text
stringlengths
0
7.5k
Natakot si Constantino na ang kawalang pagkakaisa ay magpagalit sa diyos at humantong sa mga problema sa imperyo.
Dahil dito , siya ay nagsagawa ng mga kautusang militar at panghukuman upang lipulin ang ilang mga sekta ng Kristiyanismo.
Upang lutasin ang ibang mga alitan , si Constantino ay nagsimula ng kasanayan na tumatawag sa mga konsehong ekumenikal upang matukoy ang mga nagtataling interpretasyon ng doktrina ng Kristiyanismo.
Pinagtibay sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE ang pananaw ng ilang mga obispo na si Hesus na Anak ay isang tunay na Diyos mula sa Tunay na Diyos , ipinanganak at hindi nilalang , at nang isang substansiya o kaparehong substansiya sa Ama ( homoousios sa Griyego ).
Kinondena ng Unang Konseho ng Nicaea ang mga katuruan ng heterodoksong teologong si Arius na may suporta ng ilang mga obispo na ang Anak ay nilikhang nilalang ng Ama , mas mababa sa Diyos Ama , may pasimula at hindi kapwa walang hanggan sa Ama at ang Ama at Anak ay ng isang katulad na substansiya ( homoiousios ) ngunit hindi ng kaparehong substansiya.
Kabilang sa mga talatang ginamit ni Arius upang suportahan ang kanyang pananaw ang Juan 14 : 28 , Colosas 1 : 15 , Kawikaan 8 : 22 ( Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa ) at iba pa.
Sa tinatayang mga 250 - 318 Kristiyano na dumalo , ang lahat maliban sa 2 ang bumoto laban sa pananaw ni Arius.
Si Atanasio na kalahok sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE ay nagsaad na napilitang gumamit ang mga obispo ng terminolohiyang homoousios na hindi matatagpuan sa kasulatan dahil ang mga pariralang biblikal na kanilang nais gamitin ay inangkin ng mga Ariano na mapapakahulugan sa itinuring ng mga obispong isang kahulugang eretiko.
Dahil dito , " kanilang sinunggaban ang wala sa kasulatan na katagang homoousios ( parehong substansiya ) upang ingatan ang mahalagang ugnayan ng Anak sa Ama na itinanggi ni Arius ".
Sa Unang konseho ng Nicaea , si Eusebio ng Caesarea ay nagmungkahi ng isang kredong kompromiso na ang Anak ay " Diyos ng DIyos , ang unang ipinanganak sa lahat ng mga nilalang , ang bugtong ng Ama bago ang lahat ng panahon ".
Ang mga obispong anti - Ariano ay umayon dito at kahit ang mga Ariano ngunit ang partido ni Alejandro ang malakas na tumutol dito.
Sa pang - uudyok ni Hosius , iminungkahi ni Emperador Constantino I sa Unang Konseho ng Nicaea na ipasok ang katagang homoousios ( parehong substansiya ) sa Kredong Niceno ngunit ito ay hindi inayunan ng mga Ariano na nagmungkahi ng katagang homoiousios ( katulad na substansiya ).
Si Hosius na pinakamalapit na tagapayo at kompidante ng Emperador Constantino I sa lahat ng mga bagay na pangsimbahan ay maaaring nagtulak sa konseho na tanggapin ang homoousios.
Sa karagdagan , itinuro ni Atanasio ang pagkatha ng kredong Niceno kay Hosius.
Ang kontrobersiya ay hindi nagtapos dito at maraming mga kleriko sa Silangan Kristiyanismo ay tumakwil sa terminong homoousios ( parehong substansiya ) dahil sa mas maagang pagkondena ng ilang Kristiyano sa paggamit nito ni Pablo ng Samosata.
Sa karagdagan , ang relihiyong Arianismo ay yumabong sa labas ng imperyo Romano.
Pinaniniwalaang ipinatapon ni Constantino I ang mga tumangging tumanggap sa Kredong Niceno kabilang ang mismong si Arius , ang deakonong si Euzois at ang mga obispong Libyano na sina Theonas ng Marmarica at Secundus ng Ptolemais gayundin ang mga obispong lumagda sa kredong Niceno ngunit tumangging sumali sa pagkokondena kina Arius , Eusebio ng Nicomedia at Theognis ng Nicaea.
Inutos rin ni Constantino I na sunugin ang lahat ng mga kopya ng Thalia na aklat na pinaghayagan ni Arius ng kanyang mga katuruan.
Noong 331 CE , kinomisyon ni Constantino I si Eusebio ng Caesarea na maghatid ng 50 bibliya para sa Simabahn ng Constantinople.
