 siglo BCE.
|
Siya ang anak ni Zeus na Diyos Ama at ang kanyang laman at dugo ay simbolikong kinakain ng kanyang mga tagasunod sa anyo ng tinapay at alak.
|
Si Dionysus ay ipinanganak ng isang birhen , nagsagawa ng mga milagro gaya ng pagbabago ng tubig sa alak , may 12 alagad , tinawag na " Diyos na naging laman " , " Tanging Bugtong na Anak " at " Tagapagligtas " , ipinako sa krus at namatay bilang isang handog para sa mga kasalanan ng daigdig.
|
Si Dionysus ay muling nabuhay pagkatapos ng 3 araw at umakyat sa langit.
|
Ayon sa skolar na si Peter Wick , ang paggamit ng simbolismong alak sa Ebanghelyo ni Juan kabilang ang kuwento ng kasalan sa Cana kung saan binago ni Hesus ang tubig sa alak ay nilayon upang ipakita ng Juan si Hesus ay mas superior kay Dionysus.
|
Ang pag - uusig sa demi - diyos na si Dionysus sa Ang Bacchae ( 405 BCE ) ay makikita sa Mga Gawa 26 : 14 - 15 ( bakit mo ako pinag - uusig ? Mahirap sa iyo ang sumikad sa mga pangtaboy na patpat.
|
).
|
Sa Bacchae , isinaad ni Dionysus sa kanyang taga - usig na si Pentheus : " Binalewala mo ang mga salita ng aking babala ... at sumikad sa mga pangtaboy na patpat.
|
" Madaling makita na pinaghiraman ng Gawa ang Bacchae dahil sa pagpapanatili ng anyong plural ng kentra sa Gawa 26 : 14 samantalang pagpapanatili ng metro ng Bacchae na tila wala sa lugar sa Gawa.
|
Ang Mga Gawa 16 : 26 ay hinango rin sa Bacchae kung saan ang mga gapos ng mga inusig na tagasunod ni Dionysus ay nakalas at ang mga pinto ay nabuksan nang hindi hinawakan ng kamay ng tao.
|
Inihambing rin ng ilang mga skolar ang senaryo sa Bacchae kung saan si Dionysus ay humarap at tinanong ni Pentheus sa kaso ng pag - aangkin ng pagiging diyos sa pagharap ni Hesus kay Poncio Pilato.
|
Sa halos lahat ng sektang kristiyano , ang sentral na karakter ng relihiyong ito na si Hesus ay pinaniniwalaang mesiyas at tagapagligtas.
|
Bukod dito , ang iba ibang sekta ng Kristiyanismo ay naniniwalang ang kanilang sekta ang tanging totoo at nag - ingat ng tunay na aral ni Hesus samantalang ang ibang sektang Kristiyano ay nalihis sa tamang doktrina.
|
Halimbawa , ang Romano Katolisismo ay naniniwala na ito ang tunay na iglesia batay sa paghaliling apostoliko ( apostolic succession ).
|
Ang paghaliling apostoliko ay inaangkin rin ng Silangang Ortodokso at iba pang mga sekta.
|
Ang restorasyonismo sa kabilang dako ay naniniwalang ang Romano Katoliko ay isang nalihis na Kristiyanismo at ang mga sektang restorasiyonismo ay naniniwalang sila ang nagpanumbalik ng tunay na aral at iglesiang itinatag ni Hesus.
|
Ang pagkakaiba sa doktrina ng iba 't ibang mga sekta ng Kristiyano ay umuukol sa " tunay " na kalikasan ni Hesus gayundin kung ano ang mga kataruan nito at kung ano pamamaraan ng pagsamba dito.
|
Kabilang din sa pagkakaiba sa doktrina ng iba 't ibang sektang Kristiyano ang ukol sa free will , sabbath , impyerno , paggamit ng mga ikono , pag - iikapu , interpretasyon ng mga talata , moralidad , predestinasyon , at iba pa.
|
Ang kritisismo ng Kristiyanismo ay nagsimula pa noong sinaunang panahon.
|
Ang mga sinaunang kritiko ng Bagong Tipan ay kinabibilangan ng mga Griyegong pilosopo na sina Celsus at Porphyry.
|
Sa modernong panahon , ang kritisismo ng Bibliya at Kristiyanismo ay sumidhi pagdating ng Panahon ng Kaliwanagan ( Age of Enlightenment ) noong ika 18 siglo CE at pagsulong ng historikal na kritisismo o pagsusuri sa pinagmulan ng Bibliya.
|
Ang pagsulong din ng agham gaya ng teoriya ng ebolusyon ay lalong nagbigay duda sa pagiging totoo ng Bibliya.
|
Ayon sa mga kritiko , ang Bibliya ay hindi salita ng diyos dahil ito ay naglalaman ng mga paniniwalang sinasalungat ng arkeolohiya , agham , at kasaysayan.
|
Walang arkeolohikal na ebidensiya na nagpapatunay na umiral si Hesus sa mundo.
|
Ang tanging " pinagkunang biograpiya " ni Hesus at tinatanggap ng mga Kristiyano na " tamang " salaysay ng buhay ni Hesus ay mula lamang sa apat kanonikal na Ebanghelyo ng Bagong Tipan na Mateo , Marcos , Lucas at Juan.