Itinala ni Atanasio na ang mga 40 skribang Alehandriyano ay naghanda ng mga bibliya para kay Constans.
Pinaniniwalaang ang mga bibliyang inutos ni emperador Constantino ang naging dahilan upang likhain ang mga kanon.
Bagaman nakatuon si Constantino I sa pagpapanatili ng Kredong Niseno , si Constantino ay naging determinado na papayapain ang sitwasyon at kalaunan ay naging mas maluwag sa mga kinondena at ipinatapon ng Unang Konseho ng Nicaea.
Pinayagan ni Constantino I si Eusebio ng Nicomedia na protege ng kanyang kapatid na babae at si Theognis na bumalik matapos lumagda ng isang hindi malinaw na pahayag.
Ang dalawang ito at ibang mga kaibigan ni Arius ay gumawa para sa rehabilitasyon ni Arius.
Sa Unang Synod ng Tyre noong 335 CE , sila ay nagdala ng mga akusasyon laban kay Atanasio na obispo ng Alehandriya at tagapagtaguyod ng pananampalatayang Niseno.
Si Atanasio ay ipinatapon ni Constantino na tumuring sa kanyang isang hadlang sa pakikipagkasunduan.
Kalaunan ay naakay si Dakilang Constantino I sa Arianismo at binautismuhan ng obispong Ariano na si Eusebio ng Nicomedia noong 2 Mayo 337 CE bago mamatay si Constantino.
Si Eusebio ng Nicomedia ay napakaimpluwensiyal sa Imperyo kahit pagkatapos ng kanyang kamatayan na pinakinggan ni anak ni Constantino na si Emperador Constantius II ang kanyang payo at ni Eudoxus ng Constantinople na tangkaing akayin ang Imperyo Romano sa Arianismo sa pamamagitan ng paglikha ng mga Konsehong Ariano at opisyal na mga doktrinang Ariano.
Dahil kay Eusebio ng Nicomedia na " Sa kabuuan , si Constantino at ang kanyang mga kahalili sa trono ay gumawang miserable sa mga pinuno ng Simbahan na naniwala sa Niseno at sa pormulang Trinitariano nito.
" Si Constantino I ay namatay noong 337 CE na nag - iwan sa kanyang anak na si Constantius II na pumabor sa Arianismo bilang emperador ng Silangang Imperyo Romano at ang isa pang anak ni Constantino I na si Constans na pumabor naman sa Kredong Niseno bilang emperador ng Kanlurang Imperyo Romano.
Ang isang konseho sa Antioquia noong 341 CE ay naglabas ng isang pagpapatibay ng pananampalataya na hindi nagsama ng sugnay na homoousion ( ng parehong substansiya ).
Si Constantius na nakatira sa Sirmium ay nagtipon ng Unang Konseho ng Sirmium noong 347 CE.
Ito ay sumalungat kay Photinus na obispo ng Sirmium na isang Anti - Ariano na may paniniwalang katulad kay Macellus.
Noong 350 CE , si Constantius ang naging tanging emperador ng parehong Silangan at Kanluran ng Imperyo na naging dahilan ng isang temporaryong paglakas ng Arianismo.
Sa Ikalawang Konseho ng Sirmium noong 351 CE , si Basil na obispo ng Ancyra at pinuno ng mga semi - Ariano ay nagpatalsik kay Photinus.
Ang mga semi - Ariano ay naniwala na ang Anak ay " ng katulad na substansiya " ( homoiousios ) sa Ama.
Ang mga konseho ay idinaos sa Arles noong 353 CE at Milan noong 355 CE kung saan kinondena ang pro - Nicenong si Atanasio.
Noong 356 CE , si Atanasio ay ipinatapon at si George ay hinirang na obispo ng Simbahan ng Alehandriya.
Ang Ikatlong Konseho ng Sirmium noong 357 CE ay isang mataas na punto ng Arianismo.
Ang Ikapitong Konpesyong Ariano ( Ikalawang konpesyong Sirmium ) ay nagsaad na ang parehong homoousio ( ng parehong isang substansiya ) at homoiousios ( ng katulad ngunit hindi parehong substansiya ) ay hindi biblikal at ang Ama ay mas dakila sa Anak.
Ang isang konseho sa Ancyra noong 358 CE na pinangasiwaan ni Basil ay naglabas ng isang pahayag na gumagamit ng terminong homoousios.
Gayunpaman , ang ikaapat na Konseho ng Sirmium noong 358 ay nagmungkahi ng isang malabong kompromiso na ang Anak ay homoios ( katulad na substansiya ) ng Ama.
Sa dalawang mga konseho noong 359 CE sa Rimini at Seleucia ay tinangka ni Constantius na ipataw ang pormulang homoios ng Sirmium IV sa Simbahang Kristiyano.
Ang Konseho ng Constantinople noong 360 CE ay sumuporta sa isang kompromiso na pumapayag sa parehong magkatunggaling pananaw na Niceno at Arianismo.
Ang isang konseho sa Constantinople noong 361 CE ay nagpatibay ng homoios ( katulad sa substansiya ) na nagsasaad na ang Anak ay " katulad ng Ama na nagpanganak sa kaniya ".
Itinakwil din nito ang ousia ( substansiya ).
Gayunpaman , sa kamatayan ni Constantius noong 361 CE , ang partidong Niceno na nagpatibay ng homoosuios ( ng parehas na substansiya ) ay nagpalakas ng posisyon nito.
Sa kamatayan ni Athanasio noong 373 CE , ang mga mga amang Capadocio ay nanguna sa pagsuporta ng pananampalatayang Niceno.
Sa kanyang pamumuno , kailangang komprontahin ni Emperador Valens ang pagkakaiba sa mga teolohiya ng Kristiyanismo na nagsisimulang lumikha ng pagkakahati sa Imperyo.
Tinangka ni Emperador Julian ( 361 - 363 ) na muling buhayin ang mga relihiyong pagano.
Gayunpaman , sa kabila ng malawak na suporta , ang kanyang aksiyon ay nakitang malabis at bago mamatay ay kinamuhian.
Tulad ng mga magkapatid na mga Emperador na si Constantius II at Constans , sina Emperador Valens at Valentinian I ay nag - aangkin ng magkaibang mga pananaw teolohikal.
Si Valens ay isang Ariano samantalang si Valentinian I ay naniwala sa Kredong Niceno.
Pinaboran ni Valens ang pangkat na gumamit ng pormulang homoios na teolohiyang kilala sa karamihan ng Silangan at sa ilalim ng mga anak ni Constantino ay tumibay sa Kanluran.
Gayunpaman , nang mamatay si Valens , ang sanhi ng Arianismo sa Romanong Silangan ay nagwakas.
Noong 380 CE , ang Kristiyanismong Niceno bilang pagsalungat sa Arianismo ay naging opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano.
Itinaguyod ng kanyang kahaliling emperador na si Theodosius I ang Kredong Niceno na interpretasyon na pinaniniwalaan ng Simbahan sa Roma at Simbahan sa Alehandriya.
Noong 27 Pebrero 380 CE , sina Theodosius I , Gratian at Valentinian II ay naglimbag ng " Kautusan ng Tesalonica " upang ang ihayag ng lahat ng kanilang mga nasasakupan ang pananampalataya ng mga obispo ng Roma na si Papa Damaso I at ng papa ng Simbahan ng Alehandriya na si Papa Pedro II ng Alehandriya na pananampalatayang Niceno.
Kanyang binigyan ng pinahintulutan ang mga tagasunod ng kautusang ito na kunin ang pamagat na " Katolikong Kristiyano ".
Ang Kautusang ito ay inilbasa sa ilalim ng impluwensiya ni Acholius at kaya ay ni Papa Damaso I na humirang sa kanya.
Si Acholius ang obispo ng Tesalonika na nagbautismo kay Theodosius I pagkatapos nitong magkaroon ng malalang sakit.
Noong 26 Nobyembre 380 CE , dalawang araw pagkatapos niyang makarating sa Constantinople , kanyang pinatalsik ang obispong hindi - Niceno na si Demophilus ng Constantinople at hinirang si Meletius patriarka ng Antioch at Gregorio ng Nazianzus na isa sa mga mga amang Capadocio , patriarka ng Constantinople.
Noong Mayo 381 CE , hinimok ni Theodosius ang isang bagong konsehong ekumenikal sa Constantinople upang kumpunihin ang pagkakahati sa pagitan ng Silangan at Kanluran sa batayan ng ortodoksiyang Niceno.
Inilarawan ng konseho ang ortodoksiya kabilang ang misteryosong Ikatlong Persona ng Trinidad , na Banal na Espirito na bagaman katumbas ng Ama ay nagmula sa kanya samantalang ang Anak ay ipinanganak ng Ama.
Hanggang noong mga 360 CE , ang mga debateng teolohikal ay pangunahing nauukol sa pagkadiyos ng Anak.