|
Ang ibang mga ebanghelyo gaya ng Ebanghelyo ni Tomas , Ebanghelyo ni Judas at iba pa na hindi nakapasok sa kanon ng katoliko ay naglalaman ng mga detalye na iba sa mga nakasulat sa apat ng ebanghelyo.
|
Halimbawa , ayon sa aklat na Second Treatise of the Great Seth na natagpuan sa Nag hammadi noong 1945 , si Hesus ay hindi ipinako sa krus kundi si Simon na Cireneo ay napagkamalang si Hesus at siyang ipinako sa krus.
|
Inilalarawan din sa aklat na ito na si Hesus ay nakatayo sa malapit at " tumatawa sa kanilang kamangmangan ".
|
Ayon din sa aklat na ito , ang mga naniniwalang si Hesus ay namatay sa krus ay naniniwala sa " doktrina ng patay na tao ".
|
Ang mga aklat na ito ay pinasunog ng sektang proto - ortodox noong ika apat na siglo CE nang ang proto - ortodox ay gawing opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano.
|
Ang mga natira at naitagong manuskrito ay natagpuan sa Nag hammadi sa Ehipto noong 1945.
|
Bukod dito ang mga tagasunod ng ibang sekta ng Kristyanismo gaya ng Gnostisismo ay pinag - usig at pinapatay rin ng sektang proto - ortodox.
|
Ang apat na kanonikal na ebanghelyo na Mateo , Marcos , Lucas at Juan ay hindi maituturing na mga " walang kinikilingang " ( hindi biased ) mga salaysay ng buhay ni Hesus dahil ang layunin ng mga aklat na ito ay mang - akay sa relihiyong Kristiyanismo ( Juan 20 : 30 ).
|
Bukod dito , ang mga salaysay na may " pagmimilagro " at mga ekstradordinaryong mga salaysay gaya ng pagkabuhay ng mga patay at pag - ahon nito sa mga libingan ( Mateo 27 : 51 - 53 ) ay hindi itinuturing ng mga historyan na kapani - paniwala.
|
Ang mga ibang skolar ay nagsasabing ang mga apat na kanonikal na ebanghelyo ay hindi isinulat ng mga " saksi " ( eyewitness ) dahil ang mga ito ay naglalaman ng mga maling heograpiya ng Palestina ( o Israel ) gayundin ng mga maling paglalarawan ng mga kustombre ng mga Hudyo noong unang siglo CE.
|
Bukod dito , sinasabi din ng mga skolar na ang mga kanonikal na ebanghelyo na Mateo , Marcos , Lucas Juan ay naglalaman ng mga magkakasalungat na mga salaysay.
|
Ayon din sa mga iskolar , ang Mateo at Lucas ay kumopya lamang sa Marcos at sa isang hindi na umiiral na dokumentong tinatawag na " Dokumentong Q ".
|
Walang kontemporaryong ( nabuhay noong panahon ni Hesus o nakasaksing pagano kay Hesus ) salaysay mula sa mga " hindi " Kristiyanong may - akda ang umiiral.
|
Ang mga " paganong " salaysay sa buhay ni Hesus ay isinulat pagkatapos ng ilang mga dekada pagkatapos ng sinasabing " kamatayan ni Hesus " ( ca.
|
30 - 33 CE ).
|
Halimbawa , ang Hudyong historyan na si Josephus ay sumulat ng ilang linya tungkol kay Hesus ngunit si Josephus ay hindi kakontemporaryo ni Hesus at maaaaring narinig ( hearsay ) lamang ni Josephus ang mga salaysay na ito dahil hindi niya ito " mismo " nasaksikhan.
|
Dahil dito , may mga ilang iskolar na nagmungkahi na si Hesus ay hindi talaga umiral at ang mga kuwento ni Hesus sa ebanghelyo ay inimbento at kinopya lamang mula sa mga kuwento ng mga diyos na paganong namatay at nabuhay sa Ehipto at Gresya.
|
Ang mga kapansin pansing pagkakatugma sa salaysay ng buhay ni Hesus at ang mga diyos na klasikal gaya ng mga demigod o kalahating - diyos ( na anak ng diyos at tao ) gaya nina Bacchus , Bellerophon o Perseus ay napansin ng mga ama ng simbahan at tinakalay ni Justyn Martyr noong ika - 2 siglo CE ukol sa " panggagaya ng demonyo " kay Kristo.
|
Ayon sa mga skolar ng Hudaismo , ang mga sinasabing hula na katuparan ni Hesus sa Bagong Tipan ay batay sa maling salin na Septuagint ng Bibliya at misinterpretasyon ng mga talata sa Tanakh.
|
Ang opisyal na Bibliyang ginagamit ng mga Hudyo ay ang Hebreong Masoretiko at hindi ang Griyegong Septuagint na pinaniniwalaan ng mga Hudyo na naglalaman ng korupsiyon.
|
Dahil sa hindi na umiiral ang mga " orihinal na manuskrito " ( sulat kamay ) ng Bagong Tipan at ang mga kopya ng kopya ng orihinal na manuskritong ito ay hindi magkakatugma , ang kritismong tekstwal ( textual criticism ) ay lumalayon na alamin ang orihinal o ang pinakamalapit na teksto ng orihinal na manuskrito.
|
Ang ilang halimbawa ng mga tekstong sinasabi ng mga skolar na mga " interpolasyon " ( dagdag ) o hindi bahagi ng orihinal na manuskrito ay Juan 7 : 53 - 8 : 11 , 1 Juan 5 : 7 - 9 , Markos 16 : 9 - 20 na idinagdag lang sa ikalawang siglo CE gayundin ang mga salaysay ng kapanganakan at pagkasanggol ni Hesus na huli ng idinagdag sa mga teksto.
|
Ayon pa sa mga skolar , ang Lukas at Mateo ay orihinal na isinulat na hindi kasama ang unang dalawang kapitulo ng mga aklat na mga ito.
|
Ang ilan sa mga talatang ito ay inalis sa mga bagong salin ng Biblia gaya ng NIV at Magandang Balita ngunit kasama sa mga lumang salin gaya ng King James Version ( 1611 ).
|
Ang 5,800 manuskritong Griego ng bagong tipan ay hinati sa tatlong pangkat ng magkakatugmang uri ng teksto ( text - type ) : Ang Alexandrian , Western at Byzantine.
|
Ang Alexandrian na binubuo ng pinagkalumang teksto ng Bagong tipan ( mula ikalawa hanggang ikaapat ng siglo ) ang siyang naging basehan ng edisyong kritikal na " Novum Testamentum Graece " na naging basehan ng mga bagong salin ng Biblia tulad ng NIV , NASB at Magandang Balita samantalang ang Byzantine , na bumubuo ng 80 % ng manuskrito ng Bagong Tipan at siyang pinakabagong teksto ( ika 5 hanggang 15 siglo CE ) ang siya namang naging basehan ng Textus Receptus na naging basehan ng mga saling gaya ng King James Version na isinalin mula 1604 - 1611.
|
Ang pag - aasal na ginawa at kasalukuyang ginagawa ng mga Kristiyano sa buong kasaysayan ng mundo ang isa pa sa tinutuligsa ng mga kritiko.
|
Sa buong kasaysayan , ang mga katuruan sa Lumang Tipan at Bagong Tipan ay ginamit at kasalukuyang ginagamit ng mga Kristiyano upang ipangatwiran at ipagtanggol ang paggamit ng dahas laban sa mga heretiko , mga makasalanan at mga kaaway ng Kristiyanismo.
|
Ang pinakakilala sa mga ito ang mga inkisisyon ng Romano Katoliko , mga krusada , mga digmaan sa ngalan ng Kristiyanismo at antisemitismo o pagkapoot / diskriminasyon laban sa mga Hudyo ng mga Kristiyano gaya ng ginawa ni Martin Luther.
|
Bukod dito , ang mga Kristiyanismo sa buong kasaysayan ay nagsagawa rin ng pang - aalipin , mababang pagtrato sa mga kababaihan , pwersahang pang - aakay sa ibang tao sa relihiyong Kristiyanismo at marami pang iba.
|
Ang mga Kristiyano ay tinutuligsa din sa kasalukuyang panahon sa pagiging laban sa agham gaya ng pagtutol sa ebolusyon , sa pagsasaliksik ng stem - cell , paggamit ng kontraseptibo at marami pang iba.
|
Tinutuligsan rin ng mga kritiko ang pag - aasal ng mga Kristiyano ng pagiging arogante , mapanghatol , panatiko , hindi magpaparaan sa iba ( intolerant ) , pagkakaroon ng pagtingin sa kanilang sarili na sila lang ang tama o banal ( self - rigtheous ) , pagkakaroon ng poot sa ibang tao na may ibang paniniwala ( bigot ) , kapaimbabawan ( hipocrisy ).
|
Binabatikos din ang mga sekta ng Kristiyano dahil sa pamumwersa at pagpipilit ng kanilang mga paniniwala sa ibang mga mamamayan ( na hindi Kristiyano ) sa isang bansa sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas ng bansa na tanging umaayon sa kanilang paniniwala o pananakot sa mga politikong hindi sumusuporta sa kanilang itinataguyod o kinokontrang panukalang batas.
|
Bukod dito , ang mga sektang Kristiyano ay kilala rin sa panghihimasok sa politika ng isang bansa gaya ng Pilipinas kahit ang mga relihiyong ito ay hindi nagbabayad ng buwis at may separasyon ng estado at relihiyon sa konstitusyon ng Pilipinas.At ang Taong nagagalang Legaspi ay lahad ng kristyanismo dito sa pilipinas.
|
Mikel Balenziaga
|
Si Mikel Balenziaga Oruesagasti ( ipinanganak noong 29 ng Pebrero ng 1988 ) ay isang putbolista propesyonal espanyol na gumaganap para Athletic Bilbao bilang kaliwa likod.
|
Akasya
|
Subsets and Splits
No community queries yet
The top public SQL queries from the community will appear here once available.