Gayunpaman , dahil hindi nilinaw sa Unang Konseho ng Nicaea ( 325 CE ) ang pagkadiyos ng Banal na Espirito , ito ay patuloy na naging paksa ng debate sa pagitan ng mga pangkat Kristiyano.
Ang paniniwala ng sektang Pneumatomachi na ang Banal na Espirito ay isang nilalang ng Anak at lingkod ng Ama at Anak ay nagtulak sa Unang Konseho ng Constantinople ( 381 CE ) na tinipon ni Theodosius I na idagdag sa Kredong Niseno ang , " At sa Banal na Multo , ang Panginoon , ang Tagabigay ng Buhay , Na nagmumula sa Ama , na kasama ng Ama at Anak ay katumbas na sinasamba at niluluwalhati ... " Kinondena rin ng Konsehong ito ( 381 CE ) ang mga paniniwalang Kristiyano na Arianismo , Apollinarismo at Pneumatomachi at niliwanag ang mga hurisdiksiyon ng simbahang estado ng Imperyo Romano ayon sa mga hangganang sibil at nagpasya na ang Constantinople ay ikalawa sa karapatan sa pangunguna sa Roma.
Noong 383 CE , iniutos ni Theodosius I sa iba 't ibang mga hindi - Nicenong sektang Kristiyano na Arianismo , Anomoeanismo , Macedoniano at Novatian na magsumite ng isinulat na mga kredo sa kanya na kanyang siniyasat at pagkatapos ay sinunog maliban sa kredo ng mga Novatian.
Ang ibang mga sekta ay nawalan ng karapatan na magpulong , mag - ordina ng mga pari nito at ikalat ang kanilang mga paniniwala.
Ipinagbawal ni Theodosius I ang pagtira ng mga eretiko sa loob ng Constantinople at noong 392 CE at 394 CE ay sinamsam ang kanilang mga lugar ng sambahan .. Ang Ikatlong Konsehong Ekumenikal na Unang Konseho ng Efeso ( 431 CE ) ay muling nagpatibay ng orihinal na bersiyon ng Kredong Niceno ( 325 CE ) at idineklara na " hindi nararapat para sa anumang tao na magsulong o sumulat o lumikha ng isang eteran ( na isinaling " iba " , " kasalungat " at hindi " iba pa " ) na Pananampalataya na itinatag ng mga banal na ama na nagtipon kasama ng Banal na Multo sa Nicaea ( i.e. Kredong Niceno noong 325 CE ) ".
Ang ilang mga modernong skolar ay naniniwalang ang kredong Niceno ng 381 CE ay isinaad ng mga obispo sa Constantinople ngunit hindi prinomulga bilang isang opisyal na akto sa Konseho.
Ang ilang mga skolar ay tumututol rin kung ang Kredong Niceno ng 381 CE ay isang simpleng pagpapalawig ng Kredong Nicseno ng 325 CE o ng isang tradisyonal na kredo na kapareho ngunit hindi katulad ng kredong Niceno ng 325 CE.
Noong 451 CE , tinukoy ng Konseho ng Chalcedon ang Kredong Niseno ng 381 CE bilang " ang kredo ... ng 150 banal na mga amang nagtipon sa Constantinople.
".
Ang pag - uusig ng mga Kristiyano sa paganismo sa ilalim ni Theodosius I ay nagsimula noong 381 CE pagkatapos ng unang ilang taon ng kanyang pamumuno sa Silangang Imperyo Romano.
Noong 380 , inulit ni Theodosius I ang pagbabawal ni Constantino sa paghahandog na pagano , ipinagbawal ang haruspicy sa parusa ng kamatayan , pinangunahan ang kriminalisasyon ng mga Mahistrado na hindi nagpapatupad ng mga batas na anti - pagano , winasak ang mga ugnayang pagano at winasak ang mga templong pagano.
Sa pagitan ng 389 - 391 , kanyang inihayag ang mga atas na Theodosian na nagbabawal ng paganismo.
Siya ay nag - atas ng komprehensihibong batas na nagbabawal sa anumang paganong ritwal kahit sa pribasiya ng tahanan ng mga ito at umapi sa mga Manichean.
Ang paganismo ay pinagbabawal na , isang " religio illicita.
" Noong 385 , ang bagong legal na autoridad na ito ng nananaig na bersiyon ng Kristiyanismo ay humantong sa unang paggamit ng parusang kamatayan na inihahayag bilang sentensiya sa eretikong Kristiyanong si Priscillian.
Sa panahong ito , ang kasalukuyang bersiyon kanon ng katoliko ng bibliya ay unang opisyal na inilatag sa mga konseho ng simbahan at synod.
Bago ang mga konsehong ito , ang iba 't ibang mga pangkat Kristiyano ay may kanya kanyang pinaniniwalaang kanon.
Si Marcion ng Sinope na isang obispong Kristiyano ng Asya menor na tumungo sa Roma at kalaunang itiniwalag ng kanyang mga kalabang Kristiyano para sa kanyang mga pananaw ang pinaniniwalaan na kauna - unahang Kristiyano na nagmungkahi ng isang depinitibo , eksklusibo , at isang kanon ng mga kasulatang Kristiyano na kanyang tinipon sa pagitan nang 130 - 140 CE.
Kanyang itinakwil ang ibang mga ebanghelyo maliban sa kanyang bersiyon ng Ebanghelyo ni Lucas at 10 sa kanyang bersiyon ng mga sulat ni Pablo at hindi kasama ang 1 Timoteo , 2 Timoteo , Tito at Sulat sa mga Hebreo.
Ang mga sektang Kristiyanong gaya ng mga Ebionita at iba pa ay tumakwil sa lahat ng mga sulat ni Pablo at tumuring kay Apostol Pablo na isang impostor na apostol.
Ang isang sekta ng Kristiyanismo noong ca.
170 CE na tinawag ng kanilang kalaban na si Epiphanius ng Salamis na alogi ay tumakwil sa Ebanghelyo ni Juan ( at posibleng ang Aklat ng Pahayag at mga sulat ni Juan ) bilang hindi apostoliko at itinuro ng sektang ito ang ebanghelyo ni Juan na isinulat ng gnostikong si Cerinthus.
Si Cerinthus ay tumanggap lamang sa isang ebanghelyo na Ebanghelyo ni Mateo.
Ang isang apat na ebanghelyong kanon ( Tetramorph ) ay unang isinulong ni Irenaeus noong c.
180 CE.
Si Ireneaus rin ang kauna - unahang Kristiyano na nagbanggit ng apat na ebanghelyo sa mga pangalan na Mateo , Marcos , Lucas at Juan.
Sa kanyang akdang Adversus Haereses , kinondena ni Irenaeus ang mga sinaunang pangkat na sekta ng Kristiyanismo na gumamit lamang ng isang ebanghelyo gaya ng Marcionismo ( na gumamit lamang ng Ebanghelyo ni Lucas ) o mga Ebionita na tila gumamit ng isang bersiyong Aramaiko ng Ebanghelyo ni Mateo gayundin ang ilang mga pangkat na gumamit ng higit sa apat na mga ebanghelyo gaya ng mga Valentinian ( A.H.
1.11 ).
Ang dahilang ibinigay ni Irenaeus sa kanyang pagtanggap ng 4 na ebanghelyo ay , " hindi posibleng may higit o kakaunti sa apat na ebanghelyo " dahil ang daigdig ay may apat na sulok at apat na hangin ( 3.11.8 ).
Ang may akda ng Pragmentong Muratorian na ipinagpapalagay na isinulat noong ca.
170 CE dahil sa pagbanggit sa Obispo ng Roma na si Papa Pio I ( bagaman ang ilan ay naniniwalang isinulat ito noong ika - 4 siglo CE ) ay nagtala ng karamihan ngunit hindi lahat ng mga aklat ng naging 27 aklat ng bagong tipan.
Hindi binanggit sa Pragmentong Muratorian ang Sulat sa mga Hebreo , Unang Sulat ni Pedro , Ikalawang Sulat ni Pedro , Sulat ni Santiago at tumakwil sa mga liham na inangking isinulat ni Apostol Pablo na Sulat sa mga taga - Laodicea at Sulat sa mga taga - Alehandriyano na isinaad ng pagramentong Muratorian na " pineke sa pangalan ni Pablo upang isulong ang erehiya ni Marcion.
" Ilan sa mga kasamang " kinasihang kasulatan " para kay Origen ang " Sulat ni Barnabas , Pastol ni Hermas at 1 Clemente " ngunit ang mga aklat na ito ay inalis ni Eusebio ng Caesarea.
Ang mga mga aklat na ito ay tinawag ni Eusebio ng Caesarea na " antilegomena " o mga tinutulang aklat.
Kabilang din sa antilegomena ang Santiago , Judas , 2 Pedro , 2 at 3 Juan , Apocalipsis ni Juan , Apocalipsis ni Pedro , Didache , Ebanghelyo ayon sa mga Hebreo , Mga Gawa ni Pablo